"Anong panloloko? Kelan ko niloko ang anak nya? Mahal ni Eunice si Jeremy at hindi ko sya diniktahang mahalin ang apo ko! Kaya bakit ako ang sinisisi nyo?! Hindi maari ito, magdedemanda ako, idedemanda ko si Edmund!"
Galit na sabi ni Lemuel.
"At kayo pa talaga ang may ganang magdemanda? Wala ba talaga kayong pakialam sa damdamin ng iba? Puro ambisyon nyo na lang ba ang mahalaga sa inyo? Hindi nyo nga diniktahan si Eunice dahil si Jeremy ang diniktahan ninyo! Minanipula ninyo ang buhay ng apo nyo para ligawan nya at pakasalan si Eunice! Pinaasa nyo si Eunice, pinaglaruan at sinamantala nyo ang damdamin nya para lang saan? Sa ambisyon nyong maging parte ng pamilya Perdigoñez?! Tapos sasabihin ninyo na wala kayong KASALANAN?!"
Mahirap makipagtalo kay Ames, pero hindi nya aaminin na mali sya.
'Bakit mali ba na magkaron ng ambisyon?'
Ito ang katwiran ni Lemuel.
"Hindi mo ako mapipilit na sumama sa'yo Ames! At sinong nagbigay sa'yo ng karapatang ipamigay ang mga shares ko?"
"Papa, baka nakakalimutan mong ako ang nagbigay sa'yo ng kapital sa negosyong yan? Kung kaya kong ibigay, kaya ko ding bawiin, lalo na't nakakasakit na kayo!"
Sinenyasan nya ang nurse na kasama nya, may hawak na itong injection.
Nagpupumiglas si Lemuel pero wala itong magawa sa lakas ng mga tauhan ni Ames na may hawak sa kanya.
"Okey na po Ms. Ames, pag gising po nya nasa home for the aged sa Australiana na po sya!"
"Good!"
Ito ang huling nadinig ni Lemuel bago sya nawalan ng malay.
*****
Sa bahay ng mga Perdigoñez.
Nakauwi na si AJ at nagpapahinga na ang buong mag anak, nasa kanya kanyang silid na ang mga ito at abala sa kani kanilang ginagawa.
Si Earl busy sa paglalaro ng games sa computer.
Si Eunice, kausap naman sila Kate at Mel, ibinabalita ang mga nangyari sa kanila ni Jeremy at syempre para ibalita ang bago nyang car.
"Buti naman at tapos na KAYO! Maganda na rin ang nangyari, just imagine kung natuloy ang pamamanhikan at nakasal kayo?"
Sabi ni Kate
"Ay hindi KASAL ang tawag dun, SAKAL! Hehe!"
Sagot ni Mel.
"Hahahaha!"
"O sya, sya, since wala na sa chapter mo si Jeremy the puppet huwag na natin syang pagusapan!"
Sabi ni Mel.
"TAMA! Hehe!
"Pagusapan na lang natin ang new car mo Sissy! Kelan mo ba kami maisasakay dyan?"
Napakamot sa ulo si Eunice.
'Kasya ba kami kung isasakay ko sila?'
'Mukhang tama si Earl, ah!'
"Sige, anytime basta kasya tayo! Hehe!"
Sagot ni Eunice sa dalawa.
"Teka, huwag mong sabihin yung Mini Cooper na car ang binili mo, yung matagal mo ng tinitingnan?"
"Yes! Gold ang color nya, tapos pinakulayan ko ng purple yung sa may side para maiba! hehe!"
"....."
Habang sa loob ng silid ng magasawa.
"Hon, anong masasabi mo kay AJ?"
Tanong ni Edmund sa asawa.
"Okey naman sya, hindi lang mabait at magalang, may respeto pa!"
Pero napansin ni Nicole na tila may gumugulo sa isip ni Edmund.
"Oh, bakit ganyan ka, parang hindi ka kumbinsido sa sagot ko? Ano ba yang iniisip mo?"
"Kasi Hon, curious lang ako kung ano ang first impression mo kay AJ?"
"Hindi sa nagdududa ako sa kanya, mabait naman kasi yung bata, but he looks familiar hindi lang ako sure kung saan ko sya nakita!"
Sagot ni Nicole.
Napakunot ang mga kilay ni Edmund, nagtataka.
"Oh, bakit na naman?"
Tanong ni Nicole.
"Ganyan din kasi ang sinabi sa akin ni Ames kanina at gusto nyang mag dig deeper ako about AJ's background!"
"Huh?"
Napaisip tuloy bigla si Nicole. Pilit inaalala kung bakit pamilyar ang mukha ni AJ pero wala syang mahagilap na sagot sa isip nya.
Hindi tuloy sya nakatulog sa kakaisip.
*****
Sa airport.
Delayed ang flight nila Ames.
Nagkaroon tuloy ng pagkakataong makapag muni muni si Ames.
Hindi kasi mawala sa isip nya ang binatang iyon.
'Ilang taon na kaya sya?'
'Bakit sya may hawig kay Jethro?'
'Posible nga kayang siya si Allan ko?'
'Pero ... '
Nakaramdam sya ng init sa mga mata nya ng maalala ang nawalang anak.
Naalala nya ang sinabi ng asawa nya nuong nabubuhay pa ito:
"Wala na si Allan, wala na ang anak natin! Pinagpirapiraso na ang mga laman loob nya ng mga hayup na kidnaper na yun!"
Naniwala sya sa sinabi ng asawa. Hindi ito nagduda noon kahit sa puso nya naniniwala pa rin syang buhay ito..... ngayon pa lang.
'Papaano nga kung buhay ang anak ko?'
'Gusto ko syang makausap!'
'Gusto ko syang makilala ng husto!'
'Pero papaano? Kailangan ko munang maihatid ang Papa sa Australia para masiguro kong hindi na sya muli pang makapanggulo.'
Ngunit habang tumatagal, sumisidhi ang pagnanais nyang makita at makausap si AJ.
Tiningnan nya ang ama na mahimbing na natutulog sa wheelchair.
Biglang inannounce na ang flight nila, ready na raw for boarding.
Isinakay na ni Ames ang ama, siniguradong nasa ayos ito.
Pero si Ames, sa huli, nag decide magpaiwan dahil lalong sumisidhi ang pagnanasa nitong makita at makausap si AJ.
Nagbilin na sya sa mga stewardess at mga tauhan nya bago sya bumaba ng plane.
Pagkababa, tinawagan nya ang anak para abangan ang Lolo nya para ito na ang maghatid. Handa na rin naman ang ambulansya na maghahatid kay Lemuel sa bago nitong tahanan.
Inantay na muna ni Ames na makalipad ang eroplano kung saan nakasakay ang ama bago siya umalis.
Lingid sa kaalaman ni Ames, sa tagal ng pagaantay nila, hupa na pala ang gamot na ininject sa kanyang ama at umaarte na lang itong tulog.
Bago nagsara ang eroplano, nakagawa ito ng paraan para masalisihan ang mga tauhan ni Ames kaya nagawa nyang makababa ng eroplano na hindi nila nalalaman.