webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
463 Chs

Kabanata 420

Dumating na nga ang araw na kinakatakutan ng mga kuya ni Kelly.

"Oh? Aalis kayo mga kuy's?" Bungad ni Kelly na day off ng araw na yon pero maaga syang nagising para mag sulat ng kaniyang nobela.

"Ay palaka!" Pagulat na reaction naman ni Keith at gaya nya na gulat rin ang ibang Dela Cruz brothers na timing na pare-parehas nag sisintas ng kani-kanila nilang sapatos dahil bumilinpa talaga sila para lang da pag sundo sa twins sa airport.

"Hmm? May lakad kayo? Oh, well may pasok nga pala kayo sa tranaho pero bakit hindi kayo mga naka uniform? At bakit... Teka bago mga shoes nyo?!!!"

Sinenyasan ni Kian si Kevin para mag explain kay Kelly.

"Ahm... Kasi bunso ano..."

"Ang daya nyo naman!"

"H... Ha?" Reaction ng mga kuya niya.

"Um. Ang daya nyo di nyo binilahan tapos pare-parehas pa talaga kayo? Ano kayo kambal! Ay hindi, quadruplets pala apat nga pala kayo."

"Ah... Ahm... Hindi bunso ano lang ito nay nag sponsor samin. Di ba mga bro?" Sambit ni Keith na sumenyas dun sa tatlo.

"O-- Oo." Anila.

"Oh? Sino? Sana sinabi nyo rin na may bunso pa kayong kapatid ang daya naman!"

"Don't worry bibilhan ka nalang ng kuya Kevin mo." Sabi ni Kim.

"Ha? Ako?"

Sumenyas naman sa kaniya si Kim "ah... O... Oo naman bibilhan kita sa sweldo ko."

"Tsss! Di na charot lang naman yon. Anyways, bakit pala parang may kasalan o binyagan kayong dadaluhan di'yan sa pormahan nyo? Anong peg nyo naman diyan?"

"Ahm... Ano... Actually, sponsors rin ito samin." Sagot na naman ni Keith.

"Wow! Ang yaman nman at mukhang mga branded pa talaga. Sino ba ang mga sugar mommy nyo?"

Kian bonked him "marinig ka ng mga ate mo baka maniwala nga!"

"Ay, sorry kuya. Ang weird naman kasi ng nga suotan nyo."

"Wag ka ng maraming tanong lakd mag breakfast ka na at aalis na kami kung hindi ka pupunta sa office mo dumito ka lang sa bahay. Okay?"

"Yeah. Busy day ko din kailangan ko mag haitus eh. Ge na, baka malate pa kayo sa senado. Char!!! Hahahaha!" At iniwan na nya ang mga kuya nya na parang na guilty nga sa kasuotan nila.

"Ahm... Sa tingin nyo did we really over do it?" Sabi ni Kevin.

"Yeah. Sabi ko naman sa inyo mag relax lang tayo eh ito naman kasing si Keith! May pa coat pang nalalaman!" Sabi ni Kim.

"Aba! Mabuti ng presentable di ba kuya." Keith said and he is referring to Kian.

"Dalian nyo na at umalis na tayo! Bago pa tayo maabutan dine ni Kelly mag tatanong na naman yon."

"Yes Sir."

At dali-dali na ngang umalis ang Dela Cruz brothers.

"Eh? Di man lang talaga nag paalam sila kuya?" Sabi ni Kelly habang may subo pang sandwich.

"Oh? Bunso."

"Ate Leny! Morning."

"Ah, yeah morning. Pero bakit ang aga mo? Wala kang office today."

"Um. Pero need ko mag sulat mg novel eh."

"Ah... Oo nga pala mag hiatus ka sa novel mo dahil dun sa comics. If kailangan mo ng kailangan just call me."

"Um. Pero ate off ka rin kasi off ako."

"Hehe... Oo kasi boss kita eh."

"Pero bakit ang aga mo na gising gawa ni kuya Kim?"

"Ahm... Hindi na late nga ako ng gising naka alis na ba sila?"

