webnovel

Sino Bang Niloloko Ko

Pagpasok ni Louie sa pader na bakal, pakiramdam nya ay napunta sya sa ibang parte ng mundo. Puro puno at halaman ang nasa paligid, parang katulad sa cross-stitch na nakadisplay sa bahay nila.

'San banda dito yung bahay nila Eunice?'

Nakita ng guard ang pagkalito nito.

"Nakita mo ba yung pataas na kalye na yan? Diretsuhin mo yan. Pagdating mo duon, andun yung gate at

May guard din dun! sabihin mo ang pakay mo!"

"Gate po?"

"Oo gate! Malabo ba pandinig mo?"

Gustong sumagot ni Louie, hindi malabo pandinig niya, hindi lang sya makapaniwala.

'Di pa ba gate yung dinaanan kong mataas na bakal?'

"Salamat po Manong guard!"

Pagdating nga sa pinakataas na kalye, may gate. Mas maganda ito sa una at may nakalagay sa taas na Casa Perdigoñez.

"Iho, anong pakay mo at narito ka sa tandang mansyon?"

"Ako po si Louie, kaiibigan at kaklase ni Eunice. Andito po ako para dalawin sya!"

"Ahhh... aakyat ka ng ligaw! Bakit wala ka man lang dala kahit bulaklak man lang?"

"PO? Hindi po! Nagkakamali po kayo! Nagkataon po na andito kami ng kapatid ko sa San Roque para magbeach at nalaman kong andito din si Eunice kaya naisipan kong puntahan!"

"Nadinig ko na yan utoy! Matanda na ako kaya alam ko na yang ganyang style!"

"Manong guard, hindi po talaga! Totoo po ang sinasabi ko!"

"Okey sabi mo eh!"

Kinuha nito ang phone at tumawag kay Manang Selma.

"Manang Selma may bumibisita kay Ms. Eunice, papasukin ko po ba?"

"Oo, inaantay na sya ni Mam. Nicole!"

"Sige utoy pumasok ka na, inaantay ka na daw ni Mam Nicole!"

Kinabahan si Louie. Nakalimutan nyang Nanay nga pala ni Eunice ang prinicipal nila.

"Ang higpit po pala ng security dito, Manong guard. Saan po banda yung bahay ni Eunice?"

"Diretsuhin mo lang ang kalsada na yan makikita mo na ang bahay ni Ms. Eunice."

Makailang hakbang bumungad na ang bahay ni Eunice. Ito lang ang bahay na nakita nya wala ng iba.

"O.M G.! Ito ba talaga ang bahay ni Eunice?"

"Bahay ba yan o cathedral?!"

"Bakit sabi nila hindi mayaman sila Eunice at umaasa lang ito sa scholarship?"

"Hindi nga sila mayaman dahil ubod sila ng yaman!"

Nanginginig ang tuhod ni Louie habang naglalakad, alam nyang wala na itong atrasan.

After 7 minutes nakarating din sya sa harapan ng bahay hingal at pawis.

"Oh, Louie bakit dika gumamit ng e bike?"

Nakita nga nya ang e bike na naka park duon sa may unang gate pero hindi naman sinabi sa kanya ng guard na pwede nyang gamitin yun.

"Principal Cole, mas gusto po kasing maglakad!"

Mas nakatulong nga ang paglakad nya, nawala ang kaba at panginginig ng tuhod nya.

Saka, hindi tama na siraan nya ang guard, bisita lang sya dito.

"...uhm, akala ko po kasi malapit lang kaya naglakad na lang po ako!"

Pero ramdam ni Nicole na sinadya ito ng mga guwardya st mukhang iisa ang nasa isip nila kaya narito ang bata.

"Halika Louie pumasok ka sa loob at mainit dito."

Pagpasok sa loob ng bahay, hindi alam ni Louie kung papaano sya kikilos, nahihiya sya saka baka makabasag sya.

"Halika maupo ka uminom muna at mukhang napagod ka! Pababa na rin si Eunice."

