webnovel

Me Something

Hindi maintindihan ni Eunice kung bakit ganito sya tingnan ni Beshy Mel nya at ng Ate Kate nya.

Puro question marks!

"Uhm.... ano ba yun, bakit ganyan kayo makatingin sa akin?"

"Hmp! Sissy, tapatin mo nga kami! Kanina, ng makita kita, pagbaba mo pa lang ng kotse, napansin ko na eh! At sure ako, feel na feel ko, may something!"

Huh?!"

Nalilitong tanong ni Eunice.

"Sabihin mo nga, myLabz! Diba tama ako, may something eh!

Tumango si Kate.

"Teka, anong something?"

"Eunie, alam namin na nagpunta sa inyo si Jeremy nung gabi ng grad ball, pero hindi namin alam kung anong nangyari after that!"

Kwento ni Kate

"Tama si myLabz! You keep you mouth shut! Hindi ka nagkuwento! Kala ko pa naman close tayo! Hmp!"

Nagtatampong sambit ni Mel sa best friend nya.

"Hahaha! Ang kyut mong magtampo Melabs! Muwah!"

"Oonga Beshy ang cute mo!"

Napakunot ang noo ni Mel.

"Oy Sissy, huwag mong ibahin ang usapan! At Kate naman, myLabs, huwag mo naman syang idistract! Kala ko ba magkakampi tayo?"

Pinilit pigilan ni Kate ang sarili nya sa pagtawa pero hindi nya kaya.

"Hahaha! Sorry Melabs!"

Napailing na lang si Mel ng tawanan sya ni Kate saka kinompronta ang kaibigan.

"Ano ba kasing pinag kakaabalahan mo Sissy at parang lagi kang busy dyan?"

"Uhm .... busy akong mag behave, ayaw ko kasing mapaginitan ni Daddy! Hehe!"

"Bakit may nangyari ba 'Cuz?"

"Ha?... Uhmm...."

Nagkatinginan ang dalawa sa naging reaction ni Eunice.

"Cuz, alam ko it was Jeremy's doing but why do I feel that you sounds like you did something too?"

Namilog ang mga mata ni Eunice at biglang namula ito.

"AHA!"

Sigaw ni Mel na ikinagulat ng magpinsan.

"Sabi ko na eh, may itinatago ka! Feel na feel ko! Ano yun Sissy! Share mo naman please!"

"Ha?! Wala noh! A-nong itatago ko?!"

"Pero iba ang sinasabi ng color ng face mo! Obviously my tinatago ka! Hmmm!"

"Wala nga!"

Pero hindi sya makaka pagsinungaling sa dalawa, lalo na kay Kate na parang may idea na kung bakit sya kinikilig at nahihiya at the same time.

"Eunie, did Jhay kiss you?"

Napakagat sa labi si Eunice ng madinig ang tanong ni Kate.

'Gosh paano nalaman ni Ate Kate?'

"Hahaha!"

"Totoo Sissy! Nag tsup tsup na kayo ni Jeremy my friend?"

Sabay tulis ng nguso nya.

Hindi na maideny ni Eunice. Tumango na lang ito ng paulit ulit dahil kinilig.

"HAHAHAHAHA!"

Napuno ng tawanan ang buong silid.

"Grabe Sissy, pulang pula ka sa kilig!"

"Huh? Anong ibig mong sabihin?"

Hinawakan nito ang mukha nya saka tinapik tapik.

"Gaano ba red ang face ko?"

"Katulad ng face mo kanina nung nasa stage ka habang nag popropose si Jhay! Red na red pati tenga mo, as red like apple!"

"What?!"

"At yung mga mata mo Sissy nagniningning parang Christmas light!"

"Seriously?!"

"YES!!!"

"Gosh nakakahiya kay Jeremy!"

"Nahihiya ka kay Jeremy my friend pero hindi mo naisip ang Mommy mo?!"

"O-M-G! Nakita ako ni Mommy! Patay!"

"Don't worry about Tita Ninang, she'll understand! But I'm not sure about Ninong! Hehe!"

Kinabahan si Eunice ng maalala ang Daddy nya.

*****

Pagkatapos ng graduation sunod naman ang celebration.

Masayang masayang nagpunta ang pamilya ni Miles sa isang restaurant para mag celebrate pero hindi si Miles.

Kanina pa sya nagpupuyos sa galit dahil sa inggit sa atensyong ibinibigay ni Jeremy kay Eunice.

"Bakit ganun? Bakit sya?"

"Ano ba ang meron kay Eunice na wala sa akin?"

At bumalik sa alala nya ang kababuyang ginawa sa kanya ni Sir Mon.

Napansin sya ng Daddy nya.

"Miles, anak, ngumiti ka naman! Graduation mo ito kaya dapat lang masaya ka!"

"Sorry po Dad, wala lang po akong gana!"

"Hindi ka naman ganyan kanina ah? Excited ka pa nga kaya maaga tayong nagpunta ng School! Ano bang nangyari sa'yo at bigla kang nagkaganyan?"

"Dad baka po dahil nagpropose si Jeremy dun kay Eunice! May gusto po yan si Ate kay Jeremy di po ba?"

"Totoo ba 'to anak?"

Tumango lang si Miles halatang walang energy na makipag usap.

"Nakalimutan mo na ba ang mga reklamo sa'yo ni Jeremy?"

"Anak, nakipag usap ako sa Papa ni Jeremy para iurong na ang demandang iyon! Pero alam mo ang kundisyon, bawal kang lumapit sa kanya! Pumayag ka diba?"

"Dad, I really like Jeremy! Hindi po ako susuko hangga't hindi sya napapa sa akin! Naniniwala po akong magiging kami din sa huli! So please help me Dad!"

"Paano? Paalis na si Jeremy! Sa America na sya magaaral!"

Biglang nagliwanag ang mukha ni Miles.

"Dad, gusto ko pong magaral abroad!"

"Ha? Bakit ka naman biglang nagisip ng ganyan?"

"Dad maganda po itong start para sa akin, para po malayo ako dito sa lugar na ito!"

Napaisip ang Daddy nya.

'May katwiran sya, maganda ngang magkaroon sya ng fresh start!'

"Okey sige, kahit magastos yan papayag ako! Saan mo ba gustong magaral, iha?"

"Sa school po kung saan nagaaral si Jeremy!"