webnovel

Napakaswerte

"Carl, pare, kamusta?"

Bungad ni Rico sa kanya.

May dala itong pasalubong sa kanya.

"Pare pasok! Pasensya ka na sa bahay ko! Medyo magulo eh!"

Buti na lang nakapag linis si Mel kaninang umaga bago ito umalis, mas mukha na syang bahay ngayon.

"Asus, para yan lang! Asan ang asawa at anak mo, Carl?"

Medyo napayuko si Carl.

"Bakit Carl, may nasabi ba ako?"

"Nasa ospital kasi si misis inatake at ang mga bata wala dito!"

"Ha? Bakit anong nangyari?"

"Kasalanan ko Pre!"

"Mukhang matindi ang pinagdadaanan mo ah! Mabuti pa pagusapan natin!"

Sabay labas ng beer na dala nya.

Naginuman sila at sa pagtatanong ni Rico naikwento lahat ni Carl ang nangyari sa kanya.

"Grabe pare, ang dami palang nangyari sa'yo simula ng naputol ang paa mo! Bakit hindi mo ako kinontak ng dumating ka sana kahit papaano nadamayan kita!Kaya pala wala ka nung reunion natin, inaantay ka pa naman namin!"

Hindi nya maskasagot pero obvious naman na nahihiya sya sa nangyari sa paa nya.

Dating kaklase ni Carl itong si Rico. Kababata nya ito at kalaro. Hindi sya masasabing isa sa close friend. Puro "HI" and "HELLO" lang sila nuon.

"Mabuti nga nadalaw ka, kahit papaano may kausap ako!"

"Alam mo Carl, totoong masakit ang nangyari sa'yo pero oras na para tanggapin mo yan! Isipin mo na lang na kailangan ka ng pamilya mo!"

"Yun nga ang problema ko ngayon, hindi ko alam kung papaano ako magsisimula!"

"Carl, matalino ka at masipag, magagawang mong makapagsimula ulit!

Tingnan mo ako, dumating din ako sa panahong hindi ko alam ang gagawin ko, nabaon din ako sa utang noon pero lahat ng yun unti unti ko ng nalalagpasan!"

Nabuhayan si Carl sa sinabi ni Rico.

"Anong ginawa mo?"

"Nag apply ako ng nag apply hanggang sa matanggap ako sa isang call center!"

"Mahirap ang trabaho kasi madalas panggabi! Pero mas maigi na iyon kesa wala! Ikaw pre, bakit di mo subukan? Pwede kitang i recommend kung gusto mo! Wala naman mawawala kung susubukan mo!"

"Call center?"

"Oo pre! Hindi man kasing laki ng kita mo sa pag aabroad ang sweldo ko, sigurado ko naman na makakatulong yun sa pang araw araw nyong mag anak!"

Habang nagkukwento si Rico tungkol sa trabaho nya, unti unti naman tumataas ang interes ni Carl.

"Pero Rico, hindi ba Ingles ang salita dyan, pano yan hindi ako sanay mag Ingles?"

"Pare, huwag kang magalala at may training, at dun sa training period may matatanggap kang allowance."

"Mukhang okey nga yan Pare! Paano ba mag apply?"

"Gawa ka resume, pre, at ako ng bahalang mag bigay sa HR!"

Masayang masaya si Carl. Muling nabuhayan ng pagasa ang puso nya.

Tinulungan syang gumawa ng resume ni Rico at bago ito umalis ay dala na nya ang resume nito.

"Sige Carl, una na ako! Tatawagan na lang kita pag may balita na ako dito!"

"Salamat ng maraming marami sa'yo, Rico!"

Maluha luhang usal nito.

Hindi alam ni Carl kung papaano nya pasasalamatan ang kabigan na tila hulog ng langit sa kanya kaya panay ang pasasalamat nito hanggang sa makaalis ito.

Pag alis ni Rico sa bahay ni Carl, dumiretso ito sa isang restaurant kung saan naroon si Edmund na nagaantay sa kanya.

"Sir, ginawa ko na ang pinagagawa nyo! Eto na po ang resumé nya!"

"Magaling! Maasahan ka pa pala! Huwag kang magalala nakausap ko na ang head ng department nyo at ready na ang promotion mo!"

Matagal ng for promotion si Rico, magaling ito at determinadong matuto kaya lang 2 year course lang ang natapos nya kaya laging nauungusan ng mas bata sa kanya kahit walang mga experience ang mga yun. Minamaliit sya ng mga nakatataas sa kanya.

Kaya sya ang nilapitan ni Edmund na pwedeng makatulong kay Carl.

"Sir, marami pong salamat! Pwede ko po bang malaman kung bakit nyo gustong tulungan si Carl?"

"Kasi hiniling ng anak ko! Best friend ng anak ko ang anak nyang si Mel at mahal na mahal ko ang anak ko!"

Sa isip ni Rico, napakaswerte nitong si Carl.

*****

Sa tindahan ni Mel.

"Melabs ang daya mo! Hmp!"

Bungad agad ni Kate ng makita si Mel pagdating nila ng tindahan.

"Haay naku Beshy bahala kang mag explain dyan ke Ate Kate, kanina pa nangungulit yan!"

Sabi ni Eunice sa kaibigan.

"Teka ano na naman ang ginawa ko?"

Tanong ni Mel kay Eunice na naguguluhan kung bakit nagtatampo na naman si Kate sa kanya.

"Pwede ba huwag nyo akong idamay sa tampuhan nyo!"

At iniwan na nya ang dalawa upang makapagusap at naghanap ng magagawa. Andami na kasing dumarating na customer na gustong kumain ng lugaw.

"Bakit hindi mo kami inantay? Nakakainis ka!"

Sabi ni Kate kay Mel.

"Sorry Kate MyLabs ang dami kasing ng nasa isip ko kaya hindi ko nasabi na magtitinda ako!"

Hindi naman talaga nagtatampo si Kate, na mi miss nya lang talaga si Melabs nya kaya iniinis nya.

Sa huli nilapitan nito si Mel at biglang hinalikan sa pisngi na ikinagulat ni Mel.

"Ayan hindi nako nagtatampo! Hehehe!"

Napataas ang dalawang kilay ni Mel.

'Bakit ba feeling ko naisahan nya ako!'