"Kate .... MyLabs, bakit? Hindi mo ba nagustuhan ang ginawa ko? Kung may tanong ka, I'll answer!"
May hiyang ngiti sa labi ni Mel habang binabasa ni Kate ang sinulat nya.
"Ginawa mo ito dahil...?"
"Kinausap kasi ako ni Sissy at ni AJ Dude, and they told me na dapat kong sabihin ang nasa kalooban ko para maintindihan mo ang nararamdaman ko!"
"Kaya isinulat mo...?"
"Yes. Hindi ko kasi alam kung papaano ko sasabihin sa'yo. Galit ka ba?"
"Nope.."
Pero kita ang lungkot sa mata ni Kate.
"But it should've been sweeter if you told me personally.
Kahit na nuon pa man, alam ko na ang dahilan, I didn't know na ...."
"Sabi ko na magagalit ka e!"
Kinakabahan na si Mel. Inaasahan nya itong reaction kay Kate.
Namumuo na ang luha sa mata ni Kate pero pinigilan nya itong pumatak.
"Hindi.. Hindi ako galit! Hindi ko magagawang magagalit sa'yo.
I'm just ... SAD."
"Sad? Bakit?"
"Dahil nahihirapan ka. Nahihirapan ka because of me."
"Kate... MyLabs ...."
"I think we need some space."
Tumayo na si Kate at umalis.
"Kate wait! Anong ibig mong sabihin sa WE NEED SOME SPACE?"
Tanong ni Mel.
"I'm sorry Melabs pero ayaw kong nasasaktan ka!"
Lumapit si Kate kay Mel para halikan sya pero ng malapit na ang labi nito, bigla syang umiwas.
"Kate, please!"
Sabay tingin sa paligid.
Hindi na namilit pa si Kate.
"Goodbye, Mel!"
At tuluyan na itong lumayo.
Hindi nakakilos si Mel sa kinatatayuan nya, kita nya ang sobrang lungkot sa mga mata ni Kate.
Hindi sya pwedeng magkamali, si Kate .... Umiiyak?
***
"Sissy, hindi ko sya maintindihan!"
Reklamo ni Mel kay Eunice.
Pilit nitong sinundan si Kate pero hindi na nya naabutan. Wala din ito sa bahay nya kaya naisipan nyang puntahan at kausapin ang bestfriend nyang si Eunice.
"Alin ang hindi mo maintindihan Besh?"
Tanong nya kay Mel habang binabasa nya ang sulat nito kay Kate.
"Bakit sinabi nyang WE NEED SOME SPACE?! At nung nag goodbye sya bakit feel ko hindi ko na sya makikita ulit! Natatakot ako Sissy at kinakabahan! Ano ang ibig nyang sabihin sa GOODBYE?"
Iniabot ni Eunice ang sulat ni Mel kay Kate na natapos na nyang basahin.
"Read!"
"Huh?"
"Read! Andyan ang sagot sa tanong mo!"
Winagayway ni Eunice ang sulat sa kanya.
"Alam ko ang nakalagay dyan Sissy, ako ang sumulat nyan, diba? Sinabi mo sa akin na sabihin ko Kate ang nararamdaman ko? Kaya ayan, isinulat ko!"
"Exactly! At ibinigay lang nya ang gusto mo .... SPACE!"
Ipinakita nya ang isinulat nya sa letter nya kay Kate.
~Nahihirapan na ako pag magkasama tayo. Feeling ko anytime susulpot ang Daddy mo at ilalayo ka nya sa akin. Natatakot ako!~
"Tell me Beshy, kinausap ka ba ni Tito Jaime? Tinakot ka ba nya, kaya ka biglang nagbago ng pakikitungo kay Kate?"
"H_H_Hindi!"
Sagot ni Mel pero umiwas ito ng tingin kay Eunice.
"Beshy, your not a good liar at hindi mo malilinlang si Ate Kate! Feel ko may kutob na sya."
"Ayokong mawala si Kate sa buhay ko dahil sya ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko and I'll do anything huwag lang syang mawala sa akin!"
"Yeah! Ate Kate knows that too, kaya mas minabuti nyang sya na lang ang umalis para hindi ka masaktan!"
*****
"San ka na naman nanggaling Kate? Gabi na at bakit amoy alak ka? Kelan ka pa natutong uminom, HA?!"
Singhal na salubong ni Jaime kay Kate.
Hindi sumagot si Kate, dirediretso lang ito paakyat.
"Kasama mo na naman siguro ang bwisit na unggoy na yun! Sabi ko na, hindi magandang impluwensya sa'yo yang unggoy na yan, wala yang idudulot na mabuti sa'yo, kaya dapat hiwalayan mo na yan!"
Napatigil si Kate.
"Ano naman po ang sa palagay nyo ang nababagay sa akin na boyfriend..... someone like you? A JERK?!"
"I'm still your father Kate, baka nakakalimutan mo?"
"Father? Since when?"
"Alam ko na malaki ang pagkukulang ko, that's why I'm trying my best to be a good father!"
"So, your definition of a good father is takutin ang boyfriend ko, dahil hindi sya katulad nyo? Ganun po ba?"
"Ginawa ko lang ang alam kong tama! Hindi sya nababagay sa'yo Kate!"
"Well congratulations Dad, nagtagumpay po kayo! Sana masaya na po kayo because I'm NOT!"
"Anong ibig mong sabihin, Kate?"
"Wala na po kami ni Mel at ngayon pwede po ba umalis na rin kayo sa buhay ko! I don't need a father who's pride and ego is more important than his family!"
"Anong nangyayari dito? Gabi na, ano na naman bang pinagtatalunan nyo?"
Tanong ni Nadine sa mag ama.
"Why don't you ask HIM your jerk husband!"
PAK!