webnovel

Police Station

Leo's Pov

Isang linggo na pala ako dito sa Baguio. Nanghingi ako ng palugit kay Mommy para pamunuan ang Rainbow Agency. Kailangan ko muna matapos ang problema kay Blessy.

Nagpakalat na ako ng mga agents dito sa baguio. Malaman muna kung anong hakbang ang gagawin ng mokong na yun. Di namansya threat sakin. Inaalala ko lang si Blessy at ang 2 matanda.

Nasa ospital ako ngayon dahil nagkakumplikasyon ang lolo ni Blessy.  Ang lola naman nya ay bumubuti na.

Pumunta sina Lucas at Vincent at Chrys dito sa Baguio. Nang uusyoso lang naman daw sila. Magbabakasyon din muna daw sila. Mga pasaway talaga.

Natawa ako sa itsura nila nung pinakilala ko sila kay Blessy. Di ko pala nasabi sa kanila na hindi sila naaalala ni Blessy. Akala pala ginugoodtime ko sila.

Umuwi ng hotel sina Vincent at Chrys maliligo muna daw. Naiwan kami nila Blessy at Vincent sa kwarto. Nakausap ko na pala ang lola ni Blessy. Sabi nila na ipinakilala si Blessy sa kanila ni Denver bilang apo at ang sabi boyfriend daw sya. Nagpakita ito ng mga larawan ng anak nila may kasamang bata at si Blessy daw yun.

So si Denver lahat ng nakakaalam nito. Malabo pa rin ang kaso . Kailangan ko malaman dun sa Denver ang totoo.

"Kuya kelan mo balak umuwi?" tanong ni Lucas.

"Siguro pag nasigurado ko na ang safety ni Blessy. Bakit mo natanong?"

"Wala naman gusto mo ba ako muna humawak ng kompanya mo?" tanong ni Lucas.

"No need. Kahit wala ako dun nagagawa ko naman sya dito. Thank by the way." sabi ko kay Lucas.

Pinapakain ni Blessy ang lola nya at si Lucas kachat malamang si Angel habang ako naman ay naglalaptop. Nagulat kami ng marahas na buksan ang pinto. Pumasok dun ang mga pulis.

"Mamang pulis, ospital po ito at may mga pasyente na nagpapahinga baka naman pwede mag ingat kayo." walang buhay na sabi ni Lucas, sa cp pa din nakatingin.

"Mr. Leo Jeon sumama ka sa amin." sabi tapos pinosasan ako.

"Leo..." sambit ni Blessy.

"Wag ka mag alala sakin. Babalik ako agad." sabi ko sa kanya.

"Lucas, call Vincent and Chrys at si attorney. Ikaw ang magbantay kay Blessy." sabi ko at tumango sya.

Dinala ako sa presinto. Tinanong tanong nila ako. Pero di ako sumagot. Dumating ang mokong na ex ni Blessy at ang nagpakilalang Vice Mayor na tito nya pala. Pati na ang chief of police ng Baguio.

"Ano magsalita ka. Tameme ka na. Sabi ko sayo luluhod ka sakin. Mabubulok ka sa kulungan. Ngayon walang bantay si Blessy sa ospital. Tignan natin kung may magagawa ka." sabi nya at ngumiti naman ako.

Nanggigil ata sakin ang mga mokong na to kasi hindi ako nagsasalita. Pinagsususuntok ako at pinaghahampas. Nakita ko naman na nageenjoy silang saktan ako.

Di naman nagtagal dumating ang abogado ko at si Vincent. Si Chrys daw pinapunta nya sa ospital kasi may umaaligid aligid na kahina hinalang tao. Kinuhanan agad ako ni Vincent ng picture.

"Good day Sir Im attorney Justin Kim ang abogado ni Mr. Jeon." sabi ni Justin. Kaibigan naming attorney anak sya ni tita Jisoo.

"Leo, chief of police at ang Vice Mayor lang pala. Akala ko madaming resbak yan eh. Di na pala ako kailangan dito. Kala ko may aksyon na magaganap." sabi ni Vincent.

"Hindi ba kayo natatakot? Kaya namin kayong baliktarin. Lalo na nandito nag tito ko." sabi ni ex.

"Mga sir, aware naman po kayo na may paglabag po sa batas ang ginawa nyo. Dapat kasi kinilala muna ninyo ang binabangga nyo." sabi pa ni Vincent.

