webnovel

Pagiisipan Ko!

"Ha? Teka lang, anong pinagsasabi nung secretary na yun? Bakit umalis agad yun?"

Tanong ni Daisy.

"Secretary? Sinong tinutukoy mong secretary?"

Tanong ni Janice.

"Sino pa, e di yung .... ?"

Inawat na ng team leader nila Daisy sa pagsasalita. Bigla nitong naalala ang sinabi ni Janice kanina ng ipakilala nya si Eunice.

'Hindi kaya .... '

"Pasensya na Ms. Janice, pero sino ba yung umalis?"

"Sino? Hindi ba ipinakilala ko sya sa inyo kanina, pero mukhang hindi naman kayo interesado?!"

Natahimik at hindi makapaniwala ang team leader na si Tom.

Nasa harapan na nila ang ka appointment nila pero pinakitaan nila ng hindi maganda? Paano kung makarating sa presidente ng kompanya ang ginawa nila?

Naguguluhan ang lahat.

"Pakiulit nga ng sinabi mo Ms. Janice?"

Tanong ng isa pang Senior IT Specialist.

"Sya ang nagbigay sa company nyo ng appointment ninyo today, si Ms. Eunice Perdigoñez!

But it seems masyado kayong atat umalis dahil sabi nyo nga busy kayo at marami kayong iniwan na trabaho, kaya, sha, sha, sha! Hindi ko na rin kayo patatagalin at nakakahiya naman sa inyo!

At gaya nga ng narinig nyo kay Ms. Eunice, makakaalis na kayo! Guard, paki hatid na sila sa labas!"

Natameme sila at hindi ka agad nakakilos sa narinig.

Maya maya lang may dumating na mga guard at pilit silang pinababa at pinalabas ng building.

Inis na inis ang lahat, wala silang nagawa, hindi sila makapag complain.

"Anong gagawin natin? Paano tayo babalik sa office nyan?"

"Nakakahiya! Anong mukha ang ihaharap natin sa office pag nalaman nilang itinaboy tayo palabas?"

"Ikaw!"

Sabay turo ng isa kay Daisy.

"Oo ikaw! Ikaw ang may kasalanan nito, sabi mo secretary lang sya!"

"Oonga naman, kung hindi dahil sa sinabi mo hindi namin iisipin na secretary lang sya!"

"Tapos kung makapag salita ka pa sa kanya kanina, para kang nangiinis dyan! Tyak na na offend mo yun kaya tayo pinaalis! Hmp!"

Hindi malaman ni Daisy ang gagawin. Pare pareho lang naman sila ng iniisip kanina bakit sya lang ang sinisisi nila.

"S-S-Sorry hindi ko naman alam eh!Saka malay ko ba na presidente na sya e mukha pa syang bata, parang kagagagraduate lang ng highschool!"

Paliwanag ni Daisy.

"Naku, naku, ikaw talaga, pahamak ka sa grupo namin eh! Dahil sa'yo tyak masisira ang departamento namin!"

"TAMA NA YAN!"

Singhal ni team leader Tom.

"Huwag na tayong magsisihan dahil nangyari na at pare pareho naman tayong may kasalanan sa mga aksyon natin kanina, kaya magsitigil na kayo!"

Iritado man tumigil na ang lahat sa pagbabangayan.

"Anong plano mo ngayon Tom? Hindi tayo pwedeng bumalik ng office at sabihin ang nangyari! Nakakahiya!"

"Daisy, sabi mo kilala mo yung AJ? Magagawa mo bang makausap yun at humingi ng tulong para makakuha ng panibagong appointment kay Ms. Eunice?"

Hindi alam ni Daisy kung ano ang isasagot nya. Magagawa ba nya?

Kita ni Tom ang pagaalinlangan sa mukha ni Daisy.

"Daisy, alalahanin mo, kailangan nating mauna para mas malaki ang chance natin na makuha ang IT posisyon na yun bago makarating ang balita sa iba!"

Hindi nila alam kung saan nakuha ng presidente nila ang balitang naghahanap ng IT Specialist ang NicEd para daw sa bago nitong gaming company, wala pa naman silang inaannounce.

Marahil ay may nag leak ng info sa kanya kaya eto nagkukumahog silang makakuha ng appointment para sila ang mauna tapos ngayong nakakuha sila ng appointment, sinayang lang nila ang chance.

