webnovel

Chapter 7-(Cold and Mysterious)

"So nagustuhan ninyo ba lahat nung napuntahan natin?" tanung ni Kuya Fred sa kanila habang nakangiti silang tumatango, sumusunod lang sa kanila si Sethorne na kanina pa minamasdan ang bawat galaw ni Ran. Kanina pa tuloy nacoconscious si Ran.

"Ang susunod nating pupuntahan ay ang malinis naming gubat ngunit may parte itong dapat ay wag ninyong pupuntahan at lalapitan. Ipapakita namin sa inyo ngunit sa malayuan kasi nakakatakot doon. Sana lang ay huwag kayong gagawi pa sa banda roon." Turan ni kuya Fred habang nakaupo silang lahat sa may tabi ng ilog at kumakain ng kanilang tanghalian.

Nagkwekwentuhan silang lahat at kanina pa sila iniwanan ni kuya Fred upang kumuha ng kanilang iinuming tubig kasi naubusan sila. Sumama sina Mark at Sofan kaya sila nina Maha, Ramhil, Bri, Jovy at si Sethorne na napapatingin sa paligid ang naiwan na nagkwekwentuhan.

Nakikinig silang lahat sa kwento ni Ramhil nang mapatingin si Ran sa may taas ng ilog kung saan parang may isang maliit na falls, doon ay may nakita siyang babeng nakaputi at mataman na nakatingin sa kanila.....sa kanya.

Napakurap siya at ng ibinalik niya ang kanyang tingin doon ay nakita niyang yung puting damit nung babaeng may mahabang kulot na buhok ay may tinta ng pula sa kanyang bandang tiyan. Napatingin siya sa mukha nito at nakita niyang may bahid na mga pula ang mukha nito. Nanlamig siya at napayakap siya sa kanyang sarili.

"Please help me." Narinig niyang boses sa hangin.

"Maha may naririnig ka bang kakaiba?" naturan niya. Nakatingin pa sa babaeng nakatayo doon at puno ng dugo ang tiyan at nakatingin sa kanaya.

"RAN OY!" nabigla siya dahil sa biglang sumigaw si Maha at tinapik siya sa kanyang braso.

"EHH MAHA NAMAN EHH. Kailangan pa talagang sumigaw e isang pulgada lang ang layo natin ah. Kailangan ko na talaga ng remote para sa oras na lumakas yang volume mo eh e reremote control kita. Ang tinga ko po. Daig mo pang nakalunok ng mikropono ehh" napapatakip siya sa tinga. Binalik niya ang kanyang tingin doon sa babae at nakita niyang nawala na ito roon.

"Hmnnnnn ikaw kasi makapagbingi-bingihan ka daig mo pa ang dingding na hindi tumutugon. Tao ka pa ba tol?" nagmamaktol nitong turan, napatawa tuloy ang iba.

"Heh! mag-ayos-ayos ka, isa ka ng guro ngayon kaya look out ka sa salita mo ah. Well! Bagay mo naman talaga ang mag announcer, no need of microphone. Nag-announcer ka nalang sana kesa sa nagguro baka lalabas sa klassroom nila yung mga bata e bingi na sila." Turan niya at nagsitawanan sina Bri maliban kay Sethorne Vancove na mukhang tense na napapatingin sa paligid.

"HEH! WALANG HIYA, oo na ikaw na.....panalo ka na. May araw ka din sa akin." Ismid nito saka tumalikod. Natawa silang lahat habang nagpepeace sign siya rito.

Napapatawa ang kanilang mga kasama pwera nalang si Sethorne na mukhang daig pa ang namatayan sa pagkakaseryoso ng mukha na nakatingin sa kanila. Tanong n'ya lang, tao kaya ito?

"Guys may napapansin ba kayong kakaiba roon sa taas?" turan niyang tinuturo yung taas ng ilog na nagform na parang maliit na falls. Napatingin ang iba doon.

"Huh! wala naman ah, I think you're only imagining again. Geee Ran." Turan ni Maha sa kanya. Napatingin siya ulit sa parteng tinatayuan nung babae kanina.

"Anong oras na ba?" tanong niya.

