webnovel

Blessy

Blessy's Pov

Nagmamadali akong pumasok sa school. Late na kasi ako. Medyo napuyat kasi ako sa gig ko kagabi. Medyo marami ang mga nagrequest ng kanta kaya naman natuwa ako, kaso hindi ko na namamalayan na inuumaga na ako. Ang iniisip ko ay ang kumita ng pera.

Bago ang lahat magpapakilala ako. Ako si Blessy Guevarra. I'm 14 years old at nagtatrabaho ako sa isang bar. Ako ang may ari nito at tinutulungan ako ng tita ko na kapatid ng mama ko. Bata pa kasi ako at di pa pwedeng humandle ng negosyo hanggat hindi ako 18 years old. Kaso pinilit ko si tita para payagan ako kumanta. Yung mga regular costumers ng bar alam kung bakit ako nagtatrabaho sa bar bilang singer.

Bago mamatay ang mama ko iniwan nya sa akin ang bar at may pera din sa bangko. Di ko ito ginagalaw kasi gusyo ko na ilaan ko yun sa pag aaral ko sa college. Bukod sa pera nag iwan din pala si mama ng isang maliit na apartment. Sapat lang para sa amin ni tita Mel.

Pumasok ako ng classroom namin. Buti na lang walang teacher. Umupo ako sa upuan ko at kinausap si Angel.

"Angel bakit walang teacher?" tanong ko sa kanya.

"Naku pasalamat ka wala si Mam Diaz. Nagpatawag kasi ang may ari ng school ng meeting para sa nalalapit na anniversary ng school." paliwanag ni Angel.

"Naku Blessy, mukhang inumaga ka na naman ah. Kamusta madami kang costumers?" tanong ni Maui.

"Sira ka talaga. Ang laswa pakinggan ng madami ka costumers. Feeling ko tuloy malaswa akong babae. Hahaha!"  masayang sabi ko.

"Di bale malaki naman ang kita mo. Hahaha." masayang sabi ni Angel.

Yan ang mga kaibigan ko. Open ako sa kanila. Lahat sinasabi ko. Dalawa yang bestfriend ko, si Angel at si Maui. Si Angel scholar ng Errol Foundation at dun din sya nakatira samantalang si Maui parlorista. Oo tama bading ang papa ni Maui. But proud si Maui sa papa nya kasi lahat binibigay nito sa kanya. Nagkasundo sundo kami kasi pareparehas kami na nagvovolunteer sa foundation.

Lumipas ang ilang oras at wala pa ding teachers. Nagbell na at oras na ng recess. Tumayo kami nila Angel at Maui at lumabas papuntang canteen. Nakaramdam ako ng sakit ng ulo kaya nagpaalam muna ako sa 2 kong kaibigan. Hihingi na lang muna ako ng gamot sa nurse.

Habang naglalakad ako papuntang clinic, may nabangga ako pader. Nakayuko kasi ako kaya ako nabangga. Nag angat ako ng tingin at mali pala hindi pala pader nabangga ko kundi tao.

"Sa tuwing magkikita tayo lagi ka na lang nadidisgrasya. Saan ba ang punta mo Miss clumsy." sabi ni Leo.

"Sorry. Masakit kasi ang ulo ko kaya papunta akong clinic. Hihingi ako ng gamot. Sorry kung hindi ako nakatingin at nabangga pa kita." paliwanag ko.

"Its okay hindi naman masakit. Ayos ka lang ba? Hatid na kita sa clinic. Ang clumsy mo pa naman." sabi ni Leo.

"Wag na kaya ko naman ang sarili ko. At isa pa makakaabala lang ako sayo. Mukha kang may ginagawa eh." sabi ko. May hawak kasi itong mga papers.

"Ah wala ito. Halika na samahan na kita. Hindi din ako mapapakali kung may mangyari sayo. Tara na." sabi pa nya.

Di na ako tumanggi pa kasi masakit na nga ang ulo ko. Dumating kami sa clinic pero wala yung nurse. Napansin ko na kumuha ng gamot si Leo at ibinigay sa akin. Kumuha din ito ng tubig sa ref duon.

