webnovel

My Air to breathe

Pareho lang kayo Yra! Kung ikaw ay nagising sa kama ng iba, siya naman ay nagising na may kasamang iba!

Anne_ter17 · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
101 Chs

Chapter 83 She's back

So ito pala ang dahilan kung bakit ayaw nyang makita ng iba ng laman nitong phone ko! kahit ako, hindi ko rin gugustuhing makita ito ng iba. his lustful eyes turn to the woman beside her, She's biting her lower lips while watching the video on his phone, Oh! mukhang mapapalaban ako nito. His throbbing erection wants to be freed from his tight jeans.

Ibinaba ni Jion ang cellphone nya ng matapos sa pagpaplay ng video doon, then he grab her nape and pulling her close to him and captured her lips. Hes starting to savour the sweetness of her lips when his phone began ringing.

Sino ba namang poncio pilato tong naninira ng gabi ko? Hindi tumitigil sa pagiingay ang cellphone nya kaya napilitan syang tumigil sa ginagawa at sagutin iyon.

"Jion We have an emergency!" Saad ni Minjy sa kabilang linya na hindi na nahintay ang pagsasabi ni Jion ng hello.

"What is it?" iritadong sagot niya rito.

"You need to come here in the office, nakita ko na ang pinagmulan ng anomalya sa finance department." sagot nito.

"Just give me 15 minutes, I'm on my way!" Ahh, pambihira bakit ngayun pa!? humanda talaga sakin lahat ng taong sangkot sa kalokohang to dahil sisingilin ko sila ng mahal sa nabitin kong sandali.

"I'm sorry but kailangan ko munang pumunta sa opisina!" Kita niya ang panghihinayang sa mga mata ni Yra, "Pipilitin kong bumalik kaagad." hinalikan nya uli ito bago nagmamadaling umalis.

Naiwan si Yrang nakatulala sa sofa. Hay, buhay! kailan kaya to matutuloy? oops! ano ba tong iniisip ko? masyado na ata akong nasasabik sa bitin moments namin! tumayo na si Yra at nahiga sa tabi ng kama ng anak nya. Inabot na sya ng hating gabi sa paghihintay na umuwi si Jion pero nakatulog syang bigo, hindi ito dumating hanggang kinabukasan.

Tinawagan nya kaagad si Minjy para hanapin doon ang lalaki at hindi naman sya nagkamali dahil parehong nasa opisina ang mga ito at busy pa rin sa trabaho kaya nagpasya nalang syang dalhin si Xymon sa bahay ng mga magulang ni Jion.

"Naku ang baby namin ang laki laki na!" Hindi magkamayaw ang mga lolo at lola ng bata sa pagkarga dito ng dumating sila doon. "Xymon nagustuhan mo ba ang kama mo?" habang pinupupog ito ng halik.

Basta naman nakatingin ang bata sa mga matatandang kaharap.

"Bakit hindi nyo kasama si Jion? busy ba sya?" tanong ni Mr. Lorenzo.

"Ah, tinawagan po sya ni Minjy kagabi. Mukhang may emergency po ata sa opisina nila!" sagot nya dito.

"Pasensya kana Hija, ganon talaga sa negosyo kung minsan nagkukulang ang oras sa pamilya." Ani ni Mrs. Odette sa kanya.

Nginitian nya lang ang ginang, syempre alam naman niyang ganon talaga ang consequences ng may negosyo at sa tipo ni Jion talagang gagawin nito lahat para sa negosyo nito.

tapos na silang maglunch ng makatulog si Xymon kaya namaalam muna sya sa matatandang Guia na bibisitahin si Jion sa opisina nito para malaman kung okey na ba ang emergency sa trabaho nito.

Bumili pa sya ng pack lunch para dito kung sakaling hindi pa ito kumakain. She's humming her favorite song habang naglalakad sa labas ng building ng opisina ni Jion nang malapit na sya sa entrance ay natanawan niya itong palabas doon at palapit sa naghihintay nitong sasakyan, tatawagan nya na sana ito ng mapansin nyang may kasama itong babae.

Inalalayan ito ni Jion na sumakay sa kotse nito habang tinititigan ni Yra ang babae ay naninindig ang mga balahibo nya ng makilala kung sino iyon! Si Althea ba yun? pero umalis na ang sasakyan ng mga ito kaya nawalan na sya ng oras para tiyakin kung tama ang nakita niya.

Kinuha agad nya ang telepono at tinawagan ang number ni Jion, Ilang ring lang naman at sinagot na yon ng lalaki.

"Hello!" Anito sa kabilang linya.

"Hello Jion, kumain kanaba?" tanong niya dito.

"Hindi pa but I'm having lunch with my client." sagot nito.

Client daw!? mukha mo! "Pupuntahan sana kita sa office mo magdadala ako ng lunch mo!" lintek na lalaki to.

"Don't bother, umalis na ako sa opisina ko and medyo malalate din ako ng balik mamaya."

"O-ok!" ibinaba na niya ang cellphone nya, ang walangyang iyon! bakit kaya magkasama sila ni Althea? diba client nya nga daw! parang may dalawang taong naglalaban sa utak ni Yra, kung client nya lang talaga yun, bakit hindi ka man lang tinanong kung kumain kanaba? o kung nasan na si Xymon? di man lang kinumusta yung bata!

Nandito narin lang naman ako kaya dederetso na ako sa taas! pumasok si Yra sa loob ng building, paglabas nya naman sa elevator ay nakita agad sya ni Minjy at bahagya pa itong nagulat.

"Hey Yra, why are you here? kakaalis lang ni Jion!" anito sa kanya.

"Ganun ba!" nagpanggap syang walang alam, "nagdala kase ng lunch niya eh, hindi na kase kami nagkausap mula ng umalis sya ng bahay kagabi."

"Marami talaga kase kaming trabaho kagabi pa, pareho na nga kaming natulog dito sa opisina tapos my makulit pa kaming kliyente na kailangang unahin kaya ayun, umalis muna sya!" iginaya sya nito papasok sa opisina ni Jion.

"Ah, ganon ba!" So si Althea yung makulit na kliyente? "Dahil wala naman pala si Jion eh hindi na ako magtatagal at baka magising si Xymon, iniwan ko lang sya kina Tita Odette at Tito lorenze kanina, sayo nalang itong pack lunch na binili ko, baka hindi kapa kumakain!" iniabot niya rito ang daladalang paperbag.

"Talaga! salamat, tamang tama hindi pa nga ako naglulunch eh." halos mawala naman ang mga mata ni Minjy sa pagkakangiti nito habang tinatanggap ang pagkaing bigay nya.

Pag-alis ni Yra sa building ay tinawagan niya si Heshi para makausap ito at sinabing wala syang magawa kaya naisip nyang mamasyal muna sa kalapit na mall, nagkataon namang may event ito doon kaya pinapunta nalang sya at doon nalang sila magkita. Ayaw nya munang umuwi dahil kung ano anong tumatakbo sa isip niya, naalala nya ang mga panahong naaksidente sya dahil s babaeng kasam ni Jion ngayun.