webnovel

HINDI. KASI. AKO. MABAIT

Kinabukasan.

Nagising si Geraldine na masakit ang buong katawan.

Pinagmasdan nya ang paligid nya pati ang sarili nya.

"Nasa ospital ba ako? Malamang si Edmund ang nagdala sa akin dito?"

Nangiti si Geraldine.

Si Edmund ang huling taong nakita nya bago sya hinimatay.

Habang inaabuso sya ng mga tauhan ng ama nya, biglang may dumating na mga tao at pinagdadampot nila ang mga tauhang ng ama kaya sya nagkaroon ng pagkakataon na kumaripas ng takbo.

Nakita nya si Edmund at agad nyang nilapitan hinablot ang mga kamay nito.

"Malamang kaya sya naroon para iligtas ako!"

Kinikilig si Geraldine pagnaiisip iyon, nababawasan tuloy ang pananakit ng katawan nya.

"Oo, tama ka nasa ospital ka!"

Nagulat si Geraldine.

Ang akala nya magisa lang sya. Hindi nya napansin ang isang babaeng tahimik na nakaupo sa sulok.

Maganda, elegante at sophisticated ang babae.

"Sino ka?"

Tanong ni Geraldine.

Tumayo ang babae.

Matangkad ito at habang papalapit sa kanya at napansin nyang ...

'Kamukhang kamukha nya si Eunice, mas payat nga lang. Hindi kaya .... '

Huminto ang babae sa tabi ng kama nya, bago nagsalita.

"Ako lang naman ang asawa ng lalaking pinapantasya mo!"

Sagot ni Nichole sa kanya.

Sinadya talaga sya ni Nichole ng malaman kay Earl na ang babaeng nakita ng ama at dinala ng mga security sa ospital ay si Ms. Suarez, ang babaeng laging umaaligid kay Edmund.

"Ha? Ikaw si ... Mrs. Perdigoñez?

... A-Anong ginagawa nyo dito?"

Natatarantang tanong ni Geraldine.

Hindi nya akalain na bata pa pala ang asawa ni Edmund na parang magkasing edad lang sila.

Limang taon kasi ang agwat ng edad ng magasawa pero bata pa rin itong tingnan.

Forty seven na si Nichole pero parang mas mukha pa ring mas matanda si Geraldine na 38 lang.

"Wala lang! Gusto ko lang makilala ang babaeng naglakas ng loob na landiin ang asawa ko!"

Matalim ang mga tingin nito sa kanya at hindi nya inaasahang matalas din kung magsalita.

Pakiramdam ni Geraldine parang syang hinihiwa sa bawat salita nito.

Napalunok si Geraldine.

"Uhm, Mrs. Perdigoñez, pasensya na po pero nagkakamali po kayo, w-wala po akong balak na ganyan sa asawa nyo!"

Kabadong sabi ni Geraldine, halatang nagsisinungaling.

"Ows, sure ka? Hindi kasi yan ang sabi ng anak ko. Sinasabi mo bang sinungaling ang anak ko?"

Tanong ni Nichole.

Matalim pa rin ang mga tingin nito, hindi tuloy sya magawang tingnan ni Geraldine ng diretso.

Akala ni Geraldine, si Eunice ang nagsumbong sa kanya, hindi nya pa kasi nakikilala si Earl pero si Earl kilalang kilala sya. Saka mas madaldal si Earl kesa kay Eunice, lagi nitong kinukwento ang nangyayari at pinaggagawa ng ama sa opisina.

Pati chismis sa opisina ikinuwento nya sa ina kaya kahit wala si Nichole sa NicEd, para na rin syang nanduon dahil kay Earl.

"Mrs. Perdigoñez, hindi ko po sinasabing sinungaling si Eunice, nagkamali lang po sya ng akala nung minsang maabutan nya kaming magkasama ni Edmund sa loob ng opisina nya!"

Malamig sa ospital pero butil butil na ang pawis ni Geraldine.

Napataas ang kilay ni Nichole. Naikwento nga ni Earl sa kanya na nagpupunta nga itong babaeng ito sa opisina ni Edmund pero hindi nya alam ang buong detalye.

'Mukhang kailangan ko ng maglalagi sa opisina ni Edmund. Masyado ng nagiging pangahas ang mga babaeng lumalandi sa kanya!'

First name calling na agad, feeling close?'

'At kailangan naming magusap ni Eunice!'

"Minsan ko lang sasabihin ito sa'yo, sa susunod na landiin mo pa ang asawa ko, magisip ka muna. Kahit pantasya huwag mong subukan, hmm!

HINDI. KASI. AKO. MABAIT!

Lalo na sa mga babaeng kagaya mo! Nagkakaintindihan ba tayo, Ms. Suarez?"

"O-Opo, Mrs. Perdigoñez, pangako ko po, hindi na po mauulit!"

'Jusko, ano ba itong napasukan ko!'

Kumakabog ang dibdib ni Geraldine sa bawat salitang sinasabi ni Nichole.

