webnovel

She's like Mommy

Leo's Pov

Naging busy ako ng mga nakaranang araw sa paghahanda ng school anniversary. Ilang linggo ko nang hindi nakakasamang magrecess ang barkada. Kinukulit na nga ako ng mga ito. Pati si clumsy girl hindi ko na nakikita.

Last ko na ng pag oorganize sa  darating na event. Sa mga susunod na araw pwede ko nang ibigay ang pag aasikaso sa vice president kasi magpapractice naman ako kasama ng barkada.

Maaga naman akong natapos sa gawain ko kaya naman pumunta ako sa room ng club namin. The Vadazz Club na kinuha sa salitang badass. Kaso alien ang founder na si Vincent kaya naging Vadazz.

Nung makarating ako sa club napansin ko na nandun sina Lala at mga ka miyembro nya. Ang grupo nila ay tinatawag na Golden club. Naku kasali din pala ako sa club na yun hahaha. Paano kasi may makulit ako na kakambal na founder nito.

"What going on?" tanong ko.

"Whats going on ka dyan. Sinabi ko na sayo last week na magkasama na tayong magpeperform. Kami mga kakanta at kayo ang banda. Oh diba masaya pagsama sama?" sabi ni Lala.

"Sorry nalimutan ko. Busy kasi. So game na sabihin nyo sakin ang plano. Para makapagpractice na ako."

Sinabi nila sa akin ang mga kakantahin at ang mga kakanta. Grabe whole day ata ang concert namin sa sobrang dami ng gustong ipatugtog ni Lala. Wala namang makahindi dito spoiled sa amin ang mga kapatid ko at at mga babaeng anak ng mga tito namin. Pinakita ni kambal ang listahan.

(Duet and songs)

1. Lala and Leo- Like Im gonna lose you by Meghan Trainor and John Legend

2. Angel- You belong with me by Taylor Swift

3. Lily- I Knew you were trouble by Taylor Swift

4. Vanna- Love story by Taylor Swift

5. Leo and Blessy- Senyorita by Shawn Mendes and Camila Cabello

6. Venice, Lala and Blessy- Angels brought me here na cover by La diva

Yan ang mga listahan ng kakantahin at tutugtugin namin.

1. Si Vincent sa piano.

2. Si Chrys sa bass.

3. Si Lucas sa drums

4. Ako sa electric guitar

Tuloy tuloy ang rehearsal namin. Gusto namin na maperfect dahil ayaw namin mapahiya ang mga magulang namin. Nang kami na ang kakanta ni Blessy, namangha ako sa boses nya. Hindi ko maipaliwanag ang boses nya. Malamig na masarap pakinggan. Kaya pala nuon nagkwento si Lala sa akin na may gusto siyang gawing miyembro kaso ayaw pumayag. Kung idescribed nuon ni Lala ay ganun din naramdaman ko. Very soulful ang pagkanta nya.

"Sige tama na muna ang practice natin at baka mamaos kayo." sabi ni Lala.

"Sige tama yan. Kumain muna tayo bago mag uwian. Sagot ko ang pagkain ngayon. " sabi ni Vincent.

"Huh! Tara minsan lang maglabas ng pera yung alien. Dalian nyo bago pa magbago yan." pang aasar ni Lucas.

"Kayo na lang guys. Meron pa kasi akong lakad. Sa susunod na lang." sabi ni Blessy.

"Blessy wag mo sabihin na tutuloy ka pa. Ilang araw ka na puyat? Maawa ka naman sa sarili mo." sabi ni Angel.

"Nah Im okay. Dont worry Angel." sabi ni Blessy.

"Blessy naman eh. Cge samahan na lang kita. Hindi na ako sasama sa kanila." sabi ni Angel.

"Angel wag matigas ang ulo. Lucas hilahin mo na nga iyan."sabi ni Blessy.

"Ako na lang ang maghahatid sa kanya. Hindi naman maganda kung dalawa pa kayong babae ang uuwi. Gabi na baka mapahamak pa kayo. Sige na Vincent mauna na kayo. Tinawagan ko na sina uncle Red para sa sasakyan. Dun na kayo sumakay Lala. Dala ko naman ang sasakyan ko." sabi ko.

"Okay! Cge. bye bye!" sabi ni Lala. Humalik muna si Lala at Lily sa pisnge ko bago ako umalis.

Nauna na kaming maglakad ni Blessy papunta sa parking lot. Nakarating kami sa kotse ko ngunit ayaw nya pumasok.

"Sigurado ka na ikaw magdadrive? Bata ka pa, baka mahuli ka." sabi nya.

"Oo may lisensya na ako. Wag ka mag alala hindi kita ipapahamak. Sakay na!" sabi ko.

Napilitan naman sya na sumakay. Pinakita ko ang lisensya ko at nagsimula nang magdrive. Nakarating kami sa isang barong barong na bahay na nasa gilid ng kalsada. May nakaburol dun.

Bumaba si Blessy at nagpaalam sakin. Nagpasalamat muna ito bago tumalikod. Hindi muna ako umalis kasi nag aalala ako sa kanya. Lumapit ang dalawang bata kay Blessy. Niyakap naman ni Blessy ang mga bata.

Lumapit ako kasi na curious ako. Kamag anak ba ito ni Blessy? Umupo ako sa bakanteng upuan at pinakinggan ko sila.

