webnovel

Chapter 1

Araw ng linggo at napagpasyahan namin ni mama na magsimba, unang beses kong makapasok sa simbahan dito dahil kalilipat lang namin dito kahapon at masyado ng gabi iyon para mapansin pa ang mga nasa daan. Patalikod akong naglakad habang nakatingala sa mga design ng simbahan nila ng biglang nabunggo ako sa isang matigas na bagay.

"Aww!" Daing ko. Humarap ako sa aking nabunggo at nakita ang isang lalaki na mas matangkad sa akin. Mukha itong nakakatakot dahil nakakunot ang noo at ang kaniyang mata ay nanlilisik habang nakatingin sa akin.

"Sorry po" Dahil natakot ako sa kaniya ay umupo na ako sa tabi ng aking ina at nanahimik na lamang habang naghihintay magsimula ang misa.

Nang magsimula ang misa, napansin ko na kasama nung pari maglakad yung lalaking nabangga ko sa may tapat ng altar. Isa pala siya sa mga sakristan dito ngunit hindi ito halata dahil mukha siyang masungit at nakakatakot.

"Mama, pwede bang maging sakristan yung mga masusungit?" Tanong ko sa aking ina, wala akong alam sa patakaran ng simbahan kaya't nagtanong ako sa aking ina. Masyado akong kuryoso sa mga bagay-bagay dahil sa musmos kong pag-iisip.

"Oo naman" sagot niya at nakinig nang muli sa seon ng pari.

"Ang tunay na para sa iyo ay matatagpuan mo sa simbahan." Narinig kong sabi ng pari. Bigla akong napatingin sa lalaking nakakatakot at nagulat ako dahil nakatingin rin ito sa akin. Iniisip ko na baka yung nasa likod ko, katabi ko or kaharap ko yung tinitingnan niya ngunit nagtatama ang aming mga mata. Bigla akong kinabahan kaya't napaiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko na mawari ang aking nararamdaman, ang bilis ng pintig ng puso ko sa tuwing napapalingon ako sa kanya.

Natapos ang misa at nakahinga na ako ng maluwag. Namalengke muna kami ni mama upang makapag-luto ng tanghalian. Pagka uwi namin sa bahay ay nagbihis muna ako saka umupo malapit sa aming pintuan. Wala akong kaibigan dito dahil kalilipat lang namin at masyado akong mahiyain upang mag initiate makipag kaibigan.

Andaming mga bata sa may labas, gusto ko ring maglaro pero di ko kaya na unang makipag usap. Maglalaro nalang siguro ako ng jackstone habang naghihintay kay mama matapos.

Buti nalang nadala ko itong jackstone kahit di naman ako masyadong marunong nito. Habang naglalaro ako, napansin ko na dumidilim sa may pintuan. Pagtingin ko nakita ko yung mga bata sa pintuan namin.

"Ah..." Napatitig nalang ako sa iilang mga bata sa may pintuan namin hanggang sa magsalita sila.

"Hello! Ako si Mike, siya si Anne, si Jake, si Del at si Von." Hindi ko alam kung sino yung mga may ari ng pangalan na binaggit dahil sa kamay lang ako ni Mike nakatingin, hindi ko alam bakit ganito ako pero kung sino yung nagsasalita doon lang ako tumitingin kapag kabado ako.

"Ah...hello ako si Callie" bati at pakilala ko sa kanila, mukha naman silang mababait kaya hindi na ako kinabahan.

Naglaro kami ng jackstone sa labas hanggang sa tinawag na kaming lahat para sa tanghalian kaya umuwi na kami.

Pagdating ko sa bahay maraming pagkain ang nakahain, nakauwi na pala si papa at marami itong pasalubong na pagkain. Sabi nila ipapamigay raw iyon sa mga kapitbahay namin kaya nang matapos kaming kumain ay namigay na kami ng pagkain para sa mga kapitbahay namin.

Sa huling bahay na napuntahan namin, di kalayuan sa aming bahay ay nakita ko yung nakakatakot na lalaki. Biglang kumabog ang aking puso at nagtago sa likod ng aking ina ngunit nakita ako ni Von, kapatid pala niya ang nakakatakot na lalaking iyon.

"Callie! Halika pasok kayo sa bahay namin!" Tuwang bati ni Von sa among pamilya habang hila hila ako papasok sa kanilang bahay.

"Uh ibibigay sana namin sainyo ito" Inabot ko kay Von ang pagkain na hawak ko at agad naman niyang kinuha iyon.

"Wow! Chocolates! Salamat po!" Saad niya at may pa bow pa siya habang sinasabi iyon. Ang ganda sa mata nung actions niya kaya naisip ko na gagayahin ko siya kapag magpapasalamat ako kasi mukhang magalang iyon.

"Walang anuman iho, sige mauuna na kami at mag-aayos pa kami ng mga gamit namin" Sabi ni papa sa kanya at binuhat na ako.

Pagkalabas namin ng bahay ay nawala na yung lalaking masungit. Ano kayang pangalan niya? Nakakahiyang itanong kay Von dahil baka isipin niya may gusto ako sa kapatid niya.