webnovel

Kailangan Ng Tulong

Sa isang subdivision.

"Darling dear, hindi nila ako pinagbigyan sa gusto ko at pinagmukha pa nila akong tanga!"

Parang batang nagsusumbong si Berna o si Ms. Bernadette Ruiz sa isang lalaking nakahiga sa kama.

May lambing pa nitong hinaplos ng dahan dahan ang mukha nito tapos ay hinagod ang buhok.

"Bakit ba ang lupit nila sa akin? Gusto ko lang naman makuha ang management ng Tulip Company at maging public company ang NicEd, masama ba yun?"

Pero hindi sya sinagot ng kausap, mga mata lang nito ang gumagalaw.

"Ano bang kailangan kong gawin Darling para maniwala sila na iniisip ko lang ang kapakanan ng company..."

Ang gustong mangyari ni Berna ay maging parte ng Perdigoñez International ang NicEd para maging public corporation na rin ito.

Magpanghanggang ngayon kasi ay wala pang plano na gawing public ang NicEd, malaki pa naman ang potential nito kung didikit sa Perdigoñez International at hindi nya maintindihan kung bakit ayaw mangyari ito ni Edmund.

Sadyang inilalayo ni Edmund ang business nya sa Perdigoñez International bilang respeto.

Ganito kasi ang nakaugalian nila simula pa nung una, ang Lolo Rem nya ang nagmana ng negosyo ng Perdigoñez at ang Lolo Berto naman nya ay mas pinili ang pulitika. Kaya simula pa nung una nakahiwalay na sila sa Perdigoñez International.

Meron din naman silang stocks duon pero maliit lang.

At kahit na si Lolo Rem nya ang nagturo sa kanya na maging isang magaling na negosyante, hindi nya binalak na pamunuan ang Perdigoñez International gaya ng ipinangako nya sa Tita Regina nya ang asawa ng Uncle Garry nya.

Nagpupuyos sa galit ang lalaki na nakahiga sa kama, napaungol ito sa sobrang galit.

"Oh, kalma ka lang dyan Darling, huwag ka ng magalit dahil gumagawa na ako ng paraan para makuha ko ang gusto ko at uunahin ko ang Tulip Company. Kailangan makuha ko ang pagmamanage nito sa kahit na anong paraan! Marami na kasi akong napangakuan na kliyente, mahirap naman na biguin ko sila, diba Darling?"

Lalong nagalit ang lalaki, makikita sa mga kamao nitong tila manununtok.

Ang nakahiga sa kama ay si Raymond Franco at may sakit sya ngayon. Bedridden na sya matapos ma stroke, kaya hindi na rin sya gaanong nakakapagsalita. Puro ungol na lang ang ginagawa.

Hindi kasi sya pinapatheraphy ni Berna dahil mas gusto nya na ganito na lang si Raymond para hindi na sya nito makontra.

Pero maayos pa ang pagiisip ni Raymond kahit na bedridden ito at makikita mo sa mga mata nito na hindi nya gusto ang ginagawa ni Berna.

'I told you, hindi mo basta basta mapapaikot si Edmund. Isa syang Perdigoñez! So kung inaakala mong magagawa mo ang gusto mo nagkakamali ka!'

Sabi ng isip ni Raymond.

Si Berna ay isa sa may managerial position sa Perdigoñez International, may bali balita na kumabit daw sya sa anak ni Don Garry Perdigoñez na si Gab kaya bumilis tumaas ang posisyon nito.

Pero nagulat na lang sila ng bigla itong mapaalis sa pwesto nya dahil may ginawang anomalya, may ibinulsa daw itong pera.

Hindi na sya idinemanda at pinaalis na lang.

Sa mga oras ng pighati nya, duon naman nya nakilala si Raymond. At simula nuon ay naging sobrang bait nya dito, bagay na nagustuhan ni Raymond sa kanya kaya kinalaunan ay inaya nya itong magpakasal.

Biyudo na naman sya at nagasawa na ang anak kaya walang masama kung magasawa ulit sya.

Masayang masaya si Berna, hindi nya inaasahan na magkakaroon sya ng magandang kapalaran sa piling ni Raymond. Hindi nya mahal si Raymond pero ng malaman nya ang koneksyon nito kay Raymond Perdigoñez, pumayag na rin syang magpakasal dito.

Ayos na sana ang lahat pero .... inatake ng stroke si Raymond, isang araw bago ang kasal.

Hindi papayag si Berna na bumalik sa dating kabiguan kaya itinago nya ang nangyari kay Raymond at simula nuon ay sya na ang pumalit sa posisyon ni Raymond.

Nung una ay binalak nyang akitin si Edmund pero nabigo sya dahil sobrang ilap nito kaya ngayon ang plano nya ay makuha ang NicEd at pagnakuha na nya ito, saka nya babalikan ang mga taong umapi sa kanya.

DANG! DANG! DANG!

Nagulat sila pareho sa lakas ng paghampas sa gate.

"Papa! Papa! Si Caren po ito! Papa! Papasukin nyo po ako, gusto ko po kayong makausap!"

