webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
463 Chs

Kabanata 77

At umalis na nga yung dalawa "Sigh...si Kelly talaga." Ang sabi ni Kim.

Kian: Bumili ka ng icecream? Ikaw??

Kim: Ha---ha---ha...bigay lang talaga yun sakin ni Yannah. Hehe

Kian: Sabi na eh wala pang sweldo eh kaya malabong bumili ka. Tsss....

Kim: Well...

Napatingin si Kian kay Kevin na walang kibo "Hoy! Bakit parang tulala ka ata diyan? Ha? Kevin?" Aniya.

Kevin: Ano yon? May sinasabi kayo?

Kim: Lutang! Ano bang problema mo?

Kevin: Ha? Wala masyado lang akong nabusog.

Kian: Na busog? Eh ni di mo pa nga nauubos yang pagkain mo.

Kevin: Ahhh...oo nga pero busog na ko sige aakyat na ko sa kwarto ko.

Kim: Hindi ka ba mag i-ice cream? May uwi ako eh.

Kevin: Hindi na salamat nalang.

Kian: Sandali nga! Maupo ka.

Kevin: Wala ako sa mood kuya bukas nalang.

At iniwan na nga niya yung dalawa "Aba't!" Ang sabi ni Kian.

Kim: Hayaan mo na baka may problema kay Mina.

" Ere na ang icecream" Ang sabi ni Kelly na excited.

Jacob: Oh? Nasan na po si tito Kevin?

Kelly: Ah? Oo nga nasan na yun?

Kian: Wala, hayaan niyo na bilis kainin na lang natin yan.

"OKAY!!!" Ang sabi nila Kelly at Jacob na hyper na hyper.

Kim: Kanina ba nag away sila Kevin at Mina?

Habang nakuha ng icecream "Ha? Di ko alam nung umaga lang kasi asa DLRU si kuya Keith eh tapos sabi niya pupunta raw sya sa DLRH kasi may duty raw kaya di ko alam." Ang sabi ni Kelly.

Kim: Mukhang may problema ang tukmol na yon.

Kian: Hayaan mo na baka kailangan lang ng space at ikaw kumuha ka na rin ng sayo tignan mo oh? Mauubusan ka na ng dalawa.

Kim: Hoy!!! Tirhan niyo naman ako.

"Bleeeh..." Ang reaksyon nila Kelly at Jacob.

Habang nakain sila ng icecream na patingin si Kelly sa kwarto ni Kevin "Ano kayang pinagmamaktol ni kuya Keith?" Ang pabulong niyang sabi.

Jacob: Ano po yon?

Kelly: Wala! Kumain ka na nga lang diyan.

Makalipas ang ilang oras,

Nakatulog na si Kelly pero naalimpungatan ito "Mmmm...nauuhaw ako.." Aniya at kinapa niya yung side table niya.

"Ay, wala pala akong tubig dine."

Bumangon siya "Ha? Nako! Dine na naman pala nakatulog si Siopao lagot na naman ako kay kuya Kian bukas."

"Tsk...hiyain na nga."

Nilagyan niya ng kumot si Jacob at hinalikan sa noo "Sweetdreams baby boy."

Lumabas si Kelly ng kwarto niya ng dahan-dahan at paglabas niya nakita niyang bukas ang kwarto ni Kevin "Kuya?"

Paglingon ni Kevin "Oh? Bakit gising ka pa?"

Kelly: Nauuhaw kasi ako eh ikaw? Anong ginagawa mo? Bakit gabi na eh di ka pa tulog?

Kevin: Ah...may tinatapos lang akong research matutulog na rin ako.

Kelly: Midnight snack?

Kevin: Sigh...sige.

Sa Kusina,

Kelly: Kuya gusto ko ng noodles.

Kevin: Tsss...kala ko ba eh iinum ka lang?

Kelly: Ehhh...nagugutom na rin ako eh. Hehehe...

Kevin: Sige na maupo ka na muna diyan.

Kelly: Um...

Kevin: Spicy o original?

Kelly: Both!

Kevin: Heh! Gabi na wag ka ng magpakabusog.

Kelly: Tsss...tanong tanong pa.

Kevin: Hati nalang tayo sa original para makatulog ka agad may pasok ka pa bukas.

Kelly: Oo na!

Kevin: Sige magluluto na ko.

Kelly: Umm...kuya?

Kevin: Ano?

Kelly: Sabi nila kuya Kim at kuya Kian may problema ka raw bakit nag away kayo ni Prof.Mina?

Kevin: Ba'y hinde!

Kelly: Eh, bakit parang wala ka sa mood?

Kevin: Sigh...wala lang yon.

Kelly: Bakit nga?

Kevin: Ahm...baby may kaibigan kasi ako eh sabi niya lalayuan raw niya ko pero wala namang rason para doon. Anong mararamdaman mo pag ganon?

Kelly: Uhm...wala.

Kevin: Wala?

Sa isip-isip ni Kevin "Poor Patrick...nakakaawa ka."

Kelly: Pero in a nice way.

Kevin: What do you mean?

Kelly: Siguro hindi niya masabi yung reason niya kasi may reason pa siya na dapat itago kumbaga sa loob ng box may box pang maliit na nakapaloob. Kaya wala akong mararamdaman kung lalayuan na niya ako kasi hindi ko naman alam ang buong kwento eh.

Sa isip-isip ni Kevin "She really is a grown up lady now. I'm proud of our bunso sana nakikita siya ni daddy."

Kelly: Pero, kung malaman kong wala naman palang kwenta ang rason niya humanda siya!!!

Kevin: Ha---ha---ha...ganun ba?

Kelly: On the other side naman kung good reason naman ang pag layo niya sakin ay syempre malulungkot ako kasi mawawalan ako ng kaibigan hindi kasi basta-basta nagkakaroon ng tunay na kaibigan kaya kung malapit siya sakin at may good reason siya sobrang malulungkot ako kasi iiwan niya ko. Kilala niyo ko ayoko ng may umaalis.

Kevin: O---oo naman.

Umapaw na yung niluluto ni Kevin "Kuya yung noodles."

Kevin: Ha? Oo nga pala sandali lang.

Nataranta na si Kevin "Kung may aalis may darating naman pero kung yung umalis ay di gaya ng dumating hindi rin ako magiging masaya. Ang sabi ni Kelly sa isip-isip niya.

Kevin: Baby, pakikuha naman ang basahan.

Kelly: Ah...oo kuya.

Kinaumagahan,

"Morning guys." Ang bungad ni Kevin.

"Morning..." Ang sabi nila Kim at Kian na naghahanda ng almusal nila.

Kevin: Si Kelly? Di pa gising?

Kian: Wala raw pasok eh.

Kevin: Ha? Bakit di niya na banggit sakin kagabi?

Kim: Pano umakyat ka na sa kwarto mo di ba?

Sa isip-isip ni Kevin "Nako, kung malaman nila kuya na nag midnight snack kami ni Kelly ng noodles yari na naman ako."

Kian: Sino ang nagluto ng noodles sa inyo?

Kevin: Ba! Hindi ako.

Kim: Lalo naman ako sabay-sabay naman tayong natulog kagabi di ba?

Kian: Sino si Kelly? Pero di niya alam ang taguan ko ng noodles.

Kevin: Ah..eh...baka naman may daga.

Kim: Oo nga parang ang lalaki ng daga satin mag lagay nga tayo ng pain.

Kian: Sabagay, may ngatngat nga rin yung naiwan kong biscuit dine.

Kevin: Ohhh...baka nga ang laki ng daga dine satin.

"Buti nalang nakalusot." Ang pabulong bulong na sambit ni Kevin.

Kim: Ano yon Kevin?

Kevin: Ha----ha----ha....wala naman.

Kian: Nga pala, may utang ka pa samin.

Kevin: Ano? Kailan naman ako nagkautang sa inyo?

Bineltukan siya ni Kim "Sira! Niliteral mo naman."

Kian: Oo nga utang na kwento bungol.

Kevin: Ahhh...yun pala kala ko pera eh.

Kian: So, ano? Break na kayo ni Mina?

Kevin: Ba'y hinde! Grabe naman.

Kim: Eh bakit nga wala ka sa mood kagabi.

Kevin: Ahhh...yun ba wala yon di naman tungkol sakin yun.

"Eh kanino?" Anila.

Sa isip-isip ni Kevin "Hindi ko pwedeng ikwento sa kanila ang nalaman ko baka madulas sila kay Kelly mahirap na."

Kian: Huy!

Kevin: Ah...sa kapwa ko lang yun nurse wala yon di niyo rin naman kilala kaya wag niyo ng alamin.

Kim: Sigurado ka????

