Tahimik si Eunice habang nasa byahe sila pabalik ng Maynila.
"Honey, okey ka lang?"
"Ha?!"
Nagulat si Eunice ng bigla syang tinawag ni AJ, pero kahit nagulat ito nadininig nya ang unang salitang sinabi nito.
'Honey? Tinawag nya kong 'Honey?'
Hindi nya maintindihan pero may kiliti syang naramdaman ng tawagin syang 'Honey' ni AJ.
"Sabi ko, kung okey ka lang? Kanina ko pa kasi napapansing tahimik ka, is something bothering you? May nasabi ba sa'yo si Lola kaya ka nagkakaganyan?"
Nagaalalang tanong ni AJ.
Totoong ang dahilan ng pananahimik ni Eunice ay ang mga sinabi ng lola nya pero paano nya maisatinig ito.
"Ineng, masaya ako at nakilala kita! Buong buhay ni AJ ang tanging hiniling ko ay ang sumaya sya, malungkot ang naging buhay nya simula pagkabata at ikaw lang Ineng ang nagbigay saya sa kanya ..... ngayon batid kong nariyan ka na sa buhay ng apo ko, alam kong hindi na sya muling malulungkot. Hindi na ako magaalala pag iniwan ko sya."
Namumula ang mga mata nito na parang gustong umiyak.
"Lola bakit po kayo nagsasalita ng ganyan? Meron po ba kayong nararamdaman? May sakit po ba kayo?"
Nagaalalang tanong nya sa matanda. Ramdam kasi ni Eunice ang pighati sa boses nya, parang may dinaramdam.
"Ineng, matanda na ako at bilang na ang oras, kaya huwag mo na akong intindihin. Hangad ko ang magandang buhay sa inyong dalawa ni AJ at nawa ay mabuhay kayo ng puno ng pagmamahalan sa isa't isa!"
Ito ang huling salita ni Lola Inday sa kanya.
Kinakabahan sya, pakiramdam nya kasi inihahabilin na ni Lola Inday si AJ kanya kaya paano nya ito iseshare kay Milky nya?
"Milky Honey, okey lang ba si Lola Inday mag isa sa bahay na yun?"
Tanong ni Eunice.
Nangiti si AJ sa tawag sa kanya ni Eunice. Kinikilig sya.
Napansin ito ni Eunice.
"Oh, bakit ka ganyan ngumiti?"
Tanong ni Eunice.
"Bakit Coffee Honey ko, paano ba ako ngumiti?"
"May halong kapilyuhan yang ngiti mo! Ano bang iniisip mo dyan bakit mo ako nginingitian ng ganyan?"
Sagot ni Eunice.
Wala lang! Kinikilig lang!"
Buong ngiting sagot ni AJ
Nakaramdam ng init sa mukha si Eunice pero nangiti na rin sya.
"Huwag kang magalala kay Lola, andun si Manang Girly at asawa nya, sila ang nagaalaga kay Lola pag wala ako, saka .... pag kinasal na tayo sa atin na mag stay si Lola!"
"Kasal?! Anong kasal?"
Namimilog ang mga mata na tanong ni Eunice
"Hahaha!"
Natawa si AJ sa reaction ni Eunice ng banggitin nya ang kasal.
'Bakit ang cute nyang tumawa? Pati mata nya lumiliit pag tumatawa sya!'
'Pero kahit cute sya naiinis pa rin ako dahil tinatawanan nya ko! Hmp!'
Nagtatampong inirapan sya ni Eunice.
Napansin ni AJ na nakasibangot na at nanunulis ang nguso ni Eunice, inihinto nya ang sasakyan at saka hinarap ang kasintahan.
Nagulat si Eunice.
'Anong iniisip nito, bakit kami huminto?'
'Di kaya hahalikan nya ko?'
Pero hindi dumating ang halik na hinihintay ni Eunice.
Tinitingnan lang sya nito kahit na halos magkadikit na ang mga labi nila.
Nainis si Eunice ng makitang nakangisi si AJ.
'Sinasadya nya!'
'Hmp, nakakainis na sya!'
Hinawakan nya ang batok ng nobyo at nilapit ang ulo nito sa kanya kaya nagkadikit ang mga labi nila saka sya hinalikan ni Eunice ng madiin.
Si AJ naman ang nagulat, hindi nakapagsalita sa ginawa ni Eunice.
"Sa susunod huwag mo akong binibitin!"
Inis na sabi ni Eunice at muli nyang ibinalik ang mga labi ni AJ sa labi nya.
'Jusmiyo, ano kayang itinuturo ni Kate kay Coffee ko?'
*****
Monday.
Naguumapaw ang saya sa mukha ni AJ ng pumasok sa opisina. Lahat ng makakita sa kanya nahahawa sa magandang aura nya.
"Asus, inlab ka nuh? Sinagot ka na ba? Siguro kayo na?"
Panunukso ng mga nakakasalubong nila.
Hindi nya alam kung si Eunice ba ang tinutukoy nila at mas lalong hindi nya alam kung paano nila nalaman na sinagot na sya!
Ngiti lang ang tugon ni AJ sa kanila.
"My, my, my! Look whose here! Hello AJ, kamusta? It's been a long time! Dito ka pala nag wo work?"
May pagka sweet na bati ng isang babae sa kanya.
Nagulat si AJ sa babaeng bumati sa kanya na hinarang pa sya. Nawala ang ngiti nito at sumeryoso.
"I'm sorry, do I know you?"
Tanong ni AJ.
Medyo napahiya naman ang babae sa sinabi ni AJ. Nilakasan pa nya ang boses nya ng batiin nya ito para marinig ng mga kasama nya tapos tatanungin sya ng 'do I know you?'.
"Haha! Mapagbiro ka talaga AJ, ako 'to si Daisy nakalimutan mo na! We're classmates, remember?"
Pinilit pinaalala nya kay AJ kung sino sya. Gusto nyang ipakita sa mga kasama nya na totoong kilala nya ito gaya ng ipinagkakalat nya.
Kumunot ang noo ni AJ, pilit kinikilala ang kaharap.
Si Daisy ay naging ka eskwela ni AJ nung first sem sila sa isang subject. Minsan na nyang natulungan ito ng na bully sya ng ibang mga estudyante pero never sila naging close, ni hindi nga alam ni AJ ang name nya.
Ngunit kahit hindi sila naging close ni AJ, hindi nya makakalimutan na minsan ipinagtanggol sya nito.
Kaya ng malaman ni Daisy from a friend na sa NicEd Cyber Security Specialist Corp. nag wo-work at mataas ang posisyon nya duon, nagtaas sya ng kamay ng magtanong ang presidente kung may idea daw ba silang maiseshare.
Matagal ng inaawitan ng Shere IT Company ang NicEd Cyber Security Specialist Corp. ang kompanyang pagaari ni Edmund, na mag team up sila sa bago nilang project pero hindi pa rin sila sinasagot ni Edmund. Kaya ng biglang magtaas ng kamay si Daisy, lahat ng mata ay nakatingin sa kanya.
Kumpara sa mga kasama ni Daisy na mga Senior IT Specialists, isa lang syang staff na gumagawa ng clerical job kahit na programming ang natapos nya. Hindi sya ma promote promote dahil may mas maraming magagaling sa kanya at napagiiwanan na sya.
Nagkataon namang nagkasakit ang secretary ng superior nya kaya sya ang isinama sa meeting para mag take down ng notes.
Laking gulat ng Superior ni Daisy ng makitang nakataas ang kamay nya kahit na kung tutuusin hindi naman talaga sya kasali sa meeting.
Pero kahit nasa kanya lahat ang tingin, hindi nahiya si Daisy na ivoice out ang suggestion nya.
"Sir, kilala ko po ang Head ng buong Engineering Department ng NicEd, na si AJ Raquiñon, at balita ko po ay close sya sa may ari ng NicEd! Pwede po nating subukang kausapin sya para matulungan tayo sa proposal natin!"
At dahil wala ng nagbigay ng ibang suggestions maliban kay Daisy, agad syang pinulout ng presidente at inilagay sa Specialist Group at ginawang assistant nila.
Tuwang tuwa si Daisy sa promotion nya.
Pero ngayon hindi nya alam ang gagawin nya ng sabihin ni AJ na hindi sya kilalala nito.
".... naalala mo pa ba, diba ikaw ang savior ko ... lagi kang andyan para tulungan ako ..."
Kanina pa sya kinakausap ni Daisy pero wala sa kanya ang mga mata ni AJ, nasa may entrance, inaabangan ang pagdating ni Eunice.
Nang mapansin ni Daisy na wala sa kanya ang atensyon ni AJ, sinubukan nyang hawakan ang kamay nito pero hindi nya nagawa.
"Uhm, Im sorry, excuse me!"
Sabay patakbong umalis, iniwan sila at sinalubong ang dumarating na si Eunice na kasama ang Daddy nyang si Edmund.