"okay nicko.."
"Better hearing andrea.. "
At muli itong tumawa.
"okay ka na? Maya-maya uuwi na tayo.. Pero syempre kumain muna tayo, bago tayo umalis dito..."
Matapos na sabihin iyon ni nicko ay may tinawagan ito sa kanyang cellphone. May mga sampung minuto lang ang lumipas ay may dumating na mga waiter na may dalang mga pagkain.
Nang mailapag na lahat ng inorder na pagkain ni nicko para sa kanila ay agad na rin silang kumain.
Matapos silang kumain ay nagpahinga lang sila ng ilang minuto ay nag yaya na si nicko na umalis na sila ng hotel.
Gusto pa sanang Ihatid ni nicko si andrea sa inuupahan nitong bahay. Ngunit ang dalaga na mismo ang tumanggi na mag pahatid pa kay Nicko.
Aniya, walang kasamang driver si nicko at baka kung may masamang mangyari nanaman dito. Hindi mapilit ni nicko si andrea, kaya ibinaba niya nalang ito kung saan may malapit nang masasakyan si andrea.
Hindi naman dumiretso sa kanyang condo unit ang binatang si nicko, sa halip ay nagpasya itong pasyalan ang kanyang ina sa kanilang bahay.
Nang maka uwi na ng kanilang bahay ang binatang si nicko ay
Sinalubong ito ng kanyang ina. Niyakap siya nito ng mahigpit at tsaka hinalikan sa pisngi.
"kamusta ka na anak?.. Mabuti naman at naisipan mong umuwi dito... Mis ka na ng mommy.."
"sorry mom.. Sobrang dami ko lang pong ginagawa sa office.. Hayaan niyo babawi ako sa inyo ngayon.."
Naglakad ang dalawa papasok ng bahay. Naka akbay si nicko sa kanyang ina, habang naka hawak naman sa kanyang bewang ang kanyang ina.
Nang marating nila ang sala ay umupo ang dalawa at nag kwentohan.
" anak.. Dati ko na tinanong ito sayo.. Sana may ma isagot ka na this time.."
"mom, parang alam ko na Kung ano nanaman yan.."
"oo anak.. Nag aalala kasi talaga ako sayo.. Matanda na ako anak.. Ayoko naman na mawala ako na wala parin akong nagiging apo sayo.. At higit sa lahat, gusto kong may babaeng mag mamahal at mag aasikaso sayo.. Hindi yung puro ka nalang trabaho anak.. Tumatanda ka na rin.."
"Mom, girlfriend nga ay wala ako.. Apo pa kaya.. Saan naman ako kukuha ng babaeng tatanggapin ang kalagayan ko... Kung hindi man ay pera lang ang gusto sa akin.."
"What about, andrea nicko? Gusto ko ang babaeng iyon.. Magaan ang loob ko sa kanya.."
Pagkasabi ng matandang babae kay Nicko ay hinawakan nito sa kamay ang kanyang anak.
Salubong ang kilay ni nicko ng tumingin siya sa kanyang mommy.
"mom, si Andrea pa talaga ang napili mo.. Sinabi ko naman sayo na may boyfriend na yung tao..."
"eh ano naman kung may boyfriend na yung tao anak, hindi pa naman asawa.. Why? don't you like her?.."
Sa sinabing iyon ng mommy ni nicko ay napa isip siya. Hindi man niya aminin sa kanyang sarili ay may attraction din siyang nararamdaman kay andrea.
Mabait ang babae, lagi itong may pag aalala sa kanya. In fact dito niya lang nakita sa babaeng iyon ang pag aalala. Marami na siyang naging Secretary pero halos hindi makatagal sa kanya. Madali kasing uminit ang kanyang ulo. Kaya nasusungitan niya ang mga ito.
Nang dumating si andrea sa kanyang buhay bilang secretary ay naging mas madali ang kanyang buhay nitong mga nakaraang buwan. Siguro ay dahil alam ng dalagang si andrea ang tungkol sa kanyang kalagayan. Kaya kumportable siyang kasama ito.
"o anak! Hindi ka na nag salita diyan? Ayaw mo ba kay andrea?.."
"mom, may boyfriend na po yung tao.. Hindi naman ako ganun ka desperado para manira ng kaligayahan ng iba.."