"Eto inumin mo. Para mawala ang sakit ng ulo mo." sabi nya.

"Bakit ka kumuha? Baka mapagalitan tayo ng nurse." sabi ko.

"Wag ka mag alala pwede akong kumuha dito. Isusulat ko lang ang nakuha ko. Alam mo perks of being a president ng student council." sabi nya. Kinuha ko naman ito at ininom.

"Tara na gutom na ako. Recess na kailangan kong kumain hahaha." sabi ko.

"Kaya mo na ba? Gusto mo dalahan na lang kita dito?" tanong ni Leo.

"Naku hindi na nag aantay sakin yung mga kaibigan ko." sabi ko.

"Okay sabay na tayo pumunta ng canteen." sabi pa nya.

Naglagay sya ng note at lumabas kami ng clinic. Madami syang natanong sakin lalo na ang tungkol sa mga bata. Hindi ko alam kung bakit ako nakikipag usap sa kanya. Bakit nung makausap ko sya, nagbago ang pagtingin ko sa kanya. Dati pag nakikita ko sya, tahimik lang. Walang paki alam sa iba. Inuutos nya lang sa vice president ang lahat ng pagsaway sa mga estudyante. Pero bakit ngayon parang ang daldal nya.

Nakarating kami sa canteen at nagpaalam ako na pupunta sa table namin. Kaso nakita ko sa table namin katabi lang ang table ng mga kaibigan ni Leo. Magkasabay tuloy kami pumunta sa table namin.

"Uy kambal bakit magkasama kayo ni Blessy?" tanong ni Lala.

"Pare dumadamoves ka na ah. Binata na hahaha." sabi ni Vincent.

"Sira ulo kang alien ka." binatukan nya si Vincent.

"Nabangga ko kasi ang kuya mo Lala. Masakit kasi ang ulo ko kaya sinamahan nya ako sa clinic at binigyan ako nb gamot." paliwanag ko.

"Oh my gosh ate Blessy okay ka lang ba? Need mo na ba pumunta ng hospital?" tanong ni Vanna.

"Hindi naman kailangan. Puyat lang to." sabi ko.

"Binilhan na kita ng food mo. Burger with softdrinks." sabi ni Angel.

"Thank you!" masayang sabi ko.

"Kambal binilihan na din kita ng lasagna at juice." sabi ni Lala sa kambal.

Ang sweet nga ng kambal pag nakikita ko itong dalawa na magkasama. Kung di lang sila magkamukha mapagkakamalan mo na magjowa. Minsan nga sana may kakambal ako o kahit kapatid. Naiingit kasi ako sa mga ito dahil nag iisang anak lang ako. Kaya naman parang kapatid na ang turing ko kina Angel at Maui.

Tumunog ang cellphone ko. Dali dali ko naman na kinuha sa bulsa ang cp ko kaso bago ko mabasa ang message eh nabagsak ko na naman ito. Pang ilang bagsak na to. Sana buhay pa tong cp ko. Aabutin ko na sana ang cp ko ng maunahan ako ni Leo.

"Eto na ang cellphone ms. Clumsy." sabi ni Leo sabay abot ng cp ko. Nakakahiya bakit lagi na lang si Leo ang nakakakita ng pagkaclumsy ko. Nagpasalamat ako at kinuha ko ang cp ko.

Nahihiya ko kaya itinuon ko ang attention ko sa cellphone ko.

"Hala basag na. Halos wala ka nang mabasa jan. Sino kaya ang nagmessage sayo?" tanong ni Lily.

Di ko na sila pinansin pa at kumain ako. Mamaya ko na lang tatawagan ang ang foundation. Nakita ko kasi na may fo ang umappear sa message ko. Isa lang naman yung  fo na nakalagay sa phone ko. Mamaya nga makabili ng cellphone. Di ako nagsasalita nung nagkukwentuhan sila. Nahihiya kasi ako sa pagiging clumsy ko.