webnovel

My Heart Remembers

He's known as the bad boy of the school. She's known as the bad boy's "FLAVOUR OF THE MONTH". Whilst he's popular for his heroic actions and friendly personality, she's only popular because of him. He loved her, but she loved someone else. He promised himself to never stop until she says YES, but all she had to say to him was NO. All he wanted was her love. All she wanted was for him to disappear in her life. Until one day, he did. And that's when she realized that she needed him. "Sometimes, you realize too late that what you're really looking for is exactly what you just let go." (C) Story written by Tala Natsume 2019 ALL RIGHTS RESERVED

TalaNatsume · Integral
Sin suficientes valoraciones
48 Chs

MHR | Chapter 29

Namamanghang inilibot ni Luna ang paningin sa mga nagtataasang buildings sa siyudad ng Philadelphia habang sakay ng Mercedes Benz na pag-aari ng kaibigan ng pamilya Falcon. Kasama niya sa sasakyang iyon sina Marco, Kane at Grand na simula nang dumating sila ay hindi nagsasalita.

Sa kasunod na sasakyan ay naroon naman ang iba pang mga miyembro ng grupo.

Personal siyang ipinaalam nina Grand at Kane sa kaniyang mga magulang na namangha nang makilala ang dalawa. Her parents could not believe that someone from Falcon and Madrigal would visit their humble home.

Ipinaliwanag ng dalawa na kailangan siyang isama ng isang linggo upang magbakasyon sa Estados Unidos —all expense paid.

At first, hindi pumayag ang daddy niya. Subalit nakipag-usap rito ang dalawa ng pribado sa study room at pagkalabas ay nagbago ang isip ng ama.

She had no idea what's happening. Ni hindi niya alam kung ano ang sinabi nina Kane at Grand sa daddy niya upang pumayag ito. At hindi pa rin siya kinakausap ng mga ito tungkol sa nangyayari. Ilang beses siyang nagtanong subalit sinasagot lang siya ng mga ito na malalaman din niya pagdating nila sa Philadelphia.

Makalipas ang halos kalahating oras na biyahe mula sa airport ay dumating sila sa isang malaki at mataas na steel gate. Sa gilid niyon ay mayroong gate view monitor. She heard the driver spoke to it and showed his face to the screen, and then later on, the gate opened.

She wowed in her mind. "Whose house is this?"

"The Donovan's," sagot ni Marco.

"Oh..."

Habang mabagal na pumapasok sa driveway ang sasakyan ay namamanghang sinuri niya ng tingin ang paligid.

The Donovan's property was literally surrounded by beautiful plants and flowers. Japanese Zen garden and tropical forest style ang hardin ng mga ito sa harap at mayroong tulay na gawa sa kahoy sa ibabaw ng malaking pond. There were hanging plants everywhere, too! Hindi masabi ni Luna kung nasa isang virgin forest sila o nasa Japanese mountain.

Kung gaano ka-ganda ang frontyard ay ganoon din ang bahay na moderno ang pagkakagawa. Tatlong palapag iyon at gawa sa magandang klase ng kahoy at salamin ang ilang bahagi ng mga pader. Hindi niya mawari kung pader pa ba ang mga iyon o bintana. At mula sa salaming pader ay nakikita ang malapad at magandang living room sa loob.

Ilang sandali pa'y huminto na ang kotse sa harap ng malaking pinto. Naunang bumaba ang tatlong mga lalaki at si Kane ay binuksan ang nasa bahagi niya upang alalayan siyang bumaba. Napalingon siya sa isang sasakyang nakasunod sa kanila at ang pagbaba ng apat pang miyembro ng grupo. Nang makalapit ang mga ito sa kanila ay saka naman bumukas ang malaking pinto at iniluwa ang isang ginang katabi ang may-edad na lalaki at babaeng parehong mga naka-uniporme.

"Hello, everyone," anang nakangiting ginang. "I am happy to see you all, I am Iris Donovan. Welcome to our home."

Napasinghap si Luna. That's Ryu's mother!

*****

"Thank you for welcoming us into your home, Mrs. Donovan. We learned about Ryu's condtion and we are here to visit," sabi ni Marco nang makalapit na sila.

Kunot-noong napatingala si Luna kay Marco nang marinig ang sinabi nito.

Ryu's condition?

Pinong ngumiti ang ginang. "Certainly. Please come in."

