webnovel

Sigurado Po Ba Kayo?

"Eunice, Kate, mabuti at pareho kayong nandito!"

Bati ni Caren sa dalawa.

Minsan lang nabanggit sa kanya ni Raymond na may boyfriend na si Eunice at duon sila parating naglalagi ng boyfriend nya sa TAMBAYAN restaurant, hindi nya akalaing makikita rin nya si Kate dito.

Nagbakasakali lang sya.

Nung una ay ayaw pang sabihin ng receptionist na nakausap nya na andito si Eunice pero sa ilang araw nyang pagmamasid sa restaurant, nasigurado nga niya na dito tumatambay si Eunice.

Kinausap nya ang receptionist at nagmakaawa sya na makausap ito.

"Please Miss, emergency lang talaga. Pakisabi lang ng name ko, kung ayaw nya akong kausapin, aalis ako din ako agad."

Pagmamakaawa ni Caren.

Laking pasalamat ni Caren at pumayag si Eunice na kausapin sya.

"Ate Caren, bakit po?"

Ano pong problema?"

Usisa ng dalawa.

Kitang kita nilang dalawa na may pinagdadaanan si Caren.

"Kasi, gusto ko sanang makausap si Tito Edmund at Tita Nadine pero hindi ko alam kung paano ko sila kokontakin! Naalala ko lang ng minsan mabanggit ni Papa na madalas ka daw dito sa TAMBAYAN, kaya nagbakasakali ako! Nakita kita kaninang papasok dito! Salamat at pinagbigyan nyo akong makausap ko kayo!"

Nangiti na rin kahit papaano si Caren pero kita pa rin sa mukha na may pinagdadaanan.

"Bakit Ate Caren, bakit mo gustong makausap sila Mommy at Ninong?"

Tanong ni Kate.

"Kasi gusto ko sanang humingi ng tulong tungkol sana kay Papa! Nagmamakaawa ako sana matulungan nyo ako!"

Nahihiyang sabi nito.

Nahihiya syang humingi ng tulong pero kailangan nyang gawin ito.

"Ate Caren, huminahon ka muna, huwag kang magalala sasamahan kita kay Daddy."

Sabi ni Eunice.

"Sasabihin ko din kay Mommy na gusto mo syang kausapin, kaya huwag ka ng magworry Ate Caren!"

Sabi ni Kate.

"Salamat! Salamat!"

At naiyak na si Caren

Hinayaan muna nilang mahimasmasan si Caren bago nila muling kinausap.

"Ate Caren, pwede ba namin malaman kung bakit gusto mong makausap sila Mommy at Ninong?"

Tanong ni Kate.

"Ang Papa kasi, hindi ko na maintindihan! Nung una ayaw nya akong dinadalaw sya sa bahay, tapos ngayon inalis nya ako sa posisyon ko bilang presidente ng kompanya tapos ipinalit sa akin yung Berna na yun?"

Umiiyak na sabi ni Caren, may tampo ito sa ginawa ng ama.

"Berna?"

Tanong ni Kate.

"Teka, si Bernadette Ruiz ba ang tinutukoy mong Berna?"

"Kilala nyo sya?"

Nagtatakang tanong ni Caren.

"Oo Ate Caren, nakilala ko na sya recently lang, sa board meeting ng NicEd. Sya kasi ang representative ni Uncle Raymond!"

"Ha? Hindi ko ito alam! Hindi ito nasabi sa akin ng Papa!"

"Sabi ni Daddy may 1 year na daw. Lagi daw nagrerequest ng board meeting si Uncle Raymond pero hindi naman sya umaatend at parating si Ms. Ruiz yung pinadadala!"

Paliwanag ni Eunice.

"Bakit naman laging nagrerequest ng board meeting si Uncle Raymond, ano bang nirerequest nya?"

Tanong ni Kate na biglang na curious.

"First gusto nyang maging part ng Perdigoñez International ang NicEd Corp. para maging open na sa public. Second gusto niyang humawak ng isang company ng NicEd Corp. si Berna at mukhang ang pinupuntirya nya ay ang Tulip Company ko!"

Sabi ni Eunice.

"WHAT?"

Parehong nagulat ang dalawa.

"Hindi ko na maintindihan ang Papa, bakit nya gagawin yun? Minsan sinabi nya sa akin na hindi nya pakikialaman kahit kailan ang NicEd, tapos ngayon ... ?

Kaya please, kailangan ko ng tulong nila Tito Edmund at Tita Nadine para makausap nila ang Papa dahil hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi kasi ako kinakausap ng Papa!"