Matapos marinig ng ina ni nicko ang kanyang sinabi ay na pangiti ang matanda. Naisip niya na gusto naman ng kanyang anak si andrea. May boyfriend lang ang dalaga kaya ayaw ng kanyang anak dito.
"Well I'm not going to force you if that's what you want to happen. But, this is all I can tell you. I like andrea for you.. Malay natin dumating ang araw na mag hiwalay si andrea at ang boyfriend niya.."
Umismid lang si nicko sa sinabi ng kanyang ina. Pero pumasok sa kanyang balintataw ang maamong mukha ni andrea. Lalo na ng matitigan niya ito habang natutulog ito kanina sa hotel.
Doon niya lang na titigan ng husto ang mukha ng dalaga. Mukhang nagugustuhan na talaga ni nicko si andrea. Pero ang pagkaka alam nito ay may boyfriend na si andrea at yun ay si Lucas na inaanak pa ng kanyang yumaong ama.
"I'm going to my bedroom mom.. I'm just going to rest.. "
Paalam ni nicko sa kanyang ina upang maka iwas dito.
"okay sige.. Ipapatawag nalang kita mamayang lunch.. Magpapa luto ako ng paborito mong ulam anak.."
"okay mom.. Thank you.."
Muling niyakap ni nicko ang kanyang ina at hinalikan ito sa noo tsaka humakbang na paakyat ng hagdan upang tunguhin ang kanyang kuwarto.
Nang marating ni nicko ang kanyang kuwarto ay humiga siya pabagsak sa kanyang kama. Muling pumasok sa kanyang isipan si andrea at ang sinabi ng kanyang ina.
Napapa iling nalang siya habang iniisip ang sinabi ng kanyang ina.
Hindi na niya kasi sinabi sa kanyang ina na si Lucas ang tinutukoy niyang boyfriend ni andrea. Para saan pa, Wala rin naman siyang balak na agawan ang kanyang kinakapatid.
At isa pa ay nakikita niyang masaya ang dalawa sa isa't isa. Tumayo si nicko mula sa pagkaka higa sa kanyang kama at tinungo ang banyo. Naisipan niyang maligo na muna bago siya matulog.
SAMANTALA kakauwi lang ni andrea ng kanyang apartment ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Mag papalit sana siya ng damit ng naisipan niyang kunin sa loob ng kanyang bag ang kanyang cellphone.
Nang makita niya ang pangalan ng tumatawag ay si Lucas. Sinagot naman niya ang tawag nito.
"hi andeng... Kamusta ka na? Kamusta ang meeting niyo ni sir nicko?.."
"o-okay naman.. Heto kakauwi ko lang ng bahay.."
"huh?! Kakauwi mo lang?.. Eh diba kahapon pa ang meeting niyo with the new investors?.."
"yes, kahapon pa nga— ah eh kasi—"
Hindi alam ni andrea kung anong idadahilan kay Lucas, kung bakit ngayon palang sila naka uwi galing sa hotel na pinuntahan nila kahapon.
"bakit may nangyari ba?.. Si kuya nicko kamusta siya?.."
Nang maka bawi si andrea ay bahagya siyang napa ubo bago muling nag salita.
"ah kasi.. Nagka yayaan pa silang kumain muna pagka tapos ng meeting at tsaka bukod pa doon ay may iba pang meeting na dinaluhan si sir nicko, doon din sa hotel na yun.. Kaya ginabi na kami.. Nag check in nalang muna kami dun sa hotel kasi alanganing oras na.. "
" oh nag check in kayo ni kuya? m-mag kasama ba kayo sa room?.. "
" ano ka ba, siyempre h-hindi! Mag kaiba kami ng kuwarto ni nicko.. "
" nicko? "
Natigilan si andrea sa pag banggit ng pangalan ni nicko. Maging siya ay nabigla din.
" ah oo si nicko.. Ah eh.. Ganito kasi yun Lucas.. Ayaw niya kasing patawag sa akin ng sir nicko.. Nicko nalang daw, kasi mas lalo daw siyang tumatanda kapag sir nicko ang I tinawag ko sa kanya.."
Pagka tapos sabihin iyon ay bahagyang na tawa si andrea.
" alam mo na.. Nagpapa bata ata si sir.. "
Narinig niya ring tumawa si Lucas sa kabilang linya. Ngunit napa isip ang binata kung talaga bang nagpapa bata lang si nicko, kaya ayaw nitong magpa tawag ng sir nicko kay andrea.
