Now playing: Ang Liwanag - Skusta Clee, Magnus Haven
Kassandra/Zoe's POV
"Kassandraaaaaa, where are youuu?!!!"
Mabilis na inilayo ko mula sa aking tenga ang telepono.
"Awww! Roxanne, can you please lower your voice?!" Saway ko sa kanya dahil nagpa-panic na naman siya.
By the way, Roxanne is my manager. She's gay and her real name is Roger. Pero mas babae pa siya sa'kin kung umarte. Napapairap na lamang ako sa aking isipan.
"I'm on my way to Chef Elena's house." Paliwanag ko sa kanya. "I volunteer to---"
"WHAT?! PAANO KUNG MAPANO KA?! UMUULAN NA NAMAN---"
"Roxanne, will you please calm down? Ang OA mo na naman. Shesh!" Saway ko sa kanya at muling napairap.
"O-Okay. Eh kasi naman. Pwede mo namang ipasundo na lang siya. ANG DAMI-DAMI NATING STAFF BAKIT KAILANGAN IKAW PA---"
"Arggghh!" Hindi na ako nakapagtimpi pa at binabaan ko na lamang ito ng tawag.
She's good at her job. She's nice, smart, funny, talented, and very responsible, but sometimes, she's overacting. And I wouldn't say I like it when she's acting like that.
And oh, before I forget. Roxanne is my cousin and she's just three years older than me. Kaya kahit papaano ay nagagawa ko siyang kontrahin minsan. But hey, don't get me wrong, I respect her much. It's just that... sometimes she's so annoying.
Kaya minsan madalas din kaming magtalo.
Katulad na lamang ngayon. Kung umarte siya para namang ikamamatay kong puntahan at sunduin ang personal na si Chef Elena.
Argggh! Bahala nga siya. Sigurado akong mamaya sesermonan na naman ako no'n ng malala. But the important thing here is I did my part.
Of course, Chef Elena will be my responsibility now. Ako ang may kailangan sa kanya eh. So, I must take care of her.
Noong huminto na ang sasakyan sa tapat ng bahay nina Chef Elena ay nakita ko itong maraming bagaheng dala.
"Pfffft!" Hindi ko mapigilang hindi matawa dahil sa dami ng maletang dala nito.
First time ba niyang bumiyahe? Parang kulang na lang buong buhay niya pasanin niya at ilagay sa mga maleta eh.
Hahahahaha!
Muli na naman akong natawa sa aking sarili.
Ngunit sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang akong napatulala sa labas ng bintana habang pinagmamasdan siya. At tila ba slow motion siyang naglalakad sa paningin ko habang papalapit sa sasakyan.
Mabilis akong napaiwas ng tingin at inayos ang aking sarili noong tuluyang binuksan na ng driver ang pintuan para sa kanya.
"Ahem!" Agad akong napatikhim nang tuluyang makapasok na siya.
Pero hindi ko naman akalain na magugulatin pala siya.
"Ay palaka!"
Kaya naman hindi ko napigilan ang muling matawa dahil sa naging itsura niya noong makita ako.
"Sorry! Nagulat ba kita?" Nangingiti na tanong ko at paghingi ng tawad kahit na obvious namang nagulat ko talaga siya.
"G-G-Good evening." Utal na pagbati nito sa akin.
And I don't know why I found it cute every time she stutters when talking to me.
"Good evening to you too." Nakangiti at ganting pagbati ko rin sa kanya.
Napansin ko na pinagmamasdan niya ako sa aking kabuuan. Kaya naman hindi ko napigilan na tanggalin na ang face mask ko, since dalawa lang naman kami ang nasa loob ng van.
And wait... is she checking me out? Napapangisi na wika ko sa aking isipan.
Naupo ito sa kabilang dulo ng inuupuan ko, para siyang estatwa na hindi gumagalaw at straight body na nakaupo lang sa gilid. Ipinikit din nito ang kanyang mga mata na tila ba...
Nagdadasal ba siya ng taimtim or what? Parang may inaamoy na ewan. Hindi ko alam.
Dahil dun ay hindi ko na naman napigilan ang muling matawa dahil sa itsura niya. Why is she so funny?
"Alam mo sana dinala mo na rin pati kama at buong kwarto mo." Natatawa na sabi ko sa kanya dahil muling naalala ko ang mga bagahe niya.
Muling iminulat nito ang kanyang mga mata at basta na lamang napatulala sa akin. Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi maging concious sa aking sariling itsura.
Ngunit mabilis din naman siyang nagbawi ng kanyang paningin na animo'y biglang nahiya. Dahil doon ay hindi ko napigilan ang mapangisi.
