webnovel

Chapter 18 Stranger

Natanggap agad ako sa inaaplayan kong trabaho bilang kahera ng isang branded boutique sa mall sa probinsya namin....

Masaya ako sa takbo ng buhay ko, busy ako araw araw, natoun ang boung atensyon ko sa trabaho, dahil nasa mall kami, expected ang napakaraming tao lagi, nakalimutan ko na nga si zack.. hindi ko na siya naiisip pa

Buwan ang lumipas, nag eenjoy na ako sa trabaho ko, palagi naman akong binibisita ni kei sa work place ko pag wala syang pasok sa school...

Isang araw, may babaeng nagpatulong sakin sa pamimili ng isosout nyang damit para sa binyag ng apo ng mayor.. Nagkukwento sya ng nagkukwento tungkol sa family nya, business nila at sa mga anak nya... May anak akong lalaki, medyo playboy, ipapakilala kita sa kanya.. iadd mo na lang sya sa fb.. ah ok po

since regular customer namin sya at mabait naman, naisip kong wala naman sigurong masama kung makikipagkaibigan ako sa anak nya

Breaktime namin kaya nag online na muna ako,

binuksan ko ang mga messages, wala namang bago, nagpasya akong mag offline nalang ulit

may nakita akong bagong notification, may nag add sakin

Shion Fernandez

Inistalk ko ang timeline nito, kumpirmado, eto nga ang anak ng customer namin

Inaccept ko sya at nag log out na

Kinagabihan pag uwi ko, may natanggap akong message

Hi, pwede ba makipag friend?

Unknown number , kaya di ko na

nireplayan

Nag check ako ng message sa fb, nakita kong na message si shion

binuksan ko ito at binasa

Hello, pwede bang makipag kaibigan, hindi ka kasi nagrereply sa text ko

Ah, ikaw ba iyong nag text? sorry di kasi ako nag eentertain ng mga di ko kakilala

Kaya nga po ako nagpapakilala

kita tayo bukas, punta ako sa work mo

Ah , ok sige

Nag offline na ulit ako at natulog

..........

kinabukasan, nagpunta sa store namin si shion

Nag usap kami saglit at nagkapalagayan ng loob...

Palagi na kaming nagkaka chat, text at tawag hanggang sa niligawan nya ako...

Gusto ko na sya, kaya naman pinayagan ko syang manligaw...

Mabait, masipag, tahimik din katulad ko, at mahilig sa libro, arts, history at mythology si shion

Madami kaming pagkakapareho, inisip ko na baka sya na talaga ang soulmate ko.. huminge ako ng signs

Kung sino man ang unang lalaking makita ko sa panahong maaraw habang umuulan... siya ang soulmate ko....

Isang hapon, lumabas kami ni shion at naglakad-lakad sa parke, habang nag uusap biglang bumuhos ang ulan... naghahanap kami ng masisilungan

Tara, silong muna tayo dito..

Okay, sige.. mukhang lalakas pa ang ulan

wala pa naman akong dalang payong, sabi ko sa kanya

Okay lang yan, hindi naman yan magtatagal, mayamaya lang nyan, aaraw na ulit...

Makalipas ang ilang minuto, humina. ang ulan at ambon nalang, biglang umaraw.... naalala ko ang signs na hininge ko

Napalingon ako kay shion, sya ang unang lalaking nakita ko habang umuulan at umaaraw

Siya nga ba talaga ang soulmate ko?

Matagal tagal nadin syang nanliligaw...

Shion, Oo

anong Oo?

Oo, sinasagot na kita.

Talaga??? Yesssss... Girlfriend na din kita sa wakas

Sobrang saya ko Hanah... thank you

..........