Sumunod sila nang maglakad ito pabalik sa loob. Si Luna ay humugot ng malalim na paghinga upang huminahon. Kanina pa kumakabog ng malakas ang kaniyang dibdib.

She didn't know what to expect. The Alexandros wouldn't tell her anything. At kanina ay may sinabi si Marco na ipinagtataka niya.

Pagdating sa living area ay lalong namangha si Luna sa nakikitang karangyaan. She knew that Ryu Donovan's father was rich, but she never expected them to be this rich!

"Please have a seat," nakangiti pa ring sabi ng ina ni Ryu.

They all did.

She wanted to smile at Mrs. Donovan pero hindi niya alam kung papaanong ipakikilala ang sarili rito.

Hi, I am Luna and I was the one who broke your son's heart.

Iyon ba? O,

Hi, I'm Luna and I pushed your son away. But now I want him back.

Oh, stupid! Why am I even here?!

"You must be Luna Isabella?"

Napakislot siya sa kinauupuan nang marinig ang sinabi ng ginang. Nakangiti pa rin ito habang nakatunghay sa kaniya.

She cleared her throat and gave the older woman a soft smile. "Y—Yes, Ma'am. I am Luna Isabella Mayo and... I'm glad to meet you."

"I am happy to finally meet you. I've heard a lot about you from Ryu. There was no day he didn't talk about how beautiful you are— my son adored you so much."

Oh.

Hindi siya kaagad nakasagot. Naramdaman na lamang niya ang mga pisnging nag-init. Nang muli niyang sulyapan ang ginang ay nakita niya ang sandaling pagkawala ng mga ngiti nito.

"I would like to privately speak to you later about my son. But before anything else, would you guys like to have something to eat or drink? Nasa flight kayo ng mahigit isang araw and the airline meals are gross." Mrs. Donovan ended up chuckling at her own joke.

Ryu's mother had a warm and friendly personality— just like her son...

Si Marco ay tumayo at sa magalang na tinig ay nagpakilala sa ginang. Isa-isa din nitong ipinakilala ang iba na lalong ikina-ngiti ng ina ni Ryu.

"Oh my! You have been friends with my son for almost two years and I can't believe I haven't met any of you yet! Ryu told me everything about you, thank you for being such a great friend to him."

Umiling si Marco, "No, Ma'am. We should thank your son for being a great friend to us. He was able to change our lives and we are grateful."

Kinunutan ng noo si Luna sa narinig mula kay Marco. Sa kaibuturan ng kaniyang puso ay nais pa niyang makilala ang mga ito, dahil pakiramdam niya'y may mas malalim na dahilan ang pagkakaibigan ng Alexandros. Narinig na niya ang kwento ni Kane, at ngayon ay interesado ring siyang marinig ang kwento ng iba.

Si Mrs. Donovan ay malungkot na ngumit, na lalong ikina-kunot ng noo ni Luna. Nakita niyang umiwas ito ng tingin at nilingon ang dalawang katiwalang nasa likuran nito. "Mrs. Jackson, can you please prepare the table for everybody? And Mr. Jackson, please send the boys to Ryu."

"At once, Mrs. Donovan," sabay na sagot ng dalawa.

Ang matandang katiwala na tinawag na Mr. Jackson ay iginiya ang mga lalaki paakyat sa malaki at mataas na hagdan habang siya nama'y naiwan sa living room kasama ang ginang.

"Uhm, ano po ang... pag-uusapan natin, Ma'am?"

Pinong ngumiti si Mrs. Donovan saka tuwid na umupo sa single sofa paharap sa kaniya. "My son was right. You are exquisite."

Muli siyang pinamulahan ng mukha.

Nagpatuloy ang ginang. "Marami siyang ikinuwento sa akin tungkol sa iyo. Araw-araw ay ikaw ang bukambibig niya."

She grimaced. "Just thinking about what I did to your son, I hope his stories are not as dreadful as I can imagine..."

Mrs. Donovan chuckled and shook her head. "Ryu's adoration for you was something I've never seen before. Oh, don't get me wrong, my son have dated a number of women when we were still living here. But other than that, he never really told me stories about any of them—maliban sa iyo."

Napayuko siya. "I'm sorry... I have been really nasty to Ryu—"

"Hindi iyon ang ikinu-kwento sa akin ng aking anak, hija..."

*****

FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE