webnovel

Dahil Kailangan May Magsabi

Malapit ng umalis si Jeremy patungong Amerika kaya sa tulong ng kanyang Lolo, nakagawa sila ng plano kung paano nya muling makikita at makakausap si Eunice.

Kasama ang Lolo Lemuel nya, nagtungo sila sa bahay ni Edmund.

"Apo, hayaan mong ako ang makipagusap!"

Bilin nya kay Jeremy.

At sabay silang humarap sa mag asawang Edmund at Nicole.

"Uncle Lemuel, bakit ho kayo napadalaw?"

Tanong ni Nicole.

Hindi nito pinapansin si Jeremy kahit na binati sya nito.

Masama pa rin ang loob nya kay Jeremy dahil pinagkatiwalaan nya ito.

Nasaktan si Jeremy sa ipinakitang trato ni Nicole sa kanya.

Pero si Edmund, nakahalukipkip lang ang mga kamay at hinahayaan ang asawa na makipagusap.

Alam na nya ang dahilan bakit nandito ang maglolo na ito kaya bakit pa sya magtatanong.

"Hindi na ako magpapaliguy ligoy pa Edmund, Nicole, bukas na ang alis ng apo ko patungong Amerika! Gusto sana nyang makausap si Eunice bago man lang sya umalis! Maari ba yun?"

"Uncle, grounded pa rin ho si Eunice, hindi pa rin sya pwedeng lumabas ng silid nya hangga't hindi ko sinasabi!"

Sasagot na sana si Jeremy pero pinigilan sya ng Lolo nya.

"Edmund, hindi ko naman hinihiling na umalis ng bahay si Eunice! Ang gusto lang naman ni Jeremy ay makausap ito at makita!"

Pasensya na ho Uncle Lemuel, pero hindi po ako makakapayag! Sana irespeto nyo ang desisyon ko!"

Sagot ni Nicole.

Nagulat si Lemuel. Hindi nya akalain na hindi sya pagbibigyan nito.

"Edmund, ito rin ba ang pasya mo?"

"Uncle Lemuel, huwag mo akong idamay sa problema ni Jeremy! Hindi ako ang naglagay sa kanya sa ganitong sitwasyon!"

"Anong ibig mong sabihin Edmund?"

"Uncle, tapatin mo ako, anong pakiramdam mo ngayon, naiinis ka na ba dahil hindi ka napagbigyan?"

Hindi sumagot si Lemuel, ito ang tunay nyang nararamdaman nya ngayon.

"Sa palagay mo Uncle Lemuel, ano ang nararamdaman ng asawa ko ngayon? Hindi mo alam o wala kang pakialam?"

"Alam mo ba ang ang dahilan kung bakit ayaw ko sa'yo Jeremy? Dahil masyado kang spoiled ng Lolo mo!

Alam mong anytime andyan ang Lolo mo handang tumulong sa'yo! Pero paano na pagwala na ang Lolo mo, paano ka na?"

"EDMUND!"

Galit na si Lemuel.

"Bakit Uncle, huwag mong sabihing hindi ito ang nasa isip mo? Kaya mo tinutulungan si Jeremy dahil iniisip mo na pagdumating ang panahon na mawala ka, nasa maayos na kalagayan na si Jeremy pag magkatuluyan sila ng anak ko!"

"Pero sa tingin mo basta ko na lang ibibigay ang anak ko sa bano mong apo?"

Umuusok na ang ilong ni Lemuel sa galit.

"Hindi ko akalain ipapahiya mo ako ng ganito, Edmund!"

"Kung ayaw mong ipakausap ang anak mo sa apo ko pwede mo naman sabihin ng maayos, bakit kailangan mo pa akong pagsalitaan ng ganyan?!"

"Dahil Uncle Lemuel, kailangan may magsabi sa'yo nito para malaman mo at makilala mo apo mo!"

