webnovel

My Unpredictable Boss

PotatoHuang · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
56 Chs

Fifty Five

CAROL'S POV

Salamat naman at naka-uwi na rin ako dito sa bahay... Buwesit na Lancelot na yun, sobrang sakit ng katawan, balakang at yung ano ko.

Pagkatapos na pagkatapos naming kumain ng hapunan ay kinain na naman niya ako, hindi niya talaga ako tinantanan o tinigilan kanina, hindi ko rin matandaan kung naka-ilang round kami kanina, basta siya pasok ng pasok sa alaga niya... Peste talaga yung taong yun....

Pero hindi ko rin maita-tangging nagugustuhan ko yung ginagawa niya sa katawan ko at kahit na ayaw ng utak at bibig ko pero yung katawan ko parang nagugustuhan yung way ng pang-ro-romansa niya sa katawan ko.

Mag-h-half day nalang ako bukas, hapon na ako papasok... Masakit talaga yung katawan ko dahil sa ginawa niya sa akin kanina...

Nag-tooth brush na ako dahil tapos na akong naligo, pagkatapos kong mag tooth brush at lahat, dumiretso agad ako sa kwarto at nahiga sa kama at unti-unti ng bumibigat ang talukap sa mata ko hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na ako sa pagod...

(ZzzZzzZzzZzzZzzZzzZzzZzzZzzZzzZzzZzzZzzZzzZzzZzzZzzZzzZzzZzzZzz)

(K I N A B U K A S A N)

LANCE'S POV

Maaga akong pumasok ngayon sa kompanya para makita ko si Carol ng maaga at may sasabihin akong importante sa VIP team at Communication team.

Nandito na ako sa kompanya ko at may mga trabahanteng binabati ako kaya tina-tanguan ko lang sila sabay ngiti...

"Morning Sir" tango sabay pilit na ngiti

"Pleasant morning sir" isang lalaki na naka-salamin kaya tinanguan ko siya

Patuloy pa rin ako sa paglalakad papunta sa elevator ko.

Huminto ako sa paglalakad ng may babaeng humarang sa akin, problema ng babaeng toh...

"Morning sir, t-tanggapin n-niyo h-ho sana t-toh sir" sabi ng isang medyo may katabaan na babae sabay bigay ng... Ano ba yan

"What's that??" alanganing tanong ko sa kaniya

"Ano po... Kasi..." sabay tingin niya sa baba niya at naghahanap ng mai-sa-sagot

"T-Tanggapin niyo na lang ho sir, s-sana magustuhan niyo?!!" sabay bigay niya sa akin at dali-daling umalis dahil parang nahihiya siya sa ginawa niya

"Ano bang meron dito??" sabay taas hanggang mukha ko nung dala ko

"Oh well..." sabay taas ng dalawang balikat ko at tinahak na ang daan papuntang elevator

Nandito na ako sa harap ng elevator, pinindot ko yung button at naghihintay na bumukas ang elevator na toh... Tinignan ko muna yung relo ko 8:47am na pala...

Pagbukas ng elevator ay may kamay na babaeng humarang sa pinto ng elevator... Pumasok yung babae at pinindot yung button para mag-close yung elevator.

"You're Lance Ramillano right??" kunot-noo ko siya tinignan

"God!! Hindi mo na ba akong kilala?! Ang ulyanin mo naman pinsan eehh..."

Huh... Pinsan as in cousin??

"Problema mo?? At bakit ka ba nandito sa elevator ko... Pinsan?? Pangalan mo??" sabi ko at seryosong tumingin sa kaniya

"Grabi ka naman, Rose Ramillano Lee??? Hello?? Rose here??" nai-tabingi ko ang ulo ko at inalala yung childhood memories ko...

Sa dami ng pinsan ko, nakalimutan ko na ang mga pangalan at mga mukha nila...

Saan nga ba siya doon??

"Hello?? Ako yung nagsabi sayo na papakasalan kita... Hoy Lance???"

Inalala ko ng mabuti, may nag sabi nga sa akin noon na papakasalan niya raw ako...

Teka.... Ito na ba siya ngayon... Hindi ako sigurado eehh... Rose... Rose... Rose...

"Aaahhh... Ikaw ba yun???" gulat sabay turo ko sa kaniya

"Yeah... Ako na toh, atsaka ang ulyanin mo na ngayon ha..."

"Bakit ka pala napa-rito?? Diba may business kayo somewhere in Visayas right??"

"Uh... Oo eh, atsaka wala naman akong pakinabang doon kaya dumito muna ako at bibisitahin yung close friend ko dito sa kompanya mo"

Sino namang close friend ang sinasabi niya na nandito raw

"Malalaman mo rin kung sino tatawagan ko pa siya mamaya eehh"

"Can you tour me around your company my Barney"

Shit... Nakalimutan ko na ang pinangalan nila sa akin... Oo Barney kasi ang taba-taba ko pa noong bata pa ako...

"Oo naman iyaking kamatis ang ilong, akala mo nakalimutan ko na ang tawag ko sayo noon"

Oo, iyakin siya at yung ilong niya parang kamatis na sobrang pula na akala mo piningot siya ilong...

Tinignan niya ako ng masama at unti-unti kaming natawa sa sarili namin ngayon...

"TING......." tunog na elevator yan...

