webnovel

Forgot

Leo's Pov

Kakatapos lang namin na mag usap ni Blessy. I really miss her alot. Kahit isang linggo lang ang nakakalipas simula ng magkahiwalay kami ay miss na miss ko na sya. Lalo na ang pagiging clumsy nya. Hindi pa daw sya pinapayagan ng papa nya na umuwi ng Pilipinas kasi gusto pa daw nitong makasama si Blessy. Sino ba naman ako para tutulan iyon. Ayos na din yun at safe sya dun.

"Kuya sabi ni ate Lala pwede na daw ako umuwi. Sa bahay na lang ako magpapagaling. Nakakabato na kaya dito." sabi ni Lily.

"Sige puntahan ko muna si Lala sa opisina nya. Vincent ikaw muna bahala sa kanya." sabi ko dito.

Lumabas ako at pumunta ng opisina ni Lala. Pinapasok naman ako ni Hera ang sekretarya ni Lala. Nadatnan ko duon na nagbabasa sya ng mga report sa ospital.

"Ehem!" tawag pansin ko sa kanya. Hindi nya kasi napapansin na nasa harap nya ako.

"Kambal! Anong ginagawa mo dito?" sabi nya.

"Bakit masama na ba na pumunta dito?" tanong ko.

"Hindi naman, hindi kasi ako sanay na ikaw ang bumibisita sa amin. Madalas kasi kami ang pumupunta sa iyo." sabi nya.

"Ganun ba." sabi ko tapos bumuntong hininga ako.

"May problema ka ba kambal?" tanong ni Lala.

"Medyo magulo lang ang isip ko. Namimiss ko lang siguro si Blessy." sabi ko.

"Di ba araw araw kayong magkausap?" tanong ni Lala.

"Syempre iba pa din yung nandito sya. Yung nahahawakan ko sya. Yung nayayakap ko sya." paliwanag ko.

"Ano ka ba naman kambal, simple lang yan. Eh di pauwiin mo ng Pilipinas hahaha." sabi nya.

"Madaling sabihin yan. Kaya ko namang sabihin yun sa kanya, pero naguguilty ako. Ilang araw pa lang nilang nakakasama si Blessy tapos pauuwiin ko sya dito. At isa pa wala akong karapatan pa na magdemand sa kanya, sino ba naman ako." sabi ko.

"Bakit hindi ka pumunta sa kanya?" tanong nya.

"Hindi pa pwede. Kailangan kong matapos ang problema na to. Alam ko kasing target nila si Blessy kaya dapat na nandun muna sya. Mas safe sya duon. Isa pa gusto ko munang matapos ito para maisagawa ko ang mga plano ko sa kanya." sabi ko.

"Alam mo kambal masaya ako para sayo. Kasi buong buhay mo binigay mo para sa amin. Don't you think its about time para isipin mo naman ang sarili mo? Alam ko nag aalangan ka pa sa mga desisyon mo dahil sa amin na pamilya mo. Kuya minsan naman maging selfish ka. Sabihin mo samin ang mga gusto mo. Malalaki na kami at kaya na namin. Hindi sa tinataboy kita pero ayoko lang na kami ang hahadlang sa kaligayahan mo. Mahal kita kambal at gusto ko na maging masaya ka." sabi ni Lala.

"Nasanay kasi ako na lagi ko kayong inaalalayan. Feeling ko kasi hindi ako mabuting kapatid kung may mangyayari sa inyong masama. Gaya ng nangyari kay Lily. Feeling ko kasalanan ko ang nangyari dahil wala ako sa tabi ninyo." paliwanag ko.

"Hindi naman pwedeng nasa tabi ka namin palagi. Paano kami tatayo sa sarili naming mga paa kung palagi kang nandyan. Dont get me wrong ang ibig ko lang sabihin thankful kami sayo dahil nakaalalay ka pero kailangan na namin gawin ang mga bagay bagay sa sarili naming pagsisikap. Hayaan mo if ever na kailangan ka namin, tatawag kami sayo. Please be happy kambal." sabi nya.