"Saan ka ba galing? At paano ka napunta dito sa San Roque? Alam ba ng mga magulang mo na andito ka?"

Sunod sunod ang mga tanong ni Nicole, bumalik tuloy ang kaba ni Louie. Puro tango lang ang naisagot.

Maya maya nakita nyang bumababa si Eunice ng hagdan.

Napatanga ito at napatayo habang tinitingan ang unti unting pagbaba ni Eunice.

Sanay na syang nakikitang naka uniform si Eunice pero ito ang unang beses na nakita nya itong nakabestida.

'Ang Ganda....'

Nakangiting usal nya.

"Hi Louie!"

Masayang bati ni Eunice sa kanya.

"Ehem!"

Sabay sabay silang napatingin sa pinagmulan ng "ehem".

Dumating na pala si Daddy Edmund.

*****

Sa Little Manor.

Nabigla si Kate sa ginawa ni Mel.

Totoo ba to, hinahalikan nya ako .... sa LIPS?

Iminulat ni Kate ang mga mata nyang basa ng luha sa pagiyak at bumungad sa kanya ang nakapikit na mga mata ni Mel na malapit na malapit sa mata nya na halos magkadikit na at....

'Totoo nga! Lips nya nga yung sumisipsip sa lips ko!'

Nanlaki at namilog ang mata nya.

DUGDUG! DUGDUG! DUGDUG!

Sunod sunod ang dagundong ng puso nya na tila ayaw paawat at gustong lumabas sa dibdib nya.

Ngayon lang sya nahalikan ng isang lalaki .... sa lips!

At naghahalong takot at excitement ang nararamdaman nya lalo na ng makaramdam sya ng init sa katawan nya lalo din lumalakas ang pagkabog ng dibdib nya.

'Ano ba 'to? Tama ba 'to? Dapat ko ba syang pigilan?'

'Pero sino bang niloloko ko, masarap sya! Saka... walang tao dito!'

Hinayaan nyang halikan sya ni Mel kahit hindi nya alam kung tama ba ang ginagawa ni Mel.

Maya maya naramdaman ni Mel na hindi na umiiyak si Kate, tumigil na ito sa paghalik.

Pagmulat ng mata nya, nakita nya si Kate na nakatitig sa kanya. Nataranta si Mel, napayuko na parang napahiya. Hindi nya kayang tingnan ng diretso si Kate.

"Okey ka na ba?"

Tanong ni Mel na hindi tumitingin.

"Mmm mm!"

Simpleng sagot ni Kate. Nakangiti ito at hinahawakan ang mga labi nya.

"So...sorry!"

Sabi ni Mel.

"Saan?"

Nagtatakang tanong ni Kate

"Sa... uhm... 'lammo na!"

"Bakit ka nagso sorry, hindi mo ba gusto yung ginawa mo sa akin?"

Nagtatampong tanong ni Kate.

"Kasi baka galit ka dahil ...."

Kinakabahan si Mel. Baka isipin ni Kate na pinagsasamantalahan nya ang kahinaan nito.

"Hindi ah! Ba't naman ako magagalit e nasarapan nga ako!"

Nahihiyang pag amin ni Kate.

Namula din si Mel. Hindi naman nya alam na tama ba ang ginawa nya. Basta naramdaman lang nya gusto nyang gawin ito.

"So anong ibig bang sabihin ng kiss mo TAYO NA?"

Excited na tanong ni Kate.

"Ha? Anong tayo na? Baka ibitin ako ng patiwarik ng tatay mo!"

"Hahahaha!"

"Hindi nya gagawin yun!"

"So tayo na ba?"

Pangungulit ni Kate

"Ikaw?"

"Anong ako, bakit ako? Ako na nga ang nanligaw ako parin ang tatanungin mo sa desisyon mo?"

Sagot ni Kate.

"Pero, kasi... alam mo naman siguro na may pusong babae ako! Hindi ba unfair sa'yo?"

"I don't care!"

"Basta ang important naman I love you and you love me!"