webnovel

Chapter 12 Pag amin

Hi zack....

Congrats pala :) text ko sa kanya

6 hours nadin ang nakalipas, nakauwi na ako ng bahay, nakatingin ako sa cellphone ko, hindi parin nagrereply si zack... nagpasya na akong matulog

bzzzz, bzzzz bzzzz... nag vibrate ang phone ko

may nagtext , si zack

Hello hanah, Sorry late reply, hindi nadin ako nakapunta ng library kanina, na busy ako sa faculty room, nag celebrate din kami ng pagkapanalo ko..

Salamat nga pala,

sa pagbati at sa lahat lahat

walang anuman, patay malisya kong reply sa kanya

Pinagdarasal ko na sana hindi nya alam na ang ginawa kong kampanya para sa kanya...

iniba nya na din ang topic, hindi na namin pag pinag usapan ang tungkol sa school at student council

Makalipas ang ilang buwan...

Hindi na kami madalas nagkikita sa library, busy ako sa ojt namin at busy din sya sa student council parehas kaming na busy, pero nagkakausap parin kami sa text, madalang na madalang lang ang mga pagkakataon na magkasalubong kami sa campus

Naging madalas ang pag uusap namin sa phone, tawag ,chat, text.. namimiss ko sya, hinahanap hanap ko ang presensya nya... pero dahil sa alam kong busy sya, ayokong abalahin sya

palihim ko syang sinusundan lagi at pinagmamasdan sa malayuan.. Masaya na ako na makita sya kahit sandali lang

Malapit na ang graduation namin, ilang linggo na lang, nalulungkot ako sa isiping iyon, pagka graduate ko baka hindi na kami magkita

Graduation practice namin, natutulala ako..

may batang kasama ang isa sa mga kaklase ko, sobrang cute nya, mahilig ako sa bata at stress reliver ko ang bawat tawa nito... tumayo ako nag simulang makipaglaro sa bata, naghabulan kami hanggang labas ng auditorium..

Ang hindi ko alam pinagmamasdan pala ako ni zack

8 pm na ng makauwi ako sa apartment

Tinignan ko ang phone ko kung may nag text

6 messages

lahat ng text galing kay zack

Hi hanah !!

breaktime ngayon kaya nakakapag text ako

binuksan ko ulit ang sumunod na text...

Ok ka lang?

natutulala ka yata

binuksan ko ulit ang mga sumunod pa

Malapit na graduation mo, Congrats

kumain ka ba ba?

Nakita nga pala kita kanina, may kalaro kang bata

ang saya saya mo, ang sarap mong pagmasdan.. hindi ko alam mahilig ka pala sa bata :)

Last message

Hanah, sana walang mag bago kahit grumaduate ka na... sana magkita pa tau

nireplyan ko sya...

Oo naman zack, walang magbabago

magkikita pa tayo, promise

Nagreply agad sya....

Hanah, I love you

Na shock ako sa nabasa ko, hindi ko alam kung ano ang irereply ko, ito ang mga katagang napakatagal ko ng inaasam na marinig mula sa kanya

Ang bilis ng tibok ng puso ko... para akong nakalutang pero bigla akong nakaramdam ng takot

Gusto kong mag reply ng i love you too, pero hindi ko maramdaman na yun ang gusto kong sabihin

Thank you, sa halip na nasabi ko

welcome, reply nya sakin

Nga pala, alam kong nagulat ka, ayokong sabihin sa text kaso wala na akong choice , ang ikli lang ng panahon ayoko magsisi...

Seryoso ako sa mga sinabi ko, punta ka bukas ng library sasabihin ko ulit yun sayo ng personal at may gusto pa akong sabihin sayo....

Kinabukasan pumunta nga ako sa library tulad ng sinabi nya, nakasalubong ko sya sa may pinto, nakangiti sya sakin..

Hi hanah

Hi zack

medyo awkward sa pakiramdam, nakatayo lang ako at inaantay syang magsalita, gusto kong marinig ng personal ang pag i love you tulad ng sinabi nya kagabi

nakatitig sya sakin, namagitan ang tahimik na sandali...

nakatitig lang din ako sa kanya, bigla syang ngumisi, tumonog nadin ang bell,,

Sige una na ako, paalam nya sakin

Naiwan akong tulala sa may pintuan ...

Ano yun??? pinapunta nya ako dito sa wala?

pinaglalaruan nya ba ako?

Padabog akong pumasok ng library, inis na sumalampak ako ng upo, inabot ko ang pinakamalapit na manga sa kinauupuan ko at nagsimulang magbasa...