webnovel

My Innocent Maid XLIII

Marco

Dito na din ako halos umuwi sa condo ko dahil nandito ang mahal ko. Kung hindi pa ako tinawagan ni Mom kinabukasan ay wala pa akong balak umalis at umuwi n0g mansiyon. Ang gusto ko lang ngayon ay ang manatili muna sa tabi nito bago ako gumawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal.

"Aalis lang ako, Mahal ko. Babalik din ako. I love you," mahinang sambit ko sa mahimbing na natutulog na si Katherina. Ini-ipit ko ang papel na may sulat sa mesa para alam nitong umalis ako at babalik din ako mamaya. Pinuno ko ng laman ang refrigerator pati ang mga groceries para hindi ito magutom habang wala ako.

Hinaplos ko nang marahan ang mukha nito bago ko siya hinalikan sa kanyang mga labi. Dampi lang ang ginawa ko dahil ayokong maistorbo ang pagtulog niya. Napangiti ako ng hindi man lang ito nagising.

Dahan-dahan na akong tumalikod at pinihit ang pinto saka lumabas. Sakto namang paglabas ko ng condo ay tumunog ulit ang aking telepono.

"Where are you?" bungad na tanong ni Mom sa kabilang linya pagkasagot ko ng tawag.

"My condo, Mom, dito ako natutulog. Bakit ang aga niyo atang tumawag, Mom?" nagtatakang tanong ko dahil mag-aalas singko palang ng umaga.

"Brace yourself, Son. I don't know what to say now. Hindi ko hawak ang isip nila at wala din kaming magawa ng Dad mo. Just be here and we'll talk."

"Okay, Mom. I'll be there in a bit. Paalis na ako," sabi ko at agad nang pinatay ang tawag. Dumiretso na ako  sa aking sasakyan at wala pang kalahating oras nang makarating na ako ng bahay. Pagdating ko ay nadatnan ko silang dalawa sa sala na para bang aburido at hindi mapakali. Kaya nagtaka ako.

"Morning, Dad, Mom." binati ko muna sila at hinalikan si Mom sa pisngi bago ko ulit ako nagtanong. "Is there something wrong? Hindi ata kayo mapakali?" takang tanong ko sa kanila.

Nakita kong malungkot silang napatingin sa akin. I smell some bad vibes around here pero hindi ko muna inentertain. But seeing Mom and Dad looks frustrated? I can't help but to feel nervous.

"Tell me, Mom. What is it this time? Don't tell me napaaga na naman ang kasal?" tumatawang tanong ko para pagtakpan ang kabang bumabalot sa akin. Nakita kong mas lalo namang lumungkot at mga mukha nila at napatango sa akin na ikinabigla ko. It waa suppose to be a joke.

"Whe the heck, Mom! Are you serious?" gulat na tanong ko at tumingin kay Dad na nakayuko sa gilid ng sofa.

"I'm sorry, Son." hi ging paumanhin nito. Napahinga nalang ako nang malalim at nanghahapong napaupo sa tabi ni Mom. Naihilamos ko ang dalawang kong kamay sa aking mukha dahil sa sobrang galit na nadrama ko sa kaibigan ni Dad.

"How soon?" tanong ko na mas lalo nitong ikinahinga ng malalim.

"The wedding will be held next Saturday. It will be a week from now." nakayukong sambit nito sa akin na mas ikinagulat ko.

"What the actual fuck!" sigaw ko dito dahik sa kabiglaan. "Don't play around, Dad. I'm fucking mad right now and I'm not in the mood! Is this all a joke? Tell me!" galit kong sigaw dito na ikinatayo ni Mom at sinigawan ako.

"Don't you ever use that tone to your Dad, Marco! Hindi namin kagustuhan 'to at alam mo 'yon! We tried to talk to them but your Dad's friend is too dominant. At pinagpipi"itan nito ang gusto niya!" sigaw ni Mom sa akin na ikinayuko ko.

"I'm sorry, Mom." nawawalan nang pag-asang sambit ko at tumayo na. "May sasabihin pa ba kayo sa akin? Do I have to know some bad news na mas lalala pa dito, Mom?" tanong ko without looking at Dad. Masyado akong nababahala ngayon at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nang umiling si Mom ay nagsimula na akong maglakad palabas ng mansiyon. Pero bago ko pa mabuksan ang pinto ay narinig ko na si Dad na nagsalita.

"I'm really sorry, Son. I'm doing all I can just to stop that wedding but a week is just a spam of time to think of ways. I'm sorry," batid ko ang kalungkutan sa boses ni Dad pero wala na akong magawa dahil nangyari na ito.

"I don't give a damn, Dad. Kahit kaonting panahon lang ang isang linggo. I will do everything Dad para hindi matuloy ang kasal." putol k9 at napatingin kay Dad bago seryosong nagsalita ulit. "I mean what I said when I say everything, Dad. And I assure you that. Wala akong ibang papakasalan kung hindi si Katherina lamang." seryosong sabi ko at tumalikod na para umalis.

Habang lulan ako ng sasakyan ay hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga dahil sa sinabi ni Dad. Tama nga naman ito, maiksing panahon na lamang ang isang linggo para humanap ng paraan para matigil ang kasal. Pero hindi ako pwedeng mawalan ng pag-asa.

"Kailangan kong makaisip ng paraan. Hindi 'to maari." madiin kong sabi sa sarili ko at inilabas ang telepono ko para tumawag. Nakailang ring na pero hindi nito sinasagot ang tawag ko.

