webnovel

My Heart Remembers

He's known as the bad boy of the school. She's known as the bad boy's "FLAVOUR OF THE MONTH". Whilst he's popular for his heroic actions and friendly personality, she's only popular because of him. He loved her, but she loved someone else. He promised himself to never stop until she says YES, but all she had to say to him was NO. All he wanted was her love. All she wanted was for him to disappear in her life. Until one day, he did. And that's when she realized that she needed him. "Sometimes, you realize too late that what you're really looking for is exactly what you just let go." (C) Story written by Tala Natsume 2019 ALL RIGHTS RESERVED

TalaNatsume · Integral
Sin suficientes valoraciones
48 Chs

MHR | Chapter 13

Nangalumbabang napatingin si Luna sa bintana ng classroom nang mapansin ang paglakas ng ulan sa labas.

It was a rainy afternoon. Noong umagang iyon ay umaambon lang subalit sa paglipas ng oras ay nauwi na sa bagyo. Sigurado siyang baha na naman ang kalye na dadaanan niya patungo sa apartment niya.

Ibinaling niya ang pansin sa guro nila nang sabihin nitong umuwi na sila. Maaga nitong tinapos ang klase dahil sa sama ng panahon.

"Hindi ka pa ba uuwi, Luna?" tanong ni Kaki nang hindi pa rin siya tumatayo.

Umiling siya, "I'll probably stay here a little bit more. Doon muna ako sa library."

"Bakit?" sabi naman ni Dani na isinukbit na ang bag sa balikat. "Susunduin ako ng driver ni Dad, pwede kang sumabay sa akin at idadaan ka na namin sa apartment mo."

Umiling siya saka tumayo, "Masyado pang maaga at wala naman akong gagawin sa apartment. I'll just stay at the library, may dala rin naman akong payong kaya okay lang ako."

Alanganing tumango ang dalawa.

Nang makaalis na sina Dani at Kaki ay saka siya tumayo at binitbit ang bag. Subalit bago pa man siya makahakbang ay narinig niya ang tinig ni Stefan sa kaniyang likuran.

"Hey."

Mabilis siyang napalingon at nginitian si Stefan, "H—hey.."

"Do you like action movies?"

"Y—Yeah."

He smiled, "My sister bought me two movie tickets, would you like to join me next Friday?"

Hindi na siya nag-isip pa. She nodded, "Sure."

"Great," anito saka muling ngumiti. Sinulyapan nito si Kier na naghihintay sa labas ng pinto bago magpaalam sa kaniya.

Naglakad siya patungo sa library ng may ngiti sa mga labi. She was very happy with the things that have been happening between her and Stefan. Ito ang dahilan kung bakit magana siyang pumasok sa araw-araw. At mas masaya sana siya kung walang Alexandros at Ryu Donovan na sumisira sa mood niya.

Pagkarating niya sa library ay kaagad niyang tinumbok ang pinakadulong pwesto na nakaharap sa sliding glass window at doon naupo.

Malaki at malawak ang school library na parehong bukas para sa highscool and college students. Ang dulong bahaging iyon na pinuwestuhan niya'y natatakpan ng mga nagtataasang bookshelves at mula sa entrance ng library ay walang makakapansin sa kanya malibang umikot sa bahaging iyon.

She took her assignment's notebook out and started to scribble some notes.

Sa loob ng mahigit isang oras ay naroon lang ang konsentrasyon nya sa ginagawa na kung may ingay man mula sa pagbukas at pagsara ng pinto ay sadya niyang hindi pinapansin. Ilang sandali pa'y natapos na niya lahat ng kaniyang takdang-aralin. Isinilid niya sa loob ng bag ang mga gamit at tumayo upang sumilip sa sliding glass window. She groaned when she saw the heavy rain. Nakita niyang lalo pang lumakas ang ulan at halos hindi na niya maaninag ang paligid. Sinulyapan niya ang relos at nakitang alas sinco pa lang ng hapon. Pero ang paligid, dahil sa sama ng panahon at makapal na ulap, ay madilim na.

Nagdesisyon siyang manatili pa ng ilang minuto bago umuwi.

Bumalik siya sa pagkakaupo at inilabas ang cellphone sa bag. Nakita niya ang mga text messages nina Dani at Kaki, nagtatanong kung nakauwi na siya dahil lalong lumakas ang ulan at baha na sa ilang mga kalsada.

She groaned again. Naayos na ang drainage ng kalsada sa harap ng apartment niya pero nag-aalala siyang baha na naman doon dahil sa lakas ng ulan. Dapat pala ay umuwi na ako kanina...

Nag-type siya ng reply sa dalawa at nang akma na niyang ise-send iyon ay saka namatay ang cellphone niya.

Fudge!

Bumuntong-hininga siya saka nangalumbaba sa mesa habang pinagmamasdan ang pagbagsak ng ulan.

Let's just hope the rain would stop...

Hanggang sa ilang sandali pa'y hindi na niya namalayan ang paghalili ng antok at pagpikit ng kaniyang mga mata.

*****

Malakas na dagundong ang nagpamulat kay Luna mula sa pagkakaidlip. Ang una niyang nakita pagkabukas ng kanyang mga mata ay ang tuluy-tuloy paring pagbuhos ng malakas na ulan sa labas ng salaming bintana. Then, she saw the lightning and thunder. Napauklo siya at napayakap ng mahigpit sa backpack na iniunan niya. Sinulyapan niya ang relos sa bisig, seven-thirty.

Crap!

Hindi niya namalayang nakatulog siya, dalawa't kalahating oras na ang lumipas at lalong sumama ang panahon. Sunud-sunod ang nakakabinging kidlat at kulog. She closed her eyes tightly and braced herself all the more. Takot siya sa kidlat, gusto na niyang umiyak nang maisip na baka hindi tumigil ang sama ng panahon at tuluyan siyang hindi makauwi. Kung buong gabing kikidlat nang ganoon kasabay ng malakas na ulan, walang tsansang makakalabas siya ng school building. Hindi niya susuungin ang ganoong panahon, kahit pa sampung minutong lakad lang ang layo ng apartment niya mula sa school.

She's tired, starving and scared. Paano kung siya nalang mag-isa ang estudyante sa school ngayon?

Impit siyang tumili nang muling kumidlat nang malakas kasabay ng pagdilim ng paligid. She panicked, nawalan ng ilaw ang buong school!

Kasabay nang pagdilim ng paligid at impit niyang tili ay may nadinig siyang mura.

"Damn it."

Lalo siyang nag-panic. Lalaki! May tao pa sa loob ng library maliban sa kaniya!

Hindi niya alam kung alam ng lalaking naroon siya sa tagong bahagi ng library. Kung sakali man ay nag-aalala siyang baka may gawin itong masama sa kanya. Gusto niyang maiyak.

"Hey, is someone there? I swear I heard a muffled scream," anang lalaki.

She frowned. Kilala niya ang boses na iyon! Tumayo siya at sumilip sa pagitan ng mga librong nasa shelf. Muling kumidlat at kumulog, mula sa liwanag na dala niyon ay nakita niya ang lalaking nakatayo sa may bandang pinto.

"Hello?" ulit ng lalaki.

Napalunok siya nang makumpirma ang hinala.

Ryu Donovan! Ano'ng ginagawa niya rito?!

Kahit kailan ay hindi niya ipagkakamali ang tinig na iyon sa iba. Lalo siyang kinabahan.

Ilang sandali pa'y may narinig siyang kalabog, kasunod ay ingay mula sa mga nahulog na aklat sa sahig, kasabay ng muling pagmumura ng lalaki. Maya-maya pa'y narinig niya ang pagbukas ng pinto at muling pagsara niyon.

Huminga siya ng malalim, bumalik siya sa kaninang pwesto at kinuha ang bag saka dahan-dahang binaybay ang daan patungo sa pinto.

Nasa kalagitnaan na siya nang pagbaybay sa madilim na library nang biglang bumukas ang pinto at isang nakakasilaw na liwanag ang tumama sa kanyang mukha.

She covered her eyes with her arm habang inaaninag kung sino ang naroon.

"Luna?"

*****

FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE