webnovel

chapter 13 Secret garden

Tamara POV

Hinanap ko sya paikot ikot ako sa ospital

Hay buti naman nakita ko na sya kaso habang nag lalakad sya ang lalim ng iniisip nya dahil ba yun ulit sa babae wow ah wagas pala umibig to iba din

Nilapitan ko sya dahan dahan gugulatin ko sana kaso nung nilapitan kona bigla syang humarap kaya nabangga nya ako

"woo hwaaaa"

Malalaglag na ako ng bigla may humawak sa bewang ko kaya di ako tuluyang nalag lag

Hu buti nasalo nya ako gulat na gulat kame at nag katitigan pa kame sa mata namin

"outchhh"

Galing kala ko yung na bigla akong binitawan  sabay alis

ha ang galing naman nya niligaw na nga ako ganto pa ginawa hay hinawakan ko yung likod ko

"ahhh aray ang sakit!"

"kasalanan moyan may nalalaman laman kapang gugulatin moko yan tuloy bilis karma no?!"

Ano kasalanan ko pa pasalamat ka masakit likod ko kung di talagang lagot ka sakin

" eh tulala ka kasi dyan at saka kasalanan kopa ha niligaw mo ako iniwan sa ere at nag paikot ikot ako dito sa ospital samantalang ikaw nag mumuni muning nag lalakad  ba galing ah !"

"sino ba naman kasing nag sabi sayu hanapin moko di sana nag hintay kanalang sa labas"

"ni di konga alam daan palabas eh"

"di sana nag tanong ka!"

Sabay walk out 

Pinilit kong tumayo

"aba siraulo ba to syempre hahanapin ko sya wala akong dalang pera ngayon at di ko alam ang daan pabalik ng resort"

Bulong ko sa sarili ko

"sana ma karma karin!"

"anong sabi mo!"

Nako mukang narinig nya yung sinabi ko

"wala"

Sinundan konalang sya

Hay sawakas nakabalik na kame sa resort

" ihanda mona ang mga gamit mo bukas ng gabi uuwi na tayu!"

Sabi nya ay sayang naman kala ko isang linggo kame dito ganda pa naman ng resort

" dahil sa nang yari pinauwi agad tayo nila mom"

" ah sige"

" halikana "

Sabi nya

"huh"

"di kaba kakain?"

Sabi ni ervin

"ah susunod nalang ako"

Pag dating namin sa restorant

tinuro agad ng waiter kung saan ang table namin mukang VIP kame ang laki ng lamesa mukang isang pamilya ang kakain

sya duun banda sa dulo at ako dito rin sa may bandang dulo talagang ayaw nyang may kasabay kumain

Pag katapos naming kumain mag lalakad lakad pa sana ako kaso di na nya ako pinayagan at binigay narin nya yung inhaler ko  kaya natulog nalang ako 

Unti unti konang binukas ang mata ko hala 11:30 na pasarap ata tulog ko naligo na ako at kumain mag isa sa resturant,nag lakad lakad habang nag lalakad nakita ko si ervin mukang naka tulog sya duun sa opoan na mukang sofa ewan basta tulog sya  nang naka head set 

katabi nung upuan  yung malaking pool walang tao sa fool mukang VIP to kahit kailan ang arte nya talaga

Umupo ako malapit sa pool at binasako lang yung paa ko sa pool

"anong ginagawa mo dito!"

Pasungit nyang tanong

Di ko sya tinignan

"obvious  ba naka upo at nag mumuni muni "

"pinayagan ba kita pumunta dito saka diba halatang VIP to!"

Yan nanaman sya

"aalis na nga po eh sabi ko"

tumayo  na ako at nag lakad palayo

"sana nga ma karma kadyan!"

"anong sabi mo"

Ay narinig pala lakas ng pandinig nito

kaya tinakpan ko yung bibig ko sabay tumakbo ako palayo

"hu buti naman di ako sinundan non "

Nagulat ako nakita ko yung gate na pinasuka ko noon

" ano ba talagang meron dito"

Pumitas ako ng maraming halaman at pumasok ulit   tanghali naman kaya kitang kita mo ang daanan di tulad ng dati na marami ng hamog at mag gagabi habang nag lalakad ako nag iiwan ako ng isang pirasong dahon hanggang makarating ako sa lumang bahay  pero may nakita akong kakaibang paru-paro sobrang ganda halos ngayon lang ako nakakita ng ganung paru-paro kaya sinundan ko pero nag iiwan parin ako ng isang dahon  at nagulat ako sa  nakita ko nung nakapunta ako sa dulo ng bahay

Isang  sobrang lawak mukang taniman pero mga halaman at bulaklak ang nakatanim

" eto yung lagi kong nasa panaginip dito ko unang nakita yung isang lalaki na di kona maalala ang muka eto yung dino drawing  ko pangarap kong mapuntahan ang pantasyang lugar  ko nais marating "

Gulat na gulat ako totoo pala ang lugar na to pantasya kolang tong lugar na to eh

Nag lakad lakad muna ako at bumalik na ulit sa lumang bahay

"mukang may nakatira dito dati at yung malaking hardin dun ang taniman nila "

" ay hapon na pala kailangan konang bumalik baka kung ano nanaman sabihin ng tukmol nayun"

" so tukmol pala!"

" ay palaka!!!"

Halos aatakihin na ako sa sobrang gulat ko

"teka anong ginagawa mo dito? Sinusundan moba ako ?!!!"

"Halikana nga umuwi na tayo !"

" talagang nag iwan kapa ng bakas ah!"

Sabi ni ervin

"syempre baka maligaw ulit ako eh"

"oy sagutin mo muna yung tanong ko!"

Sabi ko sakanya habang sya hawak kamay at kinakaladkad ako habang nag lalakad

Huminto sya nang napansin nyang  mag kahawak kamay kame

bumitaw sya

At ngayon nag lalakad parin kame pabalik hanggang sa maka balik na kame sa resort

"Ihanda mona gamit mo pupunta na tayo ng airport maya maya"

Sabi nya at umalis ewan ang weird nya  kanina pa sya ganya habang nag lalakad parang nakakita ng multo

Di konalang sya pinansin at pumunta na ako sa room  namin , inayos konsrin ang mga gamit ko

Nang mag gabi na umalis na kame ng resort at pumunta sa airport

Nang maka sakay na kame sa airplane dun ko dinodrawing yung lugar na yun 

inantok na ako di ko muna tinapos yung drawing ko at natulog na 

"hoy idiot monkey!"

"hoy gising nandito na tayo!"

Naririnig kong boses at parang  kahit nakapikit ako parang may ilaw na nakatutok sakin

Bwisit di kaya

Bigla kong binukas ang mata ako at pinunasan ang bibig ko

"hay tulog mantika ka kasi yan tuloy nakukunan ka ng litrato habang naka nganga!"

Pang aasar nyang sabi

Buti nalang kame lang dito  kaya humanda ka

"hoy tukmol!"

Sinipa ko sya at natumba sya,nabitawan nya rin yung phone nya at kinuha ko yung phone kaso may password kainis

Bigla nyang inagaw

"aba lumalaban kana ah"

Tumakbo ako hawak hawak ko parin ang phone nya

"hoy amin nayan!"

"kung makuha mo! Bleeee"

Tumakbo ako at hinabol nya ako

Nahawakan nya yung bag ko patay hinila nya ako at sinusubukan nya paring kunin yung phone nya nilalayo kolang sakanya

"amina! Ang kulit mo!"

"wala delete mo muna  wala delete mo muna kase!"

Inakbayan nya ako at yung isa nyang kamay hinawakan yung dalawang pisngi ko  muka tuloy kameng nag lalandian dito sa may arrive area

Josua POV

Kasama ko si shine  hinihintay namin sila mukang di pa dumarating ang plane na sinakyan nila  kaya nag hintay na kame nang sabihin na dumating na yung plane 

"dadating din yun!"

Sabi ni shine

"ayun oh !"

Sabi nya

Nung tinignan namin sila nakita kong tumatakbo si  prinsesa candice at hinahabol sya ni prinsepe ervin 

"wag mo munang lapitan mukang ang saya saya nila "

Para silang mga batang nag lalaro 

Ervin POV

Hay kulit nya

"di mo ibibigay!?!!"

Sabi ko

"wala delete mo muna yung pic ko"

"ehem!!!"

Nagulat kameng dalawa ni candice at sabay napatingin sa may tabi namin

Sila josua pala bigla kong kosyang binitawan at bigla nyang hinagis yung phone ko sakin

"oh shine nadyan kana pala halikana!"

Sabi nya kay shine at biglang inakbayan sabay  nag lakad sila 

"ba wow ah patay malisya !"

"ah kamahalan cellphone nyo po!"

Kinuha ko yung phone ko tststs iba  talaga ang babaeng yun hayts nako wala pangang isang buwan kasama ko yun nakakainis