webnovel

My Air to breathe

Pareho lang kayo Yra! Kung ikaw ay nagising sa kama ng iba, siya naman ay nagising na may kasamang iba!

Anne_ter17 · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
101 Chs

Chapter 59 Plan

"Boss, sa mga oras na ito siguradong bantay sarado na ng mga pulis si Jion, at sigurado ring kumikilos na yon para hanapin ang babaeng yan!"

Naririnig ni Yra ang lahat ng pinaguusapan ng mga tao sa paligid. kahit hindi sigurado ay alam niyang isa si Jion sa mga dahilan kung bakit sya naroroon.

"Yra alam kong gising ka, tatawagan ko ngayun si Jion at gusto kong iparinig mo sa kanya ang boses mo." Utos ng malalim na boses ng lalaki sa kanya. Mayamaya pay idinikit nito sa kanyang tainga ang nagriring na cellphone.

"Hello?" si Jion! nabuhayan sya ng loob ng marinig ang boses nito.

"Mmm, mmm!" sigaw niya.

"Hello, hello! Yra, Yra!" narinig niyang sigaw nito mula sa kabilang linya.

"mmm!" muling sigaw niya pero nailayo na ang aparato sa kanya.

"Easy man! wala pa akong ginagawa sa kanya! pero pag hindi mo ako binigyan ng 100 milyong cash bukas ng gabi baka may magawa ako sa maganda mong girlfriend!" narinig niyang sabi nito, subalit hindi niya marinig ang tinig ng kausap nito, "Maghintay ka ipapadala ko sayo kung saan ang lugar, at paalala lang walang magagawa yang mga pulis na kasama mo ngayon."

Kidnap for ransom!? Nandito ako ngayun dahil sa pera ni Jion, Dyos ko po! kaya ako nakidnap ay dahil sa pera niya!

"Napakaswerte mong babae!" muling nagsalita ang kidnapper sa tabi niya, "Nakahandang magbayad ng malaki si Jion para lang mabawi ka, kaya lang napakamalas mo rin dahil napakatuso ng lalaking iyon at siguradong hindi sya tutupad sa usapan kaya kailangan kong maging matalino."

"ahh!" napasigaw siya sa sakit ng biglang tanggalin nito ang tape sa kanyang bibig, sa pakiwari niya'y sumama ang kanyang balat dahil sa ginawa nito.

"Sayang ka Yra, kung nakita lang agad kita bago mo nakilala ang lalaking yon hindi mo sana dadanasin ang ganito."

Iniiwas niya ang mukha ng maramdaman ang paghaplos ng mga daliri nito sa labi niya. "Tulad ng sinabi mo tuso si Jion at hindi niya ibibigay sayo ang perang hinihingi mo khalix!"

"Oohh! natutuwa akong isipin na kilala mo ang boses ko!" nahirapan siyang imulat ng maayos ang mata ng tanggalin nito ang piring niya. "You know, kung hindi lang mas importante saken ang pera, magugustuhan kita!"

"Dahil lang sa pera? ginagawa mo to para sa perang pwede mo namang kitain kung magsusumikap kalang!" sumagot siya kahit puno ng takot ang katawan niya.

"Magsumikap? alam mo ba kung anung klaseng pagsusumikap ang ginawa ko para lang makuha ang kontrata ng mga marquez? Ilang bwan kong pinagsikapan yon pero anung ginawa ng mayabang na Jion na yun?" tumayo si khalix at humakbang palayo sa kanya, "inagaw niya sa boss ko ang kontratang yon!"

"Sigurado akong hindi niya yun inagaw sayo dahil kitang kita ko kung pano niya pinaghirapan yun," napakislot si Yra ng biglang sunggaban ni khalix ang leeg niya, naramdaman niya ang pagbaon ng mga daliri nito roon at unti-unting pagbabara ng lalamunan niya.

"Nakuha niya ang kontratang iyon sa mga marquez dahil sa impluwensya ng tatay nya! Kaya hindi niya yun pinaghirapan!" itinulak siya nito, sa kawalang balanse ay hindi niya napigil ang pagtama ng ulo niya sa sahig.

"aray" napapikit siya ng maramdam niya ang namuong sakit sa likod ng ulo niya, nakaramdam siya ng pagkahilo hanggang sa mawalan uli siya ng malay.

Jion's POV

"Anong nangyari sa anak ko? nasaan su Yra?" humahagulgol na tanong ni Aling Mercy sa kay Jion. Ipinasundo niya ang magasawa sa tauhang sikretong nakabantay sa pamilya nito.

"Tita, tumawag na po ang mga dumukot kay Yra at humihingi sila ng pera kapalit niya." paliwanag ni Heshi sa mga ito.

"Pera? san kami kukuha ng pera eh hindi naman kami mayaman?" bakas ang pagaalala kay Mang Hener na halos mangiyak ngiyak na. "magkano bang hinihingi nila?"

"Sa akin po" sagot niya rito "Ako po ang hinihingan nila ng 100 milyon."

"100 milyon?" panabay na sabi ng magasawa sa kanya.

"Opo."

"Ganoon kanaba kayaman para hingan ka nila ng ganoon karaming pera?" di makapaniwalang bulalas ni Aling Mercy.

"Wag nyo pong alalahanin ang pera, nakahanda po akong ibigay sa kanila lahat ng pera ko ibalik lang nila sa akin si Yra." kuyom ang kamaong sabi niya.

"Mam, Sir, sa ngayun po ang kailangan namin namin ay ang kooperasyon ninyo at manatili po kayung kalmado para mas mapabilis ang paghahanap natin sa anak niyo!" saad ng pulis sa mga magulang ng nonya niya.

"Heshi, ikaw na muna ang bahala sa kanila, paguusapan lang namin kung paano makukuha ang perang hinihingi nila." tumayo siya at sinenyasan sina Vince at Minjy na sumunod sa kanya. Lihim ang kanilang paguusap dahil may kutob siyang may espiya sa mga pulis na kasama nila sa mga oras na yon. Kailangan nila ang ibayong pagiingat.

"Nakarating na unang grupo na pinadala ko sa location at ang report nila sa akin ay sa isang bahay sa gitna ng palayan nandon si Yra, maraming bantay sa paligid kaya siguradong mahihirapan tayong pasukin ang lugar ng walang nakakakita." ani Minjy

"May mas gagaling paba sa perpektong strategy ng mga game master?" taas ang kilay na sabi ni Vince, "baka nakakalimutan nyong may chameleon dito!"

"Oo nga pala" bakit nga ba hindi niya kaagad naisip ang kaharap? sanay ito sa ganoong gawain dahil may ari ito ng security agency at puro high profile ang mga kliyente nito.

"Tsaka isa pa si Juan Pablo!" inginuso ni Minjy ang pinsang nakaupo sa isang sulok at mukhang malalim ang iniisip. "Hindi titigil ang isang yan hanggat hindi nababawi si Yra, Hindi sya masyadong kumilos kanina dahil baka masaktan si Yra, pero ngayun siguradong babawi ang isang yan!"

ting! tumunog ang telepono ni Minjy, tiningnan sila nito dahil ipinadala na ng tauhan nito ang eksaktong lokasyon at Video ng naturang lugar.

Oras na para magplano, Isinend ni Minjy ang video kay Vince dahil ito ang gagawa ng plano, kaagad namang kinuha ni Jion ang laptop at nagsimulang gumawa doon ng animoy laro na katulad ng nasa video. Nagtataka man ang mga pulis ay hindi nagtatanong ang mga ito dahil wala namang nakakaintindi ng ginagawa nila kundi silang tatlo lang.