webnovel

Chapter 17 Make over

Nag hahanda na ako ng makakain, ako na lang kasi ang hindi pa nag di-dinner.. Kumain na silang lahat

Anung gagawin mo? tanong ni ate hazel

kakain po... maikling sagot ko

Mamaya na yan, halika muna dito at babawasan ko yang kilay mo

Lumapit na ako para matapos na, nagugutom na kasi ako at alam kong kukulitin lang nya ako sa pag aahit na yan

........

.............

Tapos na.. ayan, kahit hindi mo na drawingan...

Sinakto ko lang talaga ang kapal at shape nya, nakangiting sabi nito

Buti pa doon ka sa bahay mag sleep over ngayon, andami ko kasing mga damit na binili, hindi ko naman nasosout kasi ang liliit, tumaba ako ngayon ng doble sa dati, ibibigay ko nalang sayo lahat ng kasya at magustuhan mo... para naman hindi puro t-shirt ang sout mo...

Tapos iyong pantalon pa nyan hazel,, iyong sinaunang parang si elvis presley... dugtong naman ni tito habang tumatawa

Hindi naman po iyon pang elvis presley, pagdedepensa ko, elepante lang talaga

Ay, basta... sumama ka ngayon sakin

Bibigyan kita ng mga make up na angkop sa edad mo, diba mag aapply ka?

walang tatanggap sayo na ganyan itsura mo, kahit nasa probinsya tayo, fashionista na mga tao dito at sabay sa trend

ikaw na lang ang manang na natitira sa edad mo

mahabang litanya ni ate hazel...

Sige na nga po.. pag sang ayon ko nalang

pero hindi po ako marunong...hirit ko ulit baka sakaling mag bago isip ni ate hazel

Tuturuan kita, magaling ako sa ganyan, Bukod sa pagiging Doctor nag frelance model din si ate hazel , dealer ng mga make up at may sariling boutique kaya magaling talaga ito sa fashion

Pagkatapos kong kumain, Pumunta na kami sa bahay nila ate hazel, Nilabas nya ang sandamakmak na damit..

sobrang hilig din kasi nito sa damit, bag, sapatos...

Mamili ka na dyan ng lahat ng magustuhan mo at kasya sayo, susunod naman sa bag at sapatos

para kang tomboy sa rubber shoes..

ang laki laki ng back pack mo, parang magcacamping lagi...

Hindi ka ba binubully ng mga kaibigan mo? tanong nito

Hahahahaha... tumawa nalang ako

Madami akong napiling damit, magaganda ang mga ito, may mga croptop din syang damit na pilit binibigay sakin... mas maganda daw yun kasi uso ang croptop sa probinsya namin

korean bag naman ang napili ko, isang doctors bag at korean mini backpack... Doll shoes at sandals lang ang kaya kong isout bukod sa rubber shoes...

Pinilit ako ni ate hazel na magsuot ng heels.. dahil sa payat at matangkad ako, magmukha akong poste pag nag heels pa ako

Ayan.. sa make up naman tayo, binigyan nya ako ng make up set at korean lip tints

Gamitin mo lahat ng bigay ko sayo ah, baka itago mo lang at itambak yan.. pupunta ako lagi kela mama, titignan ko kung ginagamit mo talaga ang mga yan at hindi yung luma mong porma ...

Opo, gagamitin ko po, Boutique din naman po ang pina plano kong applayan , kailangan talaga naka ayos at fashionista ka para na meet ang company standards nila... Bukas na bukas po pag apply ko, isa sa mga ito ang sosoutin ko

Eto pa nga pala ang conditioner at shampoo, tapos live on.. gamitin mo yan lagi... bibigyan na din kita ng doctors comb para shiny at healthy ang buhok mo

Healthy naman po ang buhok ko ah

Di nga lang nagsusuklay lagi .. hahahaha

natatawang sabi ko

........

..................

Kinabukasan, pinili kong isout ang croptop na may burda at highwaist pants, gold na kulay ng sandals... naglagay din ako ng make up

Napatitig ako sa salamin, parang hindi ako

ibang iba ang itsura ko.. talagang ganon pala ang epekto ng makapal kong kilay, lakas makapanget

Paalis na ako ng bahay, ng maalala kong sasamahan pala ako ni kei, kinuha ko agad ang cellphone at tinext sya kung saan kami magkikita

Beep ,beep

1 message receive...

galing kay kei

Asan kana? andito na ako

Nireplayan ko ito, wait lang andito pa ako sa cr, wait mo nalang ako sa may entrance ng mall baka magsasalisihan lang tayo

Ok ,cge

after 5 mins...

Kei, san ka?

andito na ako sa entrance

Nandito ako sa gilid, nakaupo

hindi na ako nagreply pa, natatanaw ko na kasi siya... plano ko syang gulatin, nakatalikod kasi sya sakin....

Hoyyyy, sabay tulak sa kanya

Ay kabayo!!!!!!! gulat na sigaw nya

Hanah naman e, sabi nya habang papalingon sakin...

Sorry na, hindi kana mabiro.. natatawang sabi ko

Nakaawang ang mga labing nakatitig sya sa akin,

...... katahimikan...

Oh? bakit?

para kang nakakita ng multo dyan

Wala, agad bawi nya ng tingin at sumeryoso ang mukha..

Tara na nga, pagmamadali nito sakin

Gusto ko syang biruin tulad ng dati,...

sus, nagagandahan ka lang sakin...

Hahahahaha diba nga parati mong sinasabi every time sasali ako ng mga events at naka make up,

na mukha akong anghel at pinakamagandang babae sa lugar natin .. Hahahahahaha

Pang aasar ko sa kanya,

tumingin sya sakin.. Oo

eh, ano naman? bukod sa mama ko, Ikaw naman talaga ang pinakamagandang babae para sakin...

Natameme ako sa reaksyon nya, mukhang ako yata ang nadali sa mga biro ko

Hindi na sya iyong kei na tatakbo na lang at iiyak every time na aasarin ko... that kei of 5 yrs ago