webnovel

Finally, I'm Here!

"Sir, hindi naman po ako mayaman kaya sana bigyan nyo ako agad ng presyo para malaman ko kung kaya ko!"

Sabi ni AJ.

"Magkano nga ang budget mo, iho? Kung kulang, pwede naman tayong magkaroon ng kasunduan para mabayaran mo!"

Napangisi si AJ pero hindi nya ipinahalata.

'May pagkagahaman ang taong ito, kaya ayaw nyang magbigay ng presyo.'

"Sir, hindi po ako makakapagbigay sa inyo ng budget ko for now, kasi yung iba iloloan ko pa. Kokontakin ko muna po ang abogado ko!"

Kinuha nito ang phone para tawagan ang lawyer nya, si Kate.

Hindi naman talaga lawyer si Kate, feeling lang! Kakabasa nya ng tungkol sa laws kulang na lang magtake sya ng bar exam para masabing lawyer na sya.

"Teka, teka, teka! Mel, iho, let's not involve the lawyers yet! Tayo muna ang magusap, pwede ba?"

"Tungkol po saan? Akala ko po gusto nyong malaman kung magkano ang budget ko?"

"Well, pwede mo akong tanungin tungkol dito sa lupaing ito."

Tumingin si AJ sa labas. Abot hanggang sa dulo ng paningin nya ang laki ng farm na ito pero sayang, napabayaan lang.

"Sir, bakit nyo po ibinebenta ang farm nyo, maganda naman po ang lupa dito?"

"Mahirap kasing mag maintain ng ganitong kalaking lupain saka matanda na ako para asikasuhin ito, gusto ko ng magretiro at magtravel. Sa totoo lang, wala naman akong planong ibenta ito pero wala akong choice, umaandar kasi ang tax!"

"Sir, kayo po ba ang original na may ari ng lupa?"

Napatingin sya kay AJ.

'May alam kaya sya sa kwento ng lupang ito?'

'Anong gagawin ko, sasabihin ko ba?'

"Hmmm, malamang may nakapagsabi sa'yo ang tungkol dito."

"Opo Sir, May nagkwento po sa akin na hindi daw po kayo ang unang nagmayari ng lupaing ito!"

'Sabi ko na eh! Ang daldal talaga ng mga bwisit kong kapitbahay!'

"Totoo ang mga nadinig mo, hindi nga ako ang unang nagmayari nito kung hindi ang pinsan ko. Namatay na sya at nanghinayang naman ako dito kaya binili ko!"

Pero hindi nya totoong binili ito, kinamkam nya lang gaya ng ginawa ng ibang kamaganak nya sa mga ariarian ng mga Raquiñon.

Nagpapasalamat na lang sya at syang nauna sa winery ni Jaja. Pero ano bang alam nya sa winery?

Ito ang dahilan kaya unti unting nalugi ang winery.

'Well hindi naman nya kailangan malamang ang buong katotohanan!'

Ano po bang nakatanim dito dati?"

"Noon, ubasan ito, pero malaki ang gastos sa ubasan kaya sinubukan ko ang ibang pananim pero nabigo din ako.

Kaya sa huli, nag alaga na lang ako ng mga baka, pero hindi sya sapat para bayaran ang mga pangangailangan dito sa farm."

Wala talaga alam sa farming si Conrado at pati na rin sa paghawak ng tao, kaya nalugi ang farm kaya kahit na anong itanim nya at alagaan sa farm, nalulugi. Inuuna kasi nya ang kita at walang iniiwan sa maintenance ng farm at tinitipid ang pasweldo sa tao kaya isa isang nagaalisan at ang natitira na lang at ang loyal kay Jaja at naniniwalang isang araw darating ang totoong may ari ng lupain.

Ganun talaga kapag hindi pinaghirapan ang isang bagay, hindi binibigyan ng halaga.

"Sir, sabi nyo hindi po kayo ang unang may ari ng lupaing ito, nasa pangalan na po ba nyo ang lupa?"

Napaisip si Conrado.

'Paano ko ba sasagutin ito?'

"Well iho, maagang namatay si Jaja at patay na rin ang kanyang anak at asawa. Kaya walang magiging problema, kung yan ang iniisip mo!"

