webnovel

Someone Must Tell Him

Mommy, please tell Dad to stop! Naririndi na po ako sa pangungulit nya!"

Pagmamakaawa ni Eunice.

Humihingi na ito ng saklolo sa ina dahil hindi tumitigil ang daddy nya sa pangungulit sa kanya na dapat magpakasal na sila ni AJ!

Natetensyon na rin si Nicole sa asawa nya, hindi nito maintindihan kung bakit ito nagkakaganito, lately.

'Nung una ayaw nyang makasal agad ang anak nya, ngayon naman nagmamadali sya!'

"Honey, ano bang nangyayari sa'yo bakit tila lagi kang praning lately? Sa ayaw pa nilang magpakasal, bakit ba namimilit ka dyan?"

"Ikakasal naman din sila bakit hindi pa ngayon? Pareho lang yun! Bakit kailangan magantay pa ng dalawang taon? Gusto ko ng magka apo, mahirap bang intindihin yun?"

Sabi ni Edmund.

"Eh, ikaw kaya ang may kundisyon nun, nakalimutan mo na ba?"

Sabi ni Nicole.

"That was before, ngayon payag na ko!"

Sagot ni Edmund.

"Pero dahil sa kundisyon mo na yun, naka set na ang minds nila na sa taon na yun sila magpapakasal, kaya bakit ka nangungulit pa rin dyan? Gusto lang naman nilang sundin ang kundisyon mo!"

"Naisip ko kasi, since okey na naman ang lahat, nahatulan na si Mendes at si Romulo naman at ang buong pamilya nya ay nagmigrate na Canada, kaya, sa tingin ko, ito na ang the best year para magpakasal sila.

Tutal, nasa tamang edad na naman sila at parehong successful na sa buhay!"

Matapos iwan ni Angelina Romulo ang kanyang kapatid na si Mendes, bumilis na ang pagusad ng mga kaso nito.

Mas minabuti ni Angelina na iwan ang Pilipinas kaya nag migrate sila sa Canada para hindi sila madamay sa kaso ni Mendes.

Nararamdaman nyang, kung sino man ang may gawa ng pagbagsak ng kuya nya, tyak nyang alam ang relasyon nilang dalawa, kaya mas minabuti nyang magpakalayo layo na lang.

Sa loob naman ng anim na buwan matapos maupo ni Eunice sa pagka Mayor, nahatulan na ng death penalty si Mendes. Namatay itong hindi man lang nya nakilala kung sino ang dahilan ng pagbagsak nya.

"Saka Daddy, busy pa po ako sa mga problema ng San Miguel, marami pa po akong kailangan gawin at tapusin kaya hindi pa po ako ready na magpakasal! Antayin na lang po nating matapos yung five years na napagusapan natin baka po pag dumating ang time na yun maisipan ko ng magpakasal!"

Sabi ni Eunice.

"Susme, kelan pa yun?"

Kilala kita Eunice, kapag nag concentrate ka sa isang bagay, hindi ka tumitigil hangga't hindi ka nakakakita ng best result. You'll alway put your very best kaya laging successful ang lahat ng pinapasok mo, pero....

anak naman, hindi nauubos ang problema ng bayan!

Kapag yan lagi ang idadahilan mo, tatanda kang dalaga nyan! Paano na si AJ?"

Sabi ni Edmund.

This time napaisip si Eunice. Napansin ni Edmund ang pananahimik ng anak.

'Finally mukhang naiintindihan na nya. Konti na lang papayag na rin ito.'

*****

Dad, Mom, I need to tell you something!"

Sabi ni Earl na kararating pa lang.

"Teka lang, huwag ka munang magsalita at kinakausap ko pa ang Ate mo! Minsan na nga lang ito sumabay sa atin ng hapunan dahil sa sobrang busy, kaya maghintay ka dyan!"

Suway ni Edmund sa bunso nyang si Earl.

"Dad, wala na po akong sasabihin sa inyo, pareho pa rin po ang sagot ko. Hindi pa rin po ako magpapakasal!"

Sabi ni Eunice.

"Hmp! Bakit ka kasi biglang sumusulpot dyan? Muntik ko ng mapapayag ang ate kung di ka sumulpot sana okey na!

Ano ba kasi ang sasabihin mo?"

Singhal ni Edmund sa bunso nya.

"Dad, kung ayaw nyo pong pakinggan ang sasabihin ko at mukha namang hindi kayo interesado, kay Mommy ko na lang po sasabihin!"

"Aba't .... "

"Mommy, may girlfriend na po ako at gusto ko pong makilala nyo sya!"

Sabi ni Earl.

"Talaga anak? Sino sya? Kelan ko sya pwedeng makilala?"

Masayang sabi Nicole.

Ito ang unang beses na nagkaroon ng girlfriend ang anak kaya masaya sya sa balitang ito pero si Edmund....