"Wala akong pakialam! Inagrabyado nyo ang pamangkin ko kaya managot kayo." sabi nung Vice.

"Attorney kailangan ko nang bumalik sa ospital. Simula sa lahat ng police na dumakip sa akin hanggang sa chief ipatanggal nyo. Bibigay sa inyo ni Vincent lahat ng pangalan at mga pictures." sinabi ko kay Attorney Justin.

"At Vincent para sa Vice Mayor, lahat ng mga informations sa kanya bigay mo sakin. Ako ang gagawa ng kakalagyan nya." sabi ko.

Dumating si uncle Beige, General ng PNP sa police station. Sumaludo naman ang nandun.

"General gusto ko palitan mo lahat ng nasa police station na ito. Tanggalan mo sila ng lisensya at gusto kong makulong sila." sabi ko kay uncle beige.

"Mukhang malaki galit mo sa kanila ah." sabi nya.

"Binugbog nila ang mukha ko eh. Pagnakita ni Mom to lagot kayo hahaha!" sabi ko. Nakita ko tahimik lang sila simula dumating si uncle.

"Tang ina! Cge kulong nyo nang lahat ng mga yan. Matindi pa naman magalit tong mommy nito." sabi ni uncle.

"General baka pwedeng pag usapan na lang to." sabi nung Vice Mayor.

"Gago ka pala Vice Mayor eh di mo muna inalam kung sino binabangga nyo eh nandamay pa kayo ng ibang kapulisan." sabi ni uncle.

"Puro kayo di inalam kung sino binabangga nyo. Eh sino ba yan. Anak ba yan ng mas mataas sakin. Isang negosyante lang namanyan." sabi pa ni Vice.

"Hahaha! Malamang tanga ang source mo. Oo negosyate yan. Sya lang naman ang may ari ng Golden Hotel. Siya rin ang anak ng Rainbow Agency at siya na rin ang bagong Boss duon." sabi ni uncle.

"Alam nyong mga pulis kung sino sila. Ang Rainbow Force." sabi pa ni uncle.

"Boss tumayo ka na dyan, tinatamad ka na naman. Nagpabugbog ka pa talaga. Alam ko tanggal na posas mo." sabi ni Vincent. Tapos tinaas ko ang kamay ko para ipakita sa kanila. Kinuha ko ang baril ko na nakatago sa  tagiliran ko.

"Nag eenjoy ako eh. Isa isahin ko kaya tong patumbahin. Sino gustong mauna?" tanong ko. Nakita ko ang takot ng mga pulis sa akin. Pero yung mag tito hindi.

"Mananagot kayo pag pinatay nyo kami." sabi nung ex ni Blessy.

"Sa tingin mo mananagot kami? Hahaha patawa ka. Kaya kitang patayin sa isang iglap at palalabasin namin na illegal ang gawain nyo." sabi ko. Binigay naman ni Vincent ang lahat ng information na pinahahanap ko. Binasa ko muna bago ibigay kay attorney.

"Well pwede kawawa naman pala kayo, mabubulok kayo sa bilangguan. Drugs, mga illegal na armas at pangungurakot. Asahan nyo rin na lahat lahat ng ari arian nyo babagsak simula ngayon. Sabi ko naman sayo Denver galingan mo eh." sabi ko. Dun na nanlaki ang mga mata nila

"Laki talaga ng galit mo ah." sabi ni uncle.

"Isang tanong lang baka maawa pa ako sayo Denver at hindi ko kayo patayin. Anong nangyari kay Blessy. Bakit nawala alaala nya?" tanong ko.

"Hindi ko alam. Basta ibinigay sya sa akin ng di ko kilala. Itago ko daw maige. Binigyan ako ng mga documents nya at ang mga larawan para ipakita sa mga matanda. Kapalit ng lahat ang malaking halaga." sabi nya.

"Tapos pinalabas mo na syota mo at gago ka pinagsamantalahan mo pa." sabi ko.

"Cge uncle general alis na kami bago pa mag init ang dugo nito at lumawa ng dugo sa istasyon na ito. Anak pa naman ito ni tita Black. Nag aantay na rin ang lovelife nitong Boss natin." sabi ni Vincent.

"Cge uncle general at attorney Justin kayo na bahala. Salamat!" sabi ko sa kanila.

Umalis kami ni Vincent at nagtungo sa ospital.