webnovel

My Air to breathe

Pareho lang kayo Yra! Kung ikaw ay nagising sa kama ng iba, siya naman ay nagising na may kasamang iba!

Anne_ter17 · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
101 Chs

Chapter 16 Scared

"I never go back on my words." Paulit ulit na nagrereplay iyon sa utak ni Yra, di niya mapigilan ang mapangiti habang nanonood ng paborito niyang anime na Naruto the last movie.

Dahil sinabi ng bida doon ang exact lines na iyon sa kanyang pinakamamahal while saving her from the enemies. "kaya pala nadaan ako sa ninja moves ng isang yon!" napahalakhak na lang siya sa sarili dahil sa naisip nyang iyon.

Its been five days since that incident happened sa bahay niya. Saturday night and shes in her house watching that anime movie instead of going out, mas gusto nyang magkulong sa apartment niya, pinagiisipan pa rin ang gagawin kinabukasan, dahil makikilala na niya ang mga magulang ni Jion.

Araw araw siyang tinatawagan ng binata, sinusundo rin siya nito sa trabaho pero hindi na ito nagtatagal sa apartment niya. Hindi na niya pinaluwas sa maynila ang mga magulang dahil sa laguna rin daw nila gaganapin ang meetings ng kani- kanilang pamilya. Si Jion mismo ang tumawag sa tatay ni Yra para ipaalala ang pagdating ng kanyang mga magulang na ikinatuwa naman ng tatay niya.

Humanga si Yra sa sobrang ganda ng view sa lugar na iyon. Isa itong parte ng bundok na naghahati sa pagitan ng laguna at batangas, binili ito ni Jion at Under construction pa, binabalak daw niya itong idevelop para maging animal and bird sanctuary.

Ipinagmamalaki ni Jion na wala ni isang puno silang pinutol doon, mula sa pinaka ibaba ng bundok ay dalawang kilometro pa ang nilakad nila ni Heshi pataas para lang marating ang pinaka patag na bahaging iyon ng bundok hingal na hingal silang magkaibigan, bagaman maaring gumamit ng sasakyan mula ibaba hanggang sa parting iyon ay mas pinili nilang maglakad dahil nakakaengganyo ang kalikasan, may mangilan ngilang bahay silang nadadanan at lahat ng makasalubong nila doon ay bumabati sa kanila. Ilang beses silang nagpahinga sa daan bago nila naakyat ang parting iyon, sa di kalayuan ay tanaw nila ang dalawan- daang baiting na hagdan paakyat sa mas mataas pang bahagi ng kabundukan iyon.

Nagkatinginan nalang silang dalawa ni Heshi. Nagsimula silang akyatin ang sementadong hagdan, tatlo hangang apat na katao lamang nag kasya doon kaya medyo mabagal silang umakyat dito. Sa tuktok noon ay may maliit na simbahan. Pagtapak ni Yra sa huling baitang ay kaagad niyang nasambit ang salitang " salamat sa Dyos!" sabay nagpakawala siya ng !malakas na paghinga.

"Kambal!" pagtuntong naman ni Heshi sa huling baitang ay kaagad itong naupo sa lupa, "ung mga paa ko! Ayy! ayaw nang humakbang!" ani heshi habang naghahabol ng hininga sa sobrang pagod.

Nilingon ni Yra ang pinanggalingan nilang magkaibigan, nalula siya sa taas ng kanilang kinatatayuan, "Wow!" sambit niya habang minamalas ng kanyang mga mata ang napaka gandang tanawin sa lugar na iyon, tanaw na tanaw niya ang napakalawak na kapatagan sa ibaba.

Ang buong kabayanan at halos ang katabing bayan sa paligid nito. Kinuha niya ang cellphone at itinutok sa view doon, pero bago niya napindot ang click botton ng telepono niya ay nagdilim na ang buong monitor noon.

Nilingon niya ang nagmamayari ng kamay na humarang sa camera lens ng cellphone niya. Sinalubong ang mukha niya ng isang bottled water at ng pinakaguwapong mukha sa mundo, si Jion iyon nakangiti sa kanya.

"kala ko di mo na ako sisiputin eh!" sinundo kase ng driver nito ang parents niya, pero sinabi niyang hindi siya sasabay sa mga ito. Dahil may kailangan pa siyang tapusing trabaho.

Tinanggap niya ang tubig at lumagok ng kaunti doon, "worth it naman ang pagod ko, napakaganda ng lugar na ito!" kahit sobrang sakit ng kanyang paa sa layo ng kanilang nilakad, "Tsaka matagal na akong di nakapagexercise ng ganito katindi ha! Siguradong bukas di ako makakalakad nito."

"Okey lang yan, I'll give you a foot massage later." he gave her a wink.

"Hey! Andito pa ako." Tawag pansin sa kanila ni Heshi, "mamaya na kayo maglandian pag naitayo nyo na ako!"

"ooops! Sorry kambal." Dali dali niya itong tinulungan makatayo.

"anu ba yan! nakalimutan na agad ako nakita lang si Jion, ganyan ka na kambal ha ipinagpalit mo ako kaagad." kunwaring tampo nito sa kanya.

"kaya nga sorry na agad!" tatawa tawa naman si Yra sa kaibigan na kahit pagod ay di pa rin nakalimutang magdrama.

"Don't worry hipag, my brother will be a bit late but darating sya mamaya. So may magmamasahe din sa legs mo." Ani ni Jion dito.

"Nasan nga pala sila?" hinahanap ni Yra ang mga magulang nila.

"Nasa resthouse, nagpapahinga." Itinuro nito ang kinalalagyan ng bahay nito sa dakong ibaba ng maliit na kapilya. "lets go, they're waiting for you." Anyaya pa nito.

"Wait!" pigil niya sa paghakbang ni Jion, "hihinga lang ako!" hinawakan niya ang dib-dib at paulit ulit na nagbuga ng hangin.

"Are you scared?" tanong ni Jion sa kanya. "they wont bite you!"

"Hindi no! im just tired, nakakapagod kayang umakyat tsaka nakakapawis. Pwede bang mag refresh muna kami sandali?" ngayun lang nagsink in uli sa utak Yra na mamimeet niya ang parents ni Jion, si Jion na walang pang label sa buhay niya.

"Don't worry kambal, ilang beses ko ng nakausap ang parents nina Jion and im telling you, they are the sweetest and loving parents na makikilala mo." Pang eenganyo sa kanya ni Heshi.

"Hindi naman sila ang inaalala ko." Pahayag niya "kundi ang tatay ko! Baka kung ano-ano ng sinabi noon sa magulang mo nakakahiya!" tinakpan ni Yra ng dalawang kamay ang kanyang mukha.

" Your father loves you so much, so im sure that he will never make you feel uncomfortable with this." Jion gaves her a little pat on Her back.

Go Yra kaya mo yan!, bulong niya sa sarili,I can do this Figthing!

Wahh! Sinimulan niya ang paghakbang patungo sa kinaroonan ng mga magulang nila.