April Beatrice Barasque
"Ang daya daya talaga!" sabi ko sa kanila nang matapos kaming mag-laro at nakapagbihis na.
Buong maghapon yata kaming naglaro ng beach volleyball. Ang itim na namin! Pero ang daya naman kasi nila. Lagi nilang pinapapunta yung bola sa akin.
"Aril di mo ba talaga kilala yung gwapo kahapon?" tanong ni Keith sa akin.
"Yung mas gwapo pa sa artista," kumikinang pa talaga ang mata ni Kimmy nang tinanong nya.
Naka-shorts lang ako ngayon at saka puti na shirt. Yung tinutukoy nilang Kuya kahapon, malay ko roon. Di ko sya matandaan.
"Hindi ko siya kilala," sagot ko sa kanilang dalawa. "Alis muna ako," paalam ko pa.
Saka na ako lumabas sa kwarto namin. Naglakad lakad na muna ako. Five thirty na ng hapon. Pamaya maya niyan lulubog na ang araw. Umupo ako sa may dalampasigan. Hihintayin ko'ng lumubog ang araw. Pero mas maganda sana kung may kasama ako. Dapat pala yata naisama ko silang dalawa o kaya naman si Rex. Kaso wag na. Baka pagbalik namin lumubog na ang araw. Ang babagal pa naman nila kumilos.
Nag-drawing nalang ako ng kung anu-ano sa buhangin nang mapansin ko'ng may umupo sa tabi ko. Napatingin ako sa lalaking umupo. Sya yung mayabang kahapon.
"Hoy babaeng kuneho"
Babaeng kuneho? Tumingin ako sa paligid. Wala namang nakasuot ng bunny costume. Baka naman nagkakamali lang si kuya. Tatayo na sana ako kaso tinawag nya ako
"Aril."
Napatingin ako sa kanya.
"Wag ka na ngang magkunwaring 'di mo ako kilala."
Tumingin lang ulit ako ng diretso. Kulay orange na ang kalangitan. Medyo tumataas na rin ang alon ng dagat. Ang mga tao naman sa paligid ay nagkakasiyahan lang.
"Hindi naman talaga kita kilala."
Pero paano nga ba nya ako nakilala?
"Neh kuya, nakilala mo ba ako kasi di'ba sabi mo kahapon kaibigan mo ang mga kuya ko? Pero bakit hindi kita kilala?" tanong ko sa kanya.
"Aril 'di na to nakakatuwa," may pagbabanta sa boses nya.
"Mas lalong hindi ako natutuwa. Kasi hindi nga kita kilala tapos ipipilit mo sa akin na kilala kita," diretso pa rin ang tingin ko sa palubog na araw.
Hinawakan nya yung mukha ko at iniharap sa kanya. "Itong gwapong mukha ko'ng ito nakalimutan mo? Dalawang taon lang ako nawala nakalimutan mo na ako?"
Hawak hawak pa rin nya ang mukha ko. Pinipilit ko syang maalala pero hindi talaga eh. Di ko talaga sya kilala.
"N-Nakakatakot ka na ah! H-Hindi nga kasi kita kilala!" saka ko pa tinanggal yung mga kamay nya sa mukha ko. Nakakainis.
"Red Dela Cruz," sabi nya.
"Oh tapos?" tanong ko.
"Ang labo," napakamot nalang sya sa ulo at humarap na lang sa dagat.
Nakatitig lang ako sa kanya. Ang lungkot nya. Baka naman pinagtitripan nya lang ako? Pwede naman kasing nakita nya ang picture ko dahil kina kuya? Ah tama baka pinagtritripan lang ako nito.
"Kuya," tawag ko sa kanya.
"Kuya?" narinig kong bulong nya.
"Hwag ka nang malungkot dyan." Ang lungkot kasi nya para syang may problema. Hindi naman sya ganyan kahapon nang una ko syang nakita. Ang taas taas ng confidence nya nang una ko syang makita.
"Kung talaga ngang kilala kita," napahinto ako sa pagsasalita kasi bigla syang humarap. "K-Kung totoo ngang kilala kita, siguro naman kung mahalaga ka sa akin maaalala kita," nakangiti kong sabi sa kanya saka ako tumayo at muling nagsalita. "O baka naman kasi isang beses lang kita nakita kaya hindi kita maalala. Haay ewan."