"Pasensya ka na. Hindi ko kasi alam kung anong mga gamit ang kakailanganin ko kaya hinakot ko na lahat. Isa pa, b-bago lang ako makakaluwas ng Manila." Pag-amin niya sa akin.
"Oh, really?" Gulat na tanong ko naman. "Ni minsan ba sa buhay mo eh hindi ka pa napadpad sa Manila?" Mariin na napailing lamang ito bilang sagot.
Dahil doon ay isang nakakalokong ngiti naman ang ibinigay ko. Isang ideya kasi ang pumasok sa aking isipan, which is, bagay na alam kong magugustuhan niya.
"Don't worry, I'll be your tour guide." Sabay taas baba ko ng aking kilay.
Ngunit hindi nito napigilan ang matawa. As in 'yung tawa na medyo malakas.
"Why are you laughing? I'm serious." Napapangiti na wika ko sa kanya. Hmp! Nakakatawa ba 'yung ideya ko? Nakaka-offend siya ah.
"Ha? Eh 'di ba bawal kang pagala-gala? Kukuyugin ka ng mga fans mo 'no?" Tugon nito bago ako inirapan.
Wait...
Parang hirap kasi akong i-process sa aking isipan na may isang tao na gagawa no'n mismo sa harap ko except sa mga close friends and family ko.
Mukhang siya ay nagulat din sa ginawa niya. Habang ako ay napapanganga in disbelief habang tumatawa.
"Sorry." Agad na paghingi nito ng tawad.
"Did I see it right? Inirapan mo ako?" Natatawa na tanong ko habang amazed na nakatingin sa mga mata niya. Pang-aasar ko na rin because I found it cute to see her blushing.
"Sorry! Sorry talaga." Muling paghingi nito ng tawad.
"It's alright." Wika ko. "You know what? I think we will be best friends." Pagkatapos ay muling natawa ako habang napapailing.
I mean it. I want her to be my friend.
Because she is easy to talk to and be with. I'm not a talkative person with people I don't know completely, but when I met her, noong araw pa lang na pinuntahan ko siya sa kitchen niya at nag-offer ng job sa kanya, I immediately felt very at ease with her.
And I don't know why. Kahit na kakakilala ko pa lang sa kanya, pakiramdam ko, para bang... para bang matagal ko na siyang kilala?
Sa sobrang hiya niya siguro sa akin kanina kaya hindi na ito muling nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa Airport.
Agad naman na sinalubong kami ng mga staff at tinulungan ako sa mga gamit ko. Pinakuha ko na rin sa sasakyan ang mga gamit ni Chef Elena. Habang si Roxanne naman ay pinakilala siya sa ibang mga makakasama namin sa flight.
Maya-maya lamang ay may lumapit sa akin na isang staff. We discuss some things to do pagbalik namin ng Manila.
Pero ang hindi ko alam eh kung bakit habang kinakausap ko ito ay umiikot naman ang mga mata ko sa paligid para hanapin ang mukha ni Chef Elena.
Hanggang sa matagpuan ko itong nakaupo mag-isa sa pahabang bench. Patingin-tingin lamang ito sa paligid o kaya naman ay ngingiti kapag may pumapansin at ngumingiti rin sa kanya.
At noon din ay nagtagpo ang aming mga mata. Hindi ko magawang alisin ang aking paningin sa kanya kahit na nahuli na ako nitong nakatingin sa kanya. We stared at each other for a few more seconds bago ko ito nginitian ng mabagal. Hanggang sa ako na mismo ang unang nagbawi ng aking paningin sa kanya.
It's just weird because the way she looks at me is like... I remember someone who looks at me the same way.
Bagay na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan kung sino at kung ano ba siya sa buhay ko.
At 'yun ay walang iba kundi ang first love ko.
My piggy.
The one I didn't see five years ago. 'Yung taong miss na miss ko nang makita at makasama ngayon.
---
Pagdating namin ng Manila, kasama ang manager kong si Roxanne at ang aking personal na driver, ay inihatid namin si Chef Elena sa kanyang magiging Apartment.
Isa pa, gabi na rin kasi para naman makapagpahinga na siya. Lalo na at mukhang hindi yata siya sanay sa biyahe. Mabuti na lang nga at hindi siya nahilo sa eroplano kanina. Akala ko nga masusuka siya eh.
Thank God dahil hindi naman at nakatulog pa nga.
Noong makarating kami sa kanyang apartment, ay agad na dumiretso kami sa floor kung nasaan ang kanyang magiging kwarto.