"2:04 pm, why?" tanong ni Ramhil na napatingin sa cell phone nito.

"Ah nothing." Tanging nasabi niya.

"Sorry guys natagalan kami. So tuloy na natin ang paglilibot natin. Ngayon ay sa may gubat naman tayo." Napalingon silang lahat dahil sa narinig nila ang boses ni kuya Fred at nakita nila ang mga ito na palapit sa kanila na may kanya-kanyang hawak na mga pagkain.

"Wahhhhh, GUBAT na daw tayo." Sigaw ni Bri na napatayo at pinapagpag ang kanyang pantalon.

"Ehhhh marami kayang HAYOP sa GUBAT no." turan naman ni Jovy na nakasimangot saka tumayo.

"GAGA ahas na kaya si Gubat natural marami pang hayop sa gubat." Turan naman ni Maha na tumatayo sa kanyang pagkakaupo.

"Oy! Kayo ha nagegets ko na yang mga sinasabi ninyo. Hangang dito ba naman ay pinagtritripan ninyo si Maam Magubat. Alam kong terror siya but let's give her some respect.....kahit slight lang." turan naman ni Ran na dinidiinan ang sinabi gamit ang kanyang daliri and she gestured them the sign of little.

"Yah right! She is the worse. Considered her forgotten." Turan ni Maha na napaismid.

Napailing nalang si Ran dahil alam niya kung paano pinahirapan ni maam Magubat ang lahat ng kanyang mga studyante. She still remembered their Linguistic class kung saan marami itong pinagawa ngunit sa huli ay mabababa ang kanilang mga grades. Yung iba nga e halos maiyak dahil sa dami ng pinagkagastusan at pinaghirapan nila sa subject nito ay failed parin sila. What a teacher?

"Miss Ran, here." Napatingin siya kay Sethorne to see him extends his hand to her.

Napatingin lang siya sa mukha nito. Wow ha! For the first time that this cold man become a gentlemen. She doesn't want to be rude since he seems to be considerate to hand her a help. She reluctantly took his hand and she froze when she felt this intense heat coming from his hand, he is so warm to be exact. Not sweaty but HOT.

Sa katutunganga niya ay hindi niya namalayang yung tinatapakan niyang bato ay biglang gumalaw kaya na out balance siya. Napasubsub siya sa malapad na dibdib ni Sethorne.

"Are you alright Miss Ran?" turan nito as she feel his arm wrapped in her waist like a rock but warmer than the smooth coat of winter.

"Y-yes I'm fine." Saad niya at hinihintay niyang bitawan siya nito ngunit nakayakap parin ito sa kanya at magkadikit ang kanilang mga katawan. She felt her body melt and starting to grow weaker. Why is she like this?

"Be careful this place is prone to accident." He said as he looks at her face.

Dali-dali niyang inilayo ang kanyang tingin and she slowly pushes him away.

"T-thanks, y-you can let me go now. K-Kaya ko na." saad niya at unti-unti siya nitong ibinaba sa lupa saka lang niya namalayang nakaangat pala siya sa lupa.

Nang maramdaman niyang nakatapak na siya sa lupa ay napa tingin siya rito, how can he carry her like that like he was just holding a baby. She was so heavy for crying out loud, she is fat as she has described herself before. Nasa 81 kilos ang kanyang timbang ngunit mukhang hindi iyon ininda ni Sethorne. Tama nga kayo masyadong mataba si Ran ngunit kahit kailan ay hindi siya sinisita ng kanyang ina. She always say that she love her whoever she is and whatever she may become. That is how her mother loves her. Kahit na hinuhusgahan siya ng mga tao sa paligid niya ay hindi siya na dedepress dahil she know that one person will never look at her in a different way kahit na talikoran siya ng lahat ng tao sa mundo as long as her mother love her she don't care. Nahihiwagaan na siya kay Sethorne dahil sa hindi normal yung reaksyon nito, tao kaya ito?

"T-thank you Mr. Alonzo." She said as she looks away.

"No sweat. Please call me Seth, no need for formalities." Saad nito na for the first time ay ngumiti sa kanya.

"O-okay S-Seth, please just call me Ran to. To be fair." Ngiti niya rito at naramdaman niyang nag-init ang kanyang mga pisngi.

