webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
463 Chs

Kabanata 75

Sa Sala,

Nakaupo ang magkakapatid at si Jacob habang kausap sa laptop via video call si Keith "Baliw ka talaga kuya Keith!!!" Ang sabi ni Kelly.

Keith: Ahahaha...sorry na di ko kasi alam kung saan ko ilalagay yan gusto ko lang naman na di niyo ko ma-miss.

Kian: Bungol ka!

Kevin: Irit na si Kelly eh kala naman namin ni kuya Kim kung ano na sira ka talaga.

Kim: Kaya nga madapa-dapa na ko sa pag punta sa kwarto ni Kelly tukmol na ito! Lagot ka sakin pag uwi mo.

Keith: Ahahahaha...sayang at di ko nakita ang mga reaksyon niyo. Pero ang brave naman ng Siopao namin.

Jacob: Syempre naman po.

Keith: Good Job ka! May pasalubong ka kay tito pag uwi.

Jacob: Salamat po pero kahit wag nalang.

Keith: Bakit naman?

Jacob: Tsss...kung kayo po ang magbibigay di nalang po.

Kelly: Ahahaha...see, kahit yung bata di mo maloloko baka mamaya mag uwi ka na naman ng manok at kambing dine.

Keith: Aba, ang mga lintek na ito investment yun kita mo nga may mga itlog na tayong nahaharvest sa manok diyan.

Kian: Ang kalat naman lagi sa likod sino na ang maglilinis nun ngayon? Aber?

Keith: Aba'y, kayo-kayo na muna kayo naman makikinabang diyan eh.

Kim: Pag wala na kaming pambili ng ulam uulamin na namin mga yon.

Keith: Hoy! Sige subukan niyo lang malilintikan talaga kayo sakin.

Kevin: Tsss...talaga lang ha?! Umuwi ka nga.

Keith: Ewan!

Kian: Oh? Eh, bakit ikaw lang nasan si Faith?

Kelly: Oo nga si ate Faith gusto kong makita.

Keith: Aba't ako hinde?

Kelly: Pag-iisipan ko.

Keith: Tsk...ewan...Honey, tawag ka ni Kelly.

"Oo sandali lang." Ang sabi ni Faith sa likod.

Kelly: Ate Faith!!!

"Hello, sa inyo..." Ang bungad ni Faith.

Kelly: Kamusta ka na?

Kevin: Oo nga anong gender ni baby?

Kian: Nalaman niyo na ba?

Keith: Wala pa excited kayo diyan bukas pa kami matutuloy sa OB niya.

Jacob: Sana po boy para may kalaro na ko.

Kim: Oo nga sana kasing lusog din ni Siopao.

Kelly: Kahit ano basta healthy.

"Yeah..." Reaksyon ng lahat.

Faith: Salamat sa inyo. Ingat kayo diyan kami ng bahala kay Keith.

Kian: Ayos lang pahirapan niyo yan.

"Oo nga." Anila Kelly maliban kay Jacob.

Keith: Mga bwiset talaga kayo kahit kailan buti pa si Siopao.

Jacob: Ho? Di lang po ako nakisabay pero tita Faith ayos lang po turuan niyo ng gawaing bahay yang si tito Keith.

"Ahahahaha..." At nag tawanan silang lahat.

Keith: Ikaw!!!

Kian: Hahahaha...tama na nga yan tawagan mo na rin si Mama mamaya sabihin mo nakarating ka ng maayos sa Bulacan.

Keith: Oo sige, bye na sa inyo wag niyo kong ma-miss.

"Hindi talaga!" Anila.

Keith: Ewan ko sa inyo.

Kelly: Bye ate Faith ingat ka po palagi.

Faith: Salamat kayo rin diyan.

Kim: Sabihan niyo kami pag may kailangan kayo.

Kevin: Oo nga ate Faith.

Faith: Sige salamat sa inyo.

Jacob: Bye tita Faith.

Faith: Bye little boy.

Keith: Hoy! Andine din kaya ako.

Kelly: Ahahaha...sige na bye na rin kuya love you both.

Keith: Sus! Love you all.

Kian: Sige na mag pahinga na kayo.

Keith: Um...sige ingat kayo diyan.

Kian: Okay, ikaw na mag end ng call.

Keith: Um.

Kelly: By ekuya.

Keith: Bye.

At nag end na nga sila ng video call "Sigh..." Ang pabuntong hininga nilang reaskyon lahat.

