webnovel

The Reason

Blessy's Pov

Ang bilis lumipas ng mga araw. Ito na ang huling araw namin ng paghahoneymoon. Halos tatlong buwan din kami wala sa Pilipinas. Ginamit kasi namin lahat ng mga regalo ng mga kaibigan ni daddy Jk. Kasalukuyang nandito kami sa Japan at bukas na ng tanghali ang uwi namin sa Pilipinas.

Nakita na rin namin ang sinasabi ni tito V na kayamanan. Yun ay ang mga larawan ng kambal kasama sina tito V at tito Jimin. Meron din ang mga ibang kaibigan nila daddy Jk at mommy Lisa. Tapos ang pinakamaganda pang kayamanan ay ang painting namin ni Leo. Pinagawa ata ni tito V ito.

"Hindi ka pa ba papasok love?" tanong sakin ni Leo. Nasa mini garden kasi ako ng bahay na binili ni tito V dito sa Japan.

"Mamaya na. Gusto ko munang magpahangin." sabi ko.

"Gusto mo ba samahan kita dyan?" tanong ni Leo.

"Hindi na. Di ba may trabaho ka pang dapat tapusin? Huwag kang mag alala maya maya ay papasok na ako." sabi ko sa kanya.

"Sige pero wag kang magtagal dyan at baka magkasakit ka pa." sabi ni Leo.

Pumasok si Leo sa loob ng bahay. Sa totoo lang may bumabagabag sa akin. Naisip ko lang kung bakit hindi pa ako nabubuntis. Halos gabi gabi naming ginagawa ang magtalik at hindi gumagamit ng proteksyon si Leo. Kaya naman nagtataka talaga ako. Sa totoo lang sabik na kasi ako magkababy. Nagtry ako last month pero negative.

Pumasok ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto. Nahiga ako sa kama at maya maya ay tumabi sakin si Leo.

"Love may problema ba? Kanina pa kasi kita nakikitang malungkot. Sabihin mo sakin para dalawa tayong lulutas ng problema mo." sabi nya.

"Wala naman kasi iniisip ko lang kung bakit hindi pa ako nabubuntis." sabi ko.

"Nadedepress ka pa din ba dahil negative ang pregnancy test mo last month? Hindi ba sabi ko sayo sarating din satin yan. Huwag taying magmadali." sabi nya.

"Gusto ko na kasing magkababy." sabi ko.

"Darating din satin ang anghel natin. Sa ngayon enjoy muna natin ang isat isa. O baka gusto mo gawin na natin si baby baka naman dumating na sya hahaha." sabi nya.

"Puro ka naman biro. Wala ako sa mood. Gusto ko nang matulog." sabi ko.

"Sige na matulog na lang tayo. Goodnight love." sabi ni Leo sabay halik sa noo ko.

"Goodnight love." sagot ko.

Nang magising ako pinag empake agad ako ni Leo. Pagkatapos ng 4 na oras mahigit ay nakauwi na kami ng Pilipinas.

"Ate Blessy! Kuya Leo dito!" sigaw ni Lily.

"Kayong dalawa lang ba? Asan si Liam?" tanong ni Leo.

"May pinuntahan kuya kaya kami na ang sumundo sayo. Kamusta ang bakasyon ate?" tanong ni Lucas.

"Wow Lucas mas matanda ka pa sakin tapos tatawagin mo akong ate. Hahaha hindi ako sanay." sabi ko.

"Dapat masanay ka na. Asawa ka na ng kuya ko kaya ate na kita hahaha. Tara na at baka matraffic tayo sa daan." sabi ni Lucas.

Inayos na nila ang mga bagahe namin tapos kami ni Lily at pumasok na sa loob ng kotse. Maya maya ay pumasok na din sila sa kotse. Dun kami ni Lily sa likod.

"Ate, kuya may pasalubong ba kami?" sabi ni Lily.

"Syempre naman, ang kulit nyo kaya. Lalo na si Lala, ang daming pinabibili." sabi ni Leo.

Tahimik lang ako sa biyahe. Si Leo lang ang sumasagot sa tanong nila Lily. Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit wala ako sa mood.

