Unknown's Point of View
"Ahhh! pakawalan niyo ko hmmmm." rinig kong sigaw ng isang babae kaya pinabusalan ko ang bibig nito.
Nasa isang abandonadong gusali kami kaya naman ang tanging liwanag lamang na nanggagaling ay sa iisang bumbilya kung nasaan si Yumi.
Nanatili akong nasa dilim habang inoobserbahan ito.
Mga traydor.
Mga taong sumira sa buhay ko, kaya sisirain ko rin ang sainyo.
"Pakawa---hmmmm" pagpupumiglas nito sa upuan kung saan ito nakatali.
"Sa tingin mo may makakarinig sayo dito?" tanong ko at pumalakpak.
Mga taong walang ginawa kundi kunin ang liwanag sa buhay ko.
"S-sino yan?" nahihirapang tanong nito kahit may busal ito sa bibig.
"Hulaan mo" mapaglarong ngisi ang namutawi sa bibig ko habang paunti-unting lumalapit sakanya.
"Yung taong siniraan niyo ng buhay at pangarap!" galit na sigaw ko at saka na nagpakita dito.
Nanlaki ang mga mata nito dahil sa gulat.
"Miss me?" mapanlokong tanong ko at tsaka ito inikutan.
"Alam mo ba kung ano ang kaya kong gawin?huh?!" nanggagalaiting sigaw ko dito at pumwesto sa likuran nito.
Kinuha ko sa pocket ko ang kutsilyong kanina ko pa gustong isaksak sakanya dahil sa kaingayan nito kanina.
Pinasadahan ko ng tulis ng kutsilyo ang pisngi nito na nagalusan ko na ng kaunti at dumaloy ang masaganang dugo mula roon.
"P-pakawalan moko dito!" sigaw niya at nagpumiglas.
Tumayo ako at pumaharap sakanya.
"Pakawalan? pakawalan mo mukha mo!" sigaw ko at binato sa kung saan ang kutsilyo na nakapag-pahiyaw nito sa takot.
"Kukunin ko ang lahat! matapos niyong sirain ang buhay ko Yumi!" sigaw ko at sabay sabunot sa buhok nito na nakapagpahiyaw sakanya ng sobra.
Nilapit ko ang mukha ko sa tenga niya at bumulong.
"Papatayin ko kayong lahat" bulong tsaka ito nagwala.
"Matapos niyong kunin patayin si Aliya! ang asawa ko!"
"H-hindi namin siya pinatay ra-ahh!" sinampal ko ito dahil sa galit.
"Manahimik ka!"
-FLASHBACK-
Third Person's Point of View
"Aliya!! mahal ko!!" sigaw ni Raul nang sumabog at nagiba na ang building kung saan hinostage si Aliya ang pinakamamahal nitong asawa.
Nakita nitong nakaligtas si Raymond at Yumi mula sa sumabog na building.
"Pinabayaan niyo si Aliya?! mga walanghiya kayo!" sigaw nito sa dalawa.
Pero alam ni Yumi na hindi niya kayang patayin ang sarili nitong kapatid kahit pa ito ay masama sakanya.
Na-kidnap sila para makakuha ng mga pera ang mga suspek.
Dahil nga tagabantay ni Yumi si Raymond damay na rin ang kapatid nitong si Aliya.
Alam niya na ginusto ng kapatid niyang si Aliya na magpaiwan sa building upang maligtas sila.
--------
*Sa loob ng building bago ito sumabog*
"Aliya! tara na ate!" sigaw ni Yumi habang tinatanggal ang tali sa mga paa nito.
Tinulungan namang kalagin ni Raymond ang tali ni Aliya.
Ipinangako ni Raymond kay Raul na ililigtas niya si Aliya at Yumi.
"H-hindi..K-kasalanan ko naman ito Yumi. Kasalanan ko kung bakit tayo nakidnap-"
"Wala akong pakialam tara na!" sigaw ni Yumi sa kapatid nitong si Aliya na ayaw talagang umalis sa gusali.
"Tara na aliya sasabog ang building na ito sa loob ng limang minuto kaya tara na!" inis na sigaw ni Richard at kinalagan ito ng tali tsaka hinila pero nanlaban ito at maliksing dinukot ang baril sa tagiliran ni Raymond at itinutok sakanila.
"Sige lumapit ka ipuputok ko 'toh!"sigaw nito habang rumaragasa ang luha nito sakanyang pisngi.
Walang nagawa si Raymond kundi itago sa likod nito si Yumi.
"Ate ano ka ba?!" umiiyak na sigaw ni Yumi.