Tumayo sa unahan si Jacob "Ayos lang po yan happy po si tito Keith kaya dapat happy din tayo para sa kaniya." Aniya.

Kim: Nga naman uuwi rin naman si Keith.

Kian: Ano Kelly? Ayos ka lang?

Kelly: Ha? Oo naman kuya.

Kevin: Sus...

Kim: Nga pala kanina nung dumating kayong dalawa ang sama ng mood niyo anong problema niyo?

Nagkatinginan yung dalawa at sinabing "Wala lang yon kuya." Anila.

Kian: Kevin? Ano yon?

Kelly: Wala lang yon kuya si kuya Kevin kasi nang aasar na naman. Yun lang yon di ba kuya?

Kevin: Ha? O—oo yun lang yon inaasar ko lang sya kasi nga malungkot na agad kaalis lang ni kuya Keith eh ang oa ka ko.

Kelly: Oo yun lang yon kuya...Ah...nga pala may kailagan pa akong gawin tataas na muna ako. Siopao sama ka?

Jacob: Opo.

Kian: Hep!

Kelly: Bakit kuya?

Kian: Jacob, hindi ka matutulog sa tabi ng tita mo okay?

"Sigh...kala ko naman kung ano na." Ang pabulong-bulong na sabi ni Kelly.

Jacob: Tsk...opo.

Kian: Siya sige na Kelly wag kayo mag puyat may pasok ka pa bukas.

Kelly: Okay, hatid ko nalang si Siopao sa kwarto niyo.

Kian: Sige.

Kelly: Lika na baby.

Jacob: Opo.

Pagtaas nung dalawa "Kevin!" Ang sabi ni Kian at Kim.

Sa isip-isip ni Kevin "Kala ko makakalusot na ko di pa rin pala. Sigh...sorry Kellang! Pero mahal ko pa ang buhay ko."

Sa bahay nila Patrick,

"Magandang gabi Sir Patrick." Ang bungad na sambit ni Manang Tina.

Patrick: Shhhh..Manang wag kang maingay baka makita ako ni ate May.

"PATRICK!!!!" Ang pasigaw na sambit ni May na nasa second floor.

Patrick: A---ate...Kailan ka pa diyan?

May: Bilisan mo! Maguusap tayo.

Patrick: O---oo andiyan na. Sigh...

Tina: Goodluck sir.

Patrick: Salamat Manang.

May: Patrick!!!

Patrick: Oo papariyan na.

Sa Study Room,

Nakaupo si May at may hawak na libro "Ano? Tatayo ka nalang ba diyan?"

Patrick: Oo eto na nga.

May: Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ang labasan niyo ah. Saan ka na naman ng galing?

Ibinaba ni Patrick ang bag niya at kumuha ng libro "Nagkayayaan lang kumain sa labas."

May: Kasama si Kelly?

Patrick: Hindi nga eh.

Binato siya ni May ng libro "Aray! Ate naman!"

May: Biliasan mo pulutin mo!

Habang pinupulot "Itatapon tapon mo sakin tapos papapulot mo rin. Baliw!" Ang pabulong-bulong na sabi ni Patrick.

May: May sinasabi ka?

Patrick: Wala ere na nga oh!

May: Galit ka?

Patrick: Ha----ha---ha...hindi po kamahalan.

Pabulong-bulong "Tsk...asar! Kung di lang kita ate eh. Nako!" Dagdag pa niya.

May: Maupo ka diyan!

Patrick: Um.

May kinuha si May na brown envelope at inabot kay Patrick "Oh, basahin mo nalang pag nasa kwarto ka na." Aniya.

Patrick: Ano ba ito te?

May: Mga important papers yan ni Daddy.

Patrick: Important papers? Bakit mo ibibigay sakin? Kung importante pala eh itago mo nalang ah. Baka mawala ko pa yan.

May: Dahil sayo na yan.

Patrick: Ano? Hindi kita maintindihan ate.

May: Sigh...Masasampal na kitang bata ka eh!

Patrick: Bakit ba kasi?!

May: Inilipat na sayo ni Daddy ang lahat ng 75% shares sa lahat ng negosyo natin. Kaya ikaw na ang new Chairman!

Patrick: A---ANO???!!!

Kinaumagahan,

"Knock...Knock..."

Kian: Kelly, bumangon ka na malelate ka na.