Nakarating kami sa bahay. Pansamantala lang ay dito muna kami habang tinatapos pa ang bahay na pinapagawa ni Leo sa loob lang din nitong village. Gusto kasi ni mommy na dito kami manirahan. Tutal daw eh halos wala nang nakatira sa village kundi pamilya nina Leo, pamilya ni tito V at pamilya ni tito Jimin. Madalang nang umuwi dito ang pamilya ng iba pang kaibigan ni daddy.

"Andyan na pala kayo. Magpahinga na kayo at mamaya may salo salo tayo dito sa bahay. Inimbitahan namin ang mga pamilya nila tito V at tito Jimin nyo.

"Ganun po ba? Sige po magpapalit lang po ako ng damit at tutulong po ako sa inyo." sabi ko.

"Naku huwag na, kaya ko na ito. Magpahinga ka na lang. Sya nga pala sabi ni Brandie tawagan mo daw sya pag uwi mo. Kailangang kailangan ka daw nya makausap." sabi ni mommy.

"Sige po mommy, tatawagan ko po muna sya." sabi ko.

"Love alis na muna ako. Kailangan ako sa opisina. Magpahinga ka na at mamaya babalik agad ako." pagpapaalam ko.

"Sige magpapahinga muna ako sa taas." sabi ko.

Umalis na sina Leo at Lucas, tapos ako naman ay umakyat muna sa kwarto. Tinawagan ko muna si Brandie.

"Hello?" tanong nya sa kabilang linya.

"Hello Bandon, bakit mo ako pinapatawag? May nangyari ba sa mga lolo at lola ko?" tanong ko.

"Una sa lahat ay Brandie nga at hindi na Brandon, ang kulit mo din ano? Pangalawa, walang nangyari sa mga lolo at lola mo." sabi nya.

"Eh bakit mo ako pinatawag agad?" tanong ko.

"Meron kasi akong papapirmahan sayo tungkol dito sa maliit na paaralan na pinapatayo mo. Hindi kasi pwedeng ako ang pumirma. Nagmamadali na kasi sila eh. Pangalawa makikibalita lang ako sayo hahaha. Ano may laman na ba?" tanong nya.

"Anong laman?" tanong ko.

"Gagang to, laman as in buntis. For sure meron na yan. Madalas ba kayong magloving loving? Ano malaki ba ang ano ni Leo?" tanong pa nya.

"Bastos na to! Bakit naman ako magkukwento ng tungkol samin ni Leo. At isa pa wala pang laman. Hindi pa ako buntis." sabi ko.

"Ay ang hina naman pala ni Leo. Di ba kayo araw araw nagsesex?" tanong pa nya.

"Bwisit na to. Tumigil ka na nga. Ang bastos ng bunganga mo. Magkita na lang tayo, asan ka ba?" tanong ko.

"Nandito ako sa bahay ng grandparents mo. Sa mall na lang tayo magkita. Makikipagkita muna ako kay ate ko dahil uuwi yun ng Baguio tapos saka tayo magkita." sabi nya.

"Sige dalhin mo na lang ang mga importanteng papeles." sabi ko.

Binaba ko na ang cp ko. Bago nag ayos muna ako ng sarili. Bumaba ako at nagpaalam ako kay mommy.

"Mommy, makikipagkita lang po ako kay Brandie. May importante lang po syang papipirmahan sakin." sabi ko.

"Ganun ba? Sige bumalik ka na lang agad para sa salo salo natin. Sya nga pala nandyan si uncle Red mo, magpahatid ka na sa kanya." sabi ni mommy.

"Sige po salamat. Alis na po ako mommy." sabi ko bago ako lumabas.

Hinatid ako ni uncle Red sa mall na pagtatagpuan namin ni Brandie. Sinadya kong mauna kasi gusto kong mamasyal at bilihan ng iba pang gamit sina lolo at lola.

Nang makapamili ako ay pumunta na ako sa restaurant na pagtatagpuan namin ni Brandie. Agad naman itong nakarating at nagsimula na kaming umorder.

"Good afternoon po mam, ano pong order nyo?" tanong ng waiter.