"Um. Ang aga nga eh may alam ka ba sa kanila these past few days kasi parang ang weird nila."

"Ha?"

Naalala ni Leny ang sinabi sa kaniya ni Kim nung nakaraan...

"Ha? Sa underground sila matutulog? Kailangan ayusin natin bago sila dumating para naman hindi nakakahiya." Sabi ni Kim habang may kausap sa phone tapos nakita sya ni Leny na kararating lang galing café ni Kelly.

Nag patay malisya naman si Leny na hindi nya nakita si Kim na may kausap at dumiretso agad sya sa kabinet para kumuha ng damit nyang susuoting pambahay.

"Sige na Kevin, andito na ang ate Leny mo. Ingat ka sa pag uwi."

Matapos nyang kausapin si Kevin pa tingin-tingin sya kay Leny.

"Cough! Cough!"

Napatingin naman si Leny kay Kim bago sya pumasok sa cr "you okay?"

"Ha? Ahm... Actually... Cough! Cough!"

Nakaisip ng idea si Kim para mapansin sya ni Leny kaya kunwari inuubo sya kahit hindi naman.

"May sakit ka ba?"

"Ha? Cough! Cough!"

Lumapit namang agad si Leny kay Kim at hinipo ang forehead nito.

"Wala ka namang lagnat masakit lalamunan mo?"

"Ahm... Cough! Cough! Medyo lang tapos makati kaya siguro ako iniubo."

"Really?"

"Hmm?"

Naalala ni Leny na ayos naman si Kim kanina habang may kausap sa phone kaya using her finger he push Kim to bed to make him lay down.

"Wag mo kong artihan Kimmy! Diyan ka na nga!"

"Hey!!! May sakit nga ako."

"Heh! Tigilan mo ko!"

Hinarangan naman ni Kim si Leny bago ito pumasok sa cr.

"Ano ba? Alis diyan!"

"Bakit ba galit ka na naman? Dahil may kausap ako sa phone?"

"Huh! Paki ko naman kung may kausap ka? Paalala lang dude contracted wife mo lang ako."

"Why you always bringing that things up? Si Kevin lang ang kausap ko!"

"Si Kevin?"

"Um. Kaya wag ka ng magalit kasi may dadating kasi na kamaganak namin dito."

"Kamaganak? Pinsan nyo? Lalaki?"

Kim bonked him "yun talaga ang tanong mo? Baka nakakalimutan mo asawa mo pa rin ako sa papel."

"Contracted! Bakit ba lately kakaiba ka? Kala ko ba may plan ka for Yannah? Ano na? Aba, galaw-galaw baka naman sabihin mo pinapasweldo mo ko ng walang nangyayare."

"Enough! Maligo ka na nga lang!"

Tapos pinagbuksan nya pa nga ng pintuan ng cr si Leny.

"Weirdong Kimmy!"

Then ng makatapos maligo si Leny nagulat syang bigla nag iba ang kwarto nila.

"Nyare? Isekai ba ito? Nasan na ba ko?" Then Kim popped up out of nowhere na may hawak na bath towel.

"Wag kang oa nasa kwarto parin natin ikaw. Kakabasa mo yan ng novels ni Kelly eh. Isekai daw! Mukha mo! Alis ako naman ang maligo napaka tagal mong maligo wagas nakapag linis na agad ako sa tagal!"

"Teka nga! Bakit ba ang weird mo? Di ako sanay na ganyan ka, ikaw? Ikaw talaga?Maglilinis? Sa tamad mong yan? Mag tiklop nga lang ng kumot ayaw mo. Tapos ano to?"

"Tsk! May darating nga kasing kamaganak kaya need mag linis."

"Bakit dito ba sila sa kwarto natin matutulog ha, aber?"

"Actually... Yes!"

"Ano?! Paano ko? Okay lang kay Kelly nalang pala."

Kim bonked her "oa? I'm just kidding inalis ko lang ang nga collections ko baka biglang pumasok sila kuya Flin at kuya Nick dito baka mapagkamalan pa kaming mga baliw."