"Alright Ran it is." He said as he looks through her eyes. Nakakapagtaka talaga ang lalaking ito, isang tingin lang nito sa kanya ay pakiramdam niya ay nalulunod siya sa mga mata nito.

"Ahmnnnnnnn baka nakakalimutan ninyong meron kami rito?" turan ni Maha na nakapamula kay Ran.

"Ran mag-ingat ka, halika rito at sabay na tayong lahat para hindi ka maligaw pa dito." Turan ni Ramhil na bigla siyang hinila at nauna sila sa paglalakad upang sumunod kay kuya Fred.

"Hmnnn ano yan Ramhil? May ibig sabihin na ba yan?" Ngiting biro ni Maha na narinig ni Ran ngunit hindi ininda ni Ramhil.

Hawak-hawak parin siya nito sa kamay at sumusunod sina Maha na malawak ang pagkakangiti. Dahan-dahang nilingon ni Ran si Sethorne na nasa pinakahuli at nakita niya itong nakatingin sa isang direction and she know that she saw his eyes changes from his usual bluish into yellowish. Nagtataka siyang tumingin sa tinitingnan nito at sa may isang malaking kahoy ay may nakita siyang parang aso ngunit may kalakihan na nakatago sa likod ng kahoy. Napabalik ang tingin niya kay Sethorne at nakita niyang nakatingin ito sa kanya. She immediately look away and act as if she was looking to a different angle. Then she faced front still wondering what is going on with her. She kept on seeing things that bothered her a lot.

"WHAT THE HECK IS THAT?" napatingin siya kay Jovy nang bigla nalang itong napabulalas.

"CREEPY MUCH!" turan naman ni Maha na kumapit sa braso ni Mark na katabi nito. Napansin niyang namula si Mark.

Dahil sa reaksyon ng dalawa ay napatingin siya sa direksyon na tinitingnan ng lahat. Napakunot noo siya dahil sa nakita. Sa may baba nila ay may isang bahay na sira-sira na at sadyang nakakatakot nga iyon. Watak ang mga dingding nitong gawa sa kahoy at may mga halaman ng tumutubo roon, halos kulay itim na iyon ngunit mukhang maayos na bahay iyon noon ngunit ngayon ay parang tinirhan ng mga masasamang elemento.

"Sabi nila bahay daw yan ng mga witches noon. Kalilipat lang kasi namin dito ng asawa ko at may mga kwento-kwento ang mga matatanda rito na may tumira raw d'yan na isang pamilya ng mangkukulam at sila ang may kagagawan ng mga karumal-dumal na kaganapan dito. Dahil din doon ay tinali sila sa isang kahoy at sinunog." Turan ni kuya Fred na nakatingin sa bahay.

"S-Sinunog po, a-ang sama naman." Turan ni Ran na hindi niya alam ngunit parang nalungkot siya at nanlamig ang kanyang pakiramdam.

"Ehhhhh nakakatakot naman." Turan ni Bri na nasa mukha ang pangingilabot.

"Don't worry wala ng witches sa panahon ngayon pero wag na kayong dadako sa lugar na ito at baka may masamang mangyari sa inyo. Wala ng nagagawi ritong mga taga bayan kaya baka pinagtitirahan na ritong banda ng mga criminal, mag-ingat kayo." Turan pa ni kuya Fred.

"Yahh sure who would want to walk into such creepy place anyway." Turan naman ni Jovy na nakakapit kay Bri.

Napatingin si Ran sa bahay at pakiramdam niya ay parang wala siyang nararamdamang takot mula roon despite of its creepy appearance.

"Ran lets go, this place is creeping me out." Turan ni Maha na niyayakap ang kanyang braso at hinila siya para sumunod sila sa kanilang mga kasamang paalis na pala.

She didn't know why but she look back and suddenly she saw that the house was beautiful and there are flowers around it. Yung mga sirang dingding nito ay biglang maayos na at nakita niya ang dalawang babaeng palabas sa bahay. The other one which has a long curly black hair and is wearing a brown simple dress is talking with the girl which is 3 inches smaller than her. Masaya silang nag-uusap habang hawak nung babaeng may kaliitan ang isang basket na may lamang mga damit. Naka puting simpleng bistida ito. Kasunod naman nito yung babaeng mahaba ang buhok at nakangiting naglalakad sa tabi nito. Everything seems so bright and she have felt this weird sensation deep inside her heart.

