webnovel

That's My Girl

I object!"

Sabi ni President Reyes.

"I don't care!"

Sagot ni Edmund.

"I second the motion!"

Dugtong ni Dave.

"And I don't know what's going on!"

Singit ni Eunice.

At tahimik lang na nagkatinginan sila Annie at Lance, kinakabahan.

"Edmund, hindi ako makakapayag dito! Bakit mo aalisin sa akin ang pamumuno ng Pampangga Branch tapos ay ibibgay mo sa walang alam? Nasisiraan ka na ba?"

Galit na sabi ni President Reyes.

Napataas ang kilay nilang lahat ng sabihin ni President Reyes na 'walang alam' si Eunice maliban kay Eunice at Janice na wala talagang idea sa pinaguusapan nila.

"Walang Alam? Sigurado ka?"

Tanong ni Dave na napipikon na sa taong ito.

Hindi nya akalaing mamanipulahin nya si Annie makuha lang ang gusto nya.

"Hindi ba sya ang lumutas ng problema nyo?"

Dugtong pa ni Dave

"Isang beses lang nangyari yun, sinuwerte lang sya! Pero hindi ibig sabihin na kaya na nyang mag manage ng isang branch ng NicEd Corp! Solving a problem and managing a branch is two different thing!"

Paliwanag ni President Reyes.

"Teka sandali, I'm confused!

Dad, kanino nyo po ibibigay yung Pampangga Branch?"

Kinakabahan tanong ni Eunice dahil parang may idea na sya sa gustong mangyari ng ama.

"Sa'yo, Eunice! It will be part of your training! Besides that branch need a boost, masyado na kasing mabagal hindi na makasunod, kaya need na ng bagong head!"

Simpleng paliwanag ni Edmund na parang wala duon si President Reyes.

Napatanga naman si President Reyes.

'Bakit ba ilang beses nya na akong ipinapahiya?'

Naiirita na si President Reyes, sa patuloy na pagtapak sa pride nya.

"Edmund, inuulit ko, hindi ako makakapayag dito! Hindi ako makakapayag na ibigay mo na lang sa isang batang yan na walang alam sa pamumuno ang Pampangga Branch! Hindi ako makakapayag na sirain nya ang pinaghirapan ko! She's just a spoiled brat who doesn't know anything!"

Umuusok ang ilong ni Edmund at Dave na patayo ang mga ito sa inis.

Nagkatinginan ulit si Annie at Lance, hindi alam kung mananatili ba sila o aalis na.

At si Eunice at Janice napataas ang kilay.

"Excuse me Mr. Reyes pero anong kinalalaman ng pagiging bata ko sa pagmamanage ng branch?"

Tanong ni Eunice.

"Eunice, your so young! Hindi ito isang laro, wala kang kakayahang imanage yun!"

Sabi ni President Reyes.

"Mr. Reyes, hindi ibig sabihin na bata ako, wala na akong alam at hindi ibig sabihin na bata lang ako hindi ko na makakayang gawin ang mga ginagawa nyong matatanda!"

"Pwede ba Eunice huwag kang magpatawa! Bakit ano bang pinagmamalaki mo, ang Tulip Gaming Company mo?

Pfft! Alam naman ng lahat na hindi talaga ikaw ang nag mamanage nyan kundi ang Daddy mong si Edmund diba?! So please Eunice, manahimik ka na lang at huwag kang sumawsaw sa usapan ng matatanda, hindi magandang asal yun!"

Sarkastikong sabi ni President Reyes.

"Mr. Reyes, matanda na po kayo pero hindi ibig sabihin nun, lagi ho kayong nasa TAMA! Wala ho sa edad ang responsibilidad! Makitid lang ho talaga ang utak nyo kaya hindi nyo matanggap na ang isang batang katulad ko ay kayang gawin ang mga ginagawa nyo! Yes I know I am young but that doesn't mean that I'm not capable!"

"Ha? Talaga?

Diba ang alam mo lang eh magpaganda, mag shopping at mag lakwatsa?

