Nadischarge na rin si Mon mula sa ospital na pinagdalhan sa kanya dito sa Maynila at mula duon diniretso na sya sa kulungan.
Nagulat si Orly ng muli nyang makita si Mon na padating at iika ika dahil sa natamong mga sugat.
"Welcome back! Na miss mo ba ang mga rehas kaya ka nagbalik? At anong nangyari sa'yo?"
Sarkastikong salubong nito kay Mon na dati nyang co teacher.
"Andito ka pa rin?!"
"Asan na ang mga anino mo, bakit nagiisa ka?"
Tanong na may halong pang aasar ni Mon kay Orly.
"Hindi ko nga maintindihan eh! Isa isa silang nawawala hindi ko alam kung bakit?"
"Hindi mo man lang ba tinanong ang abogado mo, baka alam nya ng dahilan?"
"Tinanong ko pero wala daw syang alam at ayaw nyang pagusapan!"
"Hindi ka man lang ba nagtataka kung bakit walang alam ang abogado mo e, ang pagkaka alam ko iisa lang ang abogado nyo!"
Hindi na nakapagsalita si Orly ngayon lang nya naisip ito.
Nailing na lang si Mon ng makita ang itsura ni Orly na halatang walang alam sa nangyayari sa kanya.
'Tsk tsk tsk! Akala ko matalino ang taong ito gaya ng lagi pinangangalandakan nya at ng mga alipores nya?
Hindi ba nya napapansin na may taong gusto syang manatili dito sa kulungan at kung sino man yun may kinalalaman sa abogado nya?'
"Mon, may gustong kumausap sa'yo!"
Biglang sulpot ng isang pulis.
"Kadarating mo palang may bisita ka na agad?!"
Nakaramdam ng inggit si Orly. Bihira na kasi ang dumarating na bisita nya at kadalasan kasama pa ang abogado nya pag dumadalaw dito. Hindi tuloy sila makapagusap ng maayos ng pamilya nya.
"Buti ka pa!"
Nanlulumong sabi nito.
Nakaramdam ng awa si Mon kay Orly. Simple lang naman ang kasalanan nya pero bakit nya hinahayaan mangyari sa kanya ito.
Ang problema kasi sa taong ito ay masyadong mataas ang tingin nya sa sarili, laging nakatingala, kaya hindi makita ang mga mali sa paligid nya. At madali rin syang paikutin ng mga taong tinitingala nya at hinahangaan gaya ni Governor Pancho Abellardo.
"Huwag kang maiinggit dyan Orly at malamang abogado ko lang yun, inaayos ang pyansa ko!"
Pero imbis na gumaan ang loob ni Orly lalo itong nanlumo.
"Bakit ka nakakapagpyansa agad, samantalang ako hindi?!"
Nagsisimula na syang magduda.
"Kasi Orly, ang loyalty ng abogado ko nasa akin! E ikaw, sigurado ka bang na sa'yo ang loyalty ng abogado mo? Open your eyes!"
Tumalikod na ito at iika ikang lumabas kasama ang pulis na tumawag sa kanya. Iniwan si Orly na iniisip ang sinabi ni Mon.
'Anong ibig sabihin ni Mon sa sinabi nya? May bagay ba ako na dapat makita sa abogado ko?'
***
Dinala si Mon ng pulis sa isang silid sa taas na ikinapagtataka nito.
'Hmm... mukhang bigatin ang gustong kumausap sa akin ah, hehe!'
"Sir, narito na po si Mon!"
Sabi ng pulis sa isang lalaking nakatalikod sa kanila.
"Sige iwan mo na kami!"
Utos nito.
Nagaalinlangan silang iwan ng pulis pero sa huli sumunod din sya.
Nang sumara ang pinto, agad na humarap ang lalaki at mabilis syang nilapitan sabay binigyan sya ng napakalakas na suntok sa sikmura.
"Para yan sa anak ko! Hayup ka!"
"Ahhh!"
Nagulat si Mon sa biglang pagsuntok nito pero kahit ang pangalawang suntok at pangatlo hindi rin nya naiwasan.
"Teka, teka teka! Sandali lang!"
Awat ni Mon na napaluhod na at nakataas ang kamay.
"Boss sandali lang! Hindi kita kilala pero sino bang anak ang tinutukoy mo?"
"Sino?! HA?!"
Sigaw nito, sabay hawak sa kwelyo ng damit ni Mon at planong bigyan sya ulit ng suntok pero this time sa mukha naman.
PAK!
Nadinig ng pulis na nagdala kay Mon sa labas ang ingay sa loob kaya bigla itong napapasok.
"Col. Santiago, Sir! Tama na po!"
Awat nya kay Jaime.
Malakas si Jaime pero pilit pa rin syang inawat ng pulis.
"Ikaw ....ang tatay ni Kate?"
Tanong ni Mon. Hindi nya inaasahan ito. Hindi nya alam na mataas ang posisyon ng tatay ni Kate.
Ang alam lang nya general ang Lolo nito.
"Buti na lang hindi ko sya tuluyang nabaril!"
"Anong sabi mo?"
"Sabi ko, buti na lang si Eunice ang nabaril ko hindi ang anak nyo! Kung tuluyan ko sigurong nabaril si Kate malamang binalatan nyo na ako ng buhay!"
Walang pagsisising sabi nito.
Dismayado si Jaime na tiningnan si Mon. Hindi nya akalain na isang halimaw ang taong ito! Tila walang kinatatakutan!
Naupo si Jaime na naka squat sa harap ni Mon.
"Hindi mo ba kilala kung sino ang tatay ni Eunice? Sa tingin mo ba, hindi ka nya kayang balatan ng buhay?"
"HA.. HAHA... HAHA.... HAHAHA!"
Malakas na tawa ni Jaime na nagpakilabot sa buong katauhan ni Mon.