"Ran come on you're walking too slow, and stop looking back will you." Napabalik ang tingin niya kay Maha na nagsalita at nakakunot noong nakatingin sa kanya. Nakita rin niyang nakatingin ang iba sa kanya na mukhang nagtataka, she smiled at them and nod. Nagsimula na naman silang maglakad ngunit napalingon ulit siya sa bahay at ngayo'y nakita niyang sira-sira yung bahay at nakakatakot ang itsura nito.

"Ran?" napatingin siya kay Maha na nakatingin sa kanya.

"Nothing let's go." She smiled as she let Maha drag her away from there.

Nasa isa silang ilog na may magandang view, masayang nagtatampisaw sa tubig sina Maha, Jovy at Bri habang sina Mark at Sofan ay kasalukuyang kasama ni kuya Fred na nanghuhuli ng isda, plano kasi nilang mag-ihaw ng isda doon saka sila uuwi pag magfifive na. Kasalukuyang nakaupo sa may malaking bato sa may gilid ng ilog at pinagmamasdan si Ramhil na inaayos ang kanilang iba pang kakainin at uupuan mamaya pati na yung dalawang bato na pag-iihawan nila.

"I'm going to find us some fire woods." Napatingin siya sa nagsalita at nakita niyang nakatayo na pala sa kanyang tabi si Sethorne Vancove at nakita niyang nakatingin ito kay Ramhil na tumango naman dito bilang tugon.

"Miss Ran you need to come with me, I need your help." Turan nitong tumingin sa kanya. Napakurap lang siya rito, napatingin naman si Ramhil sa kanila na mukhang hinihintay ang sagot niya. Sa mukha nito'y makikita mong ayaw nito ang ideya na sumama siya kay Seth.

Dahil ayaw niyang ipahiya si Seth at dahil na rin sa gusto niyang tumulong ay tumayo siya at pinagpag niya ang kanyang pantalon saka tumango at saka tumingin kay Ramhil.

"Ram sige dito ka muna para ayusin mo yang paglulutuan natin, tutulongan ko si Sethorne. Don't worry kaya naman siguro akong protektahan ni Sethorne. Right Seth?" turan niya na nakangiting tumingin kay Sethorne at hinawakan ito sa braso.

Napaigta ito sa ginawa niya, halatang hindi nito inaasahang sasama siya at hahawakan niya ito. Napailing ito at halatang nakabawi saka tumingin kay Ramhil ng seryuso at tumango rito.

"Don't worry I'll look after her." Saad nito na walang bahid na emosyon ang gwapo nitong mukha.

"Siguraduhin mo lang Seth, you don't know Ran. She's a little careless sometimes, trouble seems to follow her everywhere she go." Turan naman ni Ramhil dito na mukhang nagjojoke but his tone seem to show that he has more leverage to her than Sethorne.

"Yah I can see that just by looking at her. Nahh no worries she will be fine." Walang emosyong turan ni Sethorne na nakataas kilay and is looking a little too bored in their discussion.

"Hey that's just rude, I'm right here you know. Nandito kaya ako, and Ram kailangan pa talagang eelaborate." Nakangusong turan niya rito, nahahalata na kasi niya yung kakaibang tensyon sa dalawa. Tumawa si Ramhil ngunit seryuso lang ang mukha ni Sethorne.

Biglang tumalikod si Sethorn at binulsa yung kamay nito sa kanyang jeans. Dahil sa nakahawak siya sa braso nito ay nahila siya nito patalikod kaya naman natahimik na siyang sumusunod dito.