"Ate Blessy nagugutom po ako. Ayaw naman po tumayo ni nanay. Ilang araw na po siya tulog." sabi nung batang babae.

"Ano ka ba nene sinabi ko na sayo hindi na gigising si nanay. Patay na sya. Iniwan na tayo!" sigaw ng batang lalaki. Umiyak naman ang batang babae. Napansin ko na puro mga nagsusugal lang ang nandun.

"Nene, totoy, wag kayo mag alala. Pag nailibing na natin si nanay nyo dadalhin ko kayo sa foundation. Nakausap ko na si sister Micah. Konti na lang at mapapalibing na natin si nanay nyo. Aalis muna si ate ha at bibili lang ako ng makakain nyo." sabi ni Blessy.

Umalis si Blessy at naglakad sa kariderya. Tapos bumalik dun at pinakain ang dalawang bata.

"Aalis muna si ate ha. May bibilhin lang ako. Tapos kukuha ako ng pera para maipalibing na si nanay nyo." sabi ni Blessy sa mga bata at tumango naman ang mga ito.

"Ate Nora pakibantayan muna ulit sila ha. Bibili muna ako ng makakain nyo para bukas." sabi ni Blessy.

"Maraming salamat sa iyo Blessy. Alam ko matatahimik na sya sa kabilang buhay kasi may mapupuntahan na ang mga anak nya. Maswerte kami at nakilala ka namin. Hulog ka ng langit sa amin." sabi nung matanda.

"Wala po iyon. Cge po alis muna ako." sabi ni Blessy at naglakad sa labas. Sinundan ko sya at bago ito makalayo at kinalabit ko ang balikat nya.

"Oh Leo bakit nandito ka pa?" tanong nya.

"Nag aalala kasi ako. Kanina pa ako nakaupo dun at kanina pa kita sinusundan. Saan ba punta mo. Sumakay ka na at ihahatid kita sa pupuntahan mo." sabi nya.

"Sa supermarket na lang. Bibili ako ng makakain nila." sabi ni Blessy.

"Sino ba sila? Kamag anak mo? Narinig ko na dadalhin mo sila sa foundation?" sunod na sunod na tanong ko.

"Isa isa lang ang tanong at baka hindi ko masagot yan lahat. Una sa lahat hindi ko sila kamag anak o kaano ano. Nabangga ang nanay nila at walang nakakaalam kung sino nakabangga. Hit and run. Nakita ko na nag iiiyak ang 2 bata at nakita ko na tinuturo ng bata yung nanay nila. Wala silang kamag anak at ang tatay nila iniwan sila. Walang natulong sa dalawang bata kundi si manang Nora so ayun tumulong na din ako." sabi ni Blessy.

"Lumaki ang bill nila kasi natagalan magbigay ang munisipyo tapos kalahati lang. Kulang na lang ako ng 20k para mapalibing ko na ang nanay nila." sabi pa niya.

"Saan ka kukuha ng 20k?" tanong ko.

"Sa ipon ko. Balak ko sana bumili ng bagong phone, wasak na kasi eh. Ilang beses ko na nahulog yun hehehe. Siguro pagtyatyagaan ko muna yung dati kong phone na call and txt lang hahaha." sabi ni Blessy.

"Kukunin mo sa ipon mo? Paano ka? Bakit mo ginagawa sa mga taong hindi ko kaano ano. Bata ka pa bakit kailangan mo problemahin yan?" tanong ko ulit.

"Oo naman. Nangailangan sila ng tulong natyempo nandun ako. Kaya ko naman magtrabaho at kitain ulit yan eh. Pero yung 2 bata na sa murang edad nawalan ng nanay. Inabandona pa ng tatay. Kahit paano bago sila pumasok sa foundation makita nila na maayos ang pinaglagyan ng nanay nila." sabi pa nya.

Namili kami ng grocery. Tinapay, kape, biscuits, kendy at de lata. Bumili din sya ng 2 bagong damit para sa mga bata. Pagkatapos pumila kami at nagbayad. Pinigilan ko sya at binigay ko ang card ko sa cashier.

"Salamat." sabi nya at ngumiti. Nasa tapat kami ng atm machine nang pigilan ko sya.

"Wag mo nang i withdraw yang pera mo. Ipon mo yan." Nilabas ko ang card ko at nagwithdraw ng 20k at ibinigay ko sa kanya.

"Huh? Teka nde ko matatanggap to. Baka pagalitan ka ng parents mo. Isa pa nakatulong ka na sa pagbili ng groceries." sabi nya.

"Wag ka mag alala kaya kong kitain ulit yan. Isa pa pangdonate ko din yan sa foundation. Next month na lang ako magdodonate dun. Mas kailangan nila yan eh." sabi ko. Napayakap naman sya sa akin dahil sa tuwa. Natigilan ako at hindi makagalaw. Napansin naman ito ni Blessy at biglang lumayo sa akin.

"Sorry nabigla lang ako." sabi nya sabay talikod. Grabe ang lakas ng tibok ng puso ko. Magpapatingin na nga ako kay tita Rose na isang doktor.

Minsan ka lang makakakita ng taong may golden heart. Inuuna ang iba kaysa sa sarili at natulong ng walang hinihintay na kapalit. Naaalala ko tuloy ang isang tao sa kanya. Si Mommy.