Kabisado ko na kayong mga kabataan! May mga anak ako at mga apo kaya alam ko kung paano kayo mag isip!

Kaya sabihin mo sa akin, bakit sa'yo dapat ibigay ang branch na yan pinaghirapan ko?"

Singhal ni President Reyes.

This time si Annie naman at Lance ang napataas ang kilay.

'Anong pinagsasabi nyang pinaghirapan nya eh kami lahat ang trumabaho nun wala naman syang ginawa kundi mag golf?'

Nagpoprotesta ang kalooban nila pero hindi sila makapagsalita. Ayaw nilang makisawsaw sa debate nila.

Saka, mas magandang manood kesa makialam.

"Well Mr. Reyes, I am not that kind of kid.

First, natural na akong maganda kaya hindi ko na kailangan pang mag aksaya ng pera para magpaganda!

Second, hindi ako mahilig mag shopping, mas masarap kumain!

Third, yes naglalakwatsa ako pero pera ko ang ginagamit ko!

Fourth, hindi ako katulad ng mga anak mo at apo mo na umaasa lang sa'yo kaya huwag mo akong itulad sa kanila!

May sarili akong pera mula sa mga negosyo ko kaya bata palang ako hindi na ako umaasa at humihingi sa mga magulang ko!

And lastly, anong karapatan nyong sabihin na pinaghirapan nyo ang Pampangga Branch? Hindi ba lagi naman kayong wala sa office dahil andun kayo naglalakwatsa sa oras ng trabaho, nag gogolf kasama ang mga friends nyo?"

"Aba't ...."

Hindi makapagsalita si President Reyes, ngayon lang nya nakitang ganito si Eunice.

'At paano nya nalaman na nag gogolf ako?'

Nangiti naman ang lahat lalo na si Edmund.

'That's my girl!'

"Wala ka pang napapatunayan, mayabang ka na!"

Iritang sabi ni President Reyes.

"Bakit Mr. Reyes, who do you think you are? Bakit kelangan kong may patunayan sa'yo?"

"Bastos ka! Wala kang galang sa nakakatanda sa'yo! Ang tagal kong naging parte ng NicEd pero hindi mo man lang binigyang halaga ang mga hirap ko sa korporasyon na 'to!"

Galit na singhal ni President Reyes.

"Hindi ko kayo binabastos, kayo ang walang galang at walang respeto! Hindi porket mataas ang posisyon nyo at senior kayo, ibig sabihin ba bow na lang kami mga bata sa inyo!

Yes you may be one of the president of NicEd Corp but I am the NEXT CEO of this corporation!"

Nanggigigil na sabi ni Eunice.

Nagulat ulit silang lahat pero may ngiti sa labi ni Edmund.

'Yes! Makakapagretiro na ako ng maaga!'

Gimbal si President Reyes ng madinig nya ang sinabi ni Eunice at nakita nya ang mga ngiti ni Edmund.

'Kaya ba sya tinitraining ni Edmund dahil magreretiro na sya?'

'Hindi! Hindi ako makakapayag?'

Yung maging banch president nga si Eunice hindi na nya matanggap, maging CEO pa kaya?

"Totoo ba ito Edmund?"

Tanong nya kay Edmund kahit na nakita na nito sa mga ngiti nya ang sagot.

"Yes!"

Hindi ito matanggap ni President Reyes.

Malaki ang paghanga nya dito, hindi nya akalain na basta na lang nya ibinibigay ang pagka CEO sa anak nya. Par sa kanya bata pa ito at kulang pa sa karanasan.

"When? Kelan mo ibibigay ang posisyon mo sa kanya?"

Sa darating na anniversary ng NicEd!"

Ang sinasabing anniversary ng Niced ay sya ring kaarawan ni Eunice at dalawang linggo na lang iyon.

"Kung ganun! I think I have to give my resignation, hindi ako sasama sa paglubog ng NicEd Corp!"

Hindi kailanman magagawa ni President Reyes na magpasakop kay Eunice.

At naniniwala syang mauuwi sa wala ang NicEd Corp kapag si Eunice na ang humawak.