Pagbukas ng pintuan "Ready na ko kuya." Ang tugon ni Kelly na naka uniporme na.

Kian: Eh?

Kelly: Ayos ba? Ang aga ko noh?

"Oh? Himala ang aga mo nagising at naka uniporme ka na agad?" Ang bungad na sabi ni Kim.

Kelly: Well, maganda ang gising ko tara na! Anong agahan?

At bumaba na si Kelly "Si Kelly ba yon? Nakaayos na?" Ang sabi ni Kevin.

"Oo." Anila Kim at Kian.

Kevin: Aba, ang aga ata.

Kian: Bantayan mo ngang mabuti yan ha!

Kevin: Oo na.

Kim: Siguraduhin mo lang! Dahil ikaw ang tatamaan samin.

Kevin: Oo nga! Nga pala, gang kailan ang leave mo kuya?

Kian: Ahh...yun nga eh gang ngayong week nalang at di ko parin alam kung paano si Jacob.

Kim: Isama mo nalang kaya?

Kevin: Sakin pwede siyang sumama kaso baka di nya magustuhan ang amoy ng clinic.

Kian: Bahala na, nakausap ko si Renzo pauwi narin naman daw siya nextweek.

"Ohhh..." Anila Kevin at Kim.

"Mga kuy's kumain na tayo!!!" Ang pasigaw na sambit ni Kelly.

" Oo andiyan na! " Anila.

Sa kwarto ni Kian andoon si Jacob naka silip at nakinig sa usapan nung tatlo "Mukhang, kailangan ko ng gumawa ng moves." Ang sabi niya.

Makalipas ang 30mins,

Nasa sasakyan na sila Kelly, Kevin at Kim "Sige na baka malate pa kayo Kim ingat sa pag da-drive." Ang sabi ni Kian.

Kim: Oo naman Bro.

Kelly: Oh? Wag ka ng sad baby mamaya uuwi agad si tita para may kalaro ka na.

Jacob: Um...

Kevin: Sige na mamaya nalang papasalubungan ka nalang namin okay?

Jacob: Opo.

Kian: Sige na at baka malate pa kayo ako ng bahala dito.

Kim: Sige kuya bye Siopao.

Kelly: Byie...

Jacob: Bye tita Kelly, tito Kevin and tito Kim.

"Bye Siopao." Anila at nag babye na sila at umalis.

Jacob: Bye po!!!

Kian: Anong gusto mong gawin?

Jacob: Po?

Kian: Tayo lang dalawa ngayon saan mo gustong pumunta? May gusto ka bang gawin?

Jacob: Wala naman po pero gusto ko pong umuwi muna samin.

Kian: Saan? Sa bahay niyo?

Jacob: Opo.

Kian: Okay lang naman pero bakit? Tsaka may susi ka ba sa bahay niyo?

Jacob: Wala po.

Kian: Ha? Paano tayo papasok doon?

Jacob: Ayos lang po akong bahala.

Kian: O---okay?

Sa DLRU,

"Morning guys." Ang sabi ni Dave.

Mimay: Ikaw lang? Di na naman papasok si Patrick?

Vince: Oo nga sayang naman ang araw absent na naman siya.

Harvey: Ayos lang may modules naman siya di ba?

Dave: Oo, tsaka di na talaga siya makakapasok magiging busy na kasi siya eh.

Vince: What do you mean? Hindi ba't pansamantala lang naman yon? Kasi may sakit ang daddy niya.

Dave: Oo noon, ngayon kasi siya na talaga ang Chairman.

"ANO???" Anila.

Mimay: Ibigsabihin siya na yung may-ari ng SM?

Dave: Di ko sure pero nabanggit lang kasi sakin yun ni tatay.

Harvey: Sandali lang, hindi ba't ayaw naman talaga ni Patrick na mamahala sa mga negosyo nila? Bakit ngayon siya na yung Chairman?

Vince: Tsaka sabi mo may mga kapatid naman si Patrick di ba?

Dave: Oo pero ayaw ng ate niya na mainvolve sa negosyo nila yung kuya naman nila di mapagkakatiwalaan dahil lulong sa casino.

Mimay: Teka di ko gets eh paano naging Chairman na si Patrick? Nasan ba ang daddy niya?

Dave: Sa ngayon coma si tito at hindi alam kung kailan magigising.

"Hala!" Ang reaksyon nung tatlo.

*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

lyniarcreators' thoughts