"ah sige Luke.. Mamaya nalang ulit ha.. Magpapa hinga muna ako.."
Paalam ni andrea kay Lucas. Naisip niya ng magpa alam dito, baka kung ano pang itanong nito sa kaniya at madulas pa siya dito.
Nang magpa alam si andrea kay Nicko ay agad na ring ibinaba ng binata ang linya. Doon lang nakapag palit si andrea ng damit matapos na mawala ni Lucas sa linya.
Kinabukasan, maaga pa lang ay tinawagan na siya ni nicko upang ipaalam sa kanya na wala muna silang pasok ngayon sa opisina. Hindi na inalam pa ni andrea kung bakit. Masaya siya dahil mahaba haba ang kanyang pahinga. Naisipan niya ring mag punta ng parlor upang magpa linis ng kanyang kuko at nag linis na rin siya ng kanyang apartment at pagkatapos nun ay humiga nalang si andrea mag hapon.
Sasamatalahin niya ang araw na iyon para makapag pahinga ng husto. Napagod kasi talaga siya sa meeting na pinuntahan nila ni nicko. Pakiramdam niya ay kulang pa ang mga naitulog niya sa hotel at kagabi pag uwi niya.
Gabi na ng mag pasyang bumangon ng higaan si andrea. Nakaramdam na kasi siya ng gutom. Bumili nalang siya ng pagkain sa karenderyang malapit sa kanila.
Matapos niyang kumain ng hapunan ay naisipan niyang tawagan ang kanyang kapatid na si Dominic, upang kamustahin ito. Maging ang kanyang kapatid kasi ay nakakalimutan na rin niyang tawagan ito.
Naka dalawang dial pa siya sa numero nito ng sumagot ito.
"hello, dom.. Kamusta kayo diyan? Okay lang ba kayo diyan?.. Pasensya na ngayon lang napa tawag ulit si ate.. Andami ko kasing ginagawa sa office.. Pag day off ko naman busy rin ako dito sa bahay.."
"Okay lang ate.. Naiintindihan ko naman te.. Mag isa ka lang diyan, kaya walang nag aasikaso sayo.. Kung diyan mo nalang kasi ako pinag aral te.. Eh di sana kahit papaano may kasama ka diyan.."
"naku, Mahirap dito sa maynila dom.. Maraming loko loko dito.. Mas safe ka, kapag diyan ka sa probinsiya natin.. Kilala na natin ang mga tao diyan.."
"eh ate kasi, gusto ko ring maka punta ng maynila.. Kahit pag bakasyunin mo nalang ako diyan te.. Malapit naman na po ang bakasyon namin sa klase eh.. Maboboring lang ako dito..
" bakit ka naman Maboboring diyan, eh nandiyan naman ang mga pinsan natin.. "
Ang tinutukoy niyang mga pinsan ay ang mga anak ng kanyang tiyahin na pinag iwanan niya kay dominic. May lima kasi itong mga anak.
"naku ate, yun nga eh! May limang nga akong pinsan dito, katatamad naman! Kaya palagi nalang ako ang inuutusan ni Tiya dito.. Habang yang mga anak niya, wala namang ginagawa. Kundi nasa galaan palagi! Paano naman ako ate!?.."
Nakaramdam ng awa si andrea sa kanyang kapatid. Hindi naman niya kayang sitahin ang kanyang tiyahin kung bakit nito palaging inuutusan ang kanyang kapatid.
" mag tiis ka na muna diyan dom... Hayaan mo kapag malaki na ang naipon ko ay kukunin nalang kita diyan.. Pero sa ngayon ay kailangan mo na munang mag Tiyaga diyan okay.."
Nasabi niya nalang sa kanyang kapatid. Naisip niya din kasi ay nabayaran na niya ng buo ang pag aaral ng kanyang kapatid, hanggang kolehiyo sa pinapasukan nitong eskuwelahan. Pwede naman makuha yung nauna niyang ibinayad, pero matatagalan pa at tsaka kailangan niyang siya mismo ang kumuha nun at mag asikaso. Paano naman ang kanyang trabaho. Buwan palang siya sa kanyang trabaho at kailangan niyang maka isang taon bago niya magamit ang kanyang vacation leave na benefits mula sa kumpanya.