Sya ang nagiisang anak ni Raymond at nagpunta sya duon para makita ang ama at makausap.

Matagal na silang hindi nagkikita ng ama, magiisang taon na kaya andito sya para dahil may mahalaga syang itatanong.

"Yang anak mo, istorbo na naman sa moment natin! Hmp!"

Sabi ni Berna.

"Teka lang Darling, bababain ko lang ang anak mo!"

"Anong ginagawa mo dito, Caren? Masama ang pakiramdam ng Papa mo at nagpapahinga na sya kaya pwede ba umalis ka na!"

"Hindi! Hindi ako aalis hangga't hindi ako kinakausap ng Papa! Kailangan ko syang makausap!"

"Sinabi ng hindi pwede dahil nagpapahinga sya!"

"Bakit ba ayaw mo akong papasukin? Ang Papa ko ang may ari ng bahay na 'to hindi ikaw, kaya papasok ako sa ayaw mo at sa gusto!"

Pero hindi nagawang makapasok ni Caren dahil pinigilan sya ng mga tauhan ni Berna. Simula ng ma bedridden si Raymond, pinalitan na nya ang mga dating nagtatrabaho sa bahay na ito kaya si Berna lang ang sinusunod nila.

"Berna ano ba? Papasukin mo ako! Kailangan namin magusap ng Papa! Kailangan nyang ipaliwanag sa akin kung bakit nya ako inaalis sa pagka presidente ng kompanya!"

"Ayan lang pala ang ipinagmamaktol mo! Ang Papa mo ang nagbigay sa'yo ng posisyon na yan kaya sya rin ang may karapatan na tanggalin ka dyan!"

Bago inalok ng kasal ni Raymond si Berna ay ibinigay na nya ang pagiging presidente sa anak nya at lahat ng may kinalalaman sa kompanya.

Ang gusto ni Raymond ay magsimula muli sya sa piling ni Berna. Hindi ito alam ni Berna.

"Sa kanilang dalawa ng Mama ko ang kompanya at sa akin iniwan ng Mama ang shares nya kaya technically, pagaari ko rin ang kompanya!"

Obviously hindi ito alam ni Berna.

'Mukhang kailangan kong imbestigahan ito.'

"Kahit na ano pang sabihin mo, nagdesisyon na ang Papa mo! Simula bukas, ako na ang bagong presidente ng kompanya! Security, alisin nyo na yan sa harap ko!"

Sa taas, sa lakas ng sigawan dinig ni Raymond ang nangyayari sa ibaba. Wala syang magawa kung hindi ang umiyak.

Huli na ng ma realize ni Raymond kung anong klaseng tao ang pinakasalan nya kaya sising sisi sya.

'Patawarin mo ako anak!'

Walang nagawa si Caren ng ipagtabuyan sya ng mga tauhan ni Berna papalabas ng gate ng subdivision.

"Huwag nyo ng papasukin yan dito, bilin ni Mam Berna!"

Sabi ng isang tauhan sa guard na nagbabantay sa gate.

Kilala ng guard si Caren kaya nagtataka sya kung bakit ipinagbawal sya sa sarili nyang bahay pero anong magagawa nya kundi sumunod.

"Kailangan may gawin ako, hindi maari ito na mismong sarili kong bahay pinagbabawalan ako!"

Pero anong gagawin nya, sinong lalapitan nya?

Saka nya naalala ang mga kaibigan ng ama at isa na roon si Edmund at si Nadine.

'Kailangan kong makausap si Tito Edmund at Tita Nadine!'

'Kailangan ko ng tulong!'

*****

Sa TAMBAYAN.

Buong ngiting pinagmamasdan ni Eunice ang singsing nya. Ito ang engagement ring na ibinigay ni AJ sa kanya.

"Oy! Huwag ka ngang manginggit dyan!"

Sabi ni Kate sa kanya.

"Sorry Ate hindi pa rin kasi ako makapaniwala na engage na ko kay Milky ko!"

Kinikilig na sabi ni Eunice.

"So anong feeling mo ng biglang magpropose sa'yo si AJ?"

"Ayun shock hindi makapaniwala! Ngayon pa lang nga nag si sink in in kaya kinikilig!"

"Sabi ni Melabs ko lagi daw nasa bulsa ni AJ yang singsing, buti nagpropose na sya sa'yo!"

"Talaga Ate Kate?"

"Oo, matagal na nyang gustong magpropose sa'yo bago pa umeksena si Lolo Lemuel! Kaya nga nung biglang umalis si AJ ang akala namin binasted mo kaya umalis!"

"Gosh, ganun na katagal?"

"Oo! Yung mismong araw na nag date kayo bago sya umalis, yun ang araw na magpopropose sana sya!"

Mas nagulat ngayon si Eunice. Hindi nya kasi nahalata iyon kay AJ.

"Ms. E, pasensya na po pero may naghahanap po sa inyo at emergency daw po!"

Sabi ni Daisy.

"Sa akin? Sino daw?"

"Caren Franco Bautista daw po!"