webnovel

My Air to breathe

Pareho lang kayo Yra! Kung ikaw ay nagising sa kama ng iba, siya naman ay nagising na may kasamang iba!

Anne_ter17 · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
101 Chs

Chapter 3 break up

"Yra, sorry na talaga!" Nag papacute ba ang kaibigan nya o nagpapaawa? Mukha naman nagsisisi ito sa nangyari nung isang gabi dahil hindi na sya naalala nito "promise babawi ako sayo, libre ko ang lunch natin ngayun!" samo parin nito sa kanya.

Hmmp… kung alam lang nito ang ginawa nya siguradong magpapatiwakal na ito sa sobrang pag kaguilty.

"Oo na, sige na! wag mo ng isipin un." Kunyari nagdadamdam siya rito, pero umoo lang siya agad para hindi ito makahalata sa kanya, sa totoo lng wala syang planong sabihin dito ang totoo tungkol sa brother inlaw to be nito. Ibinalik niya ang atensyon sa computer sa harapan niya para ituloy ang trabaho pero mukha naman ni Jion ang nakita nya sa monitor, ha! Wag muna ngayon, oras ng trabaho, bawal mag daydream.

"Sya nga pala anong oras ka umuwi nung sabado?" bigla syang napalingon dito. "di na kita naabutan sa bar nung lumabas ako sa office ni Juno eh." Binawi nya ang tingin sa kaibigan.

"Ahm ano, umuwi din ako kaagad noon kasi m-medyo naiinip na ako sa paghihintay sayo eh." Sabay ngiti sa kaibigan.

"Umuwi ka kaagad? eh sabi ni kisha magkasama kayo ni Jion?" tanong naman nito habang patuloy ito sa pagtipa sa computer nya . "kala ko naman nagdate na kayo."

"huh?" naku po! Nakalimutan nyang kilala nga pala sila ng lahat ng Crew sa bar na iyon. Oh hindi, may alam ba si Heshi?

"Ah hindi, inihatid lang nya ako sa labas, sa sakayan ng taxi." Hindi kase niya mabasa ang ekspresyon ng mukha nito, kung may alam ito siguradong didiretsahin sya nito. Itinuloy na rin niya ang trabaho para hindi na ito magtanong.

"Buti naman! kase akala ko iniuwi ka na ni Jion sa bahay niya eh." patuloy parin nito "medyo matindi sa babae ang isang yon, lahat pinapatos. Kaya nagalala ako ng husto nung sinabi ni kisha na magkasama kayung umalis ng bar nung gabi." Nakangiting turan pa nito.

Nginitian niya ang kaibigan sabay tapik sa mesa nila "balik sa trabaho." sabay nguso sa computer nila baka makahalata pa ito kung magtatanong sya tungkol dito.

"Wow! Ate ang ganda naman nito," niyakap si Yra ni Denzel, bunso niyang kapatid. Umupo na ito sa sofa at isinukat ang bagong sapatos na pasalubong niya "kala ko nakalimutan mona eh."

"Makakalimutan ko ba naman ang pangako ko sayo," ginulo pa niya ang buhok nito "diba sabi ko sayo pag nakapasok sa team ng baseball sa school nyo ibibili kita ng bago." Kakaenrol lang nito sa high school.

"Naku ate, maya't maya nyang sinasabi sa akin na itext ka at baka nakakalimutan mona." Nakadilat naman ang mga mata ni Sabrina ang pangalawang kapatid ni Yra.

"Halina kayo at ng makakain na tayo," tawag nanay nila nakapaghain na pala ito.

Lumapit naman kaagad sila sa mesa, "Uy, mukhang masarap ang ulam ah!" mapapadami na naman ang kain nya habang inaamoy ang pagkaing nakahain sa mesa.

"Oh anak! kamusta naman ang trabaho mo? Hindi ka na busy ngayon?" yun kasi ang paalam niya sa mga magulang kaya hindi sya nakauwi nung nakaraang lingo. Hindi rin kasi niya sinabi sa mga magulang na maglilipat sya ng bahay, botong-boto ang mga ito sa boyfriend nya.