Kanina pa naka tayo si Ashton sa labas ng Panriche mansion na nakakatakot ang itsura. Nakita niyang ipinarada pala nina John at Stevenson yung van sa tabi nung poste. Nauna ang mga ito upang iayos yung mga aparatos para sa kanilang imbistigasyon. Alam niyang nauna na ring sumunod sa mga ito sina Lilbenia dahil natagalan pa siya sa pag-iinterview sa mayor ng lugar. He was holding his laptop as he slowly opened the creepy door which is made out of wood. The old designs and paint are totally gone and only the old wooden door is barely seen. He slowly opened the door and he heard this creepy sound that is created by the door upon opening.

He slowly walks up the old wooden stairs and he heard voices from one of the room of the 2nd floor. Upon opening the door he saw his team looking at these screens that shown some data and some videos from each part of the mansion where their cameras were located.

"Hey Ash you're late." Turan ni Leonore na nakaupo sa tabi ni Stevenson na may tinatype sa keyboard na nasa harap nito at may mga numerong lumalabas sa screen na nasa harap nito.

"Sorry I discussed something with the mayor. So what's your finding here?" he said as he sat in the chair in front of a table that contains their papers and some of their things. The others are also seated around it.

"Hard to tell, seems like there are some strange activities in here. They are at least 5 spirits in here, they appears...like they are....waiting." turan ni Lilbenia na nakapikit pa, she is trying to sense the place.

"That is strange indeed." Robert said as he looks into the screens.

"As far as I can remember I know that I only sense 1 or 2 before when we arrived in here. Why out of a sudden bigla na lang silang dumami rito." Nagtatakang turan ni Lilbenia.

"Nagsimula ito nang dumating sina Ran dito. The weirdest part is that it seems that as if SOMEONE OR something is drawing THEM right here, they seem to be roaming in crowds and someone is leading them." Turan ni John na nakakunot noo.

"For some reason I get the feeling that they are not just any lost spirits. They seem to travel in groups and they move in a careful way. They seem to have minds on their own; I get the feeling that someone is definitely using them." For the first time na nagbigay ng sariling opinion si Stevenson habang ginagawa ang trabaho nito. Dahil doon ay alam na ni Ash na tama ito.

"The question is WHO?" tanong niya as he leans on the chair and stares at the ceiling. He only hope nothing bad will happen to anyone specially the new arrivals....specially Ran who seem to be more endanger than them who work in a dangerous line of work. Nagtataka siya sa kanyang nararamdaman, pakiramdam talaga niya ay may connection sila ni Ran. His chest keeps on tightening every time she is near him…. Sino ba kasi siya at bakit kakaiba siya sa mga taong nagpalaki sa kanya?

Nag-iisip pa siya nang biglang nagshake ang buong paligid napakapit silang lahat sa kung anuman ang pwedeng kapitan.

"Are you kidding me? May lindol ba?!" turan ni Leonore na nakakapit kay Stevenson na hinahawakan ang laptop na nasa table.

"No I sense some angry souls in here." Turan naman ni Lilbenia na napapakapit kay Robert.

"Sir the data is going higher. There is an unexplained element in here and it is too strong that the findings are too high." Turan ni Stevenson na pilit nagtitipa sa laptop.

Huminto iyon at napahinga sila ng maluwag.

"Bro we need to pack up for now." Turan ni John kaya tumango nalang siya. Masyadong malakas yung spirito kanina. Kakaiba iyon sa mga nakaharap nila noon.

Nagpack up na nga sila at nilagay lahat ang equipment nila sa van. Tumingin siya sa bintana ng mansion at may nakita siyang nakaputi na nakatayo doon, bigla iyong nawala.

"It seems like they can now show themselves. Lumalakas na sila." Turan ni Lilbenia na kapwa niya nakatingin pala sa bintana.

So nakita nitop yung nakita niya, lumalakas na nga sila kung ganong pati mga taong walang kakayahang makakita ng multo ay nakikita na sila. Sumakay sila sa van at pinaandar iyon ni Stevenson habang bumabalik sila sa tinitirhan nila pansamantala sa bayan ay napapaisip siya.

"I wonder. This is getting interesting." Turan niya as he closes his eyes and leans on his seat.

"Raven you will survive this. Go and claim yourself. Be strong my son"

He suddenly opens his eyes and look around upon hearing that man's voice. Napakunot noo siya at napaisip, who is that man? Why is that voice so familiar and giving him this certain emotion he never felt before? Who is Raven?