"Good! Mag pagaling ka agad tapos ay lumayas ka na sa paningin ko at ng asawa ko!

Ayaw ko ng mababalitaang umaaligid ka sa kanya and lastly, stop calling him by his first name, hindi kayo close kaya huwag kang mag feeling close!"

Tumalikod na ito at umalis.

Nahimasmasan naman si Geraldine pagkaalis ni Nichole.

'Mukhang kailangan ko ng umalis ng Pilipinas, hindi ko na kakayanin ang manatili pa rito!'

Pagkalabas nga ng ospital, nagdesisyon na itong umalis agad at nagtungo sa Italy. Matagal na nyang gustong magpunta duon para magbakasyon, hindi nya akalaing magugustuhan nya ang Italy at duon na sya nanirahan.

*****

Lumipas ang mga araw at natapos ang isang buwan.

Bumalik na sa normal ang lahat.

Hindi pa rin nila nakikita si Lemuel pero patuloy pa rin ang paghahanap.

Nasupil ni Edmund ang balita kaya iilan lang lang ang nakakaalam ng ginawa ni Lemuel pero hindi ibig sabihin hindi ito makakarating kay Ames.

Kung may isang tao man na makakahanap at makapagpapabalik kay Ames, si Don Miguel yun ang mentor nya.

Kaya kahit gaano pa sya kalayo, wala syang nagawa ng sabihin ni Don Miguel ang ginawa ng ama nya.

"Umuwi ka na dito at hanapin mo ang ama mo! Marami na syang napeperwisyo! Huwag mong hintayin na ako pa ang makahanap sa kanya!"

Singhal ni Don Miguel kay Ames.

'Haaay, Papa pasaway ka talaga!'

***

Samantala.

Maayos na ang lagay ni Lola dahil sa pagtutulungan nila AJ at Eunice.

Gusto ni AJ na gumaling na agad si Lola Inday para maisama na nya ito pabalik ng farm.

Nahihirapan na kasi sya na pabalik balik sa farm.

Pero bago sya bumalik, kinausap muna nya si Mel.

"Mel Buddy, nabalitaan kong nagiipon ka daw ng pambili ng bahay! May suggestion ako sa'yo!"

Dinala sya ni AJ sa bahay nito sa Bulacan.

Maganda ang location ng subdivision, isa ito sa naunang subdivision na itinayo sa Meyc. kaya malaki ang lote at bahay.

"Bakit mo ako dinala dito AJ Dude? Kaninong bahay 'to?"

Tanong ni Mel.

"Sa'yo!"

"Ha? Nagpapatawa ka ba? Paano magiging akin 'to?"

"Kasi bibilhin mo sya sa akin! Hehe!"

"Ibig sabihin sa'yo ang bahay na to? Bakit mo ibinebenta ang ganda ng lugar at malapit pa sa Maynila?"

"Dahil hindi ko na sya kailangan at mas kailangan mo sya kaya ibinebenta ko sa'yo!"

Inililibot sya ni AJ habang sinasabi ito, pinapakita ang buong kabahayan.

At aminado si Mel na kahit simple lang ang bahay, maganda ito at malaki din ang labas.

"AJ Dude seryoso ka, ibibibenta mo ito sa akin?"

"Yes Mel my Buddy, nakakahinayang naman kasi kung sa iba ko pa ibebenta. Gaya ng sabi mo maganda ito pati location nya malapit sa Maynila kaya magdadalawang isip ka pa ba?"

"Hanep AJ Dude, galing mo ng mag sales talk!"

Hindi na nga nagdalawang isip si Mel at binili nya na agad ang bahay at ang perang yun ang ipinuhunan nya para sa bago nyang negosyo, ang AJ, spices and condiments.

'Ayos! Konti na lang mababayaran ko na ang problema sa farm!

Pero may isa pa syang problema si Edmund. Magpahanggang ngayon kasi, hindi pa rin nito tinatanggap ang resignation nya at naka leave of absent sya at binabayaran pa rin ang leave nya. Nahihiya na sya.

Kaya, nagtungo sya sa NicEd para kausapin ito.

"Sir Edmund, humihingi po ulit ako ng tawad dahil nailagay ko sa panganib ang anak nyo. Saka ... maari po bang tanggapin nyo na ang resignation ko?

Nung una po aaminin kong gusto ko lang hanapin ang nakaraan ko pero ngayon iba na po eh, iba na ang gusto ko kaya sana pagbigyan nyo na po ako sa gusto ko!"

"Pasensya na AJ pero hindi ko matatanggap ang resignation mo. Alam kong darating ang time na aalis ka sa kompanya at gagawa ng sarili mong pangalan pero sa ngayon huwag muna .... dahil kailangan ka ng kompanya, kailangan ka ng mga anak ko!

Hindi maintindihan ni AJ pero pakiramdam nya may matinding problema si Edmund.

'Anong nangyari sa kompanya nung wala ako? May nangyari bang hindi maganda?'