webnovel

My Unpredictable Boss

PotatoHuang · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
56 Chs

Ten

CAROL'S POV

Pagkatapos mabili ni Ms. Olivia lahat ng gusto niya ay hinatid niya muna ako sa kompanya, buti nalang may coffee shop na malapit dito at umupo ako saglit dun.

Tinignan ko saglit yung relo ko at 4:55pm na pala.

Walanjo yung matandang yun, hanep... sabay iling, buti nalang at natagalan ko yung matandang higad na yun.

Kainis, sarap niyang daragin kanina at ihulog sa balon.

Pumunta kasi kami sa tatlong mall para pilian siya ng mga damit at isang boutique na para akong mababaliw sa presyo.

Nung medyo hindi masiyadong masakit yung paa at binti ko ay pumunta nko sa elevator.

Tinignan ko ng maigi kung may CEO'S Elevator bang nakalagay at buti nalang ay wala kundi consequence na naman ang aabutin ko sa Lancelot na yun.

Naiinis ako sa kaniya twing maaalala ko siya, gwapo sana pero parang may saltik namn ata sa ulo. Hindi ata, Carol may saltik at tama yung utak niya.

LANCE'S POV

Nandito ako sa coffee shop para bumili ng kape ng may napansin ako...

Naka-side view kasi siya eehh.. hindi ko lang alam kung siya ba talaga yung nakita ko o hindi.

Pagkatapos kong bumili ng kape ay bigla na lang siyang  nawala, nalingat lang ako sagit. Ttsss.. na saan na kaya yun.

Nagmasid muna ako at nagpalinga-linga at nakita ko siyang nandon na sa elevator para bumalik sa opisina nila.

Habang papalapit ako sa kaniya ay nakita kong minamasahe niya ang binti niya.

Nang makalapit ako ay hindi niya naman ako napansin, akala niya siguro regular na trabahante lang ako dito.

Pagka-open nang elevator ay nauna siyang pumasok at sumunod naman ako sa kaniya, para hindi niya mahalatang sinundan ko siya dito.

Nandito kasi ako sa regular na elevator, sumakay.

Kami lang kasing dalawa ang nandito sa loob, narinig ko siyang nagreklamo...

"Fudge, tch... yung higad na yun, hindi niya ba alam na napapagod kami sa kaka-assist sa kaniya!?... Pasalamat siya at Special VIP Guest siya, ka-stress siya!!... Kainis" rinig kong bulong na reklamo niya.

Pasekreto akong natawa sa reklamo niya, halata mong iritable at inis siya sa special VIP nila.

"TING..." elevator yan, huwag kayong ano..

Nandito na kami sa 15floor at bagsak ang balikat niya paglabas. Hindi niya na naman ako napansin.

Bigla siyang huminto saglit at parang natigilan siya at bumaling siya sa'kin at kita kong gulat 'yong ekspresiyon niya.

Kaya naitaas ko nalang yung kape ko sa kaniya at tinanguan ng bahagya (smirk).

Pinindot ko yung close button nung elevator at nag-smirk ako sa kaniya.

Habang sumasarado yung elevator ay nakatingin lang ako sa kaniya at di ko maiwasang mag-smirk sa kaniya.

CAROL'S POV

Yung lalaking yun?! di ko akalaing sasakay siya sa regular na elevator!? hindi ko namalayan na siya pala ang sumakay sa elevator, akala ko kasi regular lang siya trabahante.. Bad timing siya!

Kabad trip tung araw na toh! Buset!!

Pagkarating ko sa opisina ay pumasok nako at bigla ako naupo sa tabi ni Ms. Marie.

Ang nandito na Lang sa loob ay sina Jake, Jonah, ako at si Ms. Marie

"Hoy bakla, kamusta yung araw mo ngayon?" pang-aasar niya sakin

"Hindi okay bakla... Pumunta lang naman kami sa tatlong mall at isang boutique" sabay masahe ko sa binti kk

"Sabi ni Ms. Olivia, ikaw naman daw ang a-assist sa susunod na dalaw niya" nag-smirk ako sa kaniya at tumingin ng nakakaloko

"Kapagod tung araw nato, sarap tuloy matulog" dagdag sabi ko pa at napahikab ako nang wala sa oras.