"Ibaba mo yan! Hindi magandang biro--" napatigil si Raymond nang iputok ito ni Aliya sa sulok na bahagi ng gusali.
"Kasalanan ko ito!" sigaw ni Aliya na para bang nababaliw na.
Sa kanilang dalawang magkapatid ay si Aliya ang paborito ng mga magulang nito kesa kay Yumi.
Tinuring nilang prinsesa ang dalaga dahil ito ang magta-take over ng kompanya nila sa tamang panahon.
Kahit maliliit lamang na bagay ang ibinibigay ng mga magulang nila kay Yumi ay wala itong nagawa kundi magpa-salamat.
Pero kung kasamaan ang paguusapan, mas nahihigit dito si Aliya. Salbaheng bata at palaging inaaway ang kapatid nitong si Yumi.
Kaya naman nang sila ay lumaki ay puro kahihiyan ang naranasan ni Yumi dahil sa kapatid nito.
Pero sa kabila ng kasamaang ginawa ni Aliya kay Yumi ay minamahal at tinatanggap pa rin ito ni Yumi bilang ate niya.
"ayon! habulin niyo sila!" sigaw nang suspek at tumakbo papalapit sa pwesto nila.
"Ate tara na!" sigaw ni Yumi.
"Tumakbo na kayo ako na ang bahala sakanila!" pinaputukan ni Aliya ang mga bastardo kaya naman wala nang nagawa si Raymond dahil wala na itong dala pang baril.
"Takbo na!---" sigaw nito pero unti-unting umalingawngaw ang malakas na putok ng baril na ikinasigaw ni Yumi.
"Ate!!" hiyaw nito nang mabaril si Aliyah sa dibdib at unti-unting napahandusay sa lapag.
"B-boss sasabog na yung building!" sigaw ng isang suspek kaya naman tumakbo na ang mga ito paalis ng gusali.
"Ate!" sigaw ni Yumi habang niyuyugyog ang katawan ni Aliya.
"P-pakisabi kay R-raul na.. mahal..na m-mahal ko s-siya" nahihirapang sabi nito kasabay nang paghawak sa pisngi ni Yumi na ikinatango nito habang umiiyak.
"T-tandaan mo na..mahal na m-mahal ka pa r-rin ni ate.." dugtong nito at saka naghingalo.
Isang salita lamang ang namutawi sa bibig ni Aliya bago ito nawalan ng hininga na mas lalong nakapagpa-iyak kay Yumi.
"I'm sorry l-lil sister"
"Yumi tara na!" sigaw ni Raymond pero patuloy pa rin si Yumi sakaka hagulgol kaya naman binuhat ito ni Raymond kahit ba nagwawala na ito.
Hindi alam ni Raul ang buong pangyayari hanggang sa makalabas sila ng gusali.
Nasaksihan ng mga mata mismo ni Yumi kung paano sumabog at gumuho ang gusali kasabay ng paggunaw ng mundo niya.
"A-ate" tanging sambit niya at tuluyang nilamon ng dilim.
-END OF FLASHBACK-
"pinabayaan mo si a-aliya yumi!" sigaw ko dito at sinampal ulit.
Mangilang beses ko na itong nasampal kaya naman namula na ang pisngi nito at gulo-gulo na rin ang pawisan niya alon-alon na buhok.
"B-boss pumain sila sa patibong, paniguradong hinahanap na po nila si miss yumi" sabi ng tauhan ko kaya naman napapalakpak ako sa kawalan.
"Aww tumahan kana Yumi dahil magkakaroon naman kayo ng Family reunion"
"See you in hell" huling salitang binitawan ko at saka umalis suot-suot ang nakakalokong ngisi kasabay ng pagsisigaw nito at pagpupumiglas.
***
Noah's Point of View
While at the office ay hindi ako mapakali nang magpaalam sakin si Skyler na babalik siya ng Pilipinas.
What if she'll never come back?
What if--
Dahil sa inis ay napadukdok ang ulo ko sa lamesa ko habang sinasabunutan ang buhok ko.
I took my phone out of my pocket at dinial ang number ni Liam. Skyler's Assistant.
"Yes Sir.Noah" he said
"Book me a flight to Philippines like Skyler did" i said at saka binabaan ito.
I'm going with her.
I hope everythings alright after that.
END OF CHAPTER 32
Good day readers! Just published a new chapter!
I cannot update on christmas but i swear i'll be writing some drafts for the next chapters.
Thank you for supporting my novels by rating them, voting and sending power stones.
Also support ASH_'s novel
CHAPTER 33 publishing soon.
Enjoy reading!