"Tsss! Sino ba namang hinde? Ikaw insects lover tapos si Keith barbell lover si kuya Kian glass collector si Kevin naman dahil nurse pinuno na ng rubbing alcohol ang room. Si Kelly lang talaga ang normal sa inyo."

"Normal? Normal pa sayo si Kelly? Eh ang dami g hoodies nun sa room nya!"

"At least, hindi nya collection yon mga bigay lang sa kaniya."

"Tsss! Palibhasa secretary ka nya."

"Pero yung sinabi mo na kuya Flin tsaka kuya ano? Mik?"

"Nick!!! As in Dominick!"

"Ohhh... So dalawang lalaki ang dadating? Kailan?"

"Hayssss! Ibang klase ka talaga!!!"

"So what?! Humph!"

"Isa lang talaga sila."

"Hmm? Ano isa pero sila?"

"Yeah. Kasi twins sila identical kaya isang mukha pero dalawa."

"Ohhh... Taga san?"

"From foreign country kapatid namin."

"Hahaha...."

"Ba... Bakit ka natawa?"

"Foreigner kamo tapos kapatid nyo? Nasisiraan ka na ba talaga ng bait? Hahahaha... Bata palang tayo kilala ko kayong Dela Cruz siblings kaya wag mo kong maloko loko Kimmy!"

"Pano kung sabihin kong they're from mommy's first family. Hindi ka parin ba maniniwala?"

"No way! Kaya pala parang kakaiba ka kila Kelly. Ampon ka?"

"Eh kung hindi ko i-send ang sahod mo next month? Gusto mo?"

"Syempre charizzz lang! Pero totoo ba na di ka ampon? Joke lang! Hahaha... Pero anong nga yon?"

"Second family lang kami ni Mom pero hindi alam ni Kelly kaya wag kang maingay muna."

"A--- Ano? Teka nga prank lang ba ito? Nasan ang camera?"

"Haysss... Sabi mo nga di ba kilala mo na ko mga bata palang tayo kaya alam mo kapag nag sisinungaling ako o hindi!"

"Wai... Wait lang... So hindi talaga ito prank?Gra... Grabe naman yung big reveal ng family mo!"

"Yeah... Kaya simula ngayon kasama ka na sa plan namin pero siguraduhin mong hindi makakahalta si Kelly na may inaayos kaming kung ano."

"Pero teka... Bakit hindi alam ni Kelly na may iba pa pala kayong kapatid? Isa pa, bakit need itago kay Kelly? Bakit di nyo nalang sabihin sa kaniya? Sure ako magagalit yun kasi sobra syang mag tiwala sa inyo tapos buong buhay nya pala isang kasinungalingan?"

"Gusto naman naming sabihin pero hindi namin alam kung paano dahil tao lang naman kami may emosyon. Galit rin kami ng malaman naming 2nd family lang pala kami ni Mom. Mahirap rin para samin na isekreto yun kay Kelly at sa iba pa naming kamaganak dahil alam naming mahuhusgahan nila si Mommy."

"Yeah... Kapitagpitagan pa naman ang mga Dela Cruz sa probinsya natin dahil mga pulis at sundalo ang mga relatives nyo. Pero paano nyo sasabihin kay Kelly?"

"Sa ngayon, di pa rin talaga namin alam bahala na kailangan muna namin makilatis yung kambal dahil sa picture lang namin sila nakikita."

"Ohhh... Nakaka excite naman yon dude!!!"

"Talaga? Nakakaexcite?" Pero yung reaction nya towards Leny para bang inis na inis na.

"Ha? Ano... Sabi ko maligo ka na. Ha... Ha...Ha..."

"Labas!!!"

At pinalabas nga ni Kim sa kwarto nila itong si Leny.

"Hoy Kimmy! Buksan mo ang pinto! Kimmy!!!"

"Ate Leny?" Bungad ni Kelly.

"Oh! Andito ka pala KELLy!!!" Nilakasan nya talaga yung pag sabi nya mg Kelly para marinig sya niya ni Kim.

"A... Ahm... Nag aaway ba kayo ni kuya?"

"Hinde KELLy!!! Hindi kami nag aaway. Don't worry about us KELLY!!!"

"O... Okay? Pero ate, di po ako binge. Hehe..."

"Ah... O... Oo naman sorry. Ha... Ha... Ha..."

"Tara na po sa baba? Gutom na ko."

"Um. Sige bumaba na tayo KELLY dun na tayo mag usap KELLY!!!"

"A... Are you really okay ate?"

"Oo naman KELLY. Tara na bumaba na nga tayo KE..."

At di na nga natapos ni Leny ang sinasabi nya dahil hindi sya ni Kim sa kwarto nila.

"A... Anyare?"

Binuksan ulit ni Kim yung pinto at ng bahagya at sinabing "don't mind us Bunso mauna ka ng bumaba susunod na rin kami ng ate Leny mo."

"O... Oo."

"Okay, bye na sara ko na ha? Lam mo naman nasa honeymoon stage pa rin kami ng ate Leny mo."

"Anong sinasabi mo diyan Kimmy?!" Pa galit na sambit ni Leny pero di masyadong naintindihan ni Kelly.

"Ano raw yon kuya?"

"Ah, wala sige na bye!"

At pinagsaraduhan na nga ni Kim ng pinto ang bunso nyang kapatid na first time nyang ginawa.

"Hayssss... Ganyan na ba talaga pag may asawa? Tsk! Oo na kayo na masaya! Makababa na nga lang at nakakagutom na."

***

Nang makarating ang Dela Cruz brothers sa airport napagkamalan pa silang isang boy band dahil na nga rin sa mga kasuotan nila at may mga gusto pa ngang mag pa picture.

Nakaupo sa isang bench ang mag kakapatid "what the f? Na late na ata tayo dahil sa mga humarang satin." Sabi ni Kim.

"Chill, ayaw mo ba nun mukha tayong celebrity. Lalo tayong di matatalo nung twins pag dating sa charisma at syempre sa kagwapuhan." Ang proud na proud na sambit ni Keith.

"Wow ha? So competition pala ito para sayo kuya?" Sabi ni Kevin.

"Bakit kayo di ba kayo kinakabahan?"

"Sino ba namang hinde? Kahit nga si kuya Kian. Di ba kuya?"

Pero di kumibo si Kian at para bang walang narinig dahil nakatulala lang at alam nilang kapag ganon ang kuya nila.... ay tense ito.

At napatingin nga yung tatlo kay Kian.

" I think alam na ang sagot diyan Keith."

"Yeah."

"Guys?" Sabi ng isang boses lalaki.

"Woah!" Reaction ni Kian na biglang napatayo sa kinauupuan nya.

Sabay- sabay namang napatingin yung tatlo sa tinignan ng kuya Kian nila at gaya nga nito napatayo rin sila at gulat na gulat sa nakita nila.

"Are you guys the Dela Cruz brothers?"

"Ye-- Yes." Anila.

"Hello! Oh, did you know that I'm the eldest son? So you guys supposed to call me "kuya" right?"

"Ye-- Yes!" Sabay- sabay sambit na naman nung apat na para bang biglang naging choir sa sagot nila.

"Ah, my name is Flin Brown did mom told you guys about us?"

"Yes!" Anila.

"Then this is Dominick Brown my twins. Nick! Introduce yourself to them."

"You just say my name why do I need to introduce myself to them? I want to rest."

"Nick!"

"What?'

"It's okay, we understand that both of you are tired. Oh, by the way my name is Kian."

"Yeah. We know you the third eldest son of mom."

"Oh... Yes! It's our pleasure to meet you and..."

"You can just call us from our names if you are not comfortable to call us kuya its not a big deal at all."

"Nick! That's enough!"

"What? Aren't we are just calling our names casually in Canada? Then why do we need to be polite we're just half not full Filipino."

"Nick! I said that's enough! This is our first time to meet them don't be rude I will tell mom about this!"

"No kuya, we understand right mga tol?" Sabi ni Kevin bilang sya ang pinakabata sa kanila doon they need to cut the awkwardness para walang maging gulo kaya nag salita na sya.