webnovel

Imayora Mo Din Ako!

Napanganga ang lahat ng makita si AJ at Eunice na magka holding hands na nagpunta sa Comelec para magpasa ng COC

'OMG! What a Pefect Couple!'

'Inggit ako much!'

'Haaay .... sana all!'

Sabay tingin ng iba sa mga kapartner nila.

"Aanhin pa ang old videos eh mas maganda itong LIVE?"

"Oonga!"

Nadidinig nila Eunice at AJ ang mga bulung bulungan kaya napangiti na lang sila.

"Mayora ang gwapo naman po ng boyfriend nyo! Gwapo na super sweet pa!"

Namumula si Eunice na parang bata.

"Uuuy! Si Mayora nagbablush!"

Panunukso ng ilan

"Mayora, kelan po kayo magpapakasal?"

"Next year!"

Bulalas ni Eunice.

Hindi nya alam kung bakit nya nasabi ito. Kusang lumabas sa bibig nya ang sagot na hindi nya inaasahan.

Marahil ay matagal na nyang nasa isip ito.

Nabigla ang lahat lalo na si AJ.

Lumukso ang puso nito, hindi makapaniwala.

"Coffee?"

Hindi gustong bawiin ni Eunice ang sinabi, dahil alam nyang deep inside gusto nya na rin ito.

Marahan itong tumango sa naghihintay na si AJ.

"Yes! Yes! Yes! Hahahaha!"

Tumatalong sabi ni AJ.

Humahalakhak pa ito habang tumatalon.

FINALLY!

Tapos ay hinawakan nya ang magkabilang bewang ni Eunice at inangat nya ito pataas na ikinagulat ni Eunice.

Milky put me down, please!"

Kumakabog ang dibdib na sabi ni Eunice.

"Ayaw! Hahaha!

Mahal na mahal kita Coffee ko!"

Sabi ni AJ na nakaangat pa rin si Eunice sa ere hawak hawak nya.

Masayang masaya si AJ walang mapaglagyan ang saya nito.

At pagkatapos .... habang naka angat sa ere si Eunice, unti unti nitong inilapit ang mga labi ng dalaga sa labi nya at hinalikan nya ito na puno ng pagmamahal.

Maya maya ay nararamdaman ni Eunice na unti unti syang bumaba pero patuloy pa rin ang maalab na halik ni AJ sa kanya.

Tila wala silang nakikita o nadidinig man lang sa paligid, parang sila lamang ang naroon.

Kinikilig ang lahat. At napapalakpak pa ang iba.

"Grabe namang sweetness nyan!"

"eeeeeiiiii! Nakaka kilig!"

"Yeah, sana all!"

"Sweetheart, imayora mo din ako!"

Sabi ng isang babae sa asawa nya.

Tiningnan sya ng asawa nya na may pagdismaya.

"Mag diet ka kaya muna!"

*****

"That was ... beautiful!"

"I wonder, part kaya yan ng campaign strategy ni Mayora?"

"Part man sya o hindi, it is a good one!"

"Yes indeed! Now, paano natin malalagpasan ang ginawang pasabog na yun ni Mayora?"

"Ever since nag start sya sa pulitika, she's running alone! Wala syang partido, but still, nalalampaso pa rin nya ang mga kalaban nyang may partido!"

"I admit, hindi lang dahil sa sweetness overload, but she is really, really really good! Mahirap lagpasan ang mga nagawa nya bilang isang mayor!"

"At higit sa lahat, ..... nasaan na naman si Kapitana Miles?"

Naiinis na sabi ng isang mayor na kaalayado ni Miles.

"Ito ang meeting natin para sa campaign election tapos wala sya?"

"Baka late lang! Lagi naman syang late pag may meeting ang partido diba?"

"Nangangalahati na tayo sa meeting, late pa rin ba ang tawag dun? Napaka unprofessional naman nya!"

Lahat sila ay nakakaramdam na ng inis kay Miles. Alam naman ng lahat na malakas ang background nito, isang senador at senador na yun ang napipinto ng partido na tumakbo sa susunod na presidential election.

"Bakit ba lagi syang late, ano bang pinagkakaabalahan nya?"

"Ewan ko dun, kung ano, ano pa man din ang mga pinag gagawa nya! Akala ba nya bobo ang mga botante at hindi alam na sya ang may pakana ng lahat?"