"Hindi ka kinakausap ni Tito Raymond? Kelan pa?"

Tanong ni Eunice.

"May 1 year na matapos nyang ibigay sa akin ang pamumuno ng kompanya namin."

"Hinaharap ka man lang ba ni Tito Raymond?"

Curious na tanong ni Kate.

"Hindi! Laging yung Berna na yun ang humaharap sa akin! Simula ng maging jowa ng Papa yung babaeng yun hindi na rin ako nagkaroon ng pagkakataong makatungtong sa bahay namin. Ayaw nya kasi akong papasukin!"

Nagkatinginan sila Kate at Eunice at napansin ni Caren ang aksyon ng dalawa.

"Bakit?"

Tanong nya sa dalawa.

"Sorry, Ate Caren pero ... paano mo na sure na galing kay Tito Raymond lahat ng utos, hindi mo naman sya nakita?"

Sabi ni Kate.

"Hindi ka ba nagtataka, Ate Caren kung bakit hindi ka hinaharap ng personal ni Tito Raymond?"

Dugtong ni Eunice.

Napaisip si Caren at binalikan lahat ng mga nangyari simula ng hindi nya nakikita ang ama at yung Berna na yun ang humaharap sa kanya.

Pakiramdam nya tinatanggalan sya unti unti ng karapatan ng ama pero paano nga kung hindi sa ama lang nya galing iyon?

"Posible bang minamanipula lahat nung Berna ang nangyayari?"

Tanong ni Caren.

"Posible, lalo na't si Berna ang pinaguusapan natin dito."

Sagot ni Kate.

"Bakit sa salita nyo parang kilang kilala nyo ang pagkatao nung Berna na yun?"

"Not much, ang alam lang namin isa syang dating project manager sa Perdigoñez International at natanggal sya dahil may ibinulsa daw na pera!"

Sagot ni Eunice.

"At may usap usapan din na may something sila ni Uncle Gab!"

Dugtong pa ni Kate.

"Ibig sabihin ang pagkikita nila ng Papa may possibility na plinano nya?"

"Hindi ka namin masasagot, let's ask Daddy baka he knows something!"

Sabi ni Eunice.

"With regards sa position mo sa Company, bakit hindi ka humingi ng tulong legally? Meron kang rights to question that!"

Sabi ni Kate.

Unti unting nagka lakas ng loob si Caren. Mabuti na lang at naglakas sya ng loob na kausapin ang mga ito.

"Pero, wala akong kilalang lawyer na pwede kong pagkatiwalaan!"

Sabi ni Caren.

"Eto, kakapasa pa lang ng board."

Sabay turo ni Eunice kay Kate.

"Hindi ako, pero may kakilala ako, a friend at matutulungan ka nuon! Wala akong balak magpractice maging lawyer, puro sila talking nakakabored mas like ko ang mag investigate! Dun matutulungan kita!"

Sabi ni Kate.

*****

Samantala.

Naging malaking ingay ang nangyaring pagdakip kay Conrado dahil naka media ito at 'caught in the act' ang ginagawa nya pero nalilito pa rin sya kung anong nangyari.

Pinuntahan sya ni AJ sa kulungan.

"Mel, iho, nalilito ako, ano bang nangyari bakit ako hinuli ng mga pulis? Wala akong maalalang ginawan ng masama kaya nagtataka ako kung sino ang nagpahuli sa akin!"

Sabi ni Conrado.

"Kilala ko po kung sino ang nagpahuli sa inyo."

Sabi ni AJ

"Kilala mo? S-Sino at anong dahilan bakit nya ginawa sa akin ito?"

"Si AJ Raquiñon ang anak ni Jaja Raquiñon at dahil yun sa pagkamkam nyo ng farm at winery!"

Paliwanag ni AJ.

Nanlaki ang mga mata ni Conrado.

"A-Anak .. ni .... Jaja?"

Tumango tango si AJ.

"Si-Sigurado ka?"

"Bakit ho parang duda kayo?"

Tanong ni AJ

"Dahil patay na ang anak ni Jaja at wala ng natira sa angkan ng mga Raquiñon!"

Paliwanag ni Conrado.

Bumungad ang ngiti sa mga labi ni AJ.

"Bakit ganyan ka kung ngumiti, iho?"

Magpahanggang ngayon hindi pa rin alam ni Conrado na ang tinutukoy ni AJ na anak ni Jaja ay SIYA.

"Sigurado po ba kayo?"