"Kamusta ang studies mo? Balita ko na accelerate ang pinsan mo at sila na ni Jeremy, what about you?"
Tanong ni Jaime sa anak na si Kate.
Christmas break, at umuwi sa Little Manor si Kate.
Wala talaga syang planong umuwi, alam nyang andun ang Daddy nya pero dahil kinulit sya ng kinulit ng Mommy nya sa tulong ng kuya nya dahil gusto ng nanay nya na magkasama sila sa pasko, kaya pinagbigyan na nya ito alang alang sa bunso nyang kapatid at saka darating din si Kuya James nya.
Ibinaba ni Kate ang kubyertos na hawak nya, nawalan na ito ng ganang kumain sa tanong ng ama.
Iniwan kasi siya ng ina sa Daddy nya at wala syang magawa.
Alam nya kung ano ang ibig sabihin ng tanong ng Daddy nya ....
Bakit hinayaan nyang maungusan sya ni Eunice at bakit nagkatuluyan si Jeremy at ang pinsan nyang si Eunice.
Ito ang isa sa kinaiinisan ni Kate sa Daddy nya at ito rin ang isa sa dahilan kaya ayaw nyang umuwi ng bahay nila sa Little Manor.
"Yun nga palang business nyo diba tatlo kayong mayari dun pero bakit sila Mel at Eunice lang ang may posisyon? Baka naman nalalamangan ka na nila ha, magiingat ka!"
Pagpapatuloy ni Jaime, hindi namamalayan na naiinis na ang anak sa mga sinasabi nya.
Kaya hindi na nito napigilan tumayo, naabutan sya ni Nadine pagbalik sa table.
"Mom, can I go to my room now? Please!"
Pakiusap ni Kate na ikinagulat ni Jaime at lalo na ni Nadine.
'Sandali lang ako nawala may nangyari na agad sa mag amang ito!'
"Bakit, anong nangyari dito habang wala ako? Jaime?!"
Sabay tingin ng matalim sa asawa nya.
"Aba malay ko, kinukumusta ko lang naman sya!"
"Sorry Mom pero wala na po akong gana, pagod na po ako kaya gusto ko na pong magpahinga!"
At tuluyan na itong umalis.
"Ano na naman ang ginawa mo? Anong sinabi mo kay Kate?!"
Galit na tanong ni Nadine sa asawa.
Hindi makapagsalita si Jaime, kinamusta lang naman talaga nya ang anak nya, anong masama duon?
Sinundan ni Nadine ang anak sa silid nito.
"Bad Daddy! Bad! Hmp!"
Sabi ni Khim ang six year old na bunsong kapatid ni Kate.
'Bakit ba laging ako ang bad? Hindi man lang nila ako intindihin!'
Bumaba na rin ng upuan si Khim at dahan dahang umakyat sa taas para sundan ang Mommy at Ate nya.
Sa silid.
"Anak, ano bang nangyari, Huh? Tell me!"
"Kinukwestyun ni Daddy kung bakit ako naungusan ni Eunice!
Bakit sya nag upgrade...
Bakit sila ni Jeremy...
Bakit wala akong posisyon sa business namin...
Nakakainis!
Can't he respect what I want and how I feel?
Mahal ko po si Eunice Mom, she's not just my cousin but my sister! At wala akong plan makipag compete sa kanya and neither she is, kaya bakit ganun po ang mga tanong ni Dad, parang gusto nyang lasunin ang isip ko at magsabong kami ni Eunice?"
Inis na inis talaga si Kate.
Inis na inis sya sa kung papaano magisip ang Daddy nya at walang magawa si Nadine. Alam nyang hindi na nito mapapalabas pa ng silid ang anak.
"Ate Kate, huwag ka na cry!"
Nagulat ang mag ina sa biglang pagsulpot ni Khim.
Lumapit ito kay Kate at inakap sya, pinunasan pa ang mga luha nya.
Na touch ng husto si Kate at Nadine sa ginawa ni Khim.
"Mommy can I stay here with Ate? Babantayan ko po sya para hindi na sya ma sad!"
"Eh, paano ang food mo finish na ba? Saka andun ang Daddy mo, wala syang kasama dun?"
"You na lang po Mommy!"
"Bakit ako lang, samahan mo ko!"
"Ayaw ko po, 'kaw na lang po! Kasi bata pa po ako, ikaw po big na kaya 'kaw na lang po dun kay Daddy!"
Nangiti si Kate sa kakulitan ng kapatid.
"Kayong dalawa pinagkakaisahan nyo ako! Sige na baba na ako at baka andyan na si Kuya James, may dalang cake!"
At umalis na ito, pero bago lumabas muling tumawag si Khim.
"Mommy tell Daddy 'wag nya po ubusin yung cake na nibili ni kuya!"
Natawa si Nadine sa pahabol na bilin ni Khim pero pagbaba nya at muling nakita ang asawa, sumibangot ulit ito.
"This is the first time for so many years na magkakasama sama tayo sa pagsalubong sa pasko, but you ruined it! Why?
Wala ka na ba talagang gagawing matino sa buhay mo? Lagi ka na lang bang ganyan? Kelan mo rerespetuhin ang damdamin ng mga anak mo? Malaki na si Kate at James at kahit si Khim naintindihan na na nasasaktan ang ate nya because of you!"
Hindi maintindihan ni Jaime bakit galit na galit ang asawa nya sa kanya, wala naman syang matandaan na maling ginawa!
"Ano na naman bang kasalanan ko? Kinausap ko lang naman ang anak mo!"
Tanong na naiirita ni Jaime.
"Ang kasalanan mo ay ang pagiging manhid mo! Sana bago mo ibuka ang bibig mo isipin mo muna ang mararamdaman ng anak mo!"
Sagot ni Nadine.
"Ano bang mali sa mga sinabi ko, masama bang maging concern para sa anak ko?!"
"Oh cammon' Jaime, alam mong hindi para sa anak mo ang concern mo kaya mo itinanong ang mga yun kay Kate, kundi para sa pride mo!
Gusto mong maungusan ni Kate si Eunice para maipagyabang mo kay Edmund na mas magaling ang anak mo sa anak nya!
Gusto mong si Kate ang mapangasawa ni Jeremy kaya nanggagalaiti ka pa rin dyan dahil mas pinili nya si Mel kesa kay Jeremy!
At gusto mong pakialaman ang negosyo ng anak mo kaya mo tinanong kung bakit wala syang posisyon!"
Natameme si Jaime.
'Bakit alam nya ang iniisip ko? May third eye ba ang asawa ko?'
"Jaime, hanggang ngayon ba hindi mo pa rin kilala ang anak mo? Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na huwag mong kontrolin ang anak mo, at respetuhin mo ang nararamdaman nila kung gusto mong respetuhin ka nila!
Ayoko ng kumain, nawalan na rin ako ng gana, kaya ikaw ng magligpit nyan!"
Sabay talikod ni Nadine