College palang kasi siya ng ipakilala niya

ito sa mga magulang at parang anak na rin ang turing ng mga dito, hindi rin naman alam ng mga ito ang tunay na anyo ng kanyang nobyo, para kasi itong lobo na nagaanyong tupa sa harap ng mga magulang niya.

"Hindi na po masyado tay." Matipid ang ngiti niya sa ama.

"Uy! Saktong dating ko!" Nabitiwan ni Yra ang kutsarang hawak ng marinig ang boses ng bagong dating, huh! akalain mo yon? Ung pinagtataguan mo andito ngayun sa harap mo, Patay kang bata ka Yra ihanda mona ang sarili mo sa pagpapaliwanag.

Bakit naman nagpunta agad si Winston dito? Hindi pa sya handang humarap dito.

Nginitian siya nito na parang wala lng dito ang isang buwan na hindi nya pagpapakita dito, at sa tuwing tatawagan siya nito palagi syang nagdadahilan para hindi ito makita, dalawang lingo rin siyang nagkampo sa bahay ni Heshi para lang di sya maabutan nito sa bahay niya pag nagpupunta ito.

Iniabot ni Winston ang pasalubong na eggpie sa nanay niya.

"Ano kaba namang bata ka, hindi kana nakapunta dito ng walang pasalubong." iminuwestra pa ng tatay niya ang bakanteng upuan sa tabi nya "maupo ka na jan at sabayan mo kaming kumain."

"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" matapos silang kumain ay hinila siya niya ni Winston palabas sa bahay nila. ito na nga po! Simula na ng interogasyon. Napapikit ng mariin si Yra. Inihanda na niya ang sarili kanina habang kumakain sila dahil siguradong mapapasalang na sya sa HOT SEAT.

"Ilang beses akong nagpabalik balik sa bahay mo pero wala ka! Tapos ano? malalaman ko na lang na ibang tao na pala ang nkatira sa bahay mo." Matalim na tingin ang ipinukol sa kanya ng nobyo niya. Napabuga sya ng hangin, ok simulan na ang laban.

"Winston, magbreak na tayo." Diretsong sabi niya dito.

Natigilan ang nobyo sa tinuran niya, mukhang nabigla ito. "We both need breaks. Napapagod na ako sa nangyayari satin, hindi ko alam kung may patutunguhan pa ang relasyon ito." Tsaka marami ka pa naman reserba! gusto sana niyang idagdag.

"Ano bang sinasabi mo Yra?" singhal nito sa kanya. "Nasisiraan kana ba? Wala ka namang dahilan para makipaghiwalay sa akin. Ano bang iniisip mo ha?" nanlilisik ang mga mata nito sa kanya.

"Alam ko kung anong ginagawa mo Winston, hindi ka pa rin tumitigil hanggan ngayon, ilan ba ng syota mo ngayon? Tatlo o apat?" nangingilid na ang luha ni Yra "reserba mo lang naman ako diba? Kailangan mo lang ako pag wala kang mapag libangan. Hinahanap mo lang ako para makasigurado kang may babalikan

ka! para pag iniwan ka nilang lahat may matitira pa rin sayong isa." hindi na nya napigilan ang pagpatak ng luha niya.

"Babe, hindi un ganon, ok. Naglilibang lang ako." Nag iba ang ekspresyon ng mukha nito. Biglang umamo ang tinig nito. "Wag kang magisip ng ganyan ha." iniwasan ni Yra ang kamay ni Winston ng tangkain siyang yakapin nito. "Babe ano ba?" samo nito sa kanya.

"Umuwi ka na Winston, tapos na tayong magusap." Itinulak pa niya ito ng bahagya "at wala na tayong paguusapan pa."

"Yra!" tinangka pa siyang pigilan nito pero hindi niya ito pinansin at dali dali na syang pumasok sa loob ng kanilang bahay.