"Nasan nga pala si Roy??" tanong ko sa kanila.

"Uh.. may kadate si Roy Babe, at totoong babae yung kadate niya" sabay simangot ni Jake.

"Pwede rin namang ako yung e-date niya eh, ang kaso lang puso ko lang yung babae, hindi yung pisikal ko" maarteng sabi niya pa.

Nakikinig Lang ako sa sinasabi nila hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog ako sa sobrang pagod...

ZzzZzzZzzZzz...

LANCE'S POV

Pagkatapos ko sa mga gawain ko ay naisipan kong isa-uli ko muna tung lunch box na hinatid niya sa'kin ni Carol.

Pumunta nko sa elevator at pinindot yung 15 button papunta sa opisina nila Carol.

Pagkarating ko sa floor nila ay dumiretso na ako sa opisina nila.

Pagdating ko dun kumatok muna ako at pumasok, pagkapasok ko ay patay na yung ibang ilaw sa loob pero yung isang ilaw ay naka-on

Lumapit ako dun sa may ilaw at nakita kong mahimbing na natutulog si Carol.

Kinuha ko yung swivel chair na malapit sa'kin at lumapit ako sa kaniya ng bahagya at pinag-mamasdan ko siyang himbing na natutulog.

Biglang nagsalubong yung kilay niya at pi-noke ko ng isang daliri.

Pinag-masdan ko siya nang maigi, ang ganda ng mukha niya, hindi masiyadong mahaba ang pilik mata, may katangusan ang ilong at yung lips niya... medyo naka nga nga kasi siya.

Naaakit ako sa nakanga-nga niyang bibig, sarap tuloy halikan at kagatin.. napakagat tuloy ako sa sariling bibig dahil sa na-iisip ko.

Nang bigla siyang naalimpungatan, ako naman ay pinag-mamasdan ko lang siya at napa-ayos ako ng upo at nakapandi-kwatro na babae.

Pero nakatulog na naman siya at nasa kabilang banda yung mukha niya... Nang biglang bumukas yung dalawang mata niya at napatingin at pinagmasdan ang kabuuhan ng room.

Nahilamos niya yung mukha at napatingin sa relo, pero nagitla siya dahil nakatingin ako ng diretso sa kaniya.

Gulat na naman yung mukha niya at napabuntong-hininga ng makita niya ako.

"Bakit naparito ka sir?" pormal na tanong niya na may pagka-sarkastiko.

"At bakit nandito ka pa rin, eh ano nang oras na?" balik Kong tanong sa kaniya.

"Bawal po bang mag-over time sir?" sarkastikong pagpapalusot niya.

"Over-time? Naabutan kita dito na natutulog at sabi mong overtime?" namamanghang sagot ko sa kaniya.

Bigla siyang sumimangot at palihim na natawa sa reaksyon niya.

"Ano po bang ginagawa niyo dito sa office namin sir?" inis na tanong niya.

"Bawal na ba akong bumisita dito at sa ibang opisina dito?" habang nakatingin sa kaniya.

Napabuntong-hininga siya at inis na napakamot sa ulo niya. Pikon talaga.

Bigla siyang nagbaba ng tingin at nakita niya yung dala kong paper bag.

Binigay ko naman yun sa kaniya at may biglang naisip yung utak ko.

"Miss..??" kunwaring tanong ko sa pangalan niya...

Hehehe... Humanda ka talaga

"Carol, Carol dela Cruz po" inis na sabi niya.

"Miss Carol, gawan mo ulit ako ng lunch bukas at gusto kong ikaw ulit ang maghatid sa'kin bukas..."

"Atsaka nag enjoy ako sa pagkain mong dala at sa leche flan na dala mo" dagdag na sabi ko.

"At bago ko makalimutan.. before lunch, pumunta ka sa office ko.. yun Lang"

"Adiós mi amor, Hasta Prontó" pagpapa-alam at bahagya ko pang nakita yung gulat na mukha niya.

Translate: "Bye my love, See you again soon"

Pasensya na po sa TYPOS

God Bless po sa inyo

Please Vote, Follow and Comment to my Story

Please Follow me to my Account:

twitter: @taoclaire16

instagram: @abrokenart

facebook: @facebook.com/PurpleClaire16

Love You so Much Guys

😊😍💕😘