"Isang lasagna with garlic bread, isang family size na pizza at mango shake. Ikaw ano order mo?" tanong ko.

"Isang Carbonara at strawberry shake lang. Aba Blessy, kelan ka pa naging matakaw? Para kang buntis." sabi nya.

"Kulit mo hindi ako buntis. Medyo masama lang loob ko kasi nag pregnancy test ako last month at negative ang result kaya ayun medyo dissapointed." sabi ko.

"Eh bakit ka ba nagmamadali. Hindi lahat madali magbuntis. Meron nga inaabot ng 5 hanggang 10 taon bago magbuntis." sabi ni Brandie.

"Huwag naman sana. Ay naku bilisan na nating kumain. Kailangan kong makauwi bago maggabi. May salo salo kasi sa bahay at darating ang mga pamilya ng kaibigan nila daddy." sabi ko.

"Darating ba si Chrys dun? Grabe bestie, ang gwapo nya noh?" sabi ni Brandie.

"Hahaha type mo pala sya. Naku allergic sa bading yun. Muntik na kasi sya marape ng kagaya mo hahaha." sabi ko.

"Ay negative. Pero like ko pa din sya. Ang pogi kasi at ang macho hahaha." sabi nya.

Natapos ang aming pag uusap at napagdesisyunan ko na umuwi na. Bukas na lang ako bibisita kina lolo at lola. Hindi na ako nagpasundo kay uncle Red. Nagtaxi na lang ako pauwi. Nakauwi naman ako agad kasi walang traffic. Pagpasok ko ay sina tito V pa lang ang bisita.

"Andyan ka na pala anak. Nasa kwarto nyo na ang asawa ko. Kanina ka pa hinahanap. Umakyat ka muna dun tapos sabay na kayong bumaba para kumain." sabi ni daddy.

"Sige po, salamat po daddy." sabi ko.

Umakyat naman ako sa kwarto namin. Nasa pintuan pa lang ako ng may marinig ako na nagtatalo. Boses ito ni Lala at Leo at mukhang nagtatalo. Hindi muna ako pumasok kasi narinig ko na parang ako ang pinag uusapan.

"Humahanap pa nga ako ng tyempo eh. Nahihirapan na nga ako kasi lagi na lang sya malungkot simula nung nagpregnancy test sya. Paano pa kaya pag sinabi ko ang kalagayan nya." napakunot ang noo ko sa sinabi ni Leo.

"Kaya nga, kung ako sayo ay sabihin mo na agad sa kanya na mahihirapan na sya magbuntis. Ang worst ay baka hindi na sya magbuntis." sabi ni Lala.

"Kung hindi nya lang sana ako niligtas ay hindi mangyayari sa kanya yun. Kasalanan kong lahat ito." sabi ni Leo.

Napaluha naman ako. Pumasok ako sa kwarto at nagulat silang dalawa ng makita ako.

"Blessy, kanina ka pa dyan?" tanong ni Lala.

"Oo at narinig ko ang usapan nyo." sabi ko.

"Blessy...." sabi ni Leo. Nagulat sila ng sinampal ko si Leo.

"All along alam mo pala na may diperensya na pala ako. Nagmukha akong tanga!" sigaw ko.

"Blessy hindi ko naman gustong ilihim to eh. Kaso lang... " natigilan sya.

"Alam mo Leo, masakit eh. Masakit yung paasahin mo ako sa wala. Alam mong sabik na sabik ako tapos yun pala hindi na mangyayari yun. Sana sinabi mo na lang agad!" sigaw ko.

"Ano bang nangyayari dito, bakit kayo nagsisigawan?" tanong ni daddy. Kinuha ko yung bag ko na nalaglag.

"Saan ka pupunta Blessy?" tanong ni Leo.

"Naiinis ako Leo. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Gusto ko munang mapag isa at makapag isip isip." sabi ko at lumabas ako ng kwarto.

Naiwan dun sina Leo, Lala, tito V at si daddy. Nagprisinta naman na ipagdrive ako ni tito V. Hindi na ako tumanggi dahil wala na din akong lakas para makipagtalo pa. Tahimik lang ako sa biyahe at nagpahatid sa bahay ng lolo at lola ko.