"Thanks Lala. Siguro nga tama ka. Tatapusin ko na tong problemang to para maayos ko na ang buhay ko. Maiba tayo, kamusta ka? Kamusta kayo ng mokong na yun?" tanong ko.

"Maayos kami ni baby. Excited na akong lumabas ang anak ko. Nagiging emosyonal ako minsan pero napagtyatyagaan ako ni Zeus. Masyadong possessive lang kala mo may relasyon kami. I mean one time lang yun at gusto nya sya na ang papakasalan ko. Gusto ko kayang magpakasal sa taong mahal ko." sabi nya.

"Hayaan mo sya. Bakit hindi mo sya kilalanin. Malay mo mahulog ang loob mo sa kanya." sabi ko.

Nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan ng kakambal ko. Minsan lang kami mag usap ng ganito kaseryoso. May mga bagay pala na dapat hinahayaan ko silang magdesisyon at gawin ang mga bagay sa sarili nilang mga paa. Nagtagal pa ako ng tatlong oras sa opisina ni Lala. Lumabas lang kami nang napagdesisyunan namin na umuwi na kasama si Lily at Vincent.

Habang nasa sasakyan kami napansin ko na napapangiti si Lily at Vincent.

"Ano ka ba Lily nababaliw ka na ba? Bigla bigla ka na naman natawa. Tumigil ka nga!" saway ni Lala.

"Masaya lang ako. Huminahon ka nga napangit ka na oh. Ang pamangkin ko kawawa naman." pagdadramang sabi ni Lily.

Nagpatuloy sa pang aasar si Lily kay Lala. Hanggang sa makauwi kami ng bahay. Salamat naman at titigil na tong dalawang to sa pagbabangayan. Naunang pumasok sa bahay si Lily na akay akay ni Vincent.

"Ikaw nga huminahon ka nga. Alam mo naman na gustong gusto ka lang asarin ni Lily. Dati naman hindi mo pinapatulan sya bakit ngaun dinaramdam mo. Epekto ba yan ng pagbubuntis mo?" tanong ko sa kanya.

"Yeah.... Nagiging emosyonal ako minsan. Alam mo yun medyo moody ako ngayon." paliwanag nya.

"Tara na pasok na tayo sa loob. Akin na din yang bag mo baka mapano pa ang pamangkin ko." sabi ko.

"Kuya naman eh, di naman ako baldado at magaang lang ang bag ko duh!" sabi nya.

Pumasok kami sa loob ng bahay. Bubuksan pa lang namin ang pinto ng biglang namatay ang ilaw. Nagulat kami ni Lala ng pagpasok namin ay bumukas ang ilaw at kumanta sila.

"Happy Birthday to You

Happy Birthday to You

Happy Birthday, Happy Birthday

Happy Birthday to You!

Happy Birthday kambal!!!"

Sabay sabay silang kumanta. Nagkatinginan kami ni Lala. Hala nalimutan naming pareho na birthday pala namin ngayon. Kambal nga talaga kami hahaha.

"Thank you po sa inyong lahat." sabi ni Lala.

"Hulaan ko ate nakalimutan nyo ni kuya ang birthday nyo noh?" sabi ni Liam. Sabay naman kaming tumango ni Lala.

"Nakakatuwa naman ang kambal namin. Parang kelan lang, nung inaalagaan pa namin kayo ni tito Jimin nyo. Ngayon ang lalaki nyo na at malapit na kayong mag asawa huhuhu!.... Aray!" sigaw ni tito V. Binatukan kasi sya ni daddy.

"Sira ulo kang alien ka. Daig mo pa kami ni Lisa kung magdrama. Kami kaya ang mga magulang." sabi ni daddy.

"Ikaw naman pabayaan mo na kami mag emote. Naghirap din kaya kami sa pagpapalaki ng kambal noh." sabi ni tito Jimin.