"May oras ka pang mag girlfriend pero yung mga pinagagawa ko sa'yo hindi mo matapos tapos! Paano ko ibibigay sa'yo ang CEO position kung tatamad tamad ka?"

Singhal ni Edmund sa anak.

"Dad, hindi po ako tamad! Hindi na nga po ako umuuwi ng bahay para tapusin lahat ng pinagagawa nyo pero, napansin nyo man lang ba? HINDI! Dahil busy kayo sa pangungulit kay Ate na magpakasal which is obvious naman na ayaw pa nya. Bakit?

Kasi napapraning na po kayo Dad!

Napapraning kayo dahil baka mawili si Ate Eunice na magstay sa politics! Kaya pinipilit nyo syang magpakasal na at magka pamilya!"

Galit na sabi ni Earl.

Hindi makapaniwala si Edmund na sasagutin sya ng ganun ng anak. Tinitigan nya ito ng matalim.

At tumaas ang tensyon sa paligid.

"Edmund, pwede ba tama na!"

Suway nito sa asawa.

Napatayo ito at si Eunice para awatin sya.

Alam nyang galit na ito at natatakot syang baka masaktan nya si Earl.

"Bakit ako ang sinusuway mo at hindi yang anak mo?"

"Earl, please, anak, tama na! Ayaw kong magaway kayo ng Daddy mo, so please, calm down! Both of you, please calm down!"

Pagmamakaawa ni Nicole sa mag ama nya.

Ito ang unang beses na sinagot ni Earl ang Daddy nya.

"Mommy, hindi po ako galit at hindi ko po inaaway si Daddy! But sometimes, someone must tell Daddy what is his problem!"

Naintindihan ni Nicole ang ibig sabihin ni Earl. Maging sya man ay iritang irita na rin kay Edmund pero hindi nya masabi.

Kailangan talagang may magsabi sa kanya para malaman ng mga tao sa paligid nya na nakakainis na ang ginagawa nya.

"At ano naman ang ibig mong sabihin sa you need to tell me what is my problem?"

Tanong ni Edmund.

"Bakit alam mo ba talaga ang problema ko? HA?!"

"Na napapraning na po kayo!"

Deretsahang sagot ni Earl.

"Walanghiya kang bata ka, bwisit ka! Hindi ako napapraning! Gusto ko lang maging maayos ang ate mo!"

"Yes, Dad, tama po si Earl, napapraning na nga po kayo!"

Dugtong ni Eunice.

"Aba't.... nakita mo na ang dalawang anak mo, pinagtutulungan ako!"

Sabi ni Edmund sa asawa, nagsumbong.

"Honey, totoo ang sinasabi nila, masyado ka ng napapraning lately! Hindi na ito healthy dahil nahihirapan na kami ng mga anak mo!

Honey please tama na, set Eunice free! For oncd let her decide for her life!"

"Tama po si Mommy Dad, nasasakal na po ako! Kaya po madalas ayaw ko ng umuwi dito dahil ayaw nyo po akong tigilan!"

Tila nahimasmasan si Edmund. Nawala ang tensyon nararamdaman nila kanina.

Ngayon lang na realize ni Edmund na sumobra na sya. Nakalimutan nyang malalaki na nga pala ang mga anak nya.

"Saka Dad, hindi nyo pa rin po ba kilala si Ate Eunice?

She's your daughter!

Hindi po ito ang gusto nya.

Eversince, simpleng buhay lang ang gusto nya kaya mawili man sya o hindi sa politics sooner or later, mabobored din sya! Kaya bakit po kailangan nyo pang mapraning?"

Napaisip si Eunice.

"Ganun ba talaga ako?"

"Oo Ate ganun ka!"

"Honey may point si Earl, ganyan nga ang ugali ni Eunice, kaya itigil mo na ang sobrang pagaalala!"

Napatingin si Eunice sa Mommy nya hindi makapaniwala.

'Seryoso sila, ganun talaga ako?'

"Alam ko ang gusto mo Ate Eunice, ang maging katulad ni Mommy! Idol mo sya diba kaya gusto mo ring magturo!"

Hindi napigil ni Eunice ang sarili lumapit ito sa kapatid at inakap ito.

Hindi nya akalain na kahit na lagi syang iniinis ni Earl sya pala ang mas nakakaintindi sa kanya.

"I love bunso!"

At pinupog nya ito ng halik.

"Eeeewwww! Ate naman magpunas ka nga muna ng labi mo ang oily! YUCK!"

Pero hindi sya tinigilan ni Eunice.

"HAHAHAHAHA!"

Malapit na pong matapos itong novel ko pero may plan po akong i continue ito sa susunod kong novel.

Sana po ay tangkilikin nyo rin ito.

Maraming maraming salamat po!

God bless!"

trimshakecreators' thoughts