"Fuck!" mura ko at itinapon sa dashboard ang cellphone ko dahil sa inis. "I need to talk to her. Siya nalang ang alas ko para hindi matuloy ang kasal. But I don't have assurance na makakausap ko siya dahil bantay sarado ito ng mga bodyguards niya.

Dumiretso ako sa bahay ng mga Santillan pero wala daw ang mga ito kaya bagsak ang mga balikat kong bumalik sa aking sasakyan. Naalala ko na nasa opisina pala nito si Mr Santillan kaya nagmadali akong puntahan ito. Nagbabakasaling makausap siya ng masinsinan.

Pagdating ko sa office niya ay nakasandal lamang ito sa swivel chair niya at nakapikit. Nang magmulat ito ay ngumiti ito sa akin at iminuwestra ang upuan sa harap nito.

"What brought my son in law here?" tanong nito at tila nag-iisip pang sambit nito nilagay ang daliri sa kanyang baba. "I know!" pumitik ito sa ere na para bang alam na agad nito ang ipinarito ko. "Siguro nalaman mo na mula sa iyong mga magulang ang pagbabago ng araw ng kasal niyo? And you're here to ask something. Arent you?"

"Yeah, Mom and Dad already told me about that. And I'm not against." pagsisinungaling ko dahil kapag nalaman nito ay malamang sa malamang na mas lalong iikli ang panahon ko. "I just want to talk to Beatrice. I want her to prepare the last remaining things we need to do for our wedding." pagkukumbinsi ko dito dahil ito lang ang paraan para makausap ko ito.

"What made you think na papayag akong makausap mo ang unica hija namin?" kunot-noong tanong nito sa akin na parang nagdududa siya sa paraan nang pagtitig nito sa kabuuan ko. Hindi ako nagpatinag at seryoso pa din akong sumagot sa sinabi niya. Hindi ako pwedeng magpatalo dito. Kailangan kong makahanap nang paraan at kailangan kong maging matapang para sa amin ni Katherina.

Tinignan ko ito ng seryoso bago nagsalita, "It's our wedding and I want my wedding to be handled by my fiance. We barely talk at halos 'yong wedding planner nalang ang gumagawa ng dapat kami ang umaasikaso. She's my soon to be wife and I need to know her bago man lang kami ikasal." punong-puno ng kumpiyansang sabi ko dito na ikinatingin niya sa akin mula ulo hanggang paa. "At gusto ko din na ang gusto niya ang masusunod at hindi ang dikta ng wedding planner na kayo mismo ang kumuha. I want her and me to have a full access to our upcoming wedding."

Nakita ko ang pagtaas ng kilay nito at pagtipa nito sa mesa na kaharap nito at tila ba pinag-iisipang mabuti ang sasabihin.

"Malapit na ang kasal and almost set na ang lahat ng details. What made you think na hahayaan ko pa na ang anak ko ang mag-aasikaso ng kasal niyo? I don't want any delays for the upcoming wedding." seryosong pahayag nito.

"Just let her do the remaining details. At kung may babaguhin man ito ay sinisigurado kong hindi maapektuhan ang kasal. And I will assure you that the wedding will be on time. No delays and it will be perfect." confident kong sambit para makuha ko ang tiwala nito. This is my one last card at kailangan ko siyang mapapayag.

Natahimik ito at tumayo sa kinauupuan niya. Humarap ito sa glass panel at pinagmasdan ang iba't-ibang gusali sa kanyang harapan. Nanatili lang akong tahimik at naghihintay sa maaari nitong sagot. Halos lumabas ang puso ko sa pagkabog nito. Nangangamba ako na baka hindi ito pumayag sa suhestiyon ko pero umaasa pa din ako. Basta para kay Katherina ay gagawin ko ang lahat.

Nang humarap ito ay nakapaskil na sa labi nito ang mumunting ngiti na ngayon ko lamang nakita simula nang makilala ko siya.

"Okay, you win, Hijo. Just promise me one thing." putol nito at seryosong tumingin sa akin

"Anything, Sir." sagot ko,

"I want that wedding to be perfect at gusto ko na walang kahit anong maging sagabal dito. Can you promise me that, Marco?" tanong nito na tinanguhan ko muna bago nagsalita.

"I assure you that, Sir." nakangiti nang sabi ko dahil alam ko na nagtagumpay ako sa plano kong makausap ang anak nito. Nakikita ko ang pangamba sa mukha ng matanda nang sabihin kong gusto ko itong makausap. Pero nang nangako ako dito ay napaisip pa ito ng matagal bago sumagot. And now, alam kong papayag na ito dahil sa paghingi nito nang kondisyon.

"Okay, I'll let my daughter talk to you but not now. She's not here and she's somewhere. Meet her at your wedding planner's place tomorrow at seven." nakangiti nang sabi nito sa akin na ikinangiti ko na rin nang malawak dahil sa tagumpay na plano.

"Thank you, Sir. You will never regret this. I promise you that our wedding will be extra vagant and perfect." sabi ko dito na ikinangiti din nito nang malawak. "So, I need to go, Sir. I need to do something and can't wait to see her tomorrow. Thank you so much dahil pumayag kayo sa gusto ko." pasasalamat ko dito kasabay na din ng pagpapaalam ko. Nakita ko itong tumango bago nagpasalamat din sa akin.

Nakipagshake hands ako kay Mr Santillan bago ako tuluyang umalis ng opisina nito. Umalis ako, na may tagumpay na ngiti sa aking mga labi.