webnovel

Tampo

Habang tumatagal mas lalo ng hindi maintindihan ni Kate si Mel. Lumalala din kasi ang pagiwas nito sa kanya.

Nagtatampo na sya.

"Bakit sya nagkakaganun Eunie? Hindi ko na sya maintindihan? Dati we're sharing every minute na meron kami, bakit ngayon parang iniiwasan na nya ako? Completely! Ayaw na ba nya sa akin?"

Sentimyento ni Kate kay Eunice.

Hindi na alam ni Kate ang gagawin nya matapos hindi siputin ni Mel ang date nila nung isang araw.

Birthday celebration yung date na yun para kay Mel pero wala sya, nakalimutan daw nya.

"Months and months of preparation dahil gusto kong maging memorable sa kanya yun. At araw araw kong ni re remind sa kanya ang birthday celebration nya! Months! I even call him that day tapos sasabihin nya nakalimutan nya?"

Walang maisagot si Eunice. Kailangan nyang makausap si Mel gusto nyang marinig ang side nito.

"Don't worry Ate Kate, I'll talk to him!"

***

"Besh, what's goin' on between you and Ate Kate?"

"Huh?"

"Come on Beshy! Alam mo ang ibig kong sabihin!"

"Tungkol ba ito sa hindi ko pag dating sa birthday celebration ko? Bigla akong nabusy nun, may kailangan akong gawin at nakalimutan ko ang time!"

"Huwag mo akong gaguhin Besh, hindi ako tanga at mas lalong hindi tanga si Ate Kate! What is wrong with you?"

Hindi makasagot si Mel.

"Ayaw mo na ba kay Ate Kate?"

"Ano bang sinasabi mo Sissy, mahal ko ang pinsan mo! Mahal ko si MyLabs ko!"

"So bakit? Bakit mo sya iniiwasan?"

"Natatakot kasi ako! Baka kasi pag may nakakita sa amin kung anong isipin nila!"

"Kelan pa naging mas mahalaga sa'yo ang sasabihin nung sinasabi mong NILA?"

"Hindi yun e! Kasi.... Kasi baka pag may makakita sa amin na magkasama kami ... may magbigay malisya tapos ... nagaalala ako kung ano pa ang makarating sa Daddy nya!"

"So... tinitikis mo si Ate Kate dahil natatakot ka sa iisipin ng Daddy nya? Ganun ba?"

Tumango si Mel.

"Alam mo ba kung bakit ka pinili ni Ate Kate, Besh? Kung bakit ka nya nagustuhan?"

Hindi makaimik si Mel nagiisip.

'Bakit nga ba ako nagustuhan ni Kate MyLabs?'

"Kasi Besh, alam ni Ate Kate na hindi ka katulad ng iba na magpapaka goody, goody sa Daddy nya! Alam nyang hindi ka magpapadikta sa gusto ng Tatay nya at higit sa lahat hindi ka magiging katulad ng Daddy nya na inuuna ang lahat maliban sa pamilya nya!"

Nakonsensya naman si Mel sa sinabi ni Eunice, pero aminado syang hindi nya alam ang gagawin.

Sanay sya na hinahayaan na lang ang lahat sa kung ano ang makakapagpasaya sa kanila, bata pa kasi sila, nuon.

At ngayong gusto na nyang mas maging seryoso sa relasyon nila ni Kate, bakit ganun, bakit parang mali ang ginagawa nya?

*****

"Broddy Mel, tama si Eunice! You need to talk to Kate, tell her what you feel before it's too late!"

Paliwanag ni AJ sa kanya.

Matapos kausapin ni Eunice si Mel nung isang araw, pakiramdam nito wala syang napala sa paguusap nila ni Mel kaya humingi sya ng tulong kay AJ.

Baka kasi mas maintindihan ni Mel ang ibig nyang sabihin pag si AJ ang nakipagusap sa kanya.

"AJ Dude, kaya ka ba pinapunta ni Sissy para ipakita lang na tama sya? Kainis ka, kala ko close na tayo kaya ka nag ayang lumabas!"

"Hahaha! Nakakatuwa ka talaga Mel, kaya ang sarap mong kasama eh!"

"But listen Bro, yung reaction ng father ni Kate, natural lang yun sa isang father! But I don't think na galit sa'yo o ayaw sa'yo ng father nya!

Diba ikaw na rin ang nagsabing magbarkada ang father mo at father ni Kate, so kung galit sa'yo yun bakit pa nya babarkadahin ang father mo?"

"May katwiran ka Broddy Dude! At least hindi galing kay Sissy yang naisip mo!"

"Well, sya ang nagkwento sa akin ng tungkol sa father mo at father ni Kate, so masasabing partly! Hehe!"

"Napapansin ko super close na kayo ni Sissy ko! May something na ba senyo?"

"What something?"

"Something like .... do you like her?"

"Hahaha! No.. no.. no! Five years ang tanda ko sa kanya, remember? Yes I like her and I care for her a lot like a baby sister!"

"Talaga? Baby sister? Alam mo bang five years din ang agwat ng edad ng Mommy nya at Daddy nya at hindi lang yun, baby sister din ang turing ni Tito Edmund kay Tita Nicole nung una pero sila ang nagkatuluyan!"

"Wow! That's a good love story but I don't think na magiging ganyan din ang love story ko!"

"Bakit mo naman nasabi yan AJ Dude?"

"Because until now alam kong hindi pa rin nya nakakalimutan yung Jeremy!"

*****

Sa Maynila.

"Sabi ng Papa mo gusto mo na daw magaral ulit."

Tanong ni Ames sa pamangkin nyang si Jeremy.

"Yes Tita Ames, alam ko na po ang gusto kong kunin at pangakong ...."

"No Jeremy huwag kang mangako! Ayaw ko na napepressure ka! Kung gusto mong magaral, fine! I'll help!"

"Thanks po Tita Ames!"

"Eh Tita, kamusta po si Eunice?"

"She's doing fine. Na mimiss mo na ba sya? Gusto mo bang umuwi ng San Miguel para makita sya?"

Tumango si Jeremy.

"Naintindihan ko pero kaya mo na bang harapin ang Lolo mo? The moment na tumuntong ka sa San Miguel tyak na malalaman agad ng Lolo mo!"

"Ayaw kitang pagbawalan sa personal life mo, Jeremy, pwede ka naman mag message sa kanya or video chat! But I'm against you going back to San Miguel, sana maintindihan mo! Nanahimik lang ang Lolo mo ngayon pero alam kong may ginagawa sya ng palihim!"

"Ano pong ibig nyong sabihin Tita Ames?"

Kinabahan si Jeremy.

"Hindi ako sure sa pinaplano nya pero natitiyak kong alam na nyang nakauwi ka na ng Pilipinas. Pakiramdam ko nagaantay lang sya ng magandang pagkakataon bago kumilos at ang ikinakaba ko ay baka gawin nya sa pag alis ko!"