Umiling na lang si daddy. Ganyan naman yang mga yan eh, nagbabangayan, nagkukulitan, at nag aasaran. Pero kahit ganyan sila sobrang tatag ng pagkakaibigan nila. Minsan nga ibinuwis ni tito V ang buhay nya para kina daddy.

Very thankful ako sa kanilang dalawa kasi nung kailangan ni daddy ng karamay ay nandun sila. Inaalagaan kami ni tito V at tito Jimin kapag kailangang bantayan ni daddy si mommy sa ospital.

"Happy birthday kambal!" bati sakin ni Lala. Tapos hinalikan ako sa pisnge.

"Happy birthday din sayo Lala!" bati ko din sa kanya.

Nagsimula na kaming magsikain. Nagpasalamat kami ni Lala sa lahat ng pumunta sa kaarawan namin. Kumpleto kami ngayon dahil nandyan ang pamilya nila tito V at tito Jimin.

"Sya nga pala Leo may supresa kami sayo." sabi ni mommy.

Tumingin sila sa hagdanan. Nanlaki ang mata ko ng unti unting bumababa si Blessy.

"Surprise love! Happy Birthday to you!" bati nya.

"Anong ginagawa mo dito? Kelan ka pa dumating?" tanong ko.

"Pinayagan ako ni papa na umuwi at isa pa gusto kita makasama sa birthday mo. Kanina lang akong umaga nakauwi" sabi nya.

Agad ko itong hinalikan. Wala akong pakialam kung nakatingin sa amin silang lahat. Ang nasa isip ko lang ay si Blessy. Sobra ko itong namiss.

"Hoy! Mamaya nyo na tuloy yan. Magparty muna tayo. Gutom na kaming mga bisita nyo." sigaw ni Chrys.

"Di na makapagpigil hahaha. Alam mo ba Blessy ilang araw na yang nagmumukmok. Sobra ka na daw nya namimiss." sabi ni Vincent. Binatukan ko naman ito.

"Jk manang mana sayo si Leo hahaha." sabi ni tito V.

"Syempre anak ko yan. Alangan naman na magmana sayo. Ikaw din mana sayo anak mo. Alien din hahaha." sagot ni daddy.

"Buti na lang matalino mga anak mo Jk at hindi nagmana kay alien. Sa dami ng itinuro ni alien sa kambal, pasalamat ka binali wala lang nila hahaha." sabi ni tito Jimin.

Napakamot na lang ng ulo si tito V. Sobrang saya ng kaarawan ko ngayon. Isa lang naman ang mahihiling ko. Ang katahimikan ng buhay namin. Habang nakain kami biglang tumunog ang cellphone ko. Numero lang ang lumabas. Sinagot ko ito agad ng walang pag aalinlangan dahil baka importante.

"Hi honey. Happy birthday!" sabi ng nasa kabilang linya.

"Claire!" sigaw ko. Tumingin ako kay Chrys at tumango ito. Naintindihan nya na ang gusto kong ipagawa.

"Hindi ka ba masayang tumawag ako? Wag kang mag alala malapit na tayong magkasama. Tandaan mo Leo akin ka lang. Akin!" sabi nya at biglang nyang pinutol ang tawag.

Tumingin ako ulit kay Chrys at nakita ko itong umiiling. Damn! Hindi matrack ang tawag. Hanggang ngayon hindi pa rin namin nahahanap sina Claire at Matt. Napasabunot lang ako ng ulo dahil sa frustration. Napalingon ako sa likod ng may tumapik sa balikat ko.

"Need help? Nandito lang kaming mga  Senior nyo." sabi ni daddy habang nakapatong pa din ang kamay nito sa balikat ko.

Ngumiti ako at tumango. Nalimutan kong nandyan pala ang mga Senior Agents. Ang mga parents namin na mga beterano sa pagiging agent.