"Tama ba na pinayagan ng partido na tumakbo syang mayor?"

"Wala tayong choice, alam nyo na kung bakit!"

"Pero dala nya ang pangalan ng partido natin, baka naman sa huli gawin lang nya tayong katawa tawa!"

"Pag ginawa nyang katawa tawa ang partidong ito, this will be her last! Ako mismo ang gagawa ng paraan para mapatalsik sya dito!"

At gaya ng nakagawian ni Miles, late na itong dumating. Patapos na ang meeting ng dumating ito.

"Kapitana Miles, nice of you to drop by!"

Sarkastikong bati ng isa kay Miles.

"Ehem!"

"Miles, nasaan ang plataporma mo? Yan ba ang pinagkakaabalahan mo kaya ka late?"

Miles: "????"

Hindi nya alam na kailangan pala nyang magbigay ng plataporma. Nung tumakbo kasi syang kagawad at Baranggay Captain ang partido ang nagbigay sa kanya ng plataporma kaya bakit sya hinihingan nito ngayon?

"Akala ko ...."

"Akala mo ano? Na meron ibibigay sa'yo na plataporma ang partido?"

"Well meron naman, pero mas magandang magdagdag ka ng personal patform mo!"

"Ibig sabihin, huwag mong iasa ang lahat sa partido!"

Miles: (rolled eyes)

"Hindi ko kaya inaasa ang lahat sa partido, may sarili akong strategy para manalo!"

'..... at para matalo si Ms. Hipo!'

"Miles, nakita mo na ba ang ang plataporma ni Raymond?"

"Hindi ako interesado sa plataporma nya!"

Sagot ni Miles.

Hindi sya interessado dahil wala syang pakialam kay Raymond

Sa loob, loob ni Miles..

"Hindi naman si Raymond ang kalaban kundi si Ms. Hipo. Anong pakialam ko sa plataporma nya eh, saling pusa lang naman yung Raymond na yun! In short pampagulo lang sya sa aming dalawa ng balyenang yun kaya bakit ko sya pagaaksayahan ng atensyon?'

Nagpigil na lang ang mga kasamahan nya sa inasal ni Miles.

*****

Kinabukasan.

Start na ng kampanya.

Pero si Eunice, nasa munisipyo pa rin.

Hindi naman humihinto ang trabaho at pagtulong nya kahit na sa ganitong oras.

Katwiran nya...

"Binabayaran ako ng taong bayan para gawin ang trabaho ko, kaya bakit ako magpahinga?

Makakapagantay ang kampanya!"

"Haaay.... si Mayora talaga, napaka sipag!"

Nangangampanya pa rin naman ito pero tuwin weekend lang.

Di tulad ni Miles na hindi na nila napagkikita sa baranggay.

Kahit wala silang motorcade, hindi pa rin napagkikita si Miles.

Nasan sya?

Ayun, busy na naman sa pasabog nya para kay Eunice.

"This time kailangan ko ng masira ng tuluyan ang pagkatao ng Balyenang ito!"

Gigil na sabi ni Miles.

"Kailangan kong masiguro na hindi ito papalpak!"

Kaya ilang beses nya itong pinagaralan at pinagisipang mabuti para hindi bumalik sa kanya ang gagawin nya.

Ito ang pinagkakaabalahan nya kaya lagi syang wala.

"Madali lang naman mangampanya, kailangan pa ba talaga ng maraming meeting para dyan?

Pupunta ka lang naman sa bahay bahay at ngingiti ngiti at kakaway kaway ng konti! Anong mahirap dun?"

Sadyang wala sa puso ni Miles ang public service, ang tanging nasa isip lang nito ay kung papaano matatalo si Eunice.

Kaya sa tuwing nagbibigay ito ng speech, hindi maaring hindi nya banggitin na mas karapatdapat syang susunod na maging mayor dahil di hamak naman na mas magaling sya kumpara sa nakaupong mayor ngayon.

Napapa 'Oh.' na lang ang lahat.

After 2 weeks may bago na naman syang pasabog.

≈News Flash≈

Isang Mayor, suspect sa pambubogbog at pambubully sa isang civilian!

Civilian, isinugod sa ospital!