webnovel

My Unpredictable Boss

PotatoHuang · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
56 Chs

Eight

JONAH'S POV

"Roy Babe, sino bang 'siya' yung tinutukoy niyo?" malambing na may halong lambing na sabi ni Jake Kay Roy.

Natawa ako sa reaksyon ni Roy dahil sa sinabi ni Jake.

"Kung ako ang tatanungin niyo, no comment ako dahil na-trauma ako kaniya last year" halatang takot at na-trauma talaga siya sa kaka-assist kay Ms. Olivia.

" 'SIYA' si Mrs. Salazar na nag-mamay-ari ng 5-star hotel, pinaka sikat itong hotel sa buong pinas" panimula ko sa kanila

"Casa de Salazar ang pangalan ng hotel nila dito sa pinas" dagdag ko pa sa kanila.

"Gaya nga ng sabi ni Mister kanina ay nakaka-trauma talaga siya at di mo alam na sumasakit na yung paa at binti niyo, kakatayo at kaka-assist sa kaniya" dagdag ko pa sa kanila.

"Ganon ba siya kalala, si Mrs. Salazar?" tanong ni Jake sa'kin.

"Nung wala pa kasi kayo, ang laging sinasama ni Mrs. Salazar sa mga lakad ay si Ms. Marie" sabi ko, napatingin naman sila Jake at Carol sa'kin.

"Alam niyo kasi, kung si Mrs. Salazar ang VIP Guest natib ay magdamag talaga kayo kaka-assist sa kaniya" napatingin ako kay Ms. Marie at nginitian niya naman ako.

"Mag-expect na lang kayo dahil magdamag talaga kayo tatayo at kaka-assist sa mga gusto niya" sabat ni Roy.

Nakita kong napalunok si Jake sa mga sinasabi namin sa kanila ni Carol.

CAROL'S POV

Napalunok ako at nagka-tinginan na lang kami ni Jake sa isa't-isa. Medyo na-pressure ako sa sinabi nila sa amin ni Jake.

"Sige na, balik na tayo sa ginagawa natin" bumalik na kami sa ginagawa namin.

Habang lumilipas ang oras ay may biglang kumatok at pumasok sa opisina.

Gulat na napatayo sila Ms. Marie, Ms. Jonah at si Roy, kaya napatayo nalang kami ng wala sa oras ni Jake

Biglang lumabas sa kaniyang opisina si Ms. Marga.

"Ito nga pala si Mrs. Olivia Salazar, at siya ang Special VIP Guest na tinutukoy ko sa inyong dalawa" habang papalit-palit ng tingin samin ni Jake si Ms. Marga.

Please look at the image of Mrs. Salazar below

Isang sopistikadang babae at nasa mid-50's na siya pero halata sa mukha niyang maganda siya nung dalaga pa.

"Good Morning Ms. Olivia" bati ni Ms. Marga sa kaniya

"Magandang Umaga rin sayo at sa lahat, mukhang may bagong mukha dito" malumanay na bati niya samin

"Ako nga pala si Mrs. Olivia Salazar" nakangiting pakilala niya samin

Yumuko ako bigla dahil hindi ko maiwasang mapahikab.

"Gusto ko ikaw ang a-assist sa'kin" sabi niya

Bahagya pa akong tinapik ni Ms. Marie sa likod kaya naman naituon kong muli ang atensyon ko sa kaniya.

Lumapit si Ms. Olivia habang nakatingin sakin, baka sitahin niya sa ginawa kong paghikab ngayon lang.

"Assist me" seryosong nakatingin siya sa akin

"A-Ako p-po?" wala sa sariling naituro ko ang sarili.

"Oo ikaw, kaya samahan mo ako, ngayon din" pormal na sabi niya at tinalikuran niya agad ako.

Wala sa sariling dali-dali akong sumunod sa kaniya.

Si Roy ay pilit niya itinuturo yung bibig niya sabay sabi ng tahimik na 'KAYA MO YAN' ganon rin ang ginawa ni Jake sabay fighting sa'kin.

Ako naman ay habang lumalayo ay humihingi ng tulong yung mata ko at pilit kong inaabot yung kamay ko sa kanila ni Jake.

"Hija anong pangalan mo?" nabigla ako sa tanong niya at bigla ko binawa yung kamay Kong nanghihingi sa tulong kila Roy at tinignan niya ako ng taimtim.

"C-Carol po Miss, Carol dela Cruz po" sabay pilit ngiting sabi ko sa kaniya.

"Carol, ikina-lulugod Kong makilala kita" pormal na sabi niya at inabot yung kamay niya sakin.

"Ikina-lulugod ko rin pong makilala kayo" sabay abot nung kamay niya.

"Carol hija, napansin ko kanina na napahikab ka.." nako ito na talaga Carol, patay ka na talaga, baka isipin niya na-insulto siya sa ginawa kong paghikab.

"Pagod ka ba? O kulang ka lang talaga sa tulog?"

Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi niya, buti na Lang talaga hindi na-insulto.

"O-Opo eh hehehe.... k-kulang po yung tulog ko at napagod yung mata ko makatingin sa computer" pagdadahilan ko.

Napatango na lang siya at di ko namalayan na nandito na kami sa Mall nitong kompanya namin.

Dumiretso kami sa Clothing Line for Women.

"Ikaw ang pumili sa isusuot kong damit sa sapatos ko ngayon" pormal na sabi niya

"Ms. Olivia, Ano pong size ng paa niyo?" tanong ko

"Size 7 yung paa ko"

Kaya pumili na ako ng damit niya at binigay ko sa Sales Lady yung limang napili ko at sinabihan siya na kay "Mrs. Salazar yan" sabay turo Kay Ms. Olivia sa kaniya.

Pumunta naman yung sales lady kay Ms. Olivia para isukat yung mga damit na napili ko para sa kaniya at pumunta ako sa mga stilleto at pumili ng limang sandal na babagay dun sa isusukat niya.

May napili nakong limang sandals para sa kaniya at nagpa-tulong naman ako sa sales lady na malapit sa akin.

Pagdating ko sa fitting room niya ay bigla siya lumabas at ginilid-gilid niya yung katawan niya.

"Bagay ba sa akin ito hija" sabi niya.

Pinakita niya sa akin ay isang baby blue na dress at kinuha ko yung silver na stilleto at isinuot ko sa kaniya yung sandal na napili ko.

Please see the image of baby blue dress with silver stilleto below.

Just imagine guys, si Ms. Olivia ang nagsuot niyan.

"Bumagay po sa inyo yan Ms. Olivia, parang bumata po kayo tingnan sa suot niyo" pambobola ko sa kaniya.

Ang totoo niyan ay bumagay talaga sa kaniya, walang halong bola, bagay talaga sa kaniya.

"Hindi ko alam na marunong ka palang mambola hija"

"Totoo bang bumagay talaga sa akin at bumata akong tignan sa suot ko" napapatangong sagot ko at nag-thumbs up sa kaniya. Napangiti naman siya sa sagot ko

"Ito na lang ang isusuot ko ngayon at gusto kong ibalot lahat ng mga napili niya para sa'kin" pormal na utos niya sa dalawang sales lady at inabot yung credit card sa lumapit na sales lady sa kaniya.

Pasensya na po sa TYPO

God Bless po sa inyo

Please Vote, Follow and Comment to my Story

Please Follow me to my Account:

twitter: @taoclaire16

instagram: @abrokenart

facebook: @facebook.com/PurpleClaire16

Love You so Much Guys

😊💕😍😘