webnovel

Chapter 28

Aira's POV

Nandito kami ngayon sa airport dahil ngayon ang dating nila kuya Ashton at Lucas, nang makita sina kuya agad ko silang sinalubong ng yakap

"Kuya Ash" tili ko at hinigpitan ang pag kakayakap kay kuya

"Hello baby girl" sabi nito at niyakap rin ako pabalik

"Hmm, andaya Naman ako lage tumatawag sayo pero siya ang una mong niyakap hindi ako? San hustisya don?" Nakabusangot ang mukha ni Lucas ng sabihin iyon habang nakabuka ang braso nag aantay na yakapin ko siya

Cute....

"Asusss nag tatampu ang baby Lucas ko" sabi ko at niyakap din Ito kaya nag smile na ang l*ko

"May utang ka sakin ha!" Sabi ni Lucas

"Hmm? At kaylan pa ako nangutang sayo ha?" Tanong ko

"Well, hindi mo sinabing may boyfriend ka na!"

"Utang ba yun?"

"Oo at kaylangan mo yung bayaran" sagot ni Lucas  saka inakbayan ako

"Ayy sorry Lucas ah, Wala pa Kasi akong sweldo eh! Next time na lang" sabi ko

"Tsk...b*liw hindi pera ipambabayad mo sa akin" sabi nito at pintik pa ang noo ko

"Eh ano?" Kunwari ay nag tataka kong tanong

"Simple lang Naman, igala mo lang ako sa buong lugar bayad ka na" sabi ni Lucas na may malaking ngiti sa labi

"Wow! Ako pa talaga iniistorbo mo!" Sarkastiko kong saad

"Di mo ko lab Airangtot!" Parang bata na sabi ni Lucas na may pa punas-punas pa ng mata

"Alam mo may nakahanda akong dagger sa boots ko, perfectly made for you" may pa taas-baba pa ako ng kilay nang sabihin iyon sa kaniya

"Joke lang Naman, tara na Tayo na lang hinihintay nila oh! Nasa kotse na sila" sabi ni Lucas kaya natawa ako at sumunod na lang din sa kaniya

"WELCOME HOME, MASTER ASHTON" Saad ng mga worker sa bahay at ng iba pang mga kasapi ng clan namin kahit utosan o guard lang basta nag tatrabaho at loyal sa pamilya namin pwedeng pumunta sa bahay para sa welcome party ni kuya Ashton

"Dad! Andaya mo bat kay kuya Ashton may pa welcome party tas sakin Wala? Eh hindi Naman gwapo yang si kuya" pag mamaktol ko kaya natawa ang ilang nakarinig

"Sinong hindi gwapo ha? Hoy mas nauna akong ipinanganak sayo kaya Mana ka sakin, gwapo ako kaya maganda ka" sabi ni kuya Ashton

"Eww! Di ba sabi nga Nila mas maganda o gwapo, cute at talented ang mga bunso" sagot ko Naman, sarap talaga mang-inis ng kuya

"Aira lapit ka nga dito" kalmadong utos ni kuya Ashton, patay!!! Lagot ako nito

"Ayoko nga" nakangisi kong sagot

"Lalapit ka o ako lalapit sayo" sabi nito kaya no choice ako lumapit sa kaniya

"Bakit po kuya?" Parang bata kong Saad at nag pa cute kay kuya

"Ikaw! How dare you say that! Para mo na ring sinabi na hindi ako gwapo ha, FYI I am always the leading man on many movies and teleserye that was offer to me tapos sasabihan mo lang ako ng ganon!"

"Aray, kuya tama na" I laugh and laugh because his tickling me and now we're running and his chasing me around the pool

"Pag nahuli kita lagot ka sakin" sabi ni kuya kaya huminto ako

"Oh Ayan, huminto na ako para hindi ka mahirapan" sabi ko at agad siyang nag madali nang bigla Niya akong itulak sa pool

"KUYA!!!" Galit kong sigaw sa kaniya ng maka-ahon ako tinawanan Niya lang ako at ng Ibang bisita or should I say bwesita!

Sinamaan ko siya ng tingin at lumangoy palapit sa edge ng pool para umahon

"Kawawa Naman ang prinsesa namin" sabi ni kuya at inabot sa akin ang kamay Niya para madali akong maka-ahon at dahil may tupak ako nang inabot ko ang kamay Niya hinila ko siya dahilan ng pag bagsak naming dalawa sa pool kaya lalong nag tawanan ang mga bwesita!