Hindi ko akalain na nandito na kami sa floor ng opisina ko dahil puro lang kami kwento sa mga nakaraan namin nung bata pa kami.

ROSE'S POV

(THE IMAGE OF ROSE RAMILLANO-LEE IS IN THE SIDE)

(IF YOU'RE ON YOUR PHONE THE IMAGE IS ON THE UPPER - AUTHOR)

Hi guys, Rose Lee here at naparito ako sa opisina nitong ulyanin na toh para bisitahin yung close friend ko...

"Nandito na tayo sa opisina ko at diyan ka lang muna dahil magda-dala muna ako ng maka-kain at mai-inom natin... Wait here okay" sabi ni Lance

Tinignan ko ang kabuuan ng opisina niya... Malaki siya kompara dun sa sekretarya niya, medyo malaki rin kasi ang opisina ni Carl daw sabi ni Lance kanina, pangalan ng sekretarya niya..

Doble ang laki nito kesa sa sekretarya niya, malaki ang space, may malaking book shelves siya sa gilid ng opisina niya, may stand clock malapit sa pinto niya, malaking sofa at may dalawang single sofa dito sa inuupuan ko, may mini table sa harap ko....

Shit malapit ko ng makalimutan, kailangan ko pa siyang tawagan dahil kaka-mustahin ko at yung puso niya.

Dinial ko agad ang number niya, nag-r-ring siya pero hindi niya sinasagot... Inis kong tinignan ang phone ko..

Babaeng toh, tulog ba toh... Mamaya ko na nga lang siya tatawagan.

Nang biglang bumukas yung pinto at nakita ko ang sekretarya niyang may dalang pagkain at mai-inom ko.

In fairness ang gwapo niya, hindi ko kasi siya tinignan ng maigi kanina kaya ngayon ko lang siya natitigan ng maayos...

"Miss, si sir Lance po may tinagawan saglit, susunod lang siya mamaya dito, yun lang, enjoy your stay miss" sabay ngiti sa akin kaya nginitian ko rin siya ng matamis.

Woah... Ang brusko ng boses niya...

Humanda ka sakin, magiging akin ka rin, aakitin kita gamit ang charm ko, humanda ka...

Mwahahahahhahaahahaha....

Tahimik lang siyang naka-tayo at naka-yuko pa... Ang awkward naman nito...

"Ano... Baka kasi mangalay yang paa mo at baka magkaroon ka pa ng varicose kakatayo mo, upo ka" sabi ko sabay tapik ng inu-upuan ko

"Okay lang miss, baka sabihin ni sir na ang bastos ko dahil umupo ako" sabay tingin sa akin

"No, umupo kana atsaka ako ang bahala dun, gusto mong sakalin ko pa yun eehh, sige na upo ka na at share tayo nito dinala mo"

Awkward naman siyang naupo at humindi naman siya ng i-alok ko ang pagkain sa kaniya

"Nako Miss... Huwag na po, atsaka busog pa ho kasi ako eehh" sabay kaway ng isang kamay niya at lumingo yung ulo niya na nagsa-sabing ayaw niya

"Sige na, huwag ng tanggihan tung pagkain... Sayang ang grasya pag tinanggihan mo" sabi ko at nag paawa effect sa kaniya

"B-Busog na ho kasi ako, atsaka kumain ho ako bago pumunta rito sa opisina" alanganing sabi niya

"Oh... What a great view, Hindi ko aakalain na magiging close kayo ni Carl..." mapa-nuksong sabi niya sa amin

"Huwag ka nga diyan Lance, tinanggihan niya nga ang alok ko sa kaniya eehh"

"K-Kasi n-naman ho sir, m-masiyado ho kasi akong busog, k-kaya tinang t-tinanggihan ko po" lumapit ako sa kaniya at sinubo yung cookie sa bibig niya kaya wala siya choice kundi kainin yun, buti naman at kinain niya

"S-Sige ho, l-lalabas na ho ako" dali-dali siyang tumayo at lumabas sa pinto

"Ayan tuloy, tinakot mo..."

"Hoy, hindi ko siya tinakot noh?! Pina-upo ko lang naman siya kasi naaawa ako sa kaniya at nilahad ko pa ng pagkain pero tinanggihan niya iyon" reklamo ko sa kaniya

"Okay if that's what you want to say" sabay tingin sa akin at ngumisi ng may tukso sa akin

"What's that weird look and that creepy smile on your face, Lancelot"

"Wala naman, bakit?? May ini-isip ka bang iba ka bang ini-isip diyan??"

"W-Wala noh, maka-alis na nga... Sa susunod ko na bibisitahin yung kaibigan ko... Bwesit" sabay bulong sa huli kong sinabi

Umalis na ako at nagmadaling pinindot yung elevator na sinakyan namin ni Lance kanina....

"Badtrip talaga yun" bulalas ko...

Nang biglang may tumabi sa akin kaya tinignan ko siya...

Naman oh, si Carl lang pala...

"Sabay akong bababa ha, pupuntahan ko kasi yung dalawang management, papa-puntahin sila sa office ni sir Lance, okay lang ba sayo??" sabay ngiti niya sa akin

"Okay naman, uuwi na rin kasi ako... Magpa-pahinga pa kasi ako eehh" sabay tango at ngumiti sa kaniya