Nasa 4th floor ang kanyang kwarto kaya medyo nahirapan din kaming buhatin ang mga bagahe niya. Mabuti na lang din at may elevator, hindi na namin kailangang maghagdanan.
Ibinigay sa kanya ni Roxanne ang susi ng kanyang unit at pagkapos ay ako naman ang nag-tour sa kanya sa bagong magiging tirahan niya.
Actually, this unit is my old unit. Bago pa ito at madalas dito ako nagpupunta noon kapag sobrang stress ko para matulog lang. Hindi rin kasi ito masyadong pamilyar sa mga paparazzi kaya parang safe place ko rin itong masasabi.
At ngayon nga ay pansamantalang ibibigay ko na muna ito kay Chef Elena. Siguro kapag hindi na busy, saka ko siya mabibilhan ng kanyang bagong sasakyan.
Ayaw ko rin kasi ng panay utos lang. Gusto ko ako mismo ang gumagawa minsan ng effort kung kaya naman ng schedule ko.
Merong mini bar ang unit, center island, dirty kitchen, merong terrace na pwede niyang pagtambayan kapag gusto niya ng sariwang hangin. Kompleto na rin sa gamit dito and furnitures. Wala na siyang kailangang ayusin at gawin kundi timira na lang. Merong 50 inches flat screen TV, may wifi and everything.
Nakikita ko naman ang satisfaction sa mukha ni Chef. kaya alam kong okay na siya sa magiging tirahan niya. Tahimik din naman ang lugar at walang kaguluhan. Kaya alam kong makakapag-relax siya.
"So, we're settled?" Tanong ko sa kanya. "Kung may mga kailangan ka pa o may mga ipabibili, please call or text Roxanne so she can provide it for you." Paliwanag ko sa kanya.
"Yes, of course. Sobrang okay na okay na ako rito. Actually, hindi ba parang masyadong malaki 'yung apartment para sa akin? Lalo at mag-isa lang ako?" Tanong nito.
"Ano ka ba, okay lang 'yun. Para naman maging komportable ka." Wika ko at pagbibigay ng assurance na tutuparin ko ang pinangako sa kanya na magiging fair ako.
Napatango lamang ito sa sinabi ko.
"Uhmm... last na, pwede pa bang magtanong?" May pagka alanganing tanong nito bago napakamot sa batok niya.
"Sure! What is it?"
Sandaling napaisip ito bago isinukbit ang kanyang magkabilaang kamay sa bulsa ng kanyang jeans.
And I can't deny. Ang simple lang ng kilos niyang iyon pero ang hot niyang tignan. Issss! Dahilan para mapaiwas ako ng tingin mula sa kanya.
"Ano kasi... b-bakit dalawa 'yung kwarto? Wala naman akong magiging bisita rito dahil nasa Palawan ang mga magulang at kaibigan ko." Dahil sa katanungan niyang iyon ay awtomatikong gumuhit ang ngiti sa mga labi ko.
"Ow, yeah! I almost forgot." Nakangiting wika ko sa kanya. "That's my room." Awtomatiko namang namilog ang mga mata niya.
"K-Kwarto mo?!" Gulat na gulat na tanong nito sa akin. Agad naman na napatango ako.
"Pero bakit?"
"What do you mean, bakit? Of course kakailangan ko ng ibang place minsan. Lalo na dahil madalas sinusundan ako ng mga Paparazzi." Paliwanag ko sa kanya. "Isa pa, I'm your boss so I must reserve my own room here, just incase, you know."
Natahimik na lamang ito bago napatango at napatitig sa akin.
Habang ako naman ay napapailing na lamang din.
She's so weird and cute. May naaalala talaga akong tao dahil sa kanya.
Napahinga ako ng malalim. These days, dahil kay Chef Elena, palagi kong naaalala ang isang tao na matagal ko nang hindi nakikita.
"Anyways, I have to go." Pagpapaalam ko sa kanya. "Bukas maagang susunduin ka ng driver para naman ihatid sa penthouse ko." Paliwag ko sa kanya.
"O-Okay.
Muling tinapunan ko siya ng tingin sa kanyang mga mata at binigyan ng ngiti.
"Take a rest." Iyon na lamang ang tanging nasabi ko bago tuluyang tumalikod na.
Ngunit ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit parang miss ko na agad ang presensya niya the moment I walked out that door.
Ano ba talagang meron sa Chef na 'yun at bakit bago pa lang kami magkakilala eh parang bang nasa under na ako ng spell niya?
And I feel like there is something with her that I'd like to know. At kung ano man 'yun? Hindi ko rin alam.
But I am one hundred percent willing to know.