webnovel

Crush

Muling naging masaya ang tindahan ni Mel ng dumating ang mag pinsang sina Eunice at Kate.

Malaki ang kinita nila ngayon dahil nagdatingan ang mga dati nilang suki sa tyanggian.

At ang masaya pa nito, dumating si Kapitan at humingi ng dispensa sa kanila tapos ay sinoli ang advance nila sa tyanggian.

Wala na rin si Pinuno pati sila Aling Sioning at Aling Benita sa tyanggian. Pinaayos nya ito at pinahigpit ang mga regulasyon.

"Salamat po Kapitan, maidadagdag na namin ito sa puhunan!"

Sabi ni Mel.

"Oonga Kapitan, may bago pa naman kaming menu!"

Sabi ni Kate.

"Ano yun?"

"TAPSILOG!"

Bago umuwi, dumaan muna sila ng ospital at nadatnan nila duon sila Nicole at ang mga kapatid ni Mel.

Paguwi nila sa bahay, may naghihintay na namang magandang balita para kay Mel at mga kapatid nya.

"Ito ba si Mel?"

"Nanay Issay, kelan po kayo dumating?"

Gulat na tanong ni Nicole.

"Kahapon! Pero hindi na ako tumuloy dito!"

"Andito ako para kausapin itong si Mel at ang mga kapatid nya!"

Naintindihan ni Nicole ang ibig sabihin ni Issay kaya gusto nyang kausapin ang mga bata. May plano itong bigyan ng scholarship ang tatlo.

At ng dahil sa scholarships na ibinigay ni Issay, muling nakabalik si Mel sa Ames Academy.

Lumipas ang mga araw at bumilang ang mga buwan.

Dahil sa pagsisikap ni Carl na suyuin ang asawa, napapayag nya itong sa bahay na umuwi para magpagaling, pero sya lang! Hindi kasama ang mga bata.

Wala pa rin syang tiwala sa asawa kaya hindi muna nya pinauwi ang mga bata.

Pero hindi nag rekalamo si Carl. Sabi nga ni Rico, "One at a time!"

Kaya ngayon, sya na ang nagaalaaga sa asawa, sya pa rin ang nagbabantay ng tindahan ni Mel tuwing umaga at sa hapon naman si Mel si Kate at si Eunice.

At sa gabi naman ay pumapasok ito sa call center malapit sa kanila.

*****

Samantala.

Malaki ang pinagbago ng Ames Academy.

Wala na halos ang dating mga teacher lalo na ang nga admin staff. Mangilan ngilan na lang ang naiwan at pinalitan sila ng mga staff sa main branch.

"Pansamantala lang ito. Pag nakakuha na ulit ng mas maayos na staff ang school, saka ko ibabalik sa main ang mga yan!"

Sabi ni Ames kay Nicole.

Si Rowena na ang bagong admin head at si Teacher Erica ang bagong head ng English department.

"Siguro naman magiging maayos na ang school na ito mula ngayon!"

Sabi ni Nicole kay Ames.

"Salamat!"

Buong ngiting sambit ni Ames kay Nicole. Hindi nya maitago ang saya nito sa magandang nangyari nitong nagdaang buwan.

Dahil sa paguwi ni Issay, naliwanagan na lahat ang tungkol sa issue ng school at kung sino ang tunay na may ari nito.

Marami ang nawalan ng tiwala kay Gob Pancho Abellardo kaya hindi sya nanalo sa eleksyon at ang malaking dahilan nito ay ang paglantad ni Orly na ginamit ng kalaban ni Gob.

"Hanep, wala pa ring kupas yang nanaynanayan mo! Ano bang ginagawa nya ngayon? May plano ba syang bumalik sa Australia o for good na dito?"

Tanong ni Ames

"Ayun, sa ngayon busy sya sa pagaalaga kay Ate Nadine! Hindi ko alam kung anong plan nya!"

Sagot ni Nicole.

"Eh, ikaw Principal Cole, ano naman ang plan mo?"

Tiningnan nya ng seryoso si Ames at saka sinabing:

"Pwede bang mag resign na ako? Nakakapagod pa lang mag work!"

"Hahaha! Hindi pa natin tapos ayusin ang school! Baka pag nalaman ni Issay ang reason mo tsinelasin ka nun! Saka wala ka namang gagawin sa bahay!"

"Kunsabagay! Ang kulit pa naman ni Ate Nadine, lagi akong pinagtitripan! Pinag bed rest kasi ng duktor at maselan daw ang pagbubuntis nya! Tyak na iinisin lang ako ng iinisin nun dahil bored na bored na sya sa bahay!"

Si Eunice naman simula ng start ng school ay hindi na muling ginulo ng mga basher. Malaki kasi ang pinagbago ni Eunice, hawig na hawig na sya ng Mommy nya sa lahat ng anggulo maliban sa katawan nito.

Medyo chubby pa rin ito pero magaan na ang pangangatawan dahil sa training nilang mag ama. At mukhang tumangkad sya. halos magkasing height na sila ni Kate.

Sa tuwing may nakasalubong sa kanya, madalas syang mapagkamalang si Nicole lalo na pag nakatalikod! Pati boses nito kaparehas na ng boses ng ina.

Kaya maraming ngayong ilag sa kanya.

Pero kung maraming ilag, marami din naman nakakapansin sa ganda nya lalo na ng mga boys tulad nila Zandro at Louie.

"Louie, wala na si Jeremy. May chance na akong ligawan si Eunice! Tulungan mo naman ako!"

Nakangiti nitong sabi sa best friend nyang si Louie.

"Ga..nun ba? Sige Bro suportahan kita!"

Nakangiting sagot ni Louie sa kaibigan.

Pero hindi napansin ni Zandro ang mga mata nitong puno ng lungkot ng madinig nyang gusto nitong ligawan ang babaeng nuon pa man ay crush na nya.