"Sabi nyo po binili nyo po itong farm, kanino nyo po ito binili kung patay na ang family ni Jaja?"

'Lintek na, mahuhuli ako nito eh, pag di ako nagingat!'

"Uhm, dun sa kapatid ni Jaja. Sya kasi ang nagasikaso ng mga ariariang naiwan ni Jaja!"

Napaisip si AJ. Ang alam nya namatay lahat ang angkan ng Papa nya, kaya sinong kapatid ang tinutukoy nito?

'Nagsisinungaling sya!'

"Sir, sa ngayon po 2 milyon lang ang cash on hand ko. Ang plano ko po sana ay kumuha ng loan kung bibilin ko ito pero .... "

Nangiti ng husto si Conrado.

'Okey na yun, ang mahalaga may makuha ako sa lintek na farm na ito!'

"Iho, mukhang interesado ka talaga sa lupaing ito. Gusto mo bang magkaroon ng deal?"

"Ano pong deal?"

"Pwede mo naman akong bayaran ng installment yung kulang!"

"Magkano po ba ang buong farm? Saka, kasama rin po ba itong bahay na ito?"

"One hundred hectares ang kabuuan nito iho, kasama na itong bahay at pati yung imbakan at gawaan ng wine. Sa tingin ko, may 100 Milyon ito!"

'Pagnagkataon, may pera na akong sasahurin buwan buwan, hindi na ako mahihirapan pang magalaga ng lupa! Hehe!'

"Sir, magkano naman ang ibibigay ko sa inyo, buwan buwan?"

"Isang milyon kada buwan!"

Napailing si AJ.

"Hindi ko po kaya yun Sir!"

Malungkot na pahayag ni AJ.

"Bakit naman?"

"Sir, hindi po ako kumikita ng ganung kalaki buwan buwan! Nasa 60K lang po ang extra kita ko. Saka, hindi ko pa po sure kung gaano kalaki ang maintenance ng farm na ito!"

'May katwiran sya.'

"Tama ka iho, buti pa bigyan mo na lang ako ng 50K, siguro naman pwede na yun?"

"Talaga po?"

"Oo! Ito ang kasunduan natin, lalaki sa lalaki!"

Bago natapos ang araw na iyon, napunta na sa pangalan ni AJ ang farm.

"Finally makakapagbasyon na rin ako! Hehe!"

Ang akala ni Conrado nakajockpot na sya sa deal nila ni AJ, hindi nya alam na ito na ang simula ng kalbaryo nya at ng pamilya nyang kumamkam sa pagaaring dapat ay sa kanya.

'Finally, I'm here!'

*****

Sa Maynila.

Hindi na maipinta ang mukha ni Lemuel.

Mag dadalawang linggo na nyang pinapasubaybayan si Eunice at ang lola ni AJ, pero wala pa rin syang balita sa binata.

'Nasan ka na, lintek ka?'

Kahit si Geraldine ay ramdam ang pagbabago ni Lemuel. Araw araw na itong bugnutin lalo na pag hindi nya nabigyan agad ng pera.

'Saan ba nya dinadala ang mga perang binibigay ko?'

Ang mga perang hinhingi ni Lemuel ay hindi maliliit na halaga, lalo na itong huli.

"Limang milyon? Papa, saan nyo naman po gagamitin ang ganung kalaking halaga?"

"Pwede ba, huwag ka ng maraming tanong? May mga pinagkakautangan ako na kinukulit ako at kailangan kong bayaran. Kung magbibigay ka, magbigay ka!"

'Bakit ba sya galit agad? Masama bang magtanong? Pera ko yun, masama bang malaman kung saan nya dadalhin?'

Pero paano ba naman maipaliwanag ni Lemuel na ang mga perang hinhingi nya sa anak ay ginagamit nyang pambayad sa mga inupahan nya para subaybayan si Eunice at lola ni AJ.

At ang limang milyon at gagamitin naman nya sa binabalak nyang gawin para mapalabas ng lungga si AJ.

'Sa gagawin ko, tingnan ko lang kung hindi ka lalabas!'

"Hahahaha!"