webnovel

Friends or Enemies

Leo's Pov

Pagkagising ko kanina agad akong tumawag kay Blessy. Ibinalita ko dito ang kalagayan ni Lily. Alam kong nag aalala din ito dahil naging malapit sila ng mga kapatid ko. Nagkwento din sya ng mga masasayang ginawa nila ng pamilya nya. Naputol ang usapan namin dahil dumating si agent Steel sa ospital.

"Boss, natagpuan ko ang nagmamay ari ng sasakyan. Pinalitan nila ang plaka para siguro walang ebidensya. Pero natrace ko pa din kung sino ang nagmamay ari ng sasakyan. Ang nagmamay ari nito ay nagngangalang Kirby Alvarez. Kasalukuyan syang iniimbestigahan sa police station para ipaliwanag ang nangyari." balita nito sakin.

"Sige puntahan natin." sabi ko.

Nagpaalam muna ako sa mga kapatid ko at magulang ko. Dumating sila agad pagkagising ni mommy. Mabilis naman kaming nakarating sa police station dahil malapit lang ito. Nakita ko na tapos nang tanungin si Kirby.

"Kirby!" sigaw ko.

"I swear Leo hindi ako ang may gawa sa kapatid mo gaya ng sinasabi nila. Kasalukuyan akong nasa Cebu nang mangyari yun. Kaya imposibleng ako ang nagmamaneho ng sasakyan ko." sabi ni Kirby.

"Sinasabi mo bang ibang tao ang may gawa nun?" tanong ko.

"Oo at hindi ako. Naalala ko paghatid sa akin ni Zian sa airport, nagsabi sya sa akin na hihiramin nya daw muna ang sasakyan ko." sabi ni Kirby.

"Asan sya ngayon?" tanong ko kay Kirby.

"Alam ko pagganitong oras ay tulog pa yun sa condo nya sa Makati." sabi nya. Bumaling ako sa mga pulis at kay agent Steel.

"Imbitahan nyo si Zian Tan dito sa police station." utos ko sa kanila.

"Masusunod Boss!" sabay sabay na sabi nung dalawang pulis at ni agent Steel.

Umalis naman agad ang mga ito. Natira na lang kami ni Kirby sa may imbestigation room.

"I swear Leo, hindi talaga ako." sabi ni Kirby.

"Sa totoo lang Kirby, gusto kitang paniwalaan. Mga kaibigan ko kayo kaya ayaw ko kayong saktan. Pero kapatid ko ang muntik nang mamatay dahil sa pangyayaring yon. Kaya kahit mga kaibigan ko kayo eh pasensyahan tayo. Magtitiwala lang ako ulit pag napatunayan na wala kang kasalanan." sabi ko sa kanya.

"Naintindihan ko." sabi nya.

"Sya nga pala bakit ka tumawag at sinabi mo daw na importante?" tanong ko sa kanya.

"Si Claire kasi nagpupumilit alamin kung nasaan ka. Ako ang kinukulit nya. Leo, parang masyado syang obsess sayo. Hindi ko na sya maintindihan. Nag away sila ni Zian pag alis namin noong nasa bar tayo. Hindi ko alam kung may relasyon ba sila o wala pero nahuli ko sila na naghahalikan sa condo ni Zian. Tapos may narinig akong sabi ni Zian na hinding hindi sya papayag mapunta si Claire sayo." kwento ni Kirby.

"Bakit ba sya nagpupumilit alam nyang may Blessy na ako at hindi ko magagawa ipagpalit si Blessy para aa kanya. Masyado kong mahal.ang girlfriend ko at kaibigan lang ang turing ko kay Claire." sabi ko.

"Matagal nya nang pinagkakalat na kayong dalawa ay may relasyon. Kaya nagalit ako sa inyo ni Blessy at nagawa kong bastusin kasi sabi ni Claire eh inakit ka ni Blessy. Marami pa syang sinabing masama kaya naniwala ako." sabi ni Kirby.

"Ewan ko kung paano pa sya patitigilin." sabi ko.

"Dapat lang na wag ka nang makipagkita pa sa kanya. Nagkakaroon kasi sya ng pag asa na baka maging kayo. Leo, sa palagay ko dapat ay mag ingat ka sa kanya." sabi nya.

"Tama ka. Ayokong masira kami ni Blessy ng dahil sa kanya." sabi ko.

Makalipas ang 1 oras dumating sina agent Steel kasama si Zian. Agad namang sinuntok ito ni Kirby.

"Tang ina pare, pinagkatiwala ko sayo ang kotse ko habang wala ako tapos ganito ang madadatnan ko!" galit na sabi ni Kirby.

"Pare wala akong alam. Ano bang nangyari? Bakit ako isinama ng mga pulis?" sabi ni Zian.

"Tang ina Zian, nabangga ang kapatid ni Leo at sasakyan ko ang ginamit ng pumutol ng brake ng kotse ng kapatid nya!" sabi ni Kirby.

"Kirby hiniram din ni Matt ang sasakyan sakin. Pagkagaling ko sa paghatid sayo nagpunta kami ng bar nila Matt. Tapos nalasing ako pero matino pa naman ako kaya alam ko na sinabi nya na hihiramin nya ang sasakyan." sabi ni Zian.