Sa totoo lang kumpara mo si Jeremy kay Mel, mas matured pa si Mel sa kanya!"

*****

Si Mon o si Ramon Rodrigo ay bunga ng isang bawal na relasyon, anak sya sa labas ng nanay nya mula sa isang maaimpluwensyang angkan.

Isang pulitiko ang kanyang ama at namatay na ito bago pa sya ipanganak.

Ang kanyang ina naman ay hindi kinaya ang nangyari sa kanyang ama kaya nabaliw ito na naging dahilan ng maaga nyang panganganak at kinalaunan ay namatay.

Nalaman ng kanyang Lolo na isa rin pulitiko ang tungkol sa batang si Mon kaya kinupkop nya ito at dinala sa isang lugar malayo sa lahat.

Duon sya inalagaan at lumaki sa pangangalaga ng mga kasambahay.

Ni minsan ay hindi nya nakilala ng personal ni isa man sa kanyang pamilya magpahanggang ngayon.

Nitong malaki na sya saka lang nya nalaman kung gaano ka impluwensya ang pamilya nya. Kaya pala kahit nuong bata pa sya, mayroong naglilinis ng mga kalokohan nya.

Gaya ngayon, hindi na sya nagulat kung paano nila nagawan ng paraan na makapagpiyansa sya.

Ito ang dahilan ni Mon kaya wala syang pakialam kung sino man pamilya ang makalaban nya.

Gusto nyang malaman kung hanggang saan ang KAYA ng pamilya nya at kahit papaano sa puso nya, gusto nya rin maging parte ng pamilya ito.

"Kaya bakit ako matatakot sa mga Perdigoñez! Hehe!"

Nakalabas si Mon at mabilis na umusad ang kaso pero na dismiss ng tuluyan ang kaso na isinampa ni Miles sa kanya.

Masamang masama ang loob ni Miles.

"Huwag kang magaalala anak, may ibang paraan para makuha natin ang hustisya!"

"Naka schedule na ang alis mo next week kaya huwag mo ng isipin yan at ako na ang gaganti sa'yo!"

Pinaubaya na lang ni Mon ang lahat sa abogado nya kaya kampante lang ito, hanggang sa isang araw mawala ito dahil may dumukot sa kanya.

Wala naman nakitang kakaiba ang abogado nya sa pagkawala nya dahil lagi naman itong ginagawa ni Mon at wala pa naman silang hearing na padating kaya hinayaan nya na lang ito, baka nagpapakasaya lang.

Pero iba ngayon, totoong nagpapakasaya lang si Mon kaya sya nawala pero hindi nya inaasahan na may dudukot sa kanya.

Nagising na lang si Mon na parang nasa isang clinic sya. Medyo hilo pa sya at hindi nya alam kung anong ginagawa nya roon at bakit parang nasa operating room sya.

"Oh, mukhang nagkakamalay na ang pasyente!"

Sabi ng lalaking mukhang isang duktor. Mag isa lang sya at mukhang wala itong kasama.

Gusto nyang magsalita pero nanunuyo ang lalamunan nya.

Hindi naman sya maka kilos dahil nakatali ang dalawang kamay nya pati katawan nya.

Kahit ang mga paa nya at binti ay nakatali rin at nakataas.

Nakaramdam sya ng kaba.

"Anong ginagawa mo sa akin?"

Tanong ni Mon pero walang nadinig na salita ang duktor, puro ungol ang nadinig nya.

"Hmmm ..... Marahil ay nagtataka ka kung ano ang ginagawa mo dito! Well, huwag kang magaalala at malalaman mo rin! Hehe!"

Ipaparamdam ko sa'yo kung gaano kasakit ang mga ginawa mo sa mga biktima mo!"

"WAAAAAAHHHH!"

Sigaw ni Mon ng maramdamang hinihiwa ang balat nya.

"Ooops! Nakalimutan kong maglagay ng anesthesia!"