Kevin: O---oo naman.

Kian: Tiyakin mo lang na di yan tungkol sayo o kahit sino dine satin dahil lagot ka talaga!!!

Napalunok si Kevin at sinabing "O---oo nga masyado laang kayong paranoid."

Kian: Nga pala, malapit na ang birthday ni daddy anong balak niyo?

Kim: Ahhh...oo nga sa Sunday na yon.

Kevin: Parang lately tuwing weekend may mga events tayong ganap ano?

Author: Ganun talaga para masaya.

"Ano yon?" Ang sabi ni Kevin na palinga-linga.

Kim: Ha?

Kevin: Di niyo yun narinig? May nagsalita.

Kain: Gutom lang yan maghain ka na at kakain na tayo.

Kevin: Pero may nagsalita talaga.

Kim: Kulang ka ata sa tulog eh kaya kung ano-ano na yang naririnig mo.

Kevin: Baka nga pero sa linggo na nga ang birthday ni daddy anong gagawin natin? Gaya ng dati?

Kim: Ano pa ba?

Kian: Pero syempre may konting pagbabago dahil papakilala natin si Siopao.

Kevin: Ahhh...oo nga tsaka wala rin si kuya Keith.

Kian: Mag video call nalang daw.

Kevin: Ohhh...sakto wala naman akong duty noon sa ospital kaya count me in.

Kim: Yep, syempre ako rin.

Kian: Well, alam ko naman tsaka di rin naman papayag si Kellang na di tayo kumpleto sa araw na yun magagalit siya.

"Yeah..." Anila.

Alas dyis na ng umaga,

"Knock...knock..."

Kian: Kelly, gising na aalis na muna ako.

Binuksan ni Kelly ang pinto "Bakit kuya? Saan ka pupunta?" Ang papungay pungay na sabi ni Kelly.

Kian: Anak nang! Anong nangyare sa mata mo? Nag puyat ka na naman? Si Jacob?

"Morning daddy." Ang hyper na hyper na sambit ni Jacob.

Kian: Sigh....kala ko ikaw rin mala panda na gaya ng tita mo.

Kelly: Maaga yang natulog di ko na nga lang nailipat sa kwarto niyo di ko siya kaya eh tulog ka na rin kasi kaya di na kita ginising.

Kian: Oh...sige maiwan ko na muna kayong dalawa ikaw na munang bahala kay Jacob mamalengke lang ako.

Kelly: Okay walang problema.

Jacob: Daddy, sama ko?

Kian: Hindi na nak ako nalang.

Jacob: Um...pero yung usapan po natin ha?

Kian: Ah? O---oo sige.

Kelly: Usapan? Ano yon?

"Wala..." Anila.

Kian: Sige na aalis na ko yung pinto ilock nyo pagka alis ko.

"Okay." Anila.

Pagkaalis ni Kian ni lock ni Kelly ang gate at pinto at bigla namang may nag doorbell "Ba naman yan kung kailan nasa loob na ko tsaka naman may mag do-doorbell asara ha!"

"Ding...dong..."

Kelly: Tsk...oo andiyan na.

Binuksan naman ka agad ni Kelly yung gate "Ano pong kailangan nila?"

Delivery guy: Delivery po para kay Mr. Kian Ezekiel Dela Cruz.

Kelly: Kuya ko po sya.

Delivery guy: Ahh....sige po kayo nalang po ang pumirma.

Kelly: Okay.

Binigay naman nung delivery guy yung brown envelope kay Kelly pagtapos nireng pumirma "Thankyou po." Aniya.

Delivery guy: Happy to serve you Ma'am.

Kelly: Okay?

At umalis na yung delivery guy "Tita Kelly, sino yon?" Ang bungad ni Jacob.

Kelly: Ah...may nag deliver kasi nireng brown envelope para sa daddy mo.

Jacob: Ohhh...ano po kaya yan?

Kelly: Di ko rin alam eh pero mukhang importanteng mga dokumento.

Jacob: Ahhh...ganun po pala.

Kelly: Siya sige pumasok na tayo baka mawala pa ire lagot ako kay kuya.

Jacob: Okay po.

Makalipas ang 30mins,

Di mapakali si Kelly at nakatingin lang sa brown envelope " Tita Kelly!!!" Ang sabi ni Jacob.

Kelly: Ha?

Jacob: Kain na po tayo!

*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

lyniarcreators' thoughts