"Zian, kung may nalalaman ka sabihin mo na. Mga kaibigan ko kayo pero ayokong masangkot sa gulo ninyo." sabi ni Kirby.

"May galit ka ba sakin Zian? Tapatin mo ako. Pasensyahan tayo kapag may kinalaman kayo sa pagkakaaksidente ng kapatid ko." banta ko sa kanila.

"Tatapatin kita Leo. Galit ako sayo kasi hindi ako magawang mahalin ni Claire. Lahat gagawin ko para sa kanya. Kaya lang nitong buwan lang nagsimula syang magbago. Lagi na naman ikaw ang bukang bibig nya. Masaya na sana ako nung nasa bar tayo at akala ko susuko na sya. Sabi nya sasagutin nya lang daw ako pagnapaghiwalay ko kayo ni Blessy. Sinabihan ko syang hindi ako papayag sa gusto nya at hindi ko hahayaang mapunta siya sayo." kwento nya.

"Asan sila ngayon?" tanong ko.

"Hindi ko alam Leo. Nag away kami ng matindi at hindi ko na nakakausap si Claire. Huli naman kaming mag usap ni Matt sa phone na sabi nya sya na ang magsosoli ng sasakyan ni Kirby." sabi ni Zian.

"Pasensya na kung gagawin ko sa inyo to. Pababantayan ko lahat ng kilos nyo sa mga tauhan ko. Kung ayaw nyong madamay ay makipagcooperate kayo sakin at kinontak kayo nila sabihin nyo agad sakin." sabi ko.

"Walang problema sakin." sabi ni Kirby.

"Sa akin din. Wag kang mag alala tutulong ako. Mahal ko si Claire at kung may mali man silang ginawa sa inyo ay hindi ko sila kukunsintihin." sabi ni Zian.

"Aasahan ko yang mga sinasabi nyo." sabi ko at tumango sila.

Tinawagan ko si agent Plum at agent Charcoal para magbanta sa kanila. Kailangan kong malaman kung may kinalaman ba sila. Si agent Steel naman at ang mga pulis ang maghahanap sa kinaroroonan nila Matt at Claire.

Umalis ako ng police station at nagpunta ulit sa ospital. Nadatnan ko duon si Vincent at Lala na pinapakain si Lily. Nandun din na naman si Zeus. Pumunta ako sa mga kapatid ko at isa isa ko silang hinalikan sa noo. Tapos binalingan ko si Zeus.

"Wala ka bang trabaho at nandito ka na naman?" tanong ko kay Zeus.

"Meron. Tatakbo naman ang negosyo ko kahit wala ako. Mas mahalaga sakin ngayon ang kaligtasan ng mag ina ko." sabi ni Zeus.

"Makaangkin ka sa kakambal ko, bakit pumayag na ba kami?" sabi ko sa kanya. Nakatingin lang sakin sina Lily, Lala at Vincent.

"Wag kang mag alala, hindi ako susuko hanggat hindi ko kayo napapapayag." sabi nya.

"Siguraduhin mo lang na hindi ka gagawa ng masama sa kapatid ko dahil hindi lang ako ang makakalaban mo." banta ko sa kanya.

"Dude anong balita sa lakad mo?" tanong ni Vincent. Naupo muna ako sa sofa bago nagsalita.

"Ang kaibigan ko na si Kirby ang may ari ng sasakyan pero mukhang wala syang kinalaman sa nangyayari. Si Matt at Claire ang lumalabas na may kinalaman sa aksidente. Sa ngayon pinaghahahanap ko pa sila." sabi ko.

"Sabi ko na nga ba walang matinong gagawin yang Claire na yan. Lagot sya sakin pagnakita ko sya. Kakalbuhin ko talaga sya." inis na sabi ni Lala.

"Puso mo ate. Kumalma ka nga pumapanget ka na oh. Wag mo namang idamay ang pamangkin ko sa kapangitan mo hahaha." sabi ni Lily.

"Siraulo ka talaga! Isubo ko kaya lahat tong sopas sayo. Kung panget ako, panget din kaya sya. Kambal kaya kami." sabi ni Lala.

Nailing na lang ako sa mga pinagsasasabi ng mga kapatid ko. Napuno kami ng asaran at tawanan sa loob ng kwarto. This is what i love about my siblings. Kahit anong pang aasar, galit o di pagkakaunawaan, hindi lilipas ang araw na hindi kami nagkakabati. Lalo na si Lily, mang aasar pero lalambingin ka rin pagkatapos. Tumabi sakin si Lala at yumakap sakin.

"Kambal, gusto kong kumain ng donut." lambing nya sakin.

"Sige ibibili kita. Ilan ba ang gusto mo?" tanong ko.

"Bili mo ako ng tatlong box." sabi nya.

"Sige aalis muna ako para bumili." paalam ko sa kanila. Hindi ko mahindian ang mga kapatid ko lalo na si Lala pagnaglambing. Kahit utos utusan ako ng mga ito ginagawa ko kasi ganun ko sila kamahal. Yan ang namana ko sa ugali ni daddy.

"Samahan na kita." sabi ni Zeus. Tumango ako. Tamang tama para makapag usap kami nitong mokong na to. Gusto kong malaman kung ano ang plano nya sa kapatid ko.