"Oh ano? Pati ang prinsipe kawawa na rin" natatawa kong saad habang nakabusangot si kuya Ashton

"Kayong mga bata kayo oh! Umahon na nga kayo diyan at mag bihis ng maka-kain na tayo" sabi ni dad kaya umahon na kami ni kuya Ashton

"Basa na tuloy ang baby Aira ko" nag lalambing na yumakap si Lucas sakin at pinunasan ang mukha ko ng towel na dala Niya

"Hoy! Hoy! Lucas! Tumigil ka humihirit ka pa sa kapatid ko ha, gusto mo bang mabutas tagiliran mo!?" Pagbabanta ni kuya Aeros

"Aeros Naman! Alam mo Naman na sweet kami ni baby Aira ko" palusot ni Lucas

"Hindi uso sakin yang mga palusot mo na yan Lucas! Lumayo ka nga sa kapatid ko" sabi ni kuya Aeros

Napasimangot Naman si Lucas at dumistansya sakin

"Hayaan mo na yan! Wala kasing jowa kaya bitter" pag-paparinig ko kay kuya Aeros na agad akong sinamaan ng tingin

"Anong sabi mo!" Nag dilim ang mukha ni kuya na ikina-ngisi ko

"Maliligo na pala ako kuya, babush" sabi ko sabay takbo papasok sa bahay at iniwan si kuya na masama parin ang tingin habang pinag tatawanan siya ng iba

Pumasok ako sa kwarto at dumiritso sa banyo at mabilis na naligo. Pag-labas ko ng banyo pumasok ako sa walk in closet at pinili ng damit na susuotin saka lumabas, pero nang bubuksan ko na ang pinto napahinto ako nang mapansin ang Isang sobre na naka patong sa mesa na nasa tabi lang ng pinto.

"Ano to?"

Kinuha ko ang sobre at kinuha ang laman nito, it's a picture of me and Lucas on the airport, pero.....may pula sa mukha ni Lucas, tinignan ko pa ang laman ng sobre at may nakita akong maliit na papel kaya kinuha ko Ito at binasa ang naka-sulat

Stay away from that man, or I'll kill him!

Walang naka-sulat kung sino ang nag padala, pero may pakiramdam ako kung sino siya, but I hope not Kasi imposibleng siya, galit siya sakin hindi Niya ako kinokontak at hindi na siya nag papakita sakin ni hindi ko nga alam kung kami pa!

"I need to protect Lucas" sabi ko at madaling lumabas ng bahay at tinungo ang pool side

"Oh bat antagal mo?" Tanong ni kuya Ashton

"Akala ko nauna ka na sakin" dagdag pa nito na halatang bagong ligo

"Ahh, Wala tumawag lang ako kina Zerrie, Chantelle, Kieffer at Chester para pumunta dito sabi ko kahit hindi naman "sige kuya kukuha lang ako ng pagkain" palusot ko para maka-layo sa mapanuring mata ni kuya at nang ma text sina Zerrie at Chantelle na pumunta dito sa bahay

'were coming'

Text Nila kaya inoff ko na ang phone at kumuha ng pagkain saka pumunta sa table kung Saan naroroon sina dad at ang mga kuya ko

"Pag kami ni Aira ikinasal itong catering na Ito ang e ha-hire ko, ang sarap ng pagkain eh" sani ni Lucas

"Anong kasal? Hoy hindi ko ipapakasal si Aira sayo" sabi ni kuya Aeros

"Bro Naman, labs oh ayaw daw sabi ni bayaw" pag susumbong ni Lucas sa akin

"Ayokong mag pakasal sayo" sabi ko

"Ouch! Okay lang Naman ako Aira super okay lang ako! Di Naman masakit eh parang turok lang ng syringe" madramang Saad ni Lucas

"Syringe lang pala eh, hindi talaga yan masakit" sabi ni kuya Ashton

"Pag tutulongan niyo ba talaga ako ha? Ansakit na" pag dadrama ulit ni Lucas then we laugh at ganon din siya, behind that laugh I know he's hurting he likes me but I can't like him back.

Hinawakan ko ang kamay ni Lucas mula sa ilalim ng lamesa kaya nagulat siya. Nginitian ko si Lucas at ngumiti din siya sakin at hinawakan ang kamay ko, nag patuloy kami sa pagkain at makipag kwentohan at tawanan sa mga bisita

I'm sorry Lucas, but my heart only belong to someone and that someone is starting to forget me.