Tila nanigas si Miles ng makita nyang bumababa ng car nya ang Mommy nya. Nawala Ang kaninang ngiti nya.
'Anong ginagawa nya dito?'
'Bakit andito ang Mommy ko?!'
'At bakit sya may kasamang pulis?!'
Kailangan hindi nya ko makita!'
Tumalikod sya pero huli na, napansin na sya ng Mommy nya.
"Teka si Miles 'yon ah!"
Napatingin na rin ang mga pulis na kasama nya ng madinig si Mildred kahit hindi nila kilala si Miles.
"Miles!"
Tawag ni Mildred sa anak.
Pero hindi sya nito pinansin, nanatili itong nakatalikod.
Nagkunwari si Miles na hindi nya naririnig ang ina at nagsimula itong humakbang palayo.
Ngunit ....
MARIA LEONILDA!!!"
"ALAM KONG IKAW YAN! DYAN KA LANG AT HUWAG KANG GAGALAW!!!"
At nagmamadali itong lumapit kay Miles kasunod ang mga pulis.
'Jusko, anong gagawin ko?!'
Mangiyak ngiyak na usal ni Miles.
Humakbang pa rin ang mga paa ni Miles sa takot na maabutan ng ina pero nasalubong nya si Jeremy na kanina pa sya hinahanap.
Nang malaman nilang si Miles ang may gawa niyon kay Kate, nag kanya kanya sila para mahanap ito agad.
'Miles!'
Usal ni Jeremy na puno ng galit.
Napahinto ito ng makita si Miles malapit sa entrance, mga 10m ang layo nya kay Miles pero kitang kita pa rin nya ang nakakainis na ngiti nito sa kanya.
Tuwang tuwa naman si Miles ng makita si Jeremy.
'Andito sya! andito sya para sa akin!'
'Sa wakas napansin na rin nya ako!'
"Jeremy!"
Tawag nya sa binata.
Ang hindi alam ni Miles, iritang irita si Jeremy sa tuwing tinatawag nya ang pangalan nito.
Grade 5 pa lang sila crush na ni Miles si Jeremy pero hindi sya pinapansin ng huli kaya nagsikap si Miles para tumaas ang grade nya ng maging magkaklase sila ni Jeremy.
Kaya pag dating ng Grade 7, napunta sya sa star section at laking tuwa nya dahil magkaklase na sila ni Jeremy.
Pero nung naging magkaklase sila lalo naman syang nilalayuan ni nito at hindi nya alam kung bakit.
Nuon pa man matagal ng naiinis si Jeremy sa kanya, alam kasi ni Jeremy na kaya dumidikit si Miles ay para bumango ang pangalan nya at para sumikat sya.
Gusto lang sya nito dahil mayaman at kilalang pamilya ang mga Alvarez.
Hindi gusto ni Jeremy na ginagamit sya at ang pangalan nya kaya hindi ito basta basta nagdidikit sa tao lalo na sa mga taong katulad ni Miles.
Minsan na kasing pinagkalat ni Miles na close family friend nila si Jeremy, na hindi naman totoo.
Dahil ang totoo, hindi kilala ni Jeremy ang parents ni Miles. Ni isa sa pamilya nito wala syang kilala.
Magkasalubong ang kilay na tiningnan ni Jeremy si Miles. Galit na galit ito at gustong komprontahin sa mga pinag gagagawa nya kay Kate at pati na rin sa mga masasamang balak nito sa kanya, pero.... nakita nyang may mga kasunod si Miles kaya huminto sya sa kinaroroonan nya.
"Miles! Ano't hindi mo ako pinapansin?"
Tanong ng ina nitong si Mildred.
"Ma?"
"Di ba't kanina pa kita tinatawag pero bakit hindi mo ako pinapansin?!"
Naiinis na tanong ni Mildred sa anak.
Natakot si Miles sa ina kaya patakbo itong nagtungo kay Jeremy na ikinagulat ng huli.
"Jeremy! Jeremy!"
Gusto nyang akapin si Jeremy pero iniwasan sya nito ng malapit na.
Iritang irita ito kay Miles lalo na kapag dumidikit ang kahit dulo ng daliri nito sa kanya.
Pilit nyang hinahabol si Jeremy pero inis na inis na hinawi nito ang mga kamay ni Miles ng magtangka ang huli na hawakan sya.
"Jeremy please! Huhuhu! Pansinin mo naman ako! Kailangan kita ngayon!"
Habang iniiwasan sya ni Jeremy, feeling nya ay pinandidirian sya nito, unti unti namang nag si sink in sa mind nya na wala talagang gusto sa kanya si Jeremy.
Napahagulgol ito ng iyak.
'Mas masakit pala pag pinadarama sayo ng Mahal mo na hindi ka nya Mahal!'
"Huhuhuhu!"
"Miles ano ba ito? Bakit ka umiiyak at sino itong lalaking ito?!"
Habol ni Mildred sa anak.
Hindi nya alam ang mga nangyayari at naguguluhan na sya.
"Mam, sya po si Jeremy Alvarez, ang apo ni Mr Lemuel Alvarez!"
Sagot ng pulis na kasunod nya.
Nagulat si Mildred.
'Anong relasyon nito kay Miles?'
'Bakit sya iniiyakan ng anak ko?'
Magsalita ka! Anong ginawa mo sa anak ko?"
Tanong ni Mildred kay Jeremy.
"Pasensya na po Mam, pero wala po akong ginagawa sa anak nyo at wala rin po akong kinalalaman sa anak nyo!"
Sagot ni Jeremy.
"Miles, sino itong lalaking ito sa buhay mo?"
Baling ni Mildred sa anak.
Hindi basta basta iiyak ito ng walang dahilan
Nataranta si Miles sa tanong ng ina. Kailangan nyang makapagisip ng dahilan.
"Miles, Tinatanong kita! Sino itong lalaking ito sa buhay mo?!"
Wala na syang pakialam ngayon magalit man si Jeremy sa kanya. Ang mahalaga matakasan nya ang galit ng ina.
"Uhm, Ma.... boyfriend ko po!"
"ANO???!!!"