Pero paano ba maipapangako ni Daisy na magagawa nyang makakuha ng appointment gayun hindi naman talaga sila close ni AJ?

'Pero nakasalalay din dito ang trabaho ko kaya kahit hindi ako sigurado kailangan ko pa rin gawin!'

"Oo, ipinapangako ko, gagawin ko ang lahat para makakuha ako ng panibagong appointment!"

*****

Pagkatapos ng meeting na yun, dumiretso na si Eunice sa office nya at tumutok na sa computer.

Sa totoo lang, hindi naman nya kailangan ng IT Specialist dahil meron naman syang sariling team at nangako ang Daddy nya na hindi sya makikialam sa desisyon nya.

Iminungkahi lang naman ito ni Edmund nung sign up nila ng contract ng partnership nila. Nagkaron din kasi ng konting celebration pagkatapos ng contract signing at may nag suggest kay Edmund nun kaya nya nabanggit kay Eunice.

Hindi kasi sila naniniwalang si Eunice ang mag isang nagtayo ng company nya dahil sa napaka bata pa nito para maging isang negosyante.

Ang alam ng lahat ay si Edmund talaga ang nag tayo nito at ibinigay lang ang pamamahala kay Eunice kaya may isang nag suggestion na maghanap sya ng IT Specialist.

"Pagiisipan ko!"

Yun lang ang sinagot ni Eunice.

Yung nagsuggest ang nagleak ng info sa presidente ng Shere IT kaya kinabukasan humingi agad ito ng appointment sa 2lips Gaming Company ni Eunice pero hindi agad sila napagbigyan dahil hindi naman nya kailangan ng IT Specialist.

Pero makulit ang Shere IT kaya sa huli sinabi ni Edmund na harapin na nya ang mga ito.

Sinabi ito ni Edmund para matutunan ni Eunice ang pakikipagusap sa mga negosyante.

"Kahit na magaling ka at may talento, hindi ito sapat para magtagumpay ka! Kailangan mo rin matuto kung paano makipagusap sa mga negosyante!"

Ito ang kabilin bilinan ni Edmund sa kanya.

Naintindihan naman ito ni Eunice.

Nasa level na si Edmund na unti unting itinuro ang nalalaman nya sa pagnenegosyo kay Eunice, bagay na itinuro sa kanya ni Lolo Rem at ang isa na dun ay ang pakikipagtransaksyon.

"Pag wala kang interes sa proposal sagutin mo na lang sila ng 'Pagiisipan ko!', at least hindi sila napahiya!"

Dugtong pa ni Edmund.

Sa dami ng itinuturo ni Edmund lately, hindi tuloy sya nakapag enrol. Plano pa naman nyang kumuha ng Education ito talaga ang gusto nyang kunin from the start dahil gusto nyang maging teacher kagaya ng Mommy nya pero alam naman nyang makapaghihitay iyon.

Ngayon mageenjoy muna sya.

"Ate .... ATE!!!"

Sigaw ni Earl.

"Ano ba Earl, hinaan mo nga ang boses mo, wala ka sa bahay nasa opisina tayo!"

Suway ni Eunice sa kapatid.

Si Earl ay isa sa team ni Eunice. Graduate na ito ng high school at nagaaral na ng graphic arts kaya isa na sya sa pinagkakatiwalaan nya.

"Kanina pa kasi kita tinatawag Ate, but your not answering! Lumilipad na naman ba ang utak mo? Ano ba yang pinagkakaabalahan mo dyan?"

Pero hindi sya muling sinagot ni Eunice. Tutok na tutok ito sa ginagawa kaya dahan dahan syang lumapit.

"Teka, bagong games ba yan? Wow!"

Namilog ang mga mata ni Earl ng makita ang ginagawa nito.

"Shhhh.... huwag kang maingay Earl at baka may makarinig sa'yo! Me tenga ang pader!"

Ito ang dahilan kaya sa TAMBAYAN nya madalas tinatrabaho ang games nya, wala syang tiwala sa bawat sulok ng opisina nya, feeling nya may nanonood sa kanya.

"Sorry I forgot!"

Bulong ni Earl.

"Pwede mo ko bang malaman ang title nyan?"

Ipinakita ni Eunice sa kapatid ang